Chapter 10

Pagkatapos ng event ay nagkayayaang mag-inuman ang mga dumalong CEO ng mga sikat na music industry. Napagdesisyunan nilang pumunta sa bagong restaurant ni CEO Yang. Kasalukuyang nagkakasiyaahan at nagkukwentuhan ang mga ito sa naganap na event.

"Mr. Yang, sino sa tingin mo ang pinakamagaling na performer kanina?" Tanong ni Kim Youngmin, ang CEO ng SM Entertainment.

"Dalawa ang nagstand-out sa akin at ang isa dun ay si Ms. Hwang. She reminds me of our Bom" seryosong sagot ni Mr. Yang

"Tama ka Mr. Yang. May potential ang batang yun gusto ko siyang kunin na trainee ko. Sisikat siya pero mas magaling ako" sabat naman ni JYP. Natawa ang mga ito sa kahanginan ni JYP pero sanay na sila dito.

Sumang-ayon naman ang mga CEO dahil nasiyahan naman talaga sila sa performance niya. Aaminin nilang gusto nila itong maging trainee.

Napangisi si Mr. Kim sa nakita nitong mga reaksyon ng kapwa nitong CEO. Mukhang lahat nga sila ay gustong makuha si Ms. Hwang

"Pero may kontrata na sa akin si Ms Hwang. Trainee ko na siya" Nakangising saad ni CEO Kim sabay tingin kay CEO Yang. Balewala lang naman kay Mr. Yang ito dahil alam niyang inaasar siya ng nasabig CEO

Marami namang nadisappoint ng marinig na SM trainee na pala ang kanilang pambato.

"Ok lang yan meron pa naman si Ms Jang!" sagot naman ni Bang Si-Hyung ang CEO ng Big Hit Entertainment.

"Oo nga. I've heard na hindi niya talaga forte ang vocal, mas magaling raw siya sa Rap. She can rap like CL" sabi ni Simon Hong, CEO ng Cube Entertainment. "She's a talented one. She can compose and play different musical instruments"

"Goodluck nalang sa atin."

"Mahirap makumbinsi ang batang yun" out of nowhere na sabi ni Yang Hyun Suk

"Bakit Mr. Yang nireject ba ni Ms. Jang ang offer mo?" tanong ni Simon.

"Parang ganon na nga. We reject each other." Sabi ni CEO Yang. Naguluhan naman ang mga ito sa sinabi niya so he gave them a meaningful smile.

Nagising si Yunhyeong sa ingay na nanggagaling sa kanilang kusina. Bumangon ito at agad na nagtungo doon. May nakita itong babae na punung-puno ng harina ang mukha. He chuckled dahil sa kacutean ng babae. She's trying to reach out another flour pero hindi nito maabot dahil nga kulang ito sa height.

"Need some help?" Tanong nito. Napalingon ang babae and smiled at him.

"Oh! Yunhyeong oppa buti nalang gising ka na" Sabi ng babae habang pinapagpag ang flour sa buhok at damit niya.

"Nagising ako dahil sa'yo eh" Yunhyeong

"Opss Sorry~" She said habang nginangatngat ang kuko nito. Pinunasan ni Yunhyeong ang harina na nasa pisngi ng dalaga.

"Maghugas ka muna doon ako muna magluluto rito" sabi ni Yunhyeong habang itinuturo ang CR.

"Okie Dokie! Thanks oppa!" Masayang sabi ni Hanna at kumaripas ng takbo papuntang CR.

"Aish jinjja Jang Hanna. Why are you doing this to me?" He said habang umiiling . Napansin nitong malapit na palang makompleto ang breakfast nila. Nagluto ang dalaga ng omelete at hotdog. Napangiti ito.

"Hay ang tanga naman niya. Bakit hindi niya man lang maappreciate tong mga effort mo" he sighed. He started cooking pancake para sa breakfast nila sakto namang paglabas ni Hanna sa CR ay natapos na siya sa ginagawa niya.

"Ano pa bang lulutuin mo. Tutulungan na kita" alok ni Yunhyeong.

"Talaga oppa?" hindi makapaniwalang tanong ni Hanna. Tumango naman ang binata

"Ahmm actually fried rice nalang ang kulang oppa eh"

"OK sige madali nalang pala" sabi ni Yunhyeong at nagsimula na silang maghiwa ng vegetables na ilalagay sa fried rice. Masayang nagluluto ang dalawa minsan ay nag-aasaran pa ang mga ito.

Samantala, sa wakas ay nagising na ang ibang member ng iKON nagtungo ang mga ito sa kusina dahil sa naririnig nilang tawanan. Nadatnan nilang sinusubuan ni Yunhyeong si Hanna ng pancake. Napakunot ng noo si Bobby sa nakita.

"Anong ginagawa niyo?" seryoso ang tono ng boses ni Hanbin. Itatanong rin sana ni Bobby yon kaso naunahan siya ni Hanbin.

"Kumakain. Tara kain na tayo! Kami ni Yunhyeong oppa nagluto nito" sabi ni Hanna. Isa-isa namang nagsiupuan ang mga ito.

