Chapter 4
Trisha's POV
Naalala ko noong niyaya ako ni Hanna sa bagong restaurant ni CEO Yang pero umayaw ako. Ayaw ko pa kasi siyang makita, hindi pa ako handa. Hay nako!
Anyways, tama na ang drama hahanapin ko pa ang loka loka kong bestfriend.
Ayun! Nakaupo sa bench mag-isa, nakatulala ang pusa! Problema nito?
Nilapitan ko siya at umupo sa tapat niya. Binati ko siya pero nakatulala pa rin ito.
"Hoy gaga anong problema?" Tanong ko sa kanya at binatukan. Tinignan niya lang ako at tumunganga nanaman.
"Ay ano to NGANGA?! HA? NGANGA?!" Creepy ha! Ngayon lang siya nagkaganito. Tahimik.
"Aba! akalain mo nga naman meron pa palang himala!" hindi makapaniwalang sambit ko pero ayun di pa rin namamansin. Nice talking ha! So, ako nalang ang nagsasalita.
-__________-
"Ay teka nga may piso yata ako dito. Teka lang ha bibili lang ako ng kausap ko" naglabas ako ng piso at akmang aalis na nang pigilan niya ako
"Trisha sandali, may tanong ako" matamlay na sabi nito. Jusko! malaki ata talaga problema nito.
Umayos ako ng upo.
"Sige. Spill" seryosong sabi ko.
"Melende be eke?" Pabebeng wika nito.
-_______- <-----me
Napatampal ako ng noo. Wala na talagang pag-asa 'to. Napakapabebe!
"Hoy ene nge?" Tanong nanaman nito.
"HA?! SINONG NAGSABI PARA MAPAGHANDAAN KO KUNG ANONG BREED NG ASO ANG IPAPALIT KO SA PAGMUMUKHA NIYA!" Sigaw ko at napatayo. Wala akong pakealam kung mag-eskandalo ako dito. Walang ibang magsasabi sa bestfriend ko ng mga ganyang salita ha, dapat ako lang!
Nako! Pagpapalitin ko talaga pagmumukha niya sa aso. Nako! Hayst nakakapag-init ng ulo.
Napabuntong hininga ito. Huminahon ako dahil pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Aish nakakahiya pala. >________<
"Yun na nga eh! Si Hanbin mismo ang nagsabi sa'kin! Alam mo yun ang sakit sakit bh3 ansakit!" Sabi nito habang hawak hawak ang dibdib nito.
Nagsimula na itong ngumawa na parang bata at pinagtitinginan na naman kami kaya napayuko ako para itago ang mukha ko. Hay nakakahiya talaga ang babaeng 'to. Bakit ko ba naging kaibigan to. >_______<
"Aish tumigil ka nga! Nakakahiya ka!" Sabi ko sakanya at sinabunutan siya. Humina naman ang mga hikbi nito. Very good!
"Malandi ka nga! Pero sa pagkakaalam ko kay Hanbin ka lang naman lumalandi eh! Gaga! Bakit ka guilty dyan? Siguro kinakaliwa mo si Hanbin ano? Siguro may iba kang nilalandi?" panenermon ko.
This time, tumigil na ito sa pag-iyak niya at napaisip. -______-
"Wala naman ako nilalanding iba eh! Loyal keye eke se kenye" malanding turan nito sabay ipit ng buhok. Hahahaha pusa ang pangit XD
"Yun naman pala eh! Baka nagseselos----" napatigil ako ng malakas niya ako hinampas at kilig na kilig sa upuan niya.
"Iiiiiiiih! Pinapakilig mo naman ako eh hihihi" sabi nito na parang naiihi na sa kilig.
"Hihihi kaya naman pala. Sige na nga pinapatawad ko na si Hanbin bebe ko! Nagseselos lang naman pala eh. Nahiya pang sabihin sa'kin" nagsasalita itong mag-isa sabay hampas sa hangin na akala mo ay may kausap. Hello nandito po kaya ak
Napailing nalang ako.
Malala na talaga ang saltik ng bestfriend ko. Naparami yata ang nilaklak na vetsin kaninang umaga ah. -_______-
Hanna's POV
Chanwoo
Calling.....
