Chapter 37

Wrath & Greed

SA malawak na kadiliman ng isang lugar. Makikita sa kalagitnaan nito ang isang malaking hugis na bilog. Nagliliyab ng apoy ang buong kalooban nito.

At sa hindi kalayuan ay may unti-unting nabubuong pigura ng isang tao ang tumatayo galing sa kumukulong apoy.

Mapapansin ang sira-sira nitong itim na pakpak. Pati na rin ang sunog ng kalahati nitong katawan.

Isang anghel na tinakwil sa kalangitan dahil sa kasalanan nitong umibig sa kapwa nitong anghel. Sa pag-iibigan ng dalawa, namuo sa kanila ang pagnanasa sa isa't isa na pinagbabawal sa itaas.

Pinaglayo ang dalawa ng Maykapal. Tinapon ang lalaki sa imperyno habang ang babae naman ay sinilang muli sa katauhan ng isang tao.

Ika-ika naglakad si Caliban nang makaalis ito sa nagliliyab na apoy. Ang pakpak nito ay wala ng buhay. Napatingin si Caliban sa itaas. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Tila ito'y nasasaktan sa mga nangyari nang pabagsak itong humandusay. Napatingin ito sa madilim na kalangitan. Umaasa na makakabalik ito. Ngunit, patuloy pa rin itong nasasaktan at nahihirapan.

"Tinakwil ka rin ba Niya?" tanong ng isang tinig. Hindi nawala ang tingin ni Caliban sa kalangitan.

"Anong kasalanan ang ginawa mo para pahirapan ka Niya nang ganito?"

Nanahimik si Caliban. Inalala ang sandaling nakasama nito ang minamahal na babae.

"Umibig," mahinang sagot ni Caliban sa tinig.

Ang tinig na kanina pa kumukausap kay Caliban ay nagkaroon ng katawan. Isang batang lalaki na may edad na anim na taong gulang ang nakadungaw habang nakaupo ito sa tabi ni Caliban.

"Pag-ibig, ha?"

Doon na tuluyan lumingon si Caliban sa kausap. Nag-iba kasi ang tinig ng boses nito. Napalitan ng isang bata. Tinitigan ito ni Caliban.

"Impyerno ba ito?" tanong ni Caliban. May bungisngis nakapaskil sa mukha ng bata bago ito tumango nang tumango.

"Ito nga! Maganda, hindi ba? Punong-puno ng kahirapan. Walang katapusan na paghihirap. Isn't that beautiful?"

"Maganda?" may alinlangan na tanong ni Caliban. Inalis nito ang tingin sa batang lalaki pagkatapos ay tinitigan ulit ang kalangitan.

Ang lungkot sa mukha nito kanina lamang ay unti-unti napalitan. Isang tipid na ngiti ang sumilay kay Caliban hanggang mapalitan ito nang malawak na ngiti. Wari ba'y nakalimutan na nito kung ano ang dahilan kung bakit siya naroroon.

Ang anim na taong gulang naman na bata ay mas lalong napangiti nang makita ang naging itsura ni Caliban.

"Tama 'yan, Caliban. Bibigyan kita nang laya rito. Ibang-iba sa iyong pinagmulan."

LUMIPAS ang ilang dekada. Ang anghel na si Caliban ay tuluyan nang naging demonyo. Para ito mabuhay ay binayayaan ito ng kapangyarihan upang kumuha ng enerhiya sa mga tao gamit ang panaginip ng mga ito.

Isang gabi habang nangangain ng sekwal tensyon ang binata. Bigla ito pinakitaan ng mga imahe. Isang magandang babae na may tinataglay na malakas na enerhiya na makakatulong sa kaniya upang maging isang tao.

Binalewala ito ni Caliban ngunit paulit-ulit itong nagpapakita sa kaniya. Maski ang kaniyang trabaho ay naabala dahil sa mga imaheng kaniyang nakikita.

Ilang buwan din ito pinigilan ni Caliban. Ang enerhiyang binibigay nito ay sobrang pamilyar sa binata. Hindi lamang itong isang enerhiya na magbibigay sa kaniya bilang isang tao. May higit pang enerhiya ang naguudyok sa binata.

"Fuck," malutong na mura ni Caliban nang maalimpungatan ito. Kitang-kita niya sa panaginip niya ang isang babaeng may magandang ngiti sa kaniya habang siya'y nakikipagtalik dito.

PINATITIGAN ni Caliban ang bago niyang biktima. Ito'y mahimbing natutulog. Kung kadalasan ay hindi nag-aalangan ang binata. Sa mga oras na iyon ay hindi niya magawang pasukin ang panaginip nito.

Ilang gabi na siya ginugulo ng isang babaeng hindi niya makilala at pagod na pagod na ang binata sa pagpigil sa sariling hanapin kung sino man ito.

