Chapter 12

"The Date"

Third Person's POV

Bakas ang matinding pagod ang mababanaag sa mukha ng mga nasa loob ng malawak na practice room. Katatapos lang kasi ang katakot-takot na training sa kanila ng kilalang choreographer sa YG entertainment.

Mag-isang nakaupo sa sulok ng practice room ang isang babae, nakasuot ito ng mask at baseball cap dahilan para matakpan ang mukha nito. Kahit na tumatagaktak na ang pawis ay hindi niya alintana ang init. Hindi niya kasi pwedeng hubarin ang mga suot na pantakip dahil matatanggal siya bilang isang trainee, ito ang kondisyon nila ng CEO.

"Sino kaya yang mysterious trainee na yan? Balita ko ayaw ipakita ni YG ang mukha niya kaya siya ganyan."

"Grabe. Masyadong attention seeker yang babaeng yan. May pa mask mask pang nalalaman."

"I heard isa siya sa magiging member ng YG's new girl group. Ang swerte niya no?"

"Wala pang nakakakita as mukha niya except kay YG."

"Sino kaya siya?"

Iyan ang samu't saring usapan sa loob habang nakatingin ang mga babaeng trainee sa misteryosang kasama nila.

Sino ba naman ang hindi magtataka kung isang araw mismong CEO ng kanilang kompanya ang magpakilala sa isang bagong trainee na niwala silang kaalam-alam sa pangalan at edad nito.

Samantala, rinig na rinig ng misteryosang babae ang kanilang pinag-uusapan. Napailing nalang ito at isinuot ang kanyang headphone para hindi na muling marinig ang pag-uusap ng mga kasama tungkol sa kanya. Sanay na ang babae sa mga ito kaya pinagwalang bahala nalamang niya nalang ang mga pinagsasabi ng mga kasama.
  
   
   
  
  

Trisha's POV

Oh di'ba POV ko nanaman! Sinasabi ko na nga ba eh. Ako talaga ang bida dito sa istoryang ito at hindi si Hanna. Plot twist guys kami ang magkakatuluyan ni Hanbin Bwahahahaha.

Anyways, wala sa sarili akong naglalakad palabas ng school dahil mababa na naman ang score ko sa PE. Malapit na ako sa gate when I suddenly realized that i forgot my favorite notebook in our classroom.

Syempre bumalik ako doon at dali-daling dinampot sa aking desk and tumataginting na neon pink slash glow in the dark na notebook. Double purpose mga bes pwedeng maging flashlight kapag brown out. Di'ba? Tipid sa baterya! Oh pak ganern~

Brainy?

I know right. Wahahaha

How to be me po? Simple.

You can't. Tularan si Trisha. Ay! You can't nga pala. Hahaha.
 
  
  
 
  
Bobby's POV

Nandito ako sa labas ng gate ng school nila Hanna, hinihintay ko kasi si Manok. Natanaw ko siya sa malapit sa gate nang mapansin kong wala siya sa sarili na parang baliw, kinakausap ba naman ang sarili.

Ibang klase talaga tong manok na to

"PE na nga lang mababa pa ang score mo! Ang tanga-tanga mo! Iuntog kita dyan eh." Sabi nito habang sinasabunutan ang sarili. Balak pa sana nitong iuntog ang ulo sa malapit na pader pero napatigil siya at sinabing,

"Sandali. Masyadong kang maganda para iuntog ang sarili mo. Sayang ang genes. Wag nalang."

Natawa ako sa sinabi niya at napailing.

Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kanya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil patuloy pa rin niyang kinakausap ang sarili. Balak sana siyang gulatin pero noong nasa harap ko na siya

"Omg! Yung notebook ko!" Sabi nito habang nakataas ang kanyang hintuturo.

Okay sana kaso sa lapit ng mukha ko sa kanya ay-- Wengya! Nasundot niya ang aking ilong na pati ilong ko ay naisama sa pagtaas ng kanyang kamay.

Hindi ko alam kung tanga ba talaga siya o sadyang hindi niya lang ako napansin dahil dali-dali itong tumakbo pabalik sa school nila.

Pagbalik ni manok ay may yakap-yakap itong... Teka ano yun? Ang sakit sa mata! Nakakasilaw!