"Yeoboseyo~" masiglang bati ko. Goodvibes 'to no at walang makakapigil sa akin! ^_______^
[Noona! Magdala ka ng pagkain dito]
"Sige. Saan ko ba dadalhin?"
[Noona may sakit ka ba?]
"Huh?Bakit?" O.o
[Ah wala wala. Dito nalang sa practice room noona]
"Ano bang gusto niyo?"
[Kahit ano nalang noona]
"Sige pupunta ako dyan. Bye"
[Kamsahamnida noona. Ingat. Pyong~] masayang sabi niya.
Narinig ko pang may naghiyawan sa kabilang linya. Talagang patay gutom 'tong mga unggoy na 'to. Hays XD
Call ended
Hay mukhang mabubutas nanaman ang bulsa ko sa kanila. Hihihi okay lang yun pa peace offering na rin kay Hanbin bebelabs ko ^o^v
Enebe kenekeleg eke. Ehehehe Negsheshelos eng bebe ko *nagpabebe wave*
-------------------
Pagbukas ni Hanna sa pinto ng practice room ay agad na napawi ang magandang ngiti ng dalaga sa kanyang labi ng makitang may kausap na babae si Hanbin at masaya itong nakikipag-usap dito.
Psh. Tatawa-tawa pa sila ha!
"Haliparot na babae! Sampalin ko fallopian tube niya eh!" Bulong ni Hanna
Tumingin ang babae sakanya ng parang nang-iingit at nakaismid pa ito. Pinaningkitan ni Hanna ng mata ang babae.
"Lee Hayi" nagngingitngit na bulong ni Hanna.
Napatingin naman ang buong iKON kay Hanna habang si Hanbin ay umiwas ng tingin sa dalaga.
"Noona nandyan ka na pala!" Masayang sinalubong ng maknae ang kanyang noona
"Ano tong dala mo?" Tanong ni Yunhyeong at tinulungan niya ito para buhatin ang dala niya.
"Pizza and ice cream~" ^_______^
"Pizza and ice cream? Di'ba may diet plan kayo? Maraming carbs yan. You should eat healthy foods. I know a restaurant na malapit lang dito maraming masasarap na pagkain doon. We should try it sometimes. Di'ba Hanbin?" singit ni Hayi. Lukot na lukot naman ang mukha ni Hanna sa narinig at napahiya ito sa mga nasa loob.
Pake niya ba as if naman siya yung binilhan ko nyan! Choosy! Arte-arte!
"Yeah. Tama si Lee Hi. Hindi natin pwedeng kainin yan" sabi ni Hanbin. Nalungkot naman si Hanna dahil mukhang kinakampihan nito si Hayi.
"Pero Hyung konti lang naman!" pagpipilit ni Junhoe.
"Oo nga sayang din naman yung effort ni Hanna kawawa naman yung mantikang tumagas sa kanya para lang may makain tayo. Hahahaha" -Bobby.
Walang natanggap na sagot ang mga ito sa kanilang lider kaya nalungkot ang mga ito. Nagtatampo naman ang dalaga kay Hanbin. Hindi napansin ng dalaga ang sinabi ni Bobby dahil nakatuon ang pansin nito kay Hanbin, nagbabakasakaling pumayag ito pero tanging ang atensyon niya ay kay Hayi na ibinibida ang nasabing restaurant.
"Noona saan mo dadalhin yang ice cream?!" Tanong ni Donghyuk. Nagulat ang lahat ng padabog na kinuha ni Hanna ang ice cream na dala nito.
"Ipamimigay ko kila Mino o di kaya kakainin ko nalang mag-isa!" Inis na sagot nito
"Noona naman penge ako!" Sabi naman ni June na nakahawak ng spoon na ready ng lantakan ang ice cream.
"Hep wag kang susunod sa akin unggoy ka! Wag kayong kakain sa pizza hindi healthy yan! Che" pagtataray ng dalaga at padabog na isinara ang pinto.
Nagkatinginan ang mga nasa loob.
"Lagot" bulong ni Bobby na hindi nakatakas sa pandinig nila habang nakatingin ng masama kay Hanbin.
Patay malisya naman ito at isinuot ang kanyang earphones.
