EPISODE 01

"Cristine Gentallan's P.O.V"

Lord, give me sign if Tama ba ang gagawin ko. Gusto kung mag serve Sayo. Pero naguguluhan ako.

Sambit ni Cristine habang nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Hindi nya namalayan na lumapit na si Sister Maricar sakanya. At nakikinig lang Ito sakanya habang nagdadarasal.

"Lord, itutuloy ko ba ang pagiging Madre? Alam kung Hindi ko dapat naramdaman ito. Dapat noong tumungtong ako dito sa kumbento ay buo na ang pasya ko. Pero ayaw kung biguin sina itay at inay. Lord bigyan mo ako nang mga senyales."  Wika nya at hiniwakan sya ni Sister Maricar sa kanyang balikat at itoy nagwika.

"Cristine, maari Kang mag silbi sakanya nang Hindi ka Madre. Alam mo ba yun? Kung Hindi ka magiging masaya sa pagiging Madre. Sundin mo ang puso mo. Dahil Hindi madamot si Lord sa atin. Kung ano ang nilalaman ng puso mo ay sundin mo. Basta wag mo lang syang kalimutan." Wika ni Sister Maricar.

"Sister Maricar, patawad po." Umiiyak na wika ni Cristine.

"Naiintidihan Kita. Alam ko din naman na Hindi mo ito gusto. Hayaan mo ako ang kakausap sa mother superior natin." Ngiting Sabi ni sister Maricar.

"Papano sina inay?" Baka ma disappointed ko sila dahil Hindi ako nagpatuloy." Pagaalalang Sabi ni Cristine.

Simula ng araw na yun ay tanging si Sister Maricar lang ang nakakausap ko tungkol sa pagbaback out ko na maging Madre. Suportado naman nya ako, at kumukuha pa din ako ng tyempo para sabihin kina inay tungkol sa aking pagback out. Pero hanggang ngayon ay dinadaga pa din ang dibdib ko.

Hanggang sa isang Gabi..
Habang mahimbing na kaming natutulog sa aming silid. Nagising ako sa isang masamang panaginip.

"Anak, Tulungan mo kami." Sambit ni inay habang umiiyak at may isang maitim na usok ang nakapulupot sa kanilang buong katawan.

"Anak!" Sigaw ni itay ng may biglang malaking apoy ang lumabas Mula sa kanilang kinatatayuan at Wala akong magawa kundi sigaw at iyak lang.

Nagising naman ako ng marinig akong umiiyak ng katabi ko sa pag tulog.

"Cristine anong nangyayari? Binabangungot ka girl." Mahinang Sabi ni Dianne.

"Maraming salamat Dianne, sobrang sama ng panaginip ko. Humihingi ng tulong sina inay saakin." Sambit ko sakanya na kasabay nun ay ang isang malakas na kulog at kidlat.

Ilang sandali pa ay kumatok si Sister Maricar kasama si Sister Mae.

"Mabuti gising kapa Cristine may masama akong sasabihin Sayo. " Paunang Sabi ni Sister Maricar saakin.

Tumitig sya saakin ng tila kinakausap ako na lakasan Ang loob ko at ihanda sa kanyang susunod naiwiwika.

"Sister? Anong balita?" Tanong ko sakanya.

"Tumawag si Gem, Ang kapatid mo. Nawawala ang inay at itay mo." Sabi nya.

"Ha? Papanong nawala?" Kinakabahan kung tanong muli Kay sister Maricar.

Sasagot na sana si Sister Maricar ngunit pinigilan sya ni Sister Mae.

"Wag dito Sister Maricar, sumama ka saamin Cristine. At Ikaw Dianne matulog ka na. "

Nagpaalam ako Kay Dianne at sumunod ako kina Sister Maricar at Mae.
Habang patungo kami sa silid kung saan ako kakausapin ni Sister Maricar.  May nakita akong anino na dumaan. At sa mga oras na iyon ay tanging gasera at kandila lang ang ilaw namin.

Hindi kina sister Maricar at Mae Ang anino na yun.

Pinagwalang bahala ko lang ang aking napansin. Nang makapasok na kami sa silid. Dito ikinuwento ni Sister Maricar ang sinabi ni Gem sa cellphone.

"Katulad ng nasa panaginip ko. Isang maitim na usok o anino ang naka pulupot kina inay at may apoy. "wika ko at nagkatinginan silang dalawa.

"Isa lang ang maaring maka gawas Nyan." Sambit ni Sister Maricar.

"Sister Maricar? Wag!" Saway ni Sister Mae.

"Sister mae. Malaki na si Cristine may Karapatan syang malaman ang mga bagay na tungkol dito. " Medyo mataas na ang boses ni Sister Maricar sa mga oras na ito. Tiningnan ko si sister Mae at napailing nalang ito.