Tatawagin ko na sana si manok kaso tumalikod na naman at saka bumalik sa loob na parang may nakalimutan. Wengya naman oh! Ano ba talaga? May bulate ba siya sa tiyan kaya hindi siya mapakali? Balik ng balik. Nako manok pepektusan talaga kita pag bumalik ka. (Kapag babalik pa)

Ilang ulit rin si manok na pabalik-balik sa loob. Malapit ko na ring gustong kaladkarin ito palabas ngunit nagtitimpi lang ako. Hanggang talampakan na talaga ang pasensya ko, nako! Bibinggo ka na talaga sa'kin manok. Isa pa at ipapapulutan na talaga kita.
  
   
  
 
Trisha's POV

Notebook..

Check.

Paper..

Check.

Book..

Check.

Ballpen.

Check..

Phone..

Check

At higit sa lahat..

My oh so fabulous bag!

Check na check!

Ayan wala na talaga akong nakalimutan. Aish. Makalimutan ko ba naman tong stunning bag ko eh kinaiinggitan tong bag ko na to sa classroom. Nako! Akala ko may kumuha na. One of a kind pa naman to. Duh! Mahal to! Mas mahal pa sa bag at buhay ni Author.

(A/n: Che! Kung patayin kaya kita ngayon. Jansport lang yan noh! I can buy you and your friends.)

Hehehe. Joke lang author eto na--

(A/N: Patahimikin muna natin mga readers masyadong madaldal. Back to you Bobby!)
  
 
  
  
  
Bobby's POV

Halos makatulog na ako sa kakahintay kay Trisha ng matanaw ko siya at... Nasilaw ako sa yakap-yakap niya, papikit-pikit akong tinitingnan siya.

WENGYA ANO NA NAMAN BA KASI YANG HAWAK NIYANG MASAKIT SA MATA?

Ako na mismo ang lumapit sa kanya at baka bumalik na naman mahirap na, aabutin kami ng siyam siyam nito. Hay nako.

"Hoy manok! Saan ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang?" Sigaw ko sa kanya. Napag-alaman ko ring bag pala niya yung nakakasilaw na yun. Pano ba kasi hindi masakit sa mata eh neon green pala. Wengya talaga tong manok na to. Hindi na ako magugulat kung isang araw may neon ding panty to.

"Ha? Ako ba? Hinihintay mo ako?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng inosente at nakaturo sa sarili niya.

Pinitik ko ang noo niya. "Oo. Ikaw. Saan ka pumunta? Ilang ulit ka pang bumalik sa loob. Sinasapian ka ba?"

"Waaaah! Eh bakit ka nananakit! Unggoy alam mo ba... Muntikan ko ng mawala tong bag ko. Huhuhu.Favorite bag ko pa naman to. Binili nila daddy sa blah blah blah blah blah" Hindi ko na sasabihin sa inyo yung iba dahil wala akong time para pakinggan pa ang sinasabi ni manok dahil ang bilis niyang magsalita.

Nagtutubig na ang mga mata niya habang ikwinukwento niya ang talambuhay ng mahiwaga niya bag habang yakap niya ito ng mahigpit. Para namang may magtatangkang nakawin yang bag na yan. Patay agad ang lalapit diyan este mabubulag pala. Hahahaha

Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako kapag bahagyang napapanguso ito habang nagsasalaysay sa madramang pagkawala ng bag niya. Sinabi nitong kakatapos lang ng PE nila ng makalimutan niya ang bag niya pero ang problema ay hindi niya alam kung saan niya ito ipinatong. Kung saan-saan raw niya ito hinanap kaya pati basurahan ay kinalkal niya. Teka-- kaya pala may amoy panis eh.

Pasimple ko siyang itinulak dahil nga nangangamoy na siya ngunit lapit naman ito ng lapit at idinidikit pa ang sarili sa akin, hila-hila ang aking hoodie jacket. Wengya kumapit na yata ang amoy niya sa akin!

"Ano? Eh sa bleachers mo pala naiwan. Paanong hindi mo makita eh kahit sa malayo yang bag mo ang nagsstand out. Kahit na mawala ka sa maraming tao mahahanap ka pa rin dahil dyan sa bag mo."

"Eh sa hindi ko nakita eh.. Mata mo ba tong mata ko?"

"Malabo siguro yang mata mo!"

"Hoy hindi no! Malakas pa paningin ko lalo na sa mga gwapo."

"Oo nga pala. Kaya pala napansin mo ako nung una."

"Utot mo green! Che! Feeling mo. Mukha kang unggoy!"

"Sabi ng rabbit eh!"

"Unggoy!"