"Grabe nakakainis yung babaeng yun! Sarap amp--- Teka yung pizza nga pala!" - Hanna.
Bumalik ang dalaga at pabalibag na binuksan ang pinto. Nakita nitong nabitin sa ere ang pagsubo ng mga asungot ng pizza.
Agad nitong hinablot sa kanila ang mga pizza at ibinalik sa lalagyan. Binuhat niya ito at paalis na ulit.
"Hanna saan mo dadalhin yan!" Jinhwan
"Noona nasa'yo na nga ang puso ko, pati ba naman yang kakarampot na pizza ipagdadamot mo?" Banat ni June
"Walang kakain ng pizza!" -______-
"Noona wag parang awa mo na bitawan mo yan!" Pagmamakaawa ni Chanwoo at kumapit sa binti ni Hanna.
"Wag noona!" Pagsali din ni Donghyuk at kumapit sa kabilang binti nito
"Donghyuk, Chanwoo bitawan niyo ko" pagbabanta ni Hanna
"Noona" paiyak na sambit ng dalawa at umiling-iling pa ang mga ito. T_____T
"Hanna maghunos dili ka! Wag mong gawin 'to!" -Bobby
"Ang arte arte!" Bulong ni Hayi na hindi nakalusot sa pandinig ni Hanna kaya mas lalo itong nainis.
Matalim ang mga matang tumingin si Hanna sa dalawa. Nakuha naman sila sa tingin kaya agad silang bumitaw. Ramdam nila ang itim na aura ng dalaga.
Nang mabitawan ng dalawa ang kanyang binti, Hanna stormed out of the room.
"Noona~/ Hanna~" tawag nila.
"Aish ikaw kasi eh!" Turo nila kay Hanbin
Hindi nalang pinansin ni Hanbin ang mga ito at nagpatuloy sa ginagawa.
---------------------
"Oh bat nandito ka? di'ba dapat kasama mo na sila Hanbin ngayon? At bakit ganyan ang mukha mo?" Sunud-sunod na tanong ni Trisha. Pumunta ako sa condo nito at balak kong ipakain nalang sakanya ang dala ko.
Pumasok ako at dumeretso sa sala nito. Padabog kong ibinaba ang ice cream at pizza.
"Kainin natin to"
"Problema mo gaga?! Parang labag pa sa damdamin mo na ipapakain mo sa'kin to eh!"
"Hayst!" Huminga ako ng malalim.
Kinuha ko ang remote control at binuksan ang TV. Sinimulan ko ng lantakan ang ice cream.
"Kung tao lang siguro yang ice cream napatay mo na yan." Sabi ni Trisha na nakapamewang.
Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko.
"Hindi pa rin kayo nagkakabati ni Hanbin ano?" Tanong nito at isinubo ang isang slice ng pizza.
Umiling ako.
"Sabi na eh! Infairness masarap 'tong nabili mong pizza ha!" Sabi nito at kumuha ulit ng isa
"Antakaw mo gaga hindi ka naman tumataba!"
"Ah eh, eh pake mo ba! Katawan ko to walang pakealaman brad!"
I rolled my eyes.
"So anong plano mo?"
Plano? Hah! Bahala na siya hindi ko na siya i-aapproach pa akala niya siguro hindi ko siya matitiis ha! Grabe nakakainis talaga.
"Wala! Bahala siya sa buhay niya! Napahiya na nga ako at lahat lahat tapos iba pa ang kinampihan niya!"
"Hay bahala ka. Ikain mo nalang yan!" Sabi ni Trish habang puno ng pizza ang bunganga
"Ha? Ganun nalang yun? Hindi mo ko pipilitin na makipagbati sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay and crossed her arms.
"At bakit? Magpapapilit ka ba?" mataray na tanong niya. Sabi ko nga eh.
"H-hindi no!" Matigas na sabi ko.
Nako nek nek niya! Manigas siya madami pa naman dyang iba! Iiiiiiiihhhhh pero hindi ko kaya >_____<
"Pero pwede rin naman hahahaha" pagbawi ko.
