Thirteen: Endings and Beginnings
It's been a year nang mawala ang kapatid ko and I really miss him lalo pa't hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Sa sobrang galit ko sa kanya noon ay siya ang sinisi ko sa pagkamatay ng mga magulang namin at mas lalo pa akong nagalit sa kanya dahil ampon lang pala siya pero laging siya ang pinapaboran ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila.
Ngayon ay laking pagsisisi ko dahil naging maldita ako sa kanya kahit na alam ko namang puro kabutihan ko ang iniisip niya, ni hindi man lang siya nagalit sa akin sa mga inasal ko. Kung alam ko lang sana na ganoon ang mangyayari, sana naging mabait nalang akong kapatid. Pero alam kong wala ng magagawa ang lahat ng mga sana ko dahil wala na siya at hindi ko na siya makikita at makakasama.
FLASHBACK
Ayoko pa sanang bumangon pero dahil sa walang humpay na katok sa pinto ng kwarto ko ay padabog akong bumangon at binuksan ito. Lalo lang naging pangit ang umaga ko nang makita ko kung sino ang katok ng katok ng ganito kaaga.
"What do you need?" galit na tanong ko.
"I'm just here to greet you a Happy Birthday and to give you a gift," nakangiting pahayag ni Light, ang kuya kong kinamumuhian ko.
"Ano namang Happy sa araw na ito kung ikaw lang din ang una kong makikita at aanhin ko naman iyang regalo mong iyan?" taas kilay kong tanong sa kanya na nagpawala ng ngiti niya.
"I know that it's hard for you to forgive me pero sana just this time please accept this gift, promise it will be the last gift I will give you," iniabot niya sa akin ang isang nakabalot na maliit na kahon na kinuha ko naman at sinara ko na ang pinto.
Pagkapasok sa kwarto ko ay agad kong itinapon sa basurahan ang regalo at ginawa na ang araw-araw kong gawain, ang maligo, mag-ayos at magpaganda. Dumeretso ako sa kusina at lalo lang nasira ang araw ko dahil nandoon pa ang bastardo kong kapatid.
"Wait Zayrin," tawag niya pagkatalikod ko. Hindi ko siya gustong makasama lalo na sa araw na ito pero talagang sinusubok niya ang pasensiya ko.
"What?!" asar kong tanong sabay harap at irap sa kanya.
"I have a reservation for a dinner in Monteverde and I want you to be there, para naman makapagbonding tayong dalawa," nakangiting pahayag niya.
"Fine," sagot ko para na rin hindi na niya ako kulit-kulitin at iniwan ko na siya doon.
Buong araw akong nagshopping at namasyal, inubos ko ang oras ko sa pamimili ng mga damit, sapatos, alahas at kung anu-ano pa. Ginabi na ako sa pagliliwaliw ng marinig ko ang walang humpay na pagring ng phone ko kaya sa sobrang inis ay inoff ko ito.
Madaling araw na akong nakauwi at mukhang walang tao sa bahay pero okay na rin iyon para makapag-isa naman ako. Pagkagising ko ay agad bumungad sa akin si Attorney Legaspi.
"Kayo pala Attorney ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" nagtatakang tanong ko.
"Ms. Villanueva, your brother has passed away last night that is why I am here to give you his last Will and Testament," malungkot na balita niya na gumulat sa akin.
"What do you mean passed away, you're lying right? Pa'no siya mamatay eh ang lakas lakas pa niya? Stop playing jokes with me," hindi makapaniwalang pahayag ko. Imposibleng mangyari ang sinasabi niya.
"I'm sorry, but your brother has cancer. Nasa fourth stage na ang sakit niya at binigyan na rin siya ng taning ng doktor kaya hindi na niya itinuloy pa ang chemotherapy dahil wala na rin itong epekto sa kanya. It was sudden, habang nasa restaurant siya at hinihintay ka ay bigla nalang siyang nagcollapse. We were calling you many times but you were not answering. His body was already fragile, actually bawal sa kanya ang mapagod o mastress but he insisted that he would wait for you then this happened." sagot niya. Hindi na ako nakapagsalita at wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya. "Ms. Villanueva I hope that just this time, please help in preparing for you brothers wake and burial since you are the only family he has left. I will take my leave now Ms. Villanueva," paalam ni Attorney na tinanguan ko lang.
