Chapter 5
Nagulat si Junhoe ng makitang malawak ang ngiti ni Bobby pagpasok nito sa silid habang nakatingin sa kanyang phone. Umupo ito sa sofa na hindi pa rin matanggal ang tingin sa phone. Dahil likas na chismoso si June nilapitan nito ang kanyang Hyung
"Oh Hyung bakit ngiting-ngiti ka dyan?"
"Ang bangis niya pre"
"Chicks ba yan? Chicks ba yan?"
"Pfft. Manok panabong eh"
"Wohow Palaban! Yan ang gusto ko! Hyung, nakuha mo ba number niya?"
"Oo naman. Ako pa! Ang bangis talaga! "
"Pahingi naman ako!" Sabi ni June habang inaabot ang hawak na phone ni Bobby
"Ayoko nga"
Agad na itinago ni Bobby ang phone nito.
"Ang damot mo naman hyung. Share share din pag may time!"
"Manigas ka!" :P
"Tinamaan ka na sa kanya ano?!"
"Hindi no! May iba akong gusto" sabi ni Bobby at iniwan si June na naiintriga.
Kung hindi yung manok ang tinutukoy niya, sino naman kaya?
Samantala, tahimik ma nakaupo si Chanwoo sa isang sulok. Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan ng dalawa.
Kaya ba siya masaya dahil sa kanya? sa isip ni Chanwoo
Hindi maalis ang tingin nito sa kanyang hyung na hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa labi nito. Nakita niya itong tumayo at winalk-outan si June. Tinapik pa siya nito bago lumabas ng silid.
He sighed at sinubsob ang mukha sa table.
Napansin naman ni Junhoe ang pagbuntong hininga ng kanilang maknae kaya agad niya itong nilapitan.
Pag-angat ng mukha ni Chanwoo ay napaatras ito nang makitang napakalapit na ng mukha ni June sa mukha niya.
"Bakit sobrang tahimik mo yata?" Usisa ni June. Umiiral nanaman ang pagkachismoso nito.
"Wala wala"
"Oh maniwala?!"
"Oo. Wala nga"
"Weh? Di nga? Tologo? Ang saya di'ba? Hohoho"
"Aish Ang kulit!" inis na sabi ni Chanwoo at nagwalk-out.
Naiwang mag-isa si Junhoe sa silid. Napanganga ito dahil sa naging asal ni Chanwoo.
"Aish! Problema nun? Nagtatanong lang naman ako ah! KJ!"
Bakit ang weweirdo ng mga tao ngayon?! Katula ko.... Hayst! Problemahin na nga lang nila yang mga problema nila!
Napakamot nalang ito ng ulo.
****
'Cause its 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
Oh oh oh oh~
Napabusangot ako ng pagbukas ko palang ng pinto ay ang kantang yan na ang maririnig ko. Grabe na talaga 'to!
I grabbed Hanna's guitar.
"TAMA NA NGA YAN PUSA NAMAN EH!" Singhal ko dito.
She just looked at me blankly at tumunganga.
"Instead na tumunganga ka dyan pumunta ka nalang kaya kila Hanbin! Hala alis na!" Pantataboy ko.
Biglang nagliwanag ang mukha niya pero lumungkot din ito agad.
"Hindi nila ako kailangan doon" malungkot na saad nito.
"Psh paano mo naman nasabi yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala akong kwentang girlfriend kay bebe Hanbin mylabs ko." She whined. :(
"Hayst anong walang kwenta! Napakacaring mo kaya, loyal, mapagmahal. Oh? Hahanap pa ba siya ng iba?" Pwe kadiri!
"Sa tingin mo?" nagliwanag ang mukha niya. Sabi na eh konting pang-uuto lang 'to bibigay na rin!
"Oo nga! Tsaka nagtext sa akin si Bobby namimiss ka na raw nila!"
"Talag--- teka! Magkakilala kayo ni Bobby? Paano....... Close kayo?!" Napatampal ako ng noo. Nako patay! Mukhang mabubuking pa yata ako. Ikaw kasi Trisha tuloy-tuloy yang bibig mo! Hindi nag-iisip eh argh! Trisha think mag-isip ka ng dahilan!
"H-ha? Hindi noh! Ewan ko ba kung saan niya nakuha yung contact number ko baka kay Mino." Sana maniwala ka. Sana maniwala.
"Aaaah..." ayos mukhang naniwala hihihi ang galing mo talaga Trisha! ^_______^
"Oh hindi ka ba natutuwa na namimiss ka nila? Paniguradong miss ka na rin ni Hanbin" Change topic~
"Ano ba yan Trisha! Alam mo namang kahinaan ko yan eh! I'm trying to move on you know? Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito?" Pabebe much! -_-
"So~ pupunta ka na?"
"Hindi"
"Sige na!"
"Ayoko"
"Pumunta ka na pusa alam ko namang gustung-gusto mo eh!" Sabi ko at hinampas siya.
