Chapter 4

NAKATULOG sina Jackie Jane at Accalia sa biyahe. Nang huminto ang sasakyan ay tulog pa rin ang dalawang babae.

Tumayo si Grayson sa pagkakaupo nito at binuksan ang sasakyan. Nilabas nina Slate at Echo ang mga bagahe nasa likuran ng sasakyan habang marahan na tinapik ni Grayson si Accalia.

Unti-unti nag mulat ang mata ni Accalia at bumungad sa kaniyang harapan ang mukha ni Grayson. Medyo nagulat pa ito dahil may pagkamalapit ang binata sa kaniya.

"Will you wake her up? I'll help dads to unload the bags."

Namula sa hiya si Accalia at agad na bumaling kay Jackie Jane. Hinaplos niya ang pisngi ng natutulog na si Jackie Jane.

"We're here," aniya nang gumising ang dalaga. Umikot ang paningin ni Jackie Jane sa labas ng sasakyan. Kahit siya ay napatingin din.

Pinapalibutan na sila ng makalumang mga bahay na gawa sa malalaking bricks. Isa-isa lang din ang kulay ng pamamahay ang mayro'n sa lungsod.

Magkaparehas na kulay pula at itim ang mga ito. May kadiliman ang kalsada pero hindi naman mawawala ang ilang mga ilaw nakasabit sa bawat bahay.

Kung tutuusin, para silang nasa isang human Halloween street. Kulang na lang ay mga batang gumagala para kumatok sa bawat bahay para manghingi ng chocolates and candies.

Nandito na nga sila sa Lavanya. Ang old town ng mga warlocks at witches.

SA isang house academy sila Jackie Jane nanuluyan. Sumalubong sa kanila ang headmaster at tag isang warlock at witch.

Kay Jackie Jane agad ang buong atensyon ng tatlo. Nawala lang ang mapanuring tingin ng mga ito sa dalaga ng tumikhim si Prinsipe Slate.

"Your highness," bigay galang ng Headmaster at ng dalawang kasama nito kay Slate. "I'm Alatar, the headmaster of Lavanya Academia," saad ng lalaking nasa edad na 60s. May bigote ito na paalon.

"Ako po si Saruman," ani ng isa pang lalaki. Mas bata tingnan kaysa sa nauna. "My name is Circe, your highness." Tinapat ng babae ang palad nito sa kaliwang dibdib at tumungo.

Slate acknowledged them. "Inaasahan ko nabasa niyo na ang liham na pinadala ko bago kami pumarito." Isa-isang tiningnan ni Slate ang mga ito.

They all bowed then the headmaster made a gesture to go inside. "Yes, your highness. We are all waiting for your arrival."

Hindi kalakihan ang Lavanya Academia. Ang bawat struktura ng gusali ay mas makaluma kaysa sa Greenville. Hindi rin gano'n kaliwanag ang bawat pasilyo tinatahak nila.

Rinig na rinig din ang bawat yabag ng sapatos at tawanan sa hindi kalayuan habang patuloy silang nakasunod sa Headmaster at dalawang professors.

May ilang estudyante pa ang huminto at nag bigay galang nang makita ang mga bagong bisita. Kumpara sa Greenville na may uniforme. Sa Lavanya ay wala ngunit mapapansin na may color coding ang kasuotan ng mga ito. Halos nasa dark shades ang mga suot ng estudyante.

Nang pumasok sila sa isang silid ay bumungad sa kanila ang ilang malalaking itim na cauldron na may laman sa loob dahil kumukulo ang mga ito.

Mahigpit napakapit si Accalia sa braso ni Jackie Jane dahil sa takot. Pinalibot nila ang tingin sa buong silid. May ilang kandila ang nakasindi. Mga libro sa paligid at ilang hindi mapaliwanag na mga kagamitan.

Saglit na lumingon si Grayson kala Jackie Jane at Accalia bago bumalik ang tingin sa unahan at sumunod sa limang nakakatanda. Kasama roon ang dalawa niyang ama na sina Slate at Echo.

