Chapter 1: PART 6
A/n: Sorry if late updates my dear readers.
______________________________________________
Lance's POV
Lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa airport na iyon.
Salubong ang mga kilay na bumaba siya mula sa sinakyang eroplano. Hindi siya tutungo roon para sa isang bakasyon, naririto siya upang isagawa ang mga unang hakbang ng kanyang sagradong misyon.
Iniisip niya na masuwerte na lamang at kasalukuyang ipinasara ng presidente ang kaaya ayang lugar para sa pagpepreserbang gagawin sa pook na iyon. Samakatuwid, wala masyadong tao ang makakasalumuha at hindi na siya masyadong mahihirapan sa ngayon.
Tahimik na sumakay siya sa pamilyar na tourist van. Nakahinga siya ng maluwag ng makapuwesto na ng maayos roon. Tinanguan niya lang ang driver nun na agad naman nitong naintindihan saka pinatakbo ang sasakyan.
May higaan ang sasakyan na iyon. Inaantok na uminat siya at umidlip.
Wala pang limang minuto, narating na agad nila ang pier.
"Sir, nandito na po tayo." Gising nito sa kanya. Agad siyang napadilat ng mata at tumango rito. Bitbit ang bag ay lumabas siya ng sasakyan. Pagkatapos niyang dumaan sa check point, ay agad siyang dumiretso sa kinalalagyan ng isang pribadong sasakyang pangdagat. Iniabot sa kanya ng lalaking naroon ang susi ng sasakyan. Tinanguan niya lang ito at agad ng pinatakbo ang naturang sasakyang pangdagat.
Napangiti siya. Ang Boganda ay Boganda. Para sa kanya ang ganda ng Boganda ay hindi kumukupas, heto't kaaya aya parin. Sigurado siyang kung hindi lamang sa naglalakihang hindi mabilang bilang na mga gusaling hotels at restaurant na nakatayo sa lugar na iyon ay walang papantay sa tunay na ganda ng lugar na iyon.
Malapit na siya roon. Natatanaw na niya ang paraiso muli, ilang taon na rin simula ng huli niya itong masilayan. Walang araw na hindi niya hiniling muli itong masilayan ngunit sadyang napakaraming misyon ang sunod sunod na dumarating kung kaya't lagi rin siyang nauubusan ng oras sa tuwina.
Nagulat siya ng biglang may nakitang babaeng palutang lutang sa gitna ng dagat patawid sa Boganda.
"What was that?" Gulat na gulat na tanong niya. Nagulat siya roon. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay nalulunod ang babae. Sigurado siya roon kung kaya't nasa gitna ito ng dagat.
Iniuyog niya ang ulo. Namamalikmata lang siya. Epekto na siguro iyon ng kawalan ng sapat na tulog at pahinga.
Pero "dam*" bigkas niya at mabilis na inihinto ang gate sa gitna at walang pag-aalinlangan na tumalon mula sa yate.
Hindi kaya ng konsensya niya ng biglaang mawala ang babae na kanina'y nagpapalutang lutang sa dagat mula sa kanyang paningin. Kasabay ng malakas na paghampas ng alon.
Wala siyang sinayang na minuto. Mabilisan siyang tumalon sa dagat na iyon at sinisid ang karagatan. Mabilisan na hinanap ng kanyang paningin ang babae ngunit hindi niya iyon nakita.
Nawawalan ng pag-asang umahon na lamang siya at tinungo muli ang yate.
Mabuti na lamang at marunong siyang lumangoy, ngunit sadyang nagtataka parin siya sapagkat sigurado siyang hindi siya namalikmata ng makita ang babae.
Basang basa na siya ngayon. Kinuha niya ang tuwalya mula sa travel bag na dala pinunasan ang kanyang basang buhok at katawan.
"Tsk." Naiiritang sambit niya habang pinupunasan ang sarili. Salubong na ang kilay niya ngayon.
Sino ba naman kasing matinong lalaki ang lalangoy agad agad ng hindi nag-iisip ng matino?
Sabagay at least hindi siya makukonsensya pag nagkataon.
Napapailing na pinaandar niya na muli ang kanyang yate. Patuloy niya pa ring pinag-iisipan kung ano ang tunay na nakita.
Fuck. Napamura siya sa kanyang isipan ng maalala ang gadget sa kanyang tainga. Nagmamadaling kinapa niya ito ngunit hindi niya na iyon mahagilap.
"Kapag inabutan ka nga naman ng malas nga naman o."
~END~
______________________________________________
A/n: See? I don't think he's cool anymore. Hahaha.
Dam* He's now more cooler. Can't wait to make him the coolest character ever for me. Lol. Nag-iisang Ginoo'ng nagawang tumalon sa dagat para sagipin ang Isang binibining hindi niya alam na isda pala. Hahaha. Isda daw siya not Serena. Hindi alam ng binibining isda na ang totoong tawag sa katulad niyang may buntot ay SERENA. Ganun po yun mambabasa. Haha.
P.S. I'm so sorry for the typos last time. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top