"Masarap ba yan?" Tanong ni Bobby.

"Oo naman! Tikman mo" Tumusok si Hanna ng pancake at pinasak ito sa bibig ni Bobby.Muntik pa ngang mabulunan ang binata sa ginawa ni Hanna.

"Ang daya!Noona ako rin subuan mo" epal naman ni Junhoe

Binatukan ni Donghyuk si Junhoe "Ang epal mo talaga"

"Inggit ka lang" pang-uuyam ni Junhoe at binigyan ng matalim na tingin si Donghyuk.

"Wag na nga kayong mag-away. Kumain nalang kayo" sabat naman ni Hanna sa dalawang malapit na namang magbangayan.

"Ikaw kasi eh" paninisi ni Donghyuk kay June.

"Anong ako? Ikaw kaya." Hirit naman ni Junhoe. Napailing nalang si Hanna sa katigasan ng ulo ng dalawa.

"Oh Hanbin baby kumain ka na rin. Gusto mo subuan pa kita" malambing na sabi ni Hanna at tumusok ito ng isang pancake.Isusubo na sana niya ito kay Hanbin ngunit biglang tinabing ito ng binata.

"Umalis ka na dito" malamig na sabi ni Hanbin. Napatigil ang lahat sa pagkain at nabaling ang atensyon sa kanilang menopausal na lider.

"Ha? Bat mo naman ako pinapaalis?" Tanong ng dalaga. She manage to fake a smile kahit na nasasaktan na ito sa pantataboy ni Hanbin sa kanya.

"Sabi ng umalis ka eh. ALIS!" Nagulat ang dalaga sa biglang pagtaas ng boses sa kanya ng binata.

"Sumosobra ka na talaga Hanbin!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Yunhyeong. Tatayo na sana ito para suntukin ang binata kaso lang ay pinigilan siya ni Hanna. Parang wala namang pakealam si Hanbin at deretso lang ang tingin niya kay Hanna.

Puno ng hinanakit ang mga tingin ni Hanna sa binata.Ngayon lang siya napagsalitaan ni Hanbinng ganon.

"Aalis na ko" walang emosyong paalam ni Hanna sa kanila at tsaka kinuha ang bag nito. Dali-dali itong umalis sa dorm nila. Naaawa naman ang mga member sa dalaga ngunit ayaw nilang makialam sa away nilang dalawa.

"Ano ba talagang problema mo kay Hanna ha?" Galit na tanong ni Yunhyeong kay Hanbin.Nagulat ang mga ito dahil unang beses palang nila itong nakitang nagalit.

"Wag kang makealam" walang emosyon ang mga mata ni Hanbinna tumingin kay Yunhyeong.

Hindi na nakapagpigil si Yunhyeong at sinunggaban ang kaibigan. Kwinelyuhan niya si Hanbin. Hindi naman pumalag ang binata sa ginawa ng kaibigan habang ang iba ay nagpapanic na dahil nangangambang magsuntukan ang dalawa.

"Hyung tama na" awat ni Bobby kay Yunhyeong

"Alam mo ba kung ilang oras nagprepare si Hanna para dito ha? Ni minsan ba naaappreciate mo lahat ng ginagawa niya para sa'yo? Ni simpleng thank you nga hindi mo masabi sa kanya tapos kung tratuhin mo siya na parang wala lang"

Tahimik lang na nakikinig si Hanbin sa sinasabi ni Yunhyeong.

"Pasalamat ka wala sa vocabulary niya ang sumuko pero kapag natutunan niya na yon.... Humanda ka na" sabi ni Yunhyeong bago niya bitawan si Hanbin at lumabas sa dorm nila.

"Aish! Wala bang chapter ng istoryang to na hindi kayo nag-aaway? Nakakasawa na eh" paninisi ni Junhoe sa author pagkatapos pumasok ito sa kwarto.

"Si author kasi eh" inis na sabi ni Donghyuk at sinundan si June.

(A/n: Wengya kayo! Ako pa sisisihin niyo? Pasalamat kayo gwapo kayo ha. Wala kayong lovelife dito sa istoryang to tandaan niyo yan!)

"Hyung wag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli." Makahulugang saad ni Chanwoo at tinapik ang balikat ni Hanbin. Syempre katulad nung tatlo magwawalk out rin siya.

"Oh ikaw hindi ka rin ba aalis?" Tanong ni Hanbin kay Bobby na nakaupo pa rin.

"Bakit naman ako aalis? Solong-solo ko na tong pagkain noh! Ang sarap kaya ng luto ni Hanna" nagniningning ang matang sabi ni Bobby at sinimulan ng lantakan ang pagkain.

Napailing nalang si Hanbin. Tumayo ito.

"Oh tol saan ka pupunta? Hindi mo ba tatapusin yang pagkain mo?" Tanong ni Bobby habang puno ng pagkain ang bibig nito.

"Hindi na. Nawalan na ako ng gana." Sagot naman ni Hanbin.

"Sige sabi mo eh. Akin nalang ha?" Sabi ni Bobby habang kinukuha ang pagkain ni Hanbin at nilantakan ito.