"Rabbit!"

Ilang minuto rin kaming nagbangayan kung Unggoy nga ba o Rabbit ang kamukha ko. Syempre hindi ako nagpatalo dahil rabbit talaga ako at nagtagal pa nga kami ng mga ilang minuto sa pagpipilitan hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Bwisit na manok to. Ang kulit kulit. Hay. Talo ako dun ah.

Napagpasyahan nitong dumaan muna sa condo niya para maligo dahil nga amoy basurahan siya. Nakakadiri. Kababaeng tao tapos ganun ang amoy. Tsk tsk tsk. Ako naman naligo nalang ng pabango, medyo kumapit kasi ang amoy ni manok sa akin eh. Aish.

Paglabas ni Trisha sa kanyang kwarto ay nakapambahay na ito na nakapagpakunot ng aking noo.

"Ano yang suot mo?!"

"Damit. Ano pa nga ba?" mataray nitong sagot habang nakapamewang.

"Aish. Bahala na nga. Pwede na yan." Agad kong hinigit ang kamay niyang at hinatak palabas ng kanyang condo.

Panay ang reklamo ni manok habang hatak-hatak ko siya, kahit na nasa loob na kami ng bus at lahat-lahat hindi pa siya natapos na dumaldal. Narinrindi na ko sa katabi ko. Kung pwede lang sana pumatol sa babae baka nabigwasan ko na to kanina pa.

"Hoy. Saan ba tayo pupunta?"

"Omg! Don't tell me magdadate tayo tapos dadalhin mo ako sa mamahaling restaurant tapos ganito suot ko?!"

"Nakakahiya~ Arghh!"

Naririndi na ko sa kakasalita ni manok. Hindi ba siya napapagod dumaldal? Kanina pa siya nagsasalita sa tabi ko. Aish.

"Ano ba! Sino ba kasi nagsabing magdadate tayo, ha?" Sabi ko sa kanya.

"Eeeh.. di hindi. Malay mo lang ba." Sagot niya pagkatapos ay tumahimik na ito habang nakatingin sa bintana.

Akalain mo nagpapahinga din pala yung bunganga ni manok. Himala. Buti naman. I already found peace!
 
  
 
 
 
Orphanage.....

Nakakunot noong nakatingin sa isang chapel si Trisha habang sinusundan si Bobby. Nagtataka ito kung anong ginagawa nila sa ganitong lugar.

'Malamang magdasal! O kaya naman... yayayain na niya akong magpakasal?! Omg! Hindi pa ako ready!' Isip isip ng makulit na utak ng dalaga.

Nang makapasok sila sa loob, maraming bata ang sumalubong kay Bobby. Tuwang-tuwa ang mga ito na makita siya habang malawak ang ngiti ng binata hanggang sa wala na itong mata.

Ipinakilala ni Bobby si Trisha sa mga bata at mga madreng naroon. Panay ang tuksuhan naman ng mga bata sa kanila. Akala nila'y girlfriend siya ng Kuya Bobby nila.

Napag-alaman ni Trisha na doon pala noon nanirahan ang pamilya ni Bobby noong bata pa siya kaya malapit ito sa mga bata.

'Nakakamangha. Akalain mo malapit pala kay Lord tong taong 'to.'

Pinagmamasdan ni Trisha ang binata habang nakikipaglaro ito sa mga bata hanggang sa may isang batang babae na humatak sakanya

"Trisha unnie sali ka po sa laro namin." Masiglang aya ng bata habang nagpapatangay naman ang dalaga dito.

"Sige ba!" Masayang pagsang-ayon ng dalaga.

Nagkantahan ang mga ito habang si Bobby naman ang tumutugtog ng gitara. Si Trisha naman ay todo hataw habang kumakanta. Eh tatlong bibe lang naman ang kinakanta nila.
Tawang-tawa ang mga bata pati na rin si Bobby at sa mga nanonood lang na madre sa kakulitan ni Trisha.

Pagkatapos ng kasiyahan ay pinatulog na ng mga madre ang mga bata. Masaya ang mga ito sa pagdalawa ng dalawa lalong-lalo na kay Trisha na nagpatawa sa kanila kaya kahit sa pagtulog ay inanyayahan nila ito.

Mag-isang nakaupo sa harap ng isang itim na piano si Bobby habang tinutugtog ang Three Bears gamit ang isa nitong daliri. Hindi ito mahilig sa piano ngunit matiyaga nitong pinag-aralang tugtugin ang kaisa-isang piyesa na mahalaga sa kanya.

