Chapter 1: PART 8

A/n: Fall in love with this fictional characters. Haha. Huwag kakalimutang magvote at magcomment.


______________________________________________

Lance's POV


Isinarado niya ang pintuan bago nagpaalam rito.


Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto. Napakalinis nun at napakapresko. Para kang mabubuhay sa nakaraan ng pilipinas, na sinadyang ikinonsepto ng may-ari nun sa tradisyunal na Pinoy.


Ang katre ay simple at may kutson. Ang sahig ay yari sa mamahaling kahoy na matibay na may barnis. Ang bintana nun ay gawa sa shells na desensyong pang tradisyunal ngunit maganda. Naglakad siya patungo sa banyo. Ang banyo lamang ang tanging parte ng munting kubo na iyon ang gawa sa semento at tiles. Napakaaliwalas tignan ng kubo na iyon at napakakalma.


Itinutok niya ang sarili sa shower at naligo. Hinayaang lamunin siya ng alalahanin tungkol sa nangyari sa kanya kanina.


Siguradong hindi siya namalikmata kanina ngunit paano niya maipapaliwanag ang nangyari?


Pagod na inihiga niya ang sarili sa higaan na naroroon at ipinikit ang mga mata. Napakasarap sa pakiramdam ang makahiga na sa ngayon. Pakiramdam niya ilang taon din siyang hindi nakapagpahinga.


Hapon na ng magising siya. Pilit na idinilat niya ang kanyang mga mata.


"Hayy!" Sambit niya habang nag-iinat.


Kailangan niya ng cellphone ngayon dahil maski ang kanyang cellphone ay nahulog sa dagat kanina.


Lumabas siya sa kanyang kuwarto at nilasap ang preskong hangin na sumalubong sa kanya.


Napakahangin at presko sa parteng iyon ng Isla. Mahaba haba rin pala halos ang naitulog niya.


Nagugutom siya kung kayat dumiretso siya sa kubong nasa labas na kinaroroonan ng napakaraming turista ngunit hindi naman nagkakagulo. Maayos ang pakikitungo ng mga staffs kung kaya't agad na naibibigay ang kailangan at dapat gawin.


Buffet ang pagkain. Napakaraming pagkain ang nakahain roon. Ibat-ibang putahe na tila ba nasa party ka talaga.


Naagaw ang kanyang pansin ng isang napakalaking alimango. Agad niyang ibinaling sa iba ang atensyon niya. Umaaktong di niya iyon nakita.


Suot ang kulay gray na sando at masculine short, kasalukuyan siya nagjajogging ngayon.


Dahil sanay ng magheadset isinuot niya ang headset na hiniram sa kaibigan at naglagalag doon. Kanina ay nagpabili siya rito kaagad ng Isang cellphone na kakailanganin.


Matagal tagal niya na ring hindi nalilibot itong Boganda. Napakaraming nagbago.


Napakaraming tao parin hanggang ngayon at 'di na nakakapagtakang mas dumami ang mga gusaling nakatayo.


Nakakaawang Isla.


Naalala niya ang linyang tumatak sa kanyang isipan mula sa isang babae na biktima ng mga mananakop...


"We need to focus less on the regime, and more to those who were being forgotten." And for him, that 'who' were not only applicable for the people but also to the mother earth. We can't happen without the earth. We need to understand it sooner rather waiting for any back fire of our wrong doings including the negative decisions.


Kasalukuyan siyang nasa front beach ngayon. Napakaganda rito sa dalampasigan kumpara sa tabi ng kalsada. Nakakairita na lang talaga kung minsan sa paningin ang mga gusali na naglalakihan. Mas gugustuhin niya pang makakita ng mga bahay ng ibon na lugar kaysa sa mga naglalakihang... Never mind.


Patungo siya sa Caroan beach ngayon. Ayon sa kanyang mapa, medyo malayo pa siya at isang oras na lamang at lulubog na ang araw.


Pinagmasdan niya ang mga nadaraanan habang naglalakad sa tabing dagat na iyon. Ibat-ibang klase ng mga tao ang kanyang nakakasalubong. May mga itim, puti, dilaw, pula at syempre mawawala ba ang brown?


Nagjogging na muli siya. Malapit na siya sa Caroan. Malapit niya ng marating ang astig na kuweba kuweba na daraanan papuntang Caroan kung saan may imahe ni mama Mary na nakalagay roon.


Naglakad siya roon ng maingat, ayaw niya namang mahulog mula roon. Basa na ang sementadong sahig dahil sa malakas na paghampas ng alon mula roon sa dagat kung kaya't medyo delikado.


Papalubog na ang araw.


Kaunti na lamang ang mga tao na kasalukuyan niyang nakakasalubong sa tabing dagat papuntang Caroan.


Hindi niya pa rin mapigilang mamangha sa naglalakihang mga bato sa parteng ito ng Boganda. ahit pa ilang beses na rin siyang nakarating sa parteng iyon.


Kumpara noon, sadyang mas marami na talagang mga gusali ang nakatayo kung kaya't mas nakakaawa ang Isla sa tutuusin.


Napataas ang kilay niya ng madaanan ang isang sementadong daan na may hagdan at malapad, habang sa paligid nun ay may mga puno na nakatayo. Naupo siya sa tabi nun. Napakagandang spot ang kinauupuan niya ngayon para makita ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw sa boracay kung kaya't doon niya piniling huminto at mamahinga.


Dahil sa napakagandang pagmasdan ang paglubong ng araw sa puwestong iyon napagdesisyunan niyang manatili roon at umupo sa tuktok ng bato habang nakamasid sa bandang dagat.


Tuluyang lumubog ang araw.


Napakagandang pagmasdan, kasabay ng paglutang ng isang napakagandang buwan.



Napakalaking bilog na bilog na buwan na iyon.


"Splash" Naagaw ang kanyang atensyon ng biglang may tumalon sa dagat mula sa isa sa mga batong naroroon.


Hindi niya inaasahan ang isang napakagandang babae sa dagat ng mga oras na iyon.


Saglit na nagtama ang kanilang paningin ng muli itong lumingon sa kanya.


Sa tulong ng liwanag ng buwan, nasilayan niya ang kagandahan nitong hindi matatawaran. Aaminin niya, nabighani siya sa maamong kagandahan nito sa puntong iyon. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakakita ng ganun karikit na binibini.


Napatayo siya ng umakto itong lalangoy palayo.


"W-wait." Nahihintakutang pigil niya rito na aakalain mong kilala niya talaga ito.


Baka malunod ito.


~END~
______________________________________________

A/n: Don't forget to vote readers.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top