Chapter 1: Part 14

A/n: Happy New Year! </3

Maaari naman po kayong bumuto at magkomento kung inyong nanaisin. Akin ho iyong lubos na ipagpapasalamat.

______________________________________________


LEO


Hindi niya inaasahan na maaninag itong nagpupunas ng luha sa mata.


At ang mas ikinagulat niya ay ang pagtuntong nito sa mismong riles ng barko at maupo roon. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.


"An-nong gagawin mo binibini?" Nauutal na tanong niya rito.


"Ayaw kitang maabala pa ginoo, kaya naman makakaalis ka na." Sambit nito na hindi siya nililingon.


Nasisinagan na ng buwan ang mukha nito ngayon kaya naman kitang kita niya na.


"B-binibini, handa na akong makinig." Pagbibigay alam niya rito.


"Talaga butihing Ginoo?" Natutuwang sambit nito na ikinakunot ng kanyang noo. May sakit ba ito sa pag-iisip para gustuhing makausap ang isang mababang katulad niya?


Ngunit dahil sa takot na maaaring pagtalon nito. Nanatili siya at nakinig rito. Mas mabisa kung may mapagsasabihan ka ng iyong problema.


"Ako'y nakatakdang ipakasal sa isang lalaking hindi ko man lang nakilala." Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito.


May masama ba doon?


Kumusta naman kaming mga dukha?


Umangal ba kami sa tuwing natatanggalan kami ng karapatang magmahal ng taong aming napupusuan?


Lahat naman tayo nahihirapan.


Lahat naman tayo nasasaktan.


"Marahil iniisip mong napakababaw ko para magdamdam. Ngunit hindi ko kailanman ikasisiya ginoo ang magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal." Tumulo ang luha nito sa napakaamo nitong mukha.


Napalunok siya sa sinabi nito.


Base sa ayos nito, halatang nakakaangat ito sa pamumuhay. Ngunit hindi niya inaasahang mapagtanto ang tunay nitong kalagayan.


Kinakabahan talaga siya sa posisyon nito ngayon kaya naman bago pa ito mamali ng tapak ay napalapit na siya sa kinaroroonan nito.


"Ni nasa punto na nga ako ngayon ng buhay ko na kung may magyayaya sa akin ay tatakas na ako." Sambit nito na sinundan nito ng halakhak.


Hindi niya inaasahan ng maamoy niya ang tuba sa hininga nito. Ngayon niya lang napagtanto na namumula ang binibini.


Kaya ba may bote itong katabi kanina?


Lasing ito!


Kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.


"Wah! Pangahas! Pangahas! Ano ang iyong ginagawa?!" Pagsusumigaw nito.


Binalewala niya iyon.


"Pakiusap binibini. Huwag kang tatalon." Pagpapahinahon niya rito.


Kaagad niya itong inahon at binuhat pababa sa gilid. Napahinga siya ng maluwag ng mailapag ito ng maayos.


"Pangahas!" Sambit nito sa kanya habang nakaturo.


"Ang isang napakagandang dilag na katulad mo ay hindi nababagay na uminom ng tuba kung saan-saan. Maaari kang mapagsamantalahan at malinlang binibini. Umuwi kana, palalim na ng palalim ang gabi." Payo niya rito at aalis na sana ng magsalita muli ito.


Pakiramdam niya, nahigit niya ang kanyang hininga dahil doon.


"Ayaw ko ng bumalik! Ayaw ko na. Pakiusap ginoo, itakas mo ako. Kahit na bilang tagapaglingkod mo, tatanggapin ko." Humahagulhol na naman ito ng iyak.



Napalunok naman siya sa sinabi nito. Kanina lamang ay sinisisi siya nito na mapangahas at ngayon nama'y nangangailangan ng kanyang tulong.


Pasensya na binibini, ngunit ang isang dukhang gaya ko ay walang maitutulong sayo. Dahil maging ako man ay nahihirapang makahanap ng kasagutan kung paano ko magtutulungan ang aking sarili.


