Chapter 8

HINDI pinansin ni Pollo ang tawag ng uncle Gunner niya nang makalabas siya sa silid ni Accalia. Do'n lang din ng binata napagtanto ang ginawa.

Walang may alam ng relasyon nila ni Accalia. Umakyat siya sa bintana ng silid ng dalaga para hindi siya mahuli ngunit nawala siya sa kaniyang pag-iisip nang marinig ang tungkol kay Jackie Jane.

Fuck.

Agad nagtungo si Pollo sa pack house kung nasaan ang office ng Alpha Primo nila. Binuksan niya ang pinto na walang katok-katok man lang.

Galit na lumingon si Primo kay Pollo. Isang ugali na magkatulad sa kapangalan ng binata. Parehas na hindi siya nirerespeto.

"This better be important after you marched inside without knocking, little Apollo!"

"I'm not little Apollo. I'm my own person, Alpha Primo. Not because my father named me after him. I would be him!"

Parehas natigilan ang dalawa. Alam ng dalawa na parehas silang may mali but surely they won't bother to apologize to each other because of their pride.

"What is it?" tanging tanong na lang ni Primo sa binata.

"Accalia found out what causes Jackie's sickness."

"What?!" Bagsak na hinampas ni Primo ang lamesa nang tumayo ito sa pagkakaupo. Lumapit si Pollo sa study table at tumingin sa mata ng kanilang Alpha.

"An incubus, Alpha."

NAPATILI sa gulat si Jackie Jane nang bigla na lang sumulpot ang magulang, kababata at kapatid niya sa loob ng silid niya.

Kakalabas lang ng dalaga sa shower room. Nakasuot lang siya ng bathrobe at basa pa ang buhok niya.

"Mata mo Conri at Pollo!" sita ni Grayson sa dalawang binata gulat nakatingin kay Jackie Jane.

Lumapit si Nyebe sa anak. "Anong nangyayari, ma?" tanong ni Jackie Jane bago tuluyan makapasok ang mag-ina sa loob ng bathroom.

Lumingon si Slate sa dalawang binata. "Labas."

Mabilis na lumabas si Conri. Hinila pa niya si Pollo dahil hindi nagpatinag ang kaibigan niya sa Prinsipe.

"What the fuck?!" inis na saad ni Pollo. Winakli pa ng binata ang kamay ni Conri nakahawak sa braso niya.

"'Wag mo ako murahin. May paguusapan tayo."

"What? Tungkol saan?" iritang tanong ni Pollo. Masamang tumingin si Conri kay Pollo. "About Accalia."

Natigilan si Pollo. Tumango siya at sumunod kay Conri pababa.

Sa loob naman ng silid ni Jackie Jane. Matapos makapagbihis ang dalaga ay parehas na lumabas ang mag-ina.

Nag tataka pa rin si Jackie Jane habang tinitingnan ang kaniyang mga magulang. Seryoso rin nakatingin sa kaniya si Grayson. Dumako ang paningin ni Jackie Jane sa kaibigan na si Accalia.

Bigla siya kinabahan. Did she tell them?

"Who is Caliban, Jackie Jane?" galit na tanong ni Echo sa biological daughter.

MISMONG araw din no'n nag tungo sila sa Lavanya. Walang nagawa si Jackie Jane kundi sabihin lahat sa magulang ang tunay nangyayari sa kaniyang katawan.

Nang makarating sila sa Lavanya ay agad sinilip ang buong katawan niya ni Professor Circe. Pulang-pula ang buong mukha ni Jackie Jane habang sinusuri ang bawat sulok ng kaniyang katawan.

Binaba ni Professor Circe ang suot na salamin sa lamesa pagkatapos ay buntong hininga na binasa ang nakuhang impormasyon sa kaniyang katawan.

Naiilang naman na niyakap ni Jackie Jane ang katawan dahil hindi man lang siya sinabihan kung pwede na siya mag suot ng damit.

"Tell me Jane. Have you seen yourself in the mirror whenever you were in your dreams?"

"Yes and my physical body in the waking world isn't the same in my dream."

"Interesting," Professor Circe uttered. May sinulat din ito sa lumang libro sa tabi nito. "You can put your clothes on."

"Thanks," she said. Habang nag susuot siya ay hindi mawala ang tingin niya sa professor.

"Sit there." Nilingon ni Jackie Jane ang bangko na tinuturo ng professor. Lumapit siya rito at umupo. Niyakap niya rin ang sarili dahil sa lamig.

Ilang minuto siya naghintay bago sinara ni professor Circe ang lumang libro at tinitigan siya.

"Are you aware na hindi dapat na-aapektuhan ang physical body mo sa tuwing dinadalaw ka niya?"

Tumango si Jackie Jane. "Yes, I've read."

"Narinig ko ngang binigyan ka ni Prue ng libro. So, I'm sure aware ka sa nangyayari sa 'yo."

Tinitigan ito ni Jackie Jane sa mata. "So, why you didn't tell us?"

TAHIMIK nakaupo si Jackie Jane sa isang bangko sa mahabang lamesa sa opisina ng headmaster habang nag sasalita si professor Circe sa lahat ng sinabi niya rito.

Nakaupo sa gitna si Nyebe habang sa magkabilaan niyang gilid ay nakaupo ang dalawang asawa na sina Primo at Slate.