Tahimik na umupos si Trisha sa tabi ng binata habang nakatingin sa kawalan.

"Hoy Jiwon" tawag ni Trisha dito.

Agad na lumingon sa dalaga si Bobby dahil sa unang beses ay narinig nito ang pangalan niya mula sa kanya.

"Oh? Ano? Anong problema mo? Dadaldal ka nanaman? Ano ba ang sakit-sakit na ng tenga ko sa'yo maghapon."

"Eeeh! Hindi~"

Katahimikan ang bumalot sa paligid ng wala sa kanila ang nagsasalita. Naghihintay lamang si Bobby sa sasabihin ng dalaga habang si Trisha naman ay nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba dahil nahihiya ito sa binata.

"Hoy! Thank you ah." pagbabasag ni Trisha sa nakakabinging katahimikan.

Kunot noong napatingin kay Trisha si Bobby.

"Ha?"

"Sabi ko thank you." Pag-uulit nito.

"Sincere ka bang magthank you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bobby.

"Ay hindi hindi. Babawiin ko na. Babawiin ko na." Pambababasag naman ng dalaga.

"Oo na. Oo na. Welcome."

Story about themselves and iintrigain ni trisha si Bobby

"Hoy! Magsabi ka ng totoo sa akin..." Trisha pointed his index finger to Bobby habang pinanliliitan ito ng mata. "May gusto ka ba kay Hanna?"

"Sige na!"

"Wag ka nga! Kinukulit mo na naman ako eh. Kakathank you mo lang."

"Sige na kasi. Tayo lang naman eh!" She crossed her arms at bahagyang binubunggo ang binata.

"Sige na. Wag ka ng magdeny. Isa. Kapag hindi mo aaminin- Nako! Makikita mo sasabihin ko sa kanya na mahal mo siya." Pagbabanta ni Trisha.

Natakot naman si Bobby at napilitan na itong umamin.

"Oo na! Oo na!"

"Anong oo na?"

"Oo na. Gusto ko siya."

"OHMAYGHAD! TALAGA! ASDFGHJKL-" Napasigaw sa gulat si Trisha sa pag-amin ni Bobby pero agad namang tinakpan ng binata ang kanyang bunganga.

Literal na nangingisay sa tuwa ang dalaga habang impit ang kilig.

"Hoy tumahimik ka nga. Mukhang natutulog na yung mga bata tapos pasigaw-sigaw ka pa dyan. Mabulabog mo pa sila sa laki ng bunganga mo." Saway ni Bobby habang tinatanggal ang kamay nito sa pagkakatakip sa bunganga ng maingay na si Trisha

"Ay shori kenekeleg keshe eke eh. Nekekekeleg ke nemen pele." Pabebeng tugon ni Trisha na may pahampas-hampas pa sa binata habang kilig na kilig pero natigilan ito ng may maalala

"Eh di'ba gusto mo si Hanna? Bakit parang binibigay mo siya kay Hanbin?" Takang tanong nito.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Bobby na agad na napansin ni Trisha.

Bumuntong hininga ang binata habang nakatitig lamang sa piano

"Kasi yun yung dapat kong gawin." Sagot ni Bobby

May pagkaseryoso rin pala tong taong to. Sa isip ni Trisha.

"Oh ikaw. Sino naman?" tanong ni Bobby.

Napaisip si Trisha sa tanong ni Bobby. Nagdadalawang isip ito kung ioopen up niya ba ang tungkol sa naging relasyon niya sa isang member nila.

Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Dapat ko bang sabihin sa kanya? Aish. Paano ko sasabihin eh sandali palang kaming nagkakilala. Easy to get ka kapag ganon Trisha. Wag ganon. Pabebe ka muna. Game.

"Hmmp. Wala. Change topic." Pagdedeny ng dalaga.

"Hoy manok ka! Nagshare na ako't lahat-lahat sa'yo, ni isa wala ka man lang ibibigay sa akin?" Madramang pangongonsensya naman ni Bobby.

"Wow para namang tinapakan ko yung dangal mo."

"Sige na. Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh." Nagseryoso naman bigla si Bobby dahil mukhang ayaw talagang sabihin ni Trisha sa kanya.

"Sige. Kung ayaw mo ito nalang sagutin mo. Sino naman crush mo sa amin? Sa IKON, sinong gusto mo?" Tanong ulit ni Bobby. Umaasa itong may mapipiga ito mula sa dalaga.