Buong akala ng lahat ay do'n na ang destinasyon nang si Sir Saruman ay lumapit sa dingding at may binabang bunggo. Bumukas ang panibagong lagusan sa loob.

Rinig ang pagsinghap ni Accalia nang makita ito habang tahimik lang si Jackie Jane sa tabi nito. May malalim na iniisip.

"This way."

Sumunod ulit ang lahat. Bumungad sa kanila ang hagdan pababa. Paikot ito at hindi nakikita kung ano ang nasa ibaba. Isa-isa rin nag bukas ang ilaw nasa dingding.

"This is scary, don't you think, Jane?" bulong ni Accalia sa kaibigan. Nagkibit balikat naman si Jackie Jane at sabay na silang sumunod pababa.

Nang makababa sila. Isa-isang lumingon sa kanilang gawi ang ilang warlocks at witches na busy sa kani-kanilang trabaho.

Ang bawat dingding ng silid ay may nakasulat na mga spells na hindi nila mawari. Maingat nilang pinagmasdan ang mga ito. Ang silid ay parang isang tagong opisina.

"Another this way, your highness. My apologies, this would be the last stop." Nang sabihin iyon ni Headmaster Alatar ay sabay-sabay ulit na lumingon sa kanilang gawi ang mga ito.

Mas lalong humigpit ang kapit ni Accalia. Natatakot na siya sa mga matutulis na tingin ng mga warlocks at witches sa kanilang gawi.

Si Grayson naman ay umatras para pumuwesto sa likod ng dalawang dalaga.

Lahat sila ay natigilan sa biglang pinapakitang atensyon ng mga ito.

"Please, lead the way, headmaster," ani Beta Echo. Doon lang ata lahat natauhan nang mag salita ito at sabay-sabay na ulit silang pumasok sa huling silid.

MAGKASAMA na lumabas sina Accalia at Grayson nang kinagabihan. Inutusan ang mga ito na mag hagilap ng ilang herbs sa balak ipainom kay Jackie Jane.

Sinilip ni Accalia ang listahan na pinapabili sa kanila. Kunot ang noo niya nang mabasa ang mga nakalista.

"Mata ng dragon at dila ng ahas?!" gulat niyang tanong. Lumingon si Grayson sa kaniya. "Yes."

"Saan tayo hahanap no'n?" tanong niya pa. May dragon pa ba sa panahon nila?

"Sa likuran ng papel. May nakasulat na address," sagot ni Grayson. Nag patuloy pa ang binata sa paglalakad. Sinundan naman ito ni Accalia.

Hindi na gumamit ng sasakyan ang dalawa dahil malapit lang naman daw ang bilihan sa Lavanya. Ngunit kanina pa sila nag lalakad at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nahahanap kung saan mabibili ang mga nakalista sa papel.

"Kaninong hibla naman 'to ng buhok?" tanong pa ni Accalia kay Grayson. Lumiko ang binata sa kanan na alley. Sumunod naman ang dalaga rito.

"Kay JJ," sagot ulit ni Grayson pagkatapos ay huminto si Accalia sa paglalakad nang tumigil si Grayson. "Teka! Dead end na 'to, Ray."

Hindi sumagot si Grayson bagkus ay may nilabas itong isang itim na susi. Pinanood ni Accalia ang susunod na gagawin ng binata.

Nanlaki ang mata ni Accalia nang nagkaroon ng keyhole sa dingding. Pinasok ni Grayson ang susi at pinihit. Bumukas ang isang pinto sa kanilang harapan.

Accalia mouth just dropped. "Whoa? Whoa!" Bago pa makapasok si Grayson ay nauna na si Accalia.

Pinagmasdan ni Accalia ang iba't ibang uri ng shop sa kanilang harapan. Nailing at nakangiti naman si Grayson na sumunod.

"Wow! This market is amazing!" masayang saad ni Accalia. Sa sobrang saya niya, wala sa sariling hinawakan niya ang kamay ni Grayson para hilahin ito sa isang shop.

"Sorry," aniya nang mapansin na hawak niya ang kamay ni Grayson. Pareho silang nag iwas ng tingin.

Tumikhim naman si Grayson. "Do'n tayo sa kabilang shop."