Bilang isang Beta si Echo. Nagpaiwan ito sa Redwood para may mangasiwa sa kanilang pack habang wala ang kanilang Alpha.

"Why the last time my daughter went here you didn't find anything?" ani Nyebe. Ramdam dito ang pagkainis.

"Like what I said, the symptoms of your daughter last time didn't allowed us to see more about what behind it. We assume, it was the incubus doings."

Jackie Jane sighed. Hinawakan ni Grayson ang kamay ng kapatid. Pilit na ngumiti ang dalaga. She doesn't want to hear any more about him.

Especially, when she missed him so much.

"Lalo na kung hindi dapat siya na-aapektuhan. Hindi dapat," ani professor Circe. Parang nanghina rin ito sa huling sinabi nito.

Tumikhim si headmaster Alatar. "An incubus. They're not strong enough to damage our physical body."

"Because they are only strong in dream land," dagdag ni Slate. Tumango ang headmaster. "That is why, hindi ko maintindihan kung ano ang naging dahilan kung bakit na-apektuhan ang physical body ng inyong anak."

"Excuse me?!" Tinaas ni Conri ang kamay na para bang mag re-recite sa headmaster. "Yes, young man?"

"Prue, is that it? The young witch. Paano niya nalaman?"

"Prue could see dreams. Only if you allow her to touch your hand. Sa sitwasyon ni Jane, Prue managed to see her dreams because she allowed it," paliwanag ni professor Saruman. The warlock.

"Because of the hand shake," mahinang bulong ni Jackie Jane. Lahat ng atensyon ay napunta sa dalaga. Saglit walang nag salita.

"Right," ani professor Saruman nang mahimasmasan. "That's right! The hand shake."

Tinaas ulit ni Conri ang kamay. "Yes?"

"Do you think she would know what will happen? I mean, how to get rid of it?"

Jackie Jane growled. Pinanlisikan niya ng mata si Conri. What does he means by get rid of it?!

Nahati ang tingin ng nasa loob kala Jackie Jane at Conri. Gulat man si Grayson ay mas hinigpitan niya ang kapit sa kapatid para kahit papaano ay kumalma ito.

"What Jane? Ayaw mo mawala 'yang incubus mo? Hahayaan mo mamatay para sa kaniya?!"

Binitawan ni Jackie Jane si Grayson at tatayo na sana nang buhatin ni Pollo ang dalaga. Sinampa niya ang nag wawalang si Jackie Jane sa kaniyang balikat.

Nagulat ang lahat sa nasaksihan. Kahit sina Primo, Slate at Nyebe ay hindi agad nakapagreact sa nangyari.

SA hallway, kung saan kalalabas lang ng ilang mga estudyante sa kanilang mga klase. Nag patuloy si Pollo sa pagbuhat kay Jackie Jane kahit pa pinaghahampas siya nito sa kaniyang likuran.

"Jane?" mahinang tawag ni Willow nang mapadaan ang dalawa sa harapan ng dalaga. "Wait! That's Jane!" sigaw ni Willow.

Lumingon ang ilang estudyante sa gawi nina Jackie Jane. Umangat ang ulo ng dalaga at pilit na tinawag si Willow ngunit nag patuloy lang sa paglakad si Pollo.

"Ibaba mo ako! Ang sakit na ng ulo ko!"

Tumigil si Pollo pagkatapos ay maayos na binaba ang dalaga sa lupa. Magulo ang buhok at kasuotan. Inis na tumingin si Jackie Jane sa binata.

"What is wrong with you?!" Inayos ni Jackie Jane ang kasuotan at buhok habang hindi nawawala ang tingin ni Pollo sa kaniya. Mas lalo niya ito tinaasan ng kilay.

"Jane!" hinihingal na tawag ni Willow. Humawak pa ito sa binti dahil sa ginawang pagtakbo nito.

"Gosh! Ang bilis maglakad." Inis na binilangan ni Willow si Pollo na hindi inaalis ang tingin kay Jackie Jane. "Anong klaseng lobo ka ba?" saad pa ni Willow.

Natawa naman si Jackie Jane. Do'n lang binigyan ng atensiyon ni Pollo ang babaeng bagong dating.

"Ikaw ba si Prue?" Pollo asked.

"No, bakit mo hinahanap kapatid ko?"

Kinuha iyon pagkakataon ni Jackie Jane na umatras ng mabagal patalikod hanggang tuluyan siya tumalikod at tumakbo palayo sa kanilang dalawa.

"We need her— Jackie!" sigaw ni Pollo nang makitang tumakbo ang babae. Hahabulin na sana ito ni Pollo nang mabilis hawakan ni Willow ang braso ng binata.

"What the fuck?!"

"You need my sister, right? Sumama ka na sa 'kin!" Mahigpit na hinawakan ni Willow ang braso ni Pollo. Ngunit dahil lobo ang binata ay nakawala agad ito.

Pabagsak na umupo si Willow sa sahig. Tumama una ang kaniyang pwetan. Masama niyang tiningnan si Pollo.

pagósei ton ánthropo

Agad na huminto si Pollo sa pagtakbo. Ngumisi si Willow nang hindi makagalaw ang binata pagkatapos ay sinilip niya si Jackie Jane kung tuluyan nakalayo na ba ito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Prue sa kapatid nakasalampak sa sahig. Willow just rolled her eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top