"Gaga!" She said at lumanding sa balikat ko ang mahiwaga nitong kamay. Aray ah :3
"May mga bagay talaga na hindi lahat, nasa iyo ang atensyon" banat ni Trisha at tahimik na nanood ng TV.
I let out a loud sigh. Siguro nga tama siya. Hindi na kami tulad ng dati at isa pa sino ba naman ako para pagtuunan niya ng atensyon, hindi ba?
"Tss. Sinasabihan ako ng malandi siya rin naman pala ang nakikipaglandian! Hmp! Aish!" Nanggagalaiti kong sinasaksak ang kinakain kong ice cream. Naalala ko nanaman yung sinabi niya. Argh! Bwisit!
---------------
Trisha's POV
Hello guys! POV ko nanaman. Anyways nandito ako sa harap ng YG entertainment labag man sa kalooban kong pumunta dito basta lang matulungan ko ang bestfriend ko ayos lang! Kahit ganon naman yun mahal na mahal ko yun ano.
Alam niyo ba? This past few days nakakaloka na ang babaeng yun, nakakatakot na mga kinikilos niya. Tahimik lang ito at palaging tulala, juicecolored anong nangyare sa mundo? Global warming ganern?! >______<
Nag-aabang ako ngayon sa labas na parang spy. I'm wearing a hat, a coat and mask. Balot na balot woo ang init! Orayt!
Ayun may parating na hombre! Singkit siya, payat, may katangkaran, nakasuot ng hat at ripped jeans.
Nagtago ako sa bushes at inabangan ito. Nang makarating siya sa tapat ko ay agad ko itong hinila.
"Sumama ka sa akin" bulong ko habang hatak-hatak ko siya. Naramdaman kong nagulat ito dahil hindi ito nagsasalita.
"T-teka lang! Sino ka?!" Gulat na tanong nito. Nagpumiglas ito kaya nabitawan ko ito.
"Bilisan mo baka may makakita sa akin!" Sabi ko habang lumilinga sa paligid
Baka makita pa niya ako o kaya ako makakita sa kanya. Juicecolored. I'm not ready!
"Wohow Miss! Alam kong gwapo ako pero sorry Miss shy type ako" sabi nito sabi nito na nakahalukipkip
"Anong pinagsasabi mo dyan?!" Ang kapal ng mukha ng taong 'to!
"Miss kung gusto mo akong pakasalan manligaw ka muna. Wag yung padalos-dalos" dagdag pa nito. I rolled my eyes 360 degrees para bongga!
"Kung patayin kaya kita at itapon ang katawan mo sa Han River" -_________-
"Bangis mo Miss! Sino ka ba?"
"Ako lang naman ang napakagandang bestfriend ni Hanna! Eh ikaw sino ka ba?" Kilala ko kung sino 'tong kaharap ko pero naninigurado lang mahirap na!
I heard him chuckled. I glared at him.
"Ako lang naman ang pinakagwapo at kinababaliwan ng mga babae na member ng iKON" mayabang nitong pagpapakilala
I raised my eyebrow and looked at him from head to toe tapos tinitigan ko siya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" humagalpak ako sa tawa.
Kumunot ang noo nito.
"Why are you laughing?"
"HA? IKAW?! PAANO KA NAGING MEMBER NG IKON EH ANG PANGIT PANGIT MO! MUKHA KANG UNGGOY!"
"Aray ko Miss nakakasakit ka na ha at tsaka hindi ako unggoy! HAMSTER AKO HAMSTER!" Sabi nito habang nagpapacute.
"Aish andami mo namang satsat. Sumama ka nalang sa akin. Kailangan ko ang tulong mo" sabi ko
Hinila ko ulit siya at dinala sa isang cafe malapit sa building nila. Nagsuot ito ng shades para hindi makilala ng mga fans or paparazzi niya.
Kita mo nga naman may fans pa pala ang isang 'to. Hahahaha XD
"So ano ang maipaglilingkod ng gwapo sa isang binibini?" Biglang nagsalita ang unggoy.
"I want to formally introduce myself. I'm Trisha Hwang bestfriend ni Hanna." Pormal na saad ko at inilahad ang aking kamay.
"Kim Jiwon or you can call me Bobby at your service" he said at tinanggal shades niya sabay winked. Ge push. Ikinagwapo mo yan eh.
