Chapter 5
MARIRINIG sa loob ng dining area ang mga estudyanteng warlocks and witches nag kukwentuhan sa isa't isa. Hindi gano'n kalakihan ang hapagkainan. May apat na mahahabang lamesa kung nasaan nakapwesto ang bawat year.
Natigil ang paguusap ng mga ito nang sabay na pumasok si Jackie Jane at si Willow na isa sa mga witches na inutusan samahan si Jackie Jane habang wala ang ama, kapatid at kaibigan ng dalaga.
"Don't mind them. Tara do'n sa kapatid ko," ani Willow. Hinawakan pa nito ang kamay ni Jackie Jane.
Nagtungo ang dalawa sa bandang unahan at pangalawang mahabang lamesa. May ilang mga estudyante ang nakaupo rito. Sa bandang gitna ay tumuloy ang dalawa.
Niyakap ni Jackie Jane ang sarili nang makaramdam ng lamig. "Jackie, kapatid ko si Prue," pakilala ni Willow sa babaeng may maiksing buhok at eye glasses. Ito lang din ang may kulay blonde ang buhok sa mga estudyante.
Ngumiti si Jackie Jane at sinubukan abutan ito ng kamay. "I'm Jackie Jane." Kinuha ni Prue ang kamay ni Jackie Jane at nakapag-shake hands. May malaki itong ngiti sa labi.
"You're a hybrid, right?" ani Prue. Biglang lumingon ang ilang estudyante nasa malapit sa kanila nang marinig ang sinabi ni Prue kay Jackie Jane.
"Prue," sita ni Willow. Umiling pa ito. "Sorry, ayon kasi usapan sa ibang mga estudyante," paliwanag ni Prue para sa sarili.
"It's okay. Normal na iyon sa mga ibang uri na pagusapan," saad ni Jackie Jane pagkatapos ay umupo sa tabi ni Prue. Si Willow naman ay sa kabilang gilid ni Jackie Jane.
"Even it's normal. Hindi dapat ito ni-no-normalize," saad ni Prue. Sumang-ayon din si Willow. Tumango si Jackie Jane.
Nagsimula silang kumain na tatlo. May ilan pa rin na estudyante ang hindi inaalis ang tingin kay Jackie Jane hanggang may isa nang estudyante ang hindi nakatiis.
"Ikaw ang panganay na anak ni Luna Nyebe at may tatlo kang ama, hindi ba? Sina Alpha Primo, Prinsipe Slate and Beta Echo," saad ng isang babae. Mahahalata rito ang excitement. Nag gestured pa ito sa daliri na parang nag bibilang.
Kaysa mainis si Jackie Jane. Tumango siya rito. Ngayon na lang kasi may kumausap sa kaniya. Maliban sa mga kababata niya. Simula kasi no'ng nagkasakit siya. Hindi na rin siya pumasok sa campus.
"Ako nga. Actually, nandito sina Itay Slate and my dad Echo." May ilan mga estudyante ang biglang lumapit sa kanilang gawi. Ngumiti naman siya sa mga ito.
"Wow, so it's true?"
"Shempre, siya na nga ang living proof."
"Her mom is a hybrid and a chosen goddess."
"Is that even possible?"
Iba't ibang komento ang namayani sa kanilang paligid. Rinig na rinig ito ni Jackie Jane pero wala siyang ibang sinabi. Alam niya ang kwento ng kaniyang mga magulang ay isa sa hindi makakalimutan sa kanilang kasaysayan.
Ang pangalan din ni Jackie Jane ay hango sa uncle Jack niya na isa sa bumuwis ng buhay para sa panibagong kinabukasan. Pati ang kababata niyang si Pollo ay pinangalan sa kanilang uncle Apollo.
No'ng bata sina Jackie Jane at Pollo ay madalas ang mga ito asarin dahil ang uncle Jack at uncle Apollo nila ay isang magandang relasyon na hindi man lang nasimulan. Umaasa ang ibang matanda na maisipan ng Moon Goddess na sila ang tumuloy sa relasyon naudlot.
Ngunit ang problema, bata pa lang ang dalawa ay wala na silang interest sa isa't isa.
"I think, we're already done eating," saad ni Willow. Hinawakan nito ang kamay ni Jackie Jane. Sumunod naman si Prue pagkatapos nito kunin ang libro nasa ibabaw ng lamesa.
Patungo sa silid ni Jackie Jane ay naabutan nila sina Grayson at Accalia. Mabilis na yumakap si Accalia sa kaibigan. "Jane!"
Bumaling si Jackie Jane sa kapatid. Ngumiti naman si Grayson at ginulo ang buhok ni Jackie Jane. "Puntahan ko lang sina Dad," saad ni Grayson pagkatapos ay bumaling sa bagong kasama ni Jackie Jane.
"They helped me when you two were gone."
"Jane, dapat talaga nag paiwan na lang ako rito." Umiling-iling pa si Accalia at niyakap ulit si Jackie Jane.
"Mauna na ako—and Lia, you need to come with me. Hahatid na lang kita mamaya sa silid ni JJ." Nakabusangot na bumitaw si Accalia at nag paalam sa kanila.
Saglit na sinundan ni Jackie Jane ng tingin ang dalawa bago bumaling ulit kala Willow at Prue. "Pasok muna kayo sa loob?"
NAKAUPO sa paanan ng kama si Willow habang si Prue naman ay nakaupo sa couch bitbit ang libro nitong binabasa. Si Jackie Jane naman ay naka higa na sa kama dahil sa kaniyang kapaguran nararamdaman.