"Bloody hell!" singhal ni Caliban dahil sa irita.

Ang ilang buwan na pagpipigil niya sa sarili. No'ng gabing iyon sa unang pagkakataon ay nagawang iwan ni Caliban ang kaniyang biktima. Sinimulan ng binata hanapin ang babaeng nasa kaniyang panaginip.

Hindi ito naging madali para kay Caliban. Kahit pa sabihin na madalas itong magpakita sa kaniya, hindi agad ito nahanap ng binata. Lumipas din ang isang taon sa paghahanap dito nang isang gabi ay tuluyan na ito natagpuan ni Caliban.

HINIHINGAL na bumangon si Jackie Jane galing sa pagkakatulog nito. Taas baba ang kaniyang dibdib na para bang nanggaling siya sa pagtakbo nang sobrang layo.

Habang unti-unti pinapakalma ang kaniyang sarili. Napatitigan ni Jackie Jane ang buong paligid. Ito'y sobrang pamilyar sa kaniya. Paano bang hindi? dahil nasa loob lamang siya ng kaniyang silid.

Tumayo si Jackie Jane. Marahan siyang naglakad. Pinagmasdan ang silid. Tunay ngang namiss niya ang lugar kung saan siya matagal nanatili simula nang bisitahin siya ni Caliban.

Bigla niya tuloy naalala ang kaniyang paghihirapan simula nang makilala niya ang binata. Doon niya napagtanto na mahal niya ito dahil handa siyang mahirapan para lang sa binata na hindi man lang niya ganoon kakilala.

"Jackie Jane."

Maski ang pagtawag nito sa kaniya ay naalala at naririnig niya. Para bang bumalik talaga siya sa mga araw na binibisita siya ni Caliban.

"Jackie Jane."

Isang tinig na naman.

Napaupo si Jackie Jane sa gilid ng kama. Nalungkot siya. Pinikit niya ang mata. Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mahal niya talaga si Caliban kahit ano pa sabihin ng iba dahil sa mga naging desisyon niya sa buhay.

"Jackie Jane, bakit ka umiiyak? Did I hurt you again?"

Pinunasan niya ang luha. Umiling siya habang unti-unti minulat ang mata. Una malabo ito hanggang luminaw ang isang pigura ng lalaki sa kaniyang harapan. Titig na titig sa kaniya ang kumikinang nitong pulang mata.

"Cali?" tawag niya rito.

May kunot pa rin sa noo nakatingin sa kaniya ang binata. "Nasaktan ba kita ulit?" pag-uulit nitong tanong sa kaniya. Mahahalata ang pag-aalala nito para sa kaniya.

Sa pangalawang pagkakataon. Umiling siya.

"Hindi. Hindi mo ako sinaktan. Kahit pa nahihirapan ako, hinding-hindi kita sisihin."

Hinawakan ni Caliban ang kaniyang pisngi. Parehas silang dalawa na may lungkot sa kanilang mga mata habang nakatingin sa isa't isa. "I'm sorry," ani Caliban.

"Sorry I hurt you. Sorry I made you like this." Dinampian ni Caliban ng isang marahan na halik ang kaniyang noo. "I'm really sorry," bulong pa nito.

Mas lalo naman naluha si Jackie Jane at ang tanging nagawa na lamang niya ay yakapin ito nang sobrang higpit. "Mahal kita, Caliban."

"M-mahal mo ako?" Inalis ni Caliban ang yakap nila sa isa't isa. Gulat itong nakatingin sa kaniya. Halatang hindi ito makapaniwala.

Tumango siya. "Mahal kita. Hindi ka nawala sa isip ko. Araw man o gabi. Araw-araw kitang hinihintay at patuloy na hihintayin kung sakaling ako'y iwan mo muli."

"Jackie Jane."

"Mahal kita, Caliban. Maniwala ka."

Tuluyan nang lumuha si Caliban. Kinulong nito ang dalawa niyang pisngi sa mainit nitong palad habang hindi inaalis nito ang tingin sa kaniyang mga mata. "Saan ka man maparoon, hindi akong magsasawa na hanapin ka para lang makasama kang muli."

Ngumiti siya. Hinawakan ang dalawang kamay nito pagkatapos ay hinalikan ito sa labi. Sa unang pagkakataon, sinagot ni Caliban ang halik niya na marahan at may pag-iingat. Unti-unti siya nito hiniga sa kaniyang kama bago ito dumagan sa kaniya habang ni isa sa kanila ay walang bumitaw sa paghalik sa isa't isa.

Bumaba ang halik ni Caliban sa kaniyang leeg. Ilang segundo ito nagtagal doon. Suminghot pa ito bago ulit ito bumalik sa paghalik sa kaniyang mga labi.