"Tss. Mabulunan ka sana!" Sabi ni Hanbin habang naglalakad papuntang kwarto nito.

"By the way, you're such a jerk man!" Sigaw ni Bobby kaya napahinto ang binata at ngumiti ng mapait

"I know and I hate myself for that" sagot nito at tuluyang pumasok sa kwarto nito.

"Manager hyung, bakit ang aga mo yata napasugod ngayon ah?" Usisa ni Jinhwan sa manager nila. Ang aga niya kasing pumunta sa dorm nila at ang pinagtataka nila ay wala naman silang schedule sa araw na ito ngunit nandito ang manager nila.

"Sinusundo ko lang si Hanbin. May training siya ngayon baka tumakas na naman" sagot naman ng kanilang Manager

"Ha? Tumakas siya hyung? Kailan?" Nagtatakang tanong ni Chanwoo. Habang tahimik namang nakikinig sina Yunhyeong at Bobby sa isang sulok.

"Kahapon.Bigla siyang nawala sa set at isang oras niya kaming pinaghintay buti nalang mabilis niyang natapos ang photoshoot." Galit na kuwento ng Manager nila.

Nagkatinginan sina Bobby at Yunhyeong. Parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mata.

"Training camp ba yan hyung?" Tanong ulit ni Jinhwan

"Exactly!" -Manager

"Di'ba tapos na kami sa training na yan? Bakit di kami kasama hyung?" Tanong rin ni Donghyuk habang nakapout. Gustopa yatang sumama sa nasabing training camp.

"Hay yun nga eh. Nalaman ni Mr. Yang yung ginawa niya kaya ayun pinarusahan siya. Magttraining raw siya ng isang linggo. Kailangan niya raw maging responsable dahil siya ang leader." Dismayadong sabi ni Manager habang umiiling.

"Kaya pala mainit yung ulo niya kanina" bulong ni Yunhyeong.

"Hay saan ba kasi nagpunta kahapon ang batang yun?" Kunsumidong tanong ng Manager nila sa sarili.

Biglang may naisip si Junhoe sa posibleng puntahan mg kanyang hyung kahapon. Posibleng nanood ito sa event nila Hanna.

"Ahmmm kasi hyung dun sa----" magsusumbong na sana si Junhoe kaso ay lumabas na si Hanbin sa kwarto nito bitbit ang kanyang bag.

"Hyung tara na!" Pag-aaya ni Hanbin.

"Hyung!" Tawag nina Chanwoo at Donghyuk kay Hanbin.

"Hyung ano ka ba naman aalis ka pala hindi ka man lang magpapaalam. Sabagay sanay naman akong maiwan ng walang pasabi man lang." Pagdadrama naman ni Junhoe. Kulang nalang ay magwalling ito.

Napabuntong hininga si Hanbin.

"Mukhang mahaba habang dramahan to ah. Pano ba yan Hanbin hihintayin nalang kita sa van" sabi ni Manager at lumabas.

Lumapit si Yunhyeong kay Hanbin at iniabot ang isang supot ng gamot

"Ito pain reliever kunin mo. Mahirap pa naman ang training don"-Yunhyeong. Parang sasabak lang sa gyera ano? Hahahaha

"Salamat hyung" -Hanbin

"Ito rin oh salonpas baka makatulong" alok naman ni Jinhwan.

Kumaripas ng takbo si Junhoe sa loob ng kwarto nito upang kunin ang ipapabaon sa kanyang hyung. Lumabas ito na may hawak-hawak na flashdrive at ibinigay ito kay Hanbin.

"Aanhin ko to?" Tanong ni Hanbin kay Junhoe.

"Hyung maraming laman yan na mga sexy na babae. Matagal-tagal ring hindi ka makakakita ng chikababes dun. Nakuha ko pa yan kay Seungri hyung kekeke~" bulong ni June sa kanyang hyung habang taas baba ang kilay. Inirapan naman siya ni Hanbin at ibinalik kay June ang flashdrive.

"Sige na baka may masakal pa ko dito." Sabi ni Hanbin habang nakatingin kay Junhoe na pigil ang tawa habang pasimpleng sinusuksok ang flashdrive sa loob ng bag ni Hanbin. Pagkatapos ng madamdaming pagpapaalam (chos), lumabas na ng dorm si Hanbin bitbit ang mga gamit nito.

"Aalis ka na nga inaway mo pa si Hanna"

Huminto si Hanbin at tiningnan si Bobby na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip.

"Bantayan mo nalang siya habang wala ako" utos ni Hanbin "ayokong may ibang umaaligid sa kanya" bulong pa nito

"Ano yung huli mong sinabi?" Tanong ni Bobby dahil hindi nga naman niya narinig ito.

"Sabi ko bantayan mo si Hanna may pagkatanga pa naman yun" sabi ni Hanbin at tuluyang nilisan ang dorm nila.

---------------

Ayan na! Nakakatuwa na may nagbabasa pala sa story kong ito hihihi Salamat sa pagsuporta guyseu. Ikikiss raw kayo ni Junhoe huehuehue

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top