"Ano po ba ang dapat kung malaman?" Tanong ko sakanila.

"Kagagawan ito ng demonyo." Sabi ni Sister Maricar.

"Demonyo? Pero bakit sina itay at inay.?" Tanong ko sakanya.

"Dahil Ikaw ang susi para magbukas ang pintuan sa impyerno. Kaya dito ka nila dinala Cristine upang protektahan." Sagot ni sister Maricar.

"Tama sya Cristine, kami ang inatasan ni mother superior upang bantayan ka. Ngayon, gumawa na sila ng unang hakbang upang lumabas ka." Salaysay ni Sister Mae.

"Kelangan kung iligtas sina inay at itay. Tulungan ninyo ako." Sabi ko.

"Bukas makakalabas ka nang kumbento Cristine. Sasamahan Kita sa paghahanap at pagliligtas mo sa mga magulang mo." Sabi ni Sister Maricar.

"Maricar, Hindi pwde. Wala ka pang sulat galing sa malaking Simbahan na lalabas ka." Saway ni Sister Mae sakanya.

"Ako nalang po sister Maricar, hahanapin ko sina inay. Bahala na!" Matapang kung Sabi.

Kinabukasan, nagpaalam ako sa mga kasama ko sa kumbento, pati na din kina Sister Maricar at Mae.

"Susunod ako Cristine. Kapag may sulat nako sa malaking Simbahan. Tutulungan Kita. " Sabi nya saakin at nagpaalam na ako sakanila.

Habang nasa byahe ako nakatulog ako at napaginipan ko nanaman ang parehong panaginip ko noong unang Gabi na ibinalita sakin ni Sister Maricar.
Humihingi ng tulong sina inay at itay saakin.

Nang magising ako ay muntik na akong lumampas sa Bahay namin.

"Manong para lang ho!" Sigaw ko. Nang makababa ako sa bus.
Agad akong sinalubong ni Gem.

"Ate salamat at nandito kana. " Umiiyak na Sabi nya sakin at Niyakap ko Ang aking nakakabatang kapatid.

"Nandito na ang ate." Sabi ko sakanya upang maging kalmado.

Dinatnan kung nandoon Ang aking Lola at tita.

"Bat kapa nagpagkita dito. Anak ng kadiliman." Bungad ni lola saakin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nawawala sila Kuya."  Dagdag ni tita.

"Sandali Lola at tita walang kasalanan si Ate sa pagkawala nina mama. Kahit Ngayon lang sana magpakita kayo ng respeto sa kapatid ko!" Sabi ni Gem.

Tinaasan lang ng kilay si Gem ng tiyahin namin at nag wika ito ulit.

"Kapatid? Eh Hindi mo naman yan kadugo.  Ikaw lang ang kadugo namin. Hindi yan!" Sabi nya sakin at itinulak ako.

"Magbabayad ka! Ikaw ang salot sa pamilya na ito!" Umiiyak na Sabi ni Lola.

"Lola!" Saway ni Gem sakanila. Ngunit pinigilan ko si Gem.

"Tama na gem, husto na! Tama ka Lola. Ampon lang ako nila pero kelan man Hindi nila saakin pinaramdam na ampon ako. Excuse me. Magbibihis lang ako!" Sabi ko at dumeretchu ako ng kwarto ko.

Pagbukas ko sa pintuan ay walang nagbago sa kwarto ko ganun pa din. Una kung nakita ang larawan namin Nina inay at itay at sa baba nang kama ko ay Ang comics na binabasa ko noong bata ako.
Hindi ko namalayan na napaluha na ako. Naalala ko noon, palagi akong ginuguhitan ni itay ng paborito kung character sa comic na si Inspector Red. Tumayo ako at binuksan ko ang aking cabinet. Doon nakita ko ang isang pamilyar na damit.

"Kapareha ng kasuotan ni Inspector Red. At may Sombrero pa talaga." Nakangiti kung Sabi habang hinahawakan ng sombrero na kulay pula.

Hindi ko namalayan na pumasok na Pala si Gem. At nag wika ito.

"Itinahi yan ni inay para sayo. Alam na Kasi nya na lalabas ka ng kumbento ngayong araw." Sabi ni Gem saakin.  Dahilan na maging emosyonal ako.

"Inay!  Saan ba Kasi kayo?" Umiiyak kung Sabi. Habang pinapakalma ako ni Gem.

"Pangako hahanapin ko kayo. Mag antay lang kayo. Paparusahan ko sila." Sabi ko habang nakayukom ang aking mga kamay.

Itutuloy....

Hi Mahal sana magustuhan din ninyo ang kwento ni Cristine. At sana patuloy pa din kayo sa pag support sa kwento na ito. Maraming slamat Mahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top