Tulala akong pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama habang hawak-hawak ang envelope na naglalaman ng last Will and Testament ni Light. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bakit ako umiiyak? Hindi ba dapat masaya ako kasi wala na siya pero bakit ganoon sobrang sakit ng dibdib ko. Dapat galit ako sa kanya, dapat hindi ko nararamdaman ang sakit sa puso ko dahil galit ako sa kanya. Doon ko napansin iyong regalo ni Light na nasa basurahan, hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero tumayo ako at kinuha ko iyong muli. Unti-unti ko iyong binuksan at pagbukas ko no'n ay mas lalo pa akong naiyak. Bakit ba kasi sobrang bait niya na hanggang sa huli ay ako pa rin ang iniisip niya.
Pinatugtog ko iyong music box na regalo niya, habang binabasa ang isang liham na kasama sa regalong ibinigay niya. Matagal na pala niyang gustong ibigay sa akin ang music box na iyon pero hindi niya magawa dahil sa ibang bansa na ako tumira. Pangarap kong magkaroon noon ng music box lalo na ang isang ito dahil isa ito sa mga rare collection. Pinilit ni Light ang mga magulang namin na bilhin ito para sa akin, habang papunta sila sa auction ay doon sila naaksidente. Matapos iyon ay sinisi ko na si Light sa pagkamatay nina mama at papa dahil kung hindi sana niya kinumbinsi ang mga magulang namin hindi sana sila maaksidente at mamatay.
"Mahal na mahal ka ng Kuya mo Zayrin," boses ni Aling Melba ang nagpalingon sa akin. Hindi ko man lang napansin na pumasok pala siya. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. "Alam mo bang noong siya na ang namahala sa kompanya niyo ay hindi siya tumigil sa paghahanap ng music box na iyan dahil iyan daw ang tiyak na magpapasaya at magpapangiti sa iyo, halos lumuhod pa nga siya sa may-ari niyan para lang ibigay ito sa kanya sa kahit na ano mang presyo at dahil nakita ng may-ari na desidido talaga si Light na makuha iyang Music Box ay ibinigay niya rin ito ng walang bayad. Ayaw ka rin niyang mag-alala kaya nga hindi niya sinabi sa iyo na may cancer siya," pagkwekwento niya na lalong nagpabuhos ng mga luha ko.
"Hi-hindi man lang ba siya nagalit sa akin?" tanong ko habang umiiyak.
"Hindi dahil mahal ka niya, mahal na mahal. Ang tanging pinagsisisihan niya lang ay hindi ka niya nakasama sa huling mga oras niya," malungkot na pahayag ni Aling Melba.
"Pa-patawarin niyo po ako, hindi *hiccup* ko naman po alam" napahagulgol nalang ako habang yakap-yakap si Aling Melba sa sobrang pagsisisi.
END OF FLASHBACK
Tinawanan ko nalang ang aking sarili, napakawalang kwenta kong kapatid. Ni hindi ko man lang napansin na may sakit na pala ang tanging taong mahalaga sa akin. Napakatanga ko rin na naging makasarili ako at hindi siya inintindi, na huli na ang lahat bago ko napagtanto na mahal ko pala talaga ang kapatid ko. Pero ngayon, wala nang magagawa ang paninisi ko sa sarili ko because he's gone, my brother is gone.
"Kuya Light alam mo ba miss na kita, iyong pangungulit mo, mga ngiti mo lahat ng mga bagay na ginagawa mo para sa akin na ngayon ko lang nagawang pahalagahan. Nasa huli talaga ang pagsisisi at nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Ano ba iyan naiiyak nanaman ako. Basta Kuya mahal na mahal na mahal kita kahit hindi ko iyon nasabi sa iyo. I'm moving on pero hindi pa rin kita kakalimutan at panatag na ang loob ko ngayon dahil alam kong nasa langit ka na and you are happily with God," pagdradrama ko sa harap ng puntod ni Kuya Light.
Masakit man ang pagkawala ni Kuya ay kailangan kong kayanin dahil marami pa akong haharapin sa hinaharap. Kung may narealize man ako sa pagkamatay ni Kuya, iyon ay ang pahalagahan ang lahat ng bagay lalo na ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin dahil hindi natin alam baka bigla rin silang mawala hanggang sa maging huli na ang lahat. At kahit na kailan, hinding-hindi na ako magpapabulag sa galit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top