Chapter 1: PART 10

A/n: Hay! Buhay... Guys malapit na mag-2019 pero 'yong iba diyan hindi pa rin nagpaparamdam. Isang pamasko naman diyaan guys ma vote at comment para makilala ko kayo.

______________________________________________

Someone's POV

'Puro someone sino ba kasi 'tong Binibini na 'to? Haha' -Author

Sinikap niyang lumayo sa Isla na natunghayan. Siya ay nadadala na, hindi mapigil ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing makakakita ng tao sa lugar na iyon. Pakiramdam niya, wala man siyang sakit sa puso ay aatakihin siya ng wala sa oras.


"Isa lamang itong panaginip." Pagpapakalma niya sa kanyang sarili sapagkat sobrang kaba na ang kanyang nararamdaman.


"Ugh!" Impit na daing niya.


Naiiyak na napaahon siya mula sa ilalim ng dagat.


Nanginginig pa siya sa takot. Sobrang takot.


Napakalayo na pala ang kanyang narating. Sa ngayon, wala na siyang nasisilayang anumang Isla na mas lalong nagpakaba sa kanya.


Napakadilim ng gabi kung hindi lang dahil sa munting liwanag na dala ng buwan ng mga oras na iyon.


Na sa duda niya'y papanaw din anumang oras.


Ramdam niya ang malakas na pagsipol ng hangin sa ibabaw ng dagat at ang napakalakas na paghampas ng mga alon sa kanya.


"B-bakit hindi pa rin ako m-magising?" Naluluhang sambit niya, habang nakatingala sa buwan.


"B-bakit? Ako'y natatakot na. Gusto ko ng magising. I-na gisingin niyo na po ako." Naisapo niya sa kanyang mukha ang kanyang dalawang palad at hindi na napigilang mapahagulhol.


Maaaring may buntot siya sa panaginip na iyon ngunit ang kanyang katawan ay tunay na tao at napapagod.


Bago siya mawalan ng malay. Napangiti siya kasabay ng pagluha. Bago siya lamunin ng mga hampas ng alon.


Taimtim siyang nagpasalamat sa panginoon sapagkat alam niyang magigising na siya.


Splash!


Krughhsdksjh!!! Isang hagupit ng kidlat ang tumama sa kanyang kinalalagyan.


Saksi ang buwan, bituin, at alon ng karagatan.


Alam niyang pagkagising niya, ituturi na lamang niya itong isang bangungot.


Ituturi niya na lamang itong aral.


______________________________________________

A/n: Huhu. Sobrang ikli. Patawad ha? Mukhang wala naman kasing nagbabasa e. *iyak . Ito naman, nagbibiro lang.

Scroll muna sa next kaagad para 'di ka mabitin. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top