Then we shook hands.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Bobby. I need your help, tungkol ito kay Hanna." Diretsong saad ko
"Oo nga pala anong nangyari sa kanya? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa amin. Hindi niya rin sinasagot mga tawag namin. Nag-aalala na kami. Okay lang ba siya ha?! Sumagot ka!" I smirked at him. Huli ka balbon! May crush ata 'ti sa bestie ko ah.
"Sandali lang naman! Isa-isa lang ang tanong! Napaghahalataan ka eh"
I gave him a meaningful smile. Nakita kong pinagpawisan siya at umiwas ng tingin.
"So as I was saying, ayun na nga! Nag-aalala na ko sa bestfriend ko. Juicecolored. Ang tahimik na niya at palaging bangag! Waaaaah" nag-aalalang kwento ko sa kanya.
"At isa pa palagi siyang nagsesenti sabay kanta nung 12:51Jusko nakakarindi na rin yung kantang yun. Bobby tulungan mo ko, alam kong baliw yung kaibigan kong yun pero ayokong mabaliw ulit yun ano nalang mangyayari sa kanya?! Baka sa mental na diretso nun! Or worst baka maglaslas pa yun!!! Jusko T.T" dagdag ko pa
"Teka lang naman hinay hinay lang sa pagsasalita." Sabi nito na hindi maipinta ang mukha. Oops nagrap nanaman ba ako? >_______<
"Sorry" nahihiyang paumanhin ko. Ngumiti lang ito.
Ay bongga! Ang cute naman pala nito eh. Yung singkit nitong mga mata ang cute!
Pwe! anong sabi ko? O.O
"So anong plano mo?" tanong nito. Oo nga! May plano na ako don't worry. ^______^v
"Dapat na silang magbati ni Hanbin asap!"
"Paano natin gagawin yun? Nagbago na si Hanbin napakacold nito" malungkot na sabi ni Bobby.
Oo nga eh. I wonder kung anong nangyare pati nga si Hanna hindi alam kung bakit bigla itong naging ganon eh.
Hindi naman kasi dating ganon si Hanbin. Actually, close na close sila ni Hanna palagi silang magkasama at si Hanbin rin ang nag-aalaga sa bestie ko dahil nga highschool palang magkasama na sila sa iisang unit.
Kahit kailan hindi ko sila nakitang nag-away ng ganito katagal. Isa lang ang masisigurado ko sa planong 'to........
Hindi nila matitiis ang isa't-isa.
"Ako na ang bahala kay Hanna, madali lang yun. Ikaw naman si Hanbin dapat maiparealize mo sakanya na mali siya. Konsensyahin mo! Idaan mo sa santong paspasan kung kinakailangan!" Sabi ko ng puno ng determinasyon.
"Hahaha ok. Ok. Calm down. Tapos kapag nakonsensya na siya?" Sabi ng kasama ko na tatawa-tawa pa. -_-
"Si Hanbin na mismo ang gagawa ng paraan para magkabati ulit sila." Proud na sabi ko.
"Paano mo naman nalaman?" Nagtatakang tanong nito.
"Basta, alam ko lang." Sabi ko ng may makahulugang ngiti.
Nakita ko ang phone niya na nasa lamesa. Kinuha ko ito at nagtipa.
"Here. Nandyan na ang contact number ko. Tawagan mo nalang ako kapag nagawa mo na" sabi ko at ibinalik sa kanya ito.
"Arasseo!" he said while looking at his phone.
"So is it a deal?" I offered my hand.
"Wait. Kapag nagawa ko yun anong makukuha ko?" Hirit nito and plastered a playful smile on his face.
What?! So may kapalit ang tulong niya? Tsk. I thought mabait 'to. -______-
"Ayoko yang mga tingin mo na yan. Pero dahil mahal ko ang bestfriend ko I'll do anything na gusto mo. Besides, friend ka rin naman ni Hanna kaya I trust you" I smiled at him sincerely. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Bobby. ^__^
Hay basta bahala na nga. Saka ko nalang poproblemahin yung consequence niya kapag natapos na 'tong problemang 'to.
"Okay it's a deal then!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top