Mas mabilis mapagod ang dalaga simula makaramdam siya ng kakaiba. Isa sa rason kung bakit siya pinatigil sa pag-aral sa campus at nag home study na lang.
"Curious lang ako. I know I shouldn't ask this but—" saglit huminto si Willow. "Bakit kayo naparito? There's Greenville. Why in Lavanya?"
Pilit na ngumiti si Jackie Jane. Umayos siya ng upo. Mas niyakap niya pa ang sarili dahil sa lamig nararamdaman. Pinagmasdan naman siya ni Willow.
"I'm sick," saad niya. Nanlaki ang mata ni Willow sa gulat. Lumapit pa ito sa kaniyang tabi. "She's right, Willow." Parehas silang lumingon ni Willow kay Prue nang magsalita ito.
Binaba ni Prue ang hawak na libro pagkatapos ay seryosong tumingin kay Jackie Jane.
"You didn't tell them, did you?"
"About what?" Willow asked. Saglit lumingon si Prue sa kapatid pagkatapos ay binalik ulit ang tingin kay Jackie Jane.
"About her dreams."
BUMUKAS ang pinto at niluwa sina Grayson at Accalia. Huminto ang matatanda sa kanilang seryosong paguusap. Agad na tumayo si Echo at nilapitan ang anak.
"Nakuha niyo 'yong mga sangkap?" tanong ni Echo kahit halata na walang bitbit ang dalawa.
"We couldn't get it. Hindi nasabi satin ng headmaster na 'yong pinapakuha nilang sangkap ay isang witch shifter."
Sabay na lumingon sina Slate at Echo sa headmaster pati na rin sa dalawa pang kasamahan nito. Nag iba ang kulay ng mata ni Slate and Echo growled. "Did you just ask my son to get someone's eyes and tongue?!"
Nanginginig na yumuko ang headmaster. "Your highness, for now, that's the only way."
"No. I know there's another way. We came here for you to find it. My daughter won't drink someone else's loved ones just for her to be better. We're not that kind of people, headmaster Alatar," galit na saad ni Slate.
Sa galit ni Slate ay lumabas ang pakpak nito. Maliwanag na kuminang ito sa kanilang harapan habang binibigyan ng panlilisik ni Slate ang headmaster at ang dalawang professor.
"We're not here to play. Our daughter needs help!"
MAHIGPIT na hinawakan ni Caliban ang kaniyang katawan habang patuloy itong humahalik sa kaniyang umaapoy na balat.
Hindi ito tumitigil sa paghaplos at paghalik sa kaniya habang hindi rin siya tumitigil sa pag halingling sa bawat tama ng malambot nitong labi sa kaniyang katawan.
Mahigpit siyang yumapos sa balikat nito habang mahigpit naka kapit sa kulay puti nitong buhok. No'ng unang kita niya sa binata ay may kulay itim itong buhok ngunit nang tumagal ay napalitan na ito sa blonde at ngayon ay puti naman.
"Jackie Jane," ungol ni Caliban sa kaniyang pangalan. Ang tinig nito ay kumiliti at dumaloy sa kaniyang pagkababae kung saan nilalabas pasok nito ang kahabaan nito sa kaniya.
Sa una ay normal lang ang nangyayari hanggang maramdaman niya ang dila nito sa kaniyang bibig. Kinakapusan na pinatigil niya ito humalik.
Nang humiwalay ang labi ni Caliban sa kaniya ay parang may usok na lumabas sa kaniyang bibig kung saan sobrang lamig nito. Pinatitigan niya ang lalaking mapangahas na humahawak at humahalik sa kaniyang katawan.
Naka nganga kaunti ang bibig nito. Katulad niya ay may lumalabas din na usok dito pero hindi nawala sa kaniyang paningin ang dila nito na parang katulad sa ahas.
BUMANGON siya sa kaniyang pagkakahiga. Kinuha niya ang manipis na blanket at tinaklob sa kaniyang hubad na katawan.
Saglit niyang sinilip si Caliban natutulog sa kaniyang kama pagkatapos ay nagtungo siya sa ibaba.
Kinuha niya ang libro nasa coffee table at umupo sa sofa. Isang taon na rin ang lumipas. Twenty na siya at nasanay na siya sa presensiya ni Caliban. Natutunan na rin niya magustuhan ang kanilang ginagawa.
Kahit pa ang kabayaran ng lahat na iyon ay ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang enerhiya sa waking world.
Nang pumunta sila sa Lavanya. Nabigo ang mga warlocks and witches na matulungan siya. Hindi niya rin kasi nagawang sabihin sa mga ito ang tungkol sa kaniyang panaginip.
Nalinawan lang siya tungkol sa nangyayari sa kaniya no'ng bigyan siya ni Prue ng libro. Isa itong libro tungkol sa lalaki at babaeng diyablo na ginagamit ang orgasms ng isang tao to survive.
Kung sa normal na tao ang pagkain at tubig ay kailangan sa pang araw-araw. Sa mga ito ay ang sex ang essential para sila'y mabuhay.
Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit siya nanghihina. Dahil based sa librong binigay sa kaniya ni Prue ay dapat walang apekto ito sa pinagkukuhanan.
Mas lalo tuloy siya naguluhan dahil hindi niya alam kung lahat ba ng nabasa niya ay may katutuhan o kathang-isip lamang.
But one thing for sure, Caliban was an Incubus.
—
a/n: If you have time. Please, give me some feedbacks. Katulad ng ano sa tingin niyo ang magiging takbo ng kwento? while we wait. See you next year and thank you sa 1M reads ng Nyebe! ♥︎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top