Nag-isip muna si Trisha ng isasagot habang nakatingin sa taas at nakahawak sa baba.

"Ah yung gusto ko? Ehem. Ahm. Si kuwan si Jinhwan oppa kasi ang galing-galing niyang kumanta, gwapo pa tapos mabait, may pagkalider pa. Di'ba siya yung isang naging permanent sa IKON noong Mix&Match. Nako! Sinubaybayan ko talaga kayo nun!" Sagot nito.

"Jinhwan daw!"

Hindi naman kumbinsido si Bobby sa naging sagot ni Trisha. May iba kasi itong inaasahan.

"Sige na. Sabihin mo na. Wag ka ng mahiya." Pangungulit ng binata.

"Eh si Jinhwan oppa nga!" Pagtanggi ni Trisha.

"Hindi si Donghyuk?"

Umiling ng ilang beses si Trisha habang nakakunot noo.

"Eh si Hanbin?"

Umiling ulit ito at nanlaki ang mata

"Baliw walang talo-talo. Kay Hanna yun!" Sabi ni Trisha ngunit binawi agad nito ang sinabi, "Pero pwede na rin. Char!"

Napailing nalang si Bobby dahil sa kalokohan ni Trisha.

"Si Yunhyeong?" Tanong ulit ni Bobby.

"O baka naman si Junhoe?"

Ganon pa rin ang sagot ng dalaga. Nauubusan na rin ng ideya si Bobby dahil halos masabi na niya lahat ng co-members niya. Siya nalang kasi at si Chanwoo ang natitira.

"Hmm. Sino pa ba?" Bobby pats his chin na animo'y nag-iisip kung sino ang posibleng gusto ni Trisha.

"Alam ko na! Baka naman ako?" Bobby wiggle his eyebrows na nakitingin kay Trisha habang may malaking ngisi sa kanyang labi.

Tiningnan ni Trisha ang binata mula ulo hanggang paa na parang nadidiri.

"Kapal fez mo ah! Assumero!" Pambabasag ni Trisha.

Ngumiti ng napakalawak si Bobby ng tama ang hinala nito. Tingin palang kasi nina Chanwoo at Trisha sa isa't isa ay mapaghahalataang may something sa kanila.

"Ah alam ko na. Si Chanwoo noh!" He exclaimed.

"H--" Hihindi sana ang dalaga ngunit napatigil ito ng mapagtantong tama ang hula ni Bobby

"Si Chanwoo? Si Chanwoo? Siya? Siya? Siya?" Bahagyang tinutulak ni Bobby si Trisha gamit ang siko niya.

"Uy lumalablayp ka na. Akalain mo yun, dalaga ka pala? Akala ko kasi amasona ka." Pang-aasar pa nito sa nakabusangot na dalaga.

"Oh ano? Si Chanwoo nga? Sabihin mo na kasi." Naiinip na pagpapaamin ni Bobby.

"Oo na!" Inis na pag-amin naman ni Trisha dahil sa pangungulit ni Bobby.

"Anong oo na?"

"Oo nga. Si Chanwoo."

"Crush mo?"

"Hindi.."

"Ha? Eh akala ko ba crush mo?"  Kunot noong tanong Bobby dahil naguguluhan siya sa sagot ng dalaga.

"Ex-boyfriend ko" walang ganang sagot ni Trisha na hindi makatingin ng deretso sa binata.

Napatulala at literal na napanganga si Bobby sa malaking rebelasyon ni Trisha.

"Ha? Paano? Ay may nagtiyaga pala sa'yo?" Gulat na tanong nito.

"Wag ka uy! Maganda kaya ako." Sabi ni Trisha at nagflip hair pa pagkatapos ay nagpose ng mala-Asia's Top Model. Muntik pa ngang makain ni Bobby ang buhok niya.

Maya-maya ay sabay na nagtawanan ang dalawa sa sinabi ng dalaga.

"Seryoso ako. Wag kang tumawa."

----------------------

Happy New Year guys! Sorry ngayon nalang nakakapag-update ang lola niyo.

Nagustuhan niyo ba? Comment kayo kapag may suggestions kayo hahaha

Ang mga susunod na chapter ay tungkol kina Bobby at Trisha muna. Tingnan natin kung paano sila nainlove kina Hanna at Chanwoo. That means flashback time! Sino uunahin ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top