"Bumalik ka sa iyong mga magulang binibini. Kapag nakita mo na ang iyong mapapangasawa at hindi mo ito magustuhan, bumalik ka rito at ako mismo ang magtatakas sayo." Payo niya rito.


"Hindi ako naniniwala Ginoo. Sino naman ako para tulungan mo." Tumulo ang mga luha mula sa mata nito.



Naalala niya ang isang kuwentas na bigay sa kanya ng isang pulubi na kanyang tinulungan noon sa palengke. Ibigay niya raw iyon sa isang babaeng makikilala niya pa lamang sa hinaharap. Naisip niyang ngayon na ang tamang pagkakataon kahit na hindi niya pa kilala ang babae.



Sa ngayon, wala siyang ibang mas matinong dahilan upang mapaalis ito. Kaya naman bahala na ang maykapal na gumabay sa kanyang desisyon.


"Heto. Simbolo ng aking pangako binibini." Sambit niya rito.


Marahil pareho silang may napakalaking problematic kaya naman naiintindihan niya ito. Pero alam niya ring hindi na sila kailan man magkikita kaya malakas ang kanyang loob.


Patawad binibini.


Itinuro siya nito.


"Aasahan ko iyan ginoo. Babalik ako rito sapagkat nasisiguro kong walang kuwenta ang aking mapapangasawa." Naiiling na sambit nito.


Ng marinig ang nalalapit na pagdating ng mga guwardiya ng barko na naglilibot dali-dali siyang nagtago sa gilid.


"Dito!" Sigaw ng binibini habang nakangiti.


"Ano hong maitutulong namin binibini?" Tanong ng mga ito.


"Ituro niyo ang daan pabalik, anak ako ng maharlika." Sambit nito bago ipinakita ang isang ginto.


Hindi na siya nagtaka ng mapag-alaman niyang anak ito ng maharlika.


"Masusunod po binibini." At sinamahan nga ito ng mga guwardiya pabalik. Nakahinga naman siya ng maluwang ng makaalis na ang mga ito.


Salamat at wala na din ang makulit na binibini.


Sayang at hindi niya man lang naitanong ang pangalan ng pilyang binibini.


Maingat naman na bumalik siya sa ibaba kung saan talaga siya nararapat.


Ngunit kanyang ikinagulat ng hindi matagpuan ang binibini Daniela sa kanyang pinag-iwanan rito.


"Ipagpaumanhin niyo na po, maaari ko bang nalaman kung saan dumako ang binibining nakapuwesto rito kanina?" Tanong niya sa lalaking kanilang katabi.


"Hindi ko alam hijo ngunit may mga grupo ng dalawang lalaki at isang maharlika ang pumunta rito at isinama siya." Paliwanag nito na nagpasiklab ng paninibugho niya.


Urgh! Walanghiya ka talaga Max.


Napakunot siya sa kanyang kamao. Mas nagningas ang kanyang kagustuhan na makatakas mismo sa loob ng barko.


Kailangan niya ng kumilos at gumawa ng plano.


Buong magdamag, hindi siya nakatulog sa kakaabang sa binibini. Hindi niya maitatanggi o maitatago ang kanyang pag-aalala rito sapagkat mahal na mahal niya ito.


Ngunit buong magdamag ay hindi ito bumalik.


KINABUKASAN


Pasikat na ang araw ng masilayan niya ang binibini na bumaba mula sa taas na parts ng barko. Masaya ito at nakangiti habang pulang pula ito at tila malayo ang iniisip.


"Saan ka galing binibini?" Tanong niya rito sa seryosong tono na ikinabalik nito sa realidad.


"H-ha? Ano 'yon ginoo?" Tanong nito na ikinalunok niya.


"Saan ka nanggaling?" Tanong niya muli rito.