"Oh, okay," hindi pa rin makatingin na saad ni Accalia sa kapatid ni Jackie Jane.

Tahimik ang dalawa nag lakad patungo sa dapat na shop na pupuntahan nila. Mapapansin din na sobrang busy ang buong paligid.

May nakita pa silang lumilipad na uri ng ibon. Isa itong malaking uri kumpara sa normal na size nito. May nakasabit na maliit na bag kung nasaan may laman na mga liham.

Isa itong bluebird. 

A Mail bird.

"Dito tayo," ani Grayson. Pumasok ang dalawa sa may kalumaan na shop. May mga malalaki pang sapot ang nasa dingding.

Tumunog ang wind chime nang pumasok sila sa loob. Bigla rin namatay ang nakasindi na kandila sa bukana. Sa gulat ni Accalia ay nahawakan niya ulit si Grayson, sa braso naman this time.

"S-sorry. Ang creepy lang no'ng atmo—"

"Tell me, what did someone like me do for a wolf couple to visit me?"

Isang magandang babae ang biglang lumabas sa kanilang harapan.

Kulay itim ang dress nito, may itim itong mahabang buhok at itim na lipstick bumabagay sa maputi nitong balat.

"W-wala kaming relasyon," gulat na saad ni Accalia. Mahahalata rin ang kaba sa kaniyang boses dahil kakaiba masyado ang binibigay na aura ng magandang babae.

Humagikgik ang babae. Nagtaka si Accalia habang si Grayson ay parang hindi man lang nadala.

"I know, I'm just kidding, silly!" Hindi pa rin tumigil ang pag tawa nito. Nag lakad ang babae patalikod at napadaan ito sa malaking salamin.

Nagulat si Accalia nang makita ang repleksyon nito. Isang matandang babae. Ibang-iba sa nakikita nilang itsura.

Lumingon siya kay Grayson. Umiling ito sa kaniya. Tumango siya rito.

"Anyways, dalian niyo. Sabihin niyo agad ang sadya niyo kung bakit kayo naparito." Biglang harap ng babae sa kanila. "Chop. Chop!" Pumalakpak pa ito.

"Headmaster Alatar said we could find these things in here." Kinuha ni Grayson ang papel sa kaniya pagkatapos ay inabot sa babaeng maganda o matanda?

"No." Biglang tumalim ang tingin nito sa kanilang dalawa pagkatapos ay inabot pabalik kay Grayson ang papel.

Hindi ito kinuha ni Grayson. "But we need it. Kailangan ng kapatid ko ang sangkap na 'yan!" medyo sumigaw na wika ni Grayson sa babae. Kahit si Accalia ay nagulat sa inakto ng binata.

"I can give you the first ones, but these two? No."

"We.. We have money to pay you. Headmaster specifically said we need these two." Turo ni Grayson sa mata ng dragon at dila ng ahas.

"Well, nasabi rin ba sa inyo ng Headmaster na 'yan na ang hinihingi niyo lang naman ay mata at dila ng mga kapatid ko?!" Biglang umapoy ang buhok ng babae sa galit.

Napa-atras si Accalia sa gulat at takot. Isa ang apoy sa kinakatakutan ng mga lobo.

"My apologies, we didn't know," may pagkamahinang saad ni Grayson sa huli. Yumuko pa ito.

Si Accalia na takot ay nanginginig na yumuko rin. "We're sorry," paumanhin ni Accalia.

Biglang nawala ang apoy sa buhok ng babae. Ngumiti ito ng kalaki-laki na parang walang nangyari.

"Ok, apology accepted!" Humagikgik ulit ito.

"If you may, kami'y mauuna na," paalam ni Grayson. Hindi na hinintay ng binata ang sasabihin pa nito at agad na hinila palabas si Accalia sa shop na iyon.

Lumingon si Grayson sa dalaga na nanginginig pa rin. "It's okay, nasa labas na tayo." Marahan na pinisil ni Grayson ang kamay ni Accalia.

Dahan-dahan naman inangat ni Accalia ang tingin kay Grayson. "O-okay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top