"Mahal din kita, Jackie Jane," ani Caliban nang tumapat ulit ang tingin nila sa isa't isa.

Ngumiti siya rito. Hindi makapaniwala na sinabi iyon ng binata sa kaniya nang haplusin ni Caliban ang kaniyang collarbone. Para bang lahat ng atensyon ng binata ay napunta roon.

"Bakit Cali?" nag-aalala niyang tanong. Sandaling dumako ang tingin ni Caliban sa kaniya bago ito bumalik sa mukhang importante nitong tinitigan.

"Without this scar hindi siguro kita mahahanap."

Kumunot ang kaniyang noo. "What scar, Cali?"

"This." Hinawakan ulit ni Caliban ang collarbone niya. Napahawak naman siya sa kamay nito at sinubukan tingnan ang hinahawakan nito nang magsalita ulit si Caliban.

"I'm sorry. I'm sorry for being greedy."

"Ha?" naguguluhan niyang tanong dito. Hindi niya ito maintindihan. Tumingin si Caliban sa kaniya. Hinanap naman niya ang sagot sa mga mata nito ngunit wala siyang mahanap.

"For me to be able to find you. I gave you this scar."

"Anong scar, Cali? Wala akong peklat diyan. Wala akong naalala at isa pa, sasabihin sa'kin nila Ailwi kung mayro'n man," saad niya pero napahinto rin siya nang  maramdaman niya ang pagtigil ni Caliban.

Binalik niya ang tingin dito. Umalis naman si Caliban sa pagkakadagan sa kaniya. Bigla siya nasaktan sa naging akto nito. Hindi niya gusto ito ulit mawalay sa kaniya.

"Cali?" tawag niya rito.

Ilang segundo nanahimik si Caliban bago ito nagsalita muli. Nakinig naman siya habang hindi inaalis ang tingin dito.

"The reason why I gave you that invisible scar. Hindi ko nais na makakuha ka pa nang ibang atensyon galing sa ibang ingkubo na kagaya ko." Hinawakan ni Caliban ang suot nitong kwentas na bunggo. "At ito, naglalaman ito ng ilang enerhiyang nakuha ko sa'yo upang kahit saan ka man pumunta. Mahahanap at mahahanap pa rin kita."

Hindi makapaniwala si Jackie Jane sa mga nalaman niya. Kaya pala no'ng unang beses niya itong nakita. Namumula sa kinang ang mata ng bunggong suot nito. Ayon pala ang rason nito.

"Do you really love me?" natanong na lang niya rito. Sa hindi niya malaman na dahilan, nalulungkot siya.

Mahal ba talaga siya ni Caliban? O baka naman mahal siya nito dahil sa dugo niyang minana sa ina kung saan pwedeng maging dahilan para maging tao na ang binata.

"Jackie Jane." Hinawakan ni Caliban ang pisngi niya at pinatitigan siya sa mata. "I love you so much. Please, believe me."

"Kaya mo bang... kaya mo bang tuluyan na hindi na maging isang tao?"

Natigilan si Caliban. Umiwas siya nang tingin dito. Aalisin na sana niya ang kamay nito nang iharap ulit siya nito. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.

"Oo, if that's the only way for you to believe my feelings."

Siya naman 'yong natigilan. Naalala niya ang sinabi nito sa kaniya. Ang pinagusapan nilang dalawa no'ng dinadalaw pa siya nito.

"Do you want me to stop?"

No. "Yes." Umiwas siya ng tingin dito. Hindi niya ito matitigan. Hindi niya gusto tumigil si Caliban ngunit hindi niya pa gusto tuluyan manghina at mawalan ng buhay.

She wanted to live. Aanhin niya ang nararamdaman niya kung hindi naman siya mabubuhay?

"Okay." Nabalik ang tingin niya kay Caliban. Nanlalaki ang kaniyang mata.

"W-what?!" Gano'n lang 'yon? Akala pa naman niya ay kailangan siya ng binata. Bakit bigla na lang ito pumapayag sa kaniyang sinasabi?

Hinaplos ni Caliban ang pisngi niya. Automatic naman na pumikit ang mata niya at iungol ang pangalan ng binata.

"In one condition." Bigla niya nabuksan ang mata. Titig na titig siya sa pula nitong mata. "You'll wait for me, Jackie Jane."

Sumang-ayon din si Caliban sa kaniya noon. At ang ginawa nito pagkatapos ay iniwan siya. Hindi niya iyon ulit gusto mangyari. Kahit kailan ay hindi na niya ito gusto umalis sa kaniyang tabi.

"No, Caliban. Feed from me. Take my energy. I'll make your dream come true. Just don't ever leave me again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top