"Ipinasundo ako ni Senyorito Max. N-natulog lang kami ng magkasama. Nag-aalala siya sa aking kalagayan." Halatang nagpapalusot lamang ito sapagkat nautal ito.


Nagawa mo na binibini, alam kong kaya mo pang ulit-ulitin lalo na't masarap ang bawal.


Kung nag-aalala siya sa iyong kalagayan idi sana'y hindi ka ba niya idineretso mismo sa lugar na mahihirapan ka.


At isang masakit na katotohanan sa kanya iyon.


Minahal mo na ba ang ating amo binibini?


Wala kang kadala dala binibini.


Maya maya nagulat siya ng marinig ang pagtunog ng tiyan nito na ikinasalubong ng kanyang mga kilay.


Anong iniisip ng kanilang amo at hindi man lang naisipang pakainin ang binibini?!


"Maupo ka lang diyaan binibini at magpahinga muna. May pupuntahan lang ako muli." Umalis siya doon at naghanap ng mabibilhan ng pagkain.


Nasilayan niya ang isang lalaki na nagtitinda ng kamote at tubig na nakalagay sa isang kawayan.


Bumili siya niyon at bumalik muli sa puwesto ng binibini. Iniabot niya ang pagkain rito. Maging siya man ay nagugutom rin ngunit mas higit na kailangan ng binibini ang lakas.


"Salamat Ginoo." Sambit nito habang nakangiti. Sarap na sarap nitong nilantakan ang isang kamote. Tango lamang ang kanyang isinagot rito.


"Ikaw ginoo?" Tanong nito sa kanya.


"Tapos na ako binibini." Pagbibigay alam niya rito na kasalungat sa katotohanan. Sapagkat maging siya ay nagugutom na rin.


"Alam mo ba ginoo? Napakaganda sa taas. Napakalakas ng hangin at napakamaaliwalas." Pagkukuwento nito sa kanya.


Kung susuriin, tila ba napakainosente nito.


Tango lang ang kanyang isinagot rito.


Sa kanilang dalawa, ito ang mas may matayog na pangarap. Lagi nitong pinapangarap noon na maging isang amo din balang araw. Na napakasarap siguro ng buhay kapag nasa itaas ka na siya namang totoo. Ngunit hindi iyon maabot hanggat hindi ka gumagamit ng wastong paraan.


"Matutulog muna ako binibini. Pakigising na lamang ako kapag tanghaling tapat na." Paalam niya rito.


"Ha? Hindi ka ba nakatulog ginoo?" Pagtataka nito.


"Nakatulog ngunit gusto ko muling magpahinga." Pagdadahilan niya rito.


"Ganun ba. Ikaw ang bahala." Sambit nito.


Nahiga siya sa kanilang latag at umidlip.


Sino nga namang masasarapan matulog sa napakatigas at mainit na sahig na ito? Hindi katulad sa taas na kutson na siyang tinutulugan ng kanyang amo, paniguradong sarap na sarap ang binibining maghilata roon.


Nakaidlip siya at nagising na walang gumising sa kanya.


Nagpalingon lingon siya ngunit wala ang binibini. Agad siyang napatayo at hinanap ito sa buong baba ng barko ngunit wala ito.


Nasan kana ba binibini?


Nang maisip na maaaring nasa itaas na naman ito ay kinabahan siya. Anong gagawin nito roon ng ganitong mga oras? Nahihibang na ang binibini. Maaari itong mahuli ng Don at maparusahan sa isang kalapastanganan. Kahit pa inanyayahan ito ng senyorito ay hindi nito ito maipagtatanggol.


Kaagad siyang nagmanman at hinanap ng tiyempo na makaakyat sa taas. Mabuti na lamang talaga at tunay siyang nakaakyat pagkatapos ng ilang oras.



______________________________________________

A/n: Kaabang abang ang susunod na pangyayari. :-) Vote. Comment. Share.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top