Six: Instrumento ng Kamatayan
Patuloy sa pag-ikot ang mundo, hindi ito titigil para lamang hintayin ka. Patuloy sa pagbabago ang panahon, hindi ito mananatiling isa lamang para pagbigyan ka. Patuloy sa patakbo ang oras, hindi ito hihinto para lamang ibalik ang mga nawala sa iyo. Ang natitirang maaari mong gawin ay ang maglakad paabante at sumunod sa agos ng buhay. Mapaglaro ang tadhana, at ang tao ay buong pusong nakikipaglaro rito, sinasadya man nila o hindi.
Si Edward Garcia at Albert Naval ay ang mga imbestigador na nakahawak sa kaso ng pagpatay sa apat na bigating mga negosyante sa Maynila. Makalipas lamang ang ilang araw mula ng mamatay ang ikaapat na biktima ay isang pagpatay nanaman ang naganap kung saan ang biktima ay isa nanamang negosyante. Sa pagkakataong ito ay nagawa na nilang makahanap ng koneksiyon sa mga pagpatay.
Pagpasok sa loob ng opisina ni Mr. G ay napatigil ang dalawa dahil wala namang tao sa kwartong iyon.
"Naglolokohan ba tayo? Wala namang tao rito," galit na pahayag ni Albert. Tahimik namang naglakad papalapit sa mesa si Edward.
"Masyado kang atat Albert, darating ang panahon na iyan ang magiging dahilan ng pagkamatay mo," sagot lamang nito sa tanong ni Albert.
"Ano bang pinagsasabi mo Edward?" nagsimula ng maguluhan si Albert sa kung ano man ang nangyayari.
"Gusto mong makausap si Mr. G hindi ba, nasa harap mo na siya," kasabay ng mga katagang ito ay ang pagharap ni Edward kay Albert.
"Anong ibig sabihin nito Ed?" hindi makapaniwalang tanong ni Albert.
"Hindi pa ba malinaw sa'yo ang mga nangyayari? Isa lang ang ibig sabihin nito, iyon ay ako ang pumatay sa lahat ng mga taong iyon," nakangising sagot nito. Napatitig na lamang si Albert sa kaibigan hanggang sa mapayuko siya dahil sa mga rebelasyong nalaman niya.
"Bakit? Bakit mo ito nagawa Edward?" mahinang tanong ni Albert.
"Dahil sa pera, ang pera ay kapangyarihan, kung mayroon ako nito ay mapapasaakin ang lahat ng gugustuhin ko," humalakhak ng malakas si Edward at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya ang tahimik at mabait na Edward na nakilala ni Albert.
Itinutok ni Albert ang kanyang baril kay Edward.
"Pera nalang ba ang mahalaga sa'yo ngayon Ed? Wala na bang halaga sa'yo ang buhay ng ibang tao?"
Tinitigan lang siya ni Edward pagkatapos ay tumawa ito ng parang baliw.
"Masyado kang makatao Albert, pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo, pera, pera, pera."
Itinutok na rin ni Edward ang hawak niyang baril kay Albert.
Umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta sa sahig ang dalawang magkaibigan, parehong may tama ng baril sa ulo.
Sa hindi kalayuan ay makikita ang isang lalake na nakaluhod sa harap ng isang puntod.
"Hindi pa sapat ang naging galit mo sa akin pero huwag kang mag-alala dahil maghihintay ako sa muli nating pagkikita sa susunod mong buhay abutin man ng walang hanggan ay maghihintay ako at sa pagkakataong iyon ay sisiguraduhin kong sapat na ang galit mo para mapatay ako, hanggang sa muli nating pagkikita Albert," tumayo ang lalake at naglakad ng papalayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top