Chapter 1: Part 13
A/n: Ngayon lang ulit nakapag-update! Hello ppl. :) Magboto at magkomento po tayo. :-)
______________________________________________
LEO
Pasikat pa lamang ang araw ay paakyat na sila sa loob ng barkong sasakyan na siyang pag-aari ni Don Clemente. Pawis na pawis man ay hindi ininda ni Leo ang lagay habang bitbit ang nagbibigatang kagamitan ng pamilyang kanyang pinagsisilbihan.
"Hayaan mong pahirin ko ang pawis mo sa iyong mukha, ginoo." Si Daniela na umakmang pupunasan nga siya.
Pasimple at bahagya niyang iniwas ang kanyang mukha rito.
Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa nasaksihan, alam niyang masama na ang ugali ng kanyang mga amo ngunit hindi niya inaasahang kasumpa sumpa pala ang kadumihan sa mga ugali nila.
Binibini...
Nabasa niya naman ang pagkapahiya nito. Parang gusto niya tuloy itong amuhin kaagad at pangitiin ngunit nangako na siya sa kanyang sarili na pupunan niya na ng hangganan lahat lahat maging ang sa kanila ni Daniela.
Hindi nawala ang kanyang respeto sa binibini ngunit may mga bagay na mas mabuting punan na ng tuldok para maiwasan ang kalapastanganan sa kapwa.
Tatakas siya anut-anomang mangyari.
"Napakainit naman dito."
"Huwag nga kayong haharang harang sa daan."
"A-raay." Ang binibining Daniela na maagap niyang sinalo mula sa muntikang pagkakasubsob.
"Ang daan ay ginawa para daanan, huwag kayong magpaharang harang." Anya ng isang patpating lalaki na may hawak na pamaypay habang nakataas ang isang kilay nito.
At sino naman ang isang 'to para umastang hari ng daan? Walang respeto sa babae. Katulad ng kanyang amo.
Sa pagkakaalam niya, lahat ng mga tao rito sa ilalim na bahagi ng barko ay mga alipin. Kaya nga't sino ito para maghari harian? Nangangarap ito ng gising. Tinitigan niya ito ng masama.
Masyado itong patpatin para hindi alamin ang sariling kalulugaran.
"Napakalawak ng daan Ginoo. Kung iyong mamarapatin masdan mo rin ang iyong daraanan baka kabayo na ang nasa 'yong harapan at masipa ka ng wala sa oras." Maingat na hinila niya ang binibini papunta sa pinakagilid at naglatag sa sahig ng banig upang makaupo ito ng maayos.
Ramdam niya ang mga nagtatakang titig mula sa binibini ngunit mas minabuti niyang huwag pagtuunan ng pansin iyon.
"Maraming salamat Ginoo." Inabot nito ang kanyang palad at marahang hinaplos. Maagap niya itong pinigilan.
"Binibini, makinig ka, handa akong igalang ka bilang isang binibini, kaibigan at kapatid hanggang sa aking huling buntong hininga." Totoong sambit niya rito.
Tanggap niya na, hindi sila para sa isat-isa. Sapagkat nandiyan ang kanilang mga amo na hahadlang sa kanilang pagitan at sasaktan sila ng paulit ulit gamit ang isat-isa. Ayaw niya ng dumating pa sa puntong iyon. Sa ngayon, kailangan niya munang maalis sa poder ng mga ito.
Pinunasan niya ang pagtulo ng luha nito. Mukhang nahulaan naman nito ang nais niyang ipahiwatig rito.
"P-patawad Ginoo." Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha sa pisngi nito.
Maingat niya itong inilapit sa kanyang dibdib at masuyong hinaplos ang likod nito.
"Ingatan mo lagi ang iyong sarili Binibini." Kahit na may mga bagay akong hindi tuwirang maamin. Sa kabila ng katotohanang huli na ang lahat para sa ating dalawa.
Humikhikbi na ito ngayon.
Palihim na nilakad niya ang madilim na pasilyo at hinanap ang daan palabas ng ilalim ng barko. Gusto niyang makita ang mga bituin sa kalangitan ngayong gabi.
Mula sa kanyang kinatataguan tanaw niya ang isang saradong pintuan.
Maingat siyang naglakad papalapit doon.
Binuksan niya iyon. Mabuti at naiwanan iyong bukas. Natutuwa siya't nakikiramay ang pagkakataon.
Samantalang sa isang dako ay ang isang rebulto ng tao na lihim na nakamasid sa kanya.
Abot hanggang mata ang kanyang ngiti. Natutuwa siya sapagkat ngayong gabi mararanasan niyang muli ang kalayaan para sa sarili.
Naupo siya at napasandal sa isang sulok kung saan malaya niyang natatanaw ang kalangitan.
Pinagmasdan niya ito, napakasuwertenamito't napakasagana nito sa mga bituin. Kailan man hindi ay hindi didilim ang sarili nitong mundo.
"Ang dilag sa bukana ng ilog,
nagniningnging tila buwan,
sa ilalim ng kumikinang na kalangitan,
sino ma'y tuluyang mahuhulog."
Naaalala niya 'yong mga panahong masaya pa sila ni Daniela. Masaya silang naglalaro sa ilog at maabutan ng gabi kakahuli ng mga maiilap na tutubi. Nakakatuwang isipin ang kinang sa kanyang mga mata sa tuwing nasa tabi lamang ang binibini.
Hindi niya namalayang nahulog na pala ang luhang kanyang pinipigilan sa pagpatak.
"TAGU TAGUAN MALIWANAG ANG BUWAN..."
"Sa ilalim ng BUWAN ay may dalawang pusong sugatan."
"Pagbilang ng tatlo'y magkikita na kayo."
"Isa, dalawa, ..."
"Sino ka?"-Leo
Halos mapatalon siya sa gulat ng masilayan ang isang babaeng nakaupo sa gilid niya na animu'y may pinagtataguan.
" Hindi pa tapos ang aking awit butihing Ginoo." Nakatabon ng sarong ang babaeng iyon habang nakayuko.
Dahil sa itinugon ng babae mariin na lamang siyang napailing at napatayo. Napahiya siya sapagkat masyado siyang naging mapag-usisa. Napakabastosang isipin ngunit nagawa niya ngang makaisturbo ng mas nakakataas sa kanya.
"Patawad..." Aalis na sana siya doon ng magsalita muli ito.
"Wala ka bang balak mapakinggan ang isang kanta ng binibini, ginoo?" Tanong nito sa kanya.
"Pasensya ka na sa aking kalapastanganan ngunit marami pa akong kailangang tapusin binibini." Paalam niya.
"Napakalungkot naman pala talaga ng mundong meron ako." Sambit nito na ikinalingon niya rito.
~END~
______________________________________________
A/n: Pagtiyagaan niyo lang po sana ang matagalang update. Maraming salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top