Chapter 32

SA hindi kalayuan ay may isang babae ang nakapulupot ang higa at may suot na manipis na pantulog. Unti-unti ito nagising at pilit kinakapa kung nasaan ito dahil sa kadiliman ng paligid.

Gumapang si Jackie Jane nang dahan-dahan hanggang maramdaman niya ang basang sahig. Nagtataka na nilibot niya ang buong paligid ngunit tanging kadiliman lamang ang namayani sa buong lugar.

Sinubukan