"Tsk. Sige na nga, mapilit ka eh! Pero hindi ako pupunta dun para makipagbati ha! Pupunta ako dun para bisitahin ang mga alaga kong unggoy namimiss ko na rin sila" Ayown! Madala ka sa hampas bruhang 'to
"Gaga bahala ka kung anong gusto mo! Masyado kang defensive eh"
-_________-
"Oh ano pang hinihintay mo?" Bakit hindi pa to umaalis?
"Bakit?" She looked at me innocently
"Umalis ka na!"
"Bukas na tinatamad ako eh" sabi nito at humilata sa kama. I rolled my eyes. Hayst bahala siya makaalis na nga.
"Basta pumunta ka ha!" Sigaw ko bago lumabas sa condo niya.
Nilabas ko ang cellphone ko and type a message.
To: Chimpanzee
Nakumbinsi ko na siya pupunta siya bukas dyan. Now do your part!
****
Pagbukas palang ng pinto ni Hanbin sa kanilang dorm ay nagulat na ito. Bumungad sa kanya ang nakakatakot na tingin ng kanyang miyembro. Pinalibutan nila ang kanilang lider.
"Anong problema niyo?" Tanong Hanbin habang nakakunot ang noo.
"Bakit mo naman ginawa yun? Alam naman nating hindi ganon si Hanna" mababakas sa tining ni Jinhwan ang inis.
Tinignan niya si Bobby ng masama. Mukhang nasabi na nito sa mga iba ang nangyari noong party ni YG.
Umiwas ng tingin sakanya ang binata. Guilty. Ito nalang kasi ang naiisip ni Bobby na paraan para mapagbati ang dalawa. Nakwento niya sa mga ito ang nangyari noong nakaraang araw kina Hanbin at Hanna at gusto rin nilang mapagbati ang dalawa kaya nagdesisyon silang kakausapin nilang lahat si Hanbin.
Nanatiling tahimik lamang si Hanbin.
Lumapit si Yunhyeong sakanya at tinapik ang balikat nito.
"Kailangan mo na talagang magsorry huwag mo nang patagalin tong away ninyo ni Hanna" pangungumbinsi nito
"Oo nga nadadamay pa kami ng dahil sa'yo! Namimiss ko na si Noona!" Inis na singhal ni June sa kanyang Hyung. Ilang araw na kasing hindi dumadalay si Hanna sakanila. Naninibago silang lahat.
"Eh kung ako yung nasa lugar ni Hanbin hyung talagang magseselos din naman ako! Talaga sigurong masasabihan ko ng ganon si Noona. Nandon si Mino noh! Nandon si Mino" pagtatanggol ni Donghyuk na dahilan ng pagkunot noo ni Hanbin.
Magrereact sana ito sa sinabi ni Donghyuk pero naunahan siya ni June.
"Sinong nagsasabing nagseselos si Hyung? HA? HA? HA?" Bahagyang binunggo ng mahina ni Junhoe ang balikat ni Donghyuk.
"OPINYON KO LANG NAMAN YUN AH! " singhal ni Donghyuk
"KAHIT NA HINDI MO DAPAT SINABI YUN!" ganti ni Junhoe
Nagbabangayan at nagsisigawan na ang dalawa.
"BAKIT IKAW BA SI HANBIN HYUNG HA?! MAKAREACT KA NAMAN!" This time nainis na si Donghyuk at itinulak ng mahina si June dahilan para mapaatras ito.
"BAKIT BA? MASAMA BANG MAGREACT?" Handa ng manugod si June ng pumagitna sina Bobby at Hanbin sa dalawa.
"Kayong dalawa itigil niyo na 'to" Bobby
"Hindi na nga lang ako magsasalita" sabi ni Donghyuk at nizipper ang bibig nito.
Kumalma na ang dalawa. Bumaling naman si Bobby kay Hanbin na tahimik pa rin.
"Tsaka for your information ha. Iyak ng iyak noon si Hanna sana naawa ka naman" pangongonsensya ni Bobby.
"Hyung kailangan mo na talagang magsorry kay Noona baka mahuli ang lahat magsisi ka pa" seryosong sabi ni Chanwoo.
"Ang taas taas naman kasi ng pride mo. Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa yung may ganang magalit" sambit ni Jinhwan bago magwalk-out.
Sumunod naman ang iba at pumasok na sa kani-kanilang kwarto. Naiwan lang doon ay si Bobby.
"Ikaw rin kapag hindi ka pa humingi ng tawad hahayaan mo ba na masira yung pagkakaibigan natin ng dahil lang don?" sabi ni Bobby Tinapik niya ito sa balikat bago pumasok sa kanyang kwarto.
Naiwang mag-isa si Hanbin. Nagpakawala ito ng malakas na buntong hininga.
"Hay bakit ba hindi kita matiis?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top