Chapter 1: Part 15
A/n: Sobrang lamig naman. Mahina ang signal, pahirapan mag-update. Kaya ipagdasal niyo na tuloy tuloy ang signal uy!
P.S. Maaari naman kayong bumuto at magbahagi ng inyong komento. Pakiusap.
______________________________________________
DANIELA
Pinagmamasdan niya ang Ginoo matulog. Sinong makapagsasabi na mamahalin niya ito higit pa sa pagkakaibigan at pamilya?
"Napakabantot niyo." Nagsalubong ang kilay niya ng marinig iyon mula sa anak ng kanilang senyora.
Pinagmasdan niya ang kanilang hitsura dalawa ng kababatang si Leo.
Galing sila sa pagtatanim ng mga puno sa dulo nitong nasasakupan ng hacienda kaya naman napakadungis na nilang dalawa ni Leo.
"Napakasama mo talaga Max!" Naiiyak na sambit niya rito.
Ngunit mas ikinagulat nila ng bigla siya nitong batuhin ng isang bato.
"Aray!" Umiiyak na sambit niya. Sobrang sakit niyon dahil sa mismong tuhod siya tinamaan.
Ang mas nakakaiyak pa, alam nilang hindi sila makakapagsumbong dahil sila pa ang mapapagalitan ng kanilang amo.
Nagdugo ang kanyang tuhod kaya naman hindi siya tumigil sa pag-iyak.
"Tahan na binibini." Pagpapatahan sa kanya ni Leo.
"Mga sampit lang kayo sabi ng ama ko, cheh!" Malditong sambit nito sa kanila.
"Tama na amo, nakakasakit kana." Sambit ni Leo rito.
"Nyeh! Nyeh! Pake ko?" Pang-aasar pa lalo ng malditong bata sa kanila.
Dahil sa susugod na naman ito, hindi sinasadyang natulak ito ni Leo ng akmang pipigilan nito ang lalaki.
Napahiga ang bata at nagalit lalo.
"Isusumbong kita kay ama Leo, humanda ka. Lagot ka!" Pagbabanta nito at nagtatakbo pabalik sa kanilang mansyon.
"Leo. Huhu, paano ka?" Umiiyak na sambit ng babae.
Walang pagkatakot ang nabasa niya sa mukha ng batang si Leo. Siya na lamang ang naiiyak para rito sapagkat alam niyang mapaparusahan na naman ito ng papa ni Max.
Ang mas ikinagulat niya ay nang buhatin siya nito.
"Leo, huhu ibaba mo na lang ako. Magtago ka nalang muna." Humahagulhol na iyak niya.
"Huwag kang mag-alala binibini, hindi ako natatakot. Tahan na." Umiiyak na sambit niya.
Dinala siya nito sa pinakamalapit na sapa doon at maingat siya nitong ibinaba sa malaking bato. Hanggang ngayon ay humihikbi pa rin siya sapagkat tunay na napakahapdi niyon at isipin niya pang mapaparusahan ang kababata dahil sa pagtatanggol sa kanya.
Hinugasan ng kamay nito ang kanyang sugat sa paa upang malinisan iyon bago nito tinapalan ng dahon-dahon na gamot na siya namang nakuha nito sa daanan kanina.
"Huwag ka ng umiyak binibini." Pagpapatahan nito sa kanya. Ngunit mas lalo lamang siyang naiyak sapagkat alam niyang wala itong magiging kawala.
Paniguradong makakatikim din silang dalawa mamaya ng sermon mula sa magulang niya mismo. Wala na rin kasing magulang ang lalaki kaya naman ang magulang niya na rin ang tumatayong ama't ina nito.
"Kumikirot pa rin ba ng sobrang sakit?" Tanong nito sa kanya ng tahimik lamang niya itong pinagmamasdan habang humihikbi pa din.
Umiling siya dito bilang kasagutan.
"Pero bakit ka humihikbi Binibini? Anong problema?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Pinunasan niya ang na kumawala mula sa kanyang mga mata.
"Ginoo, bakit pa ba kasi ipinanganak tayong dukha? Pakiramdam ko, napakamalas natin para hindi magkaroon ng karapatang ipaglaban ang ating sarili sa kanila." Matapang na sambit niya rito.
"Binibini, huwag kang ganyan mag-isip. Hindi kasalanan ninuman ang ipinanganak kung anuman ang katayuan nila sa buhay. Maaaring hindi man tayo kapareho nila, ngunit heto na talaga tayo. Ganito na talaga tayo binibini." Paliwanag nito sa kanya na hindi niya pa rin tuluyang maintindihan ang ibig sabihin.
Bakit ba kasi hindi pa ipinanganak lahat ng tao ng pantay pantay?
Hindi Ginoo, sinasabi ko lamang kung ano rin ang sa tingin ko na tama. Napakamalas ng mga dukhang kagaya natin sapagkat namulat tayong walang kamalay malay at patuloy na api-apihan ng mga mas nakakataas sa atin.
Ang nangyari, nakatikim na naman ito ng ilang Palo mula sa ama ni Max. Simula noon hinangaan niya na si Leo.
Si Leo, alam niyang gagawin nito ang lahat upang protektahan siya kaya naman habang tumatanda siya, naisip niyang mas maigi kung hindi siya magiging pabigat rito hanggang sa huli.
Kaya naman ng magdalaga na siya, pinangarap niyang mapangasawa ang senyorito nang sa ganun ay hindi na siya magiging pabigat kay Leo.
Katakot-takot siguro ng isipin ngunit handa siyang magpakatatag at magpakapraktikal para sa ikakaganda ng buhay nilang lahat.
Tutal naman, napakaguwapo rin naman ng kanilang amo kaya naman hindi na siya talo.
Sino bang may pakialam kung umiiyak siya gabi-gabi?
Wala naman diba? Maliban na lamang siguro kay Leo.
Handa siyang magpakaalipin kay Max, kahit ang ang puso ay na kay Leo.
Handa siyang ipagsapalaran ang sariling buhay para kay Leo.
Hindi siya nararapat para rito.
Alam niya iyon.
Dahil masasaktan lamang sila pareho kapag nangyari iyon.
Napabalik sa realidad ang kanyang kamalayan ng may dalawang utusan ang nakilala niya.
"Binibining Daniela, kayo ay ipinapatawag muli ni Senyorito Max." Pagbibigay alam nito na ikinalunok niya. Sa totoo lang ay sobrang natatakot siya.
Paano kung mahuli siya ng ama nito?
Baka maparusahan siya. Ngunit utos iyon kaya naman wala siyang magagawa.
Iniabot sa kanya ng mga ito ang kulay rosas na sarong upang ipambalabal niya raw sa kanyang mukha. Sapagkat makikilala ka lamang na may dugong bughaw kung may gamit ka na mamahalin.
"Ipinapatawag mo raw muli ako ginoo?" Tanong niya sa lalaki. Nakapasok na siya sa napakadilim na silid nito.
"Ipinapatanong ni ama kung may naikuwento daw ba sayo si Leo?" Tanong nito bago itinungga ang isang basong alak.
Bumalik sa kanyang ala-ala ang minsan niya na ring naisip na pagtakas nito.
"W-wala naman ginoo." Sagot niya rito na puno pag-lilinlang.
Napatango tango naman ang lalaki.
"Siya nga pala, ang sabi ni ama. Siya na ang bahala sa lahat. Huwag ka ng mag-alala. Pag-uwi na pag-uwi natin sa hacienda, doon na natin ipagpapatuloy ang plano." Nakangisi ito at alam niyang kasing dumi ng ngisi nito ang sarili nitong pag-iisip.
Hindi siya karunungan, ngunit alam niya ang binabalak ng mga ito kung bakit sila ni Leo ang ipinadala nito rito sa barko upang pagsilbihan sila.
Maaring balak nilang bigyan ng rason ang aking magulang para gipitin si Leo at pakasalan ako sa huli.
Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kanang kamay na itinago ko sa aking likuran.
Mahal ko si Leo, pero hindi ko magagawa ang nais ng mga ito. Hindi niya sasamantalahin ang kabaitan nito. Pag-uwi na pag-uwi nila, aaminin niya sa mga magulang ang nangyari at pipilitin ang mga ito na ipakasal siya sa kanyang amo.
Gagawin niya ang lahat para mapakasal dito.
Kapag naipakasal na siya dito, maari ng magbago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya mismo isasagawa ang kanyang mga natitirang plano na itinatago.
______________________________________________
A/n: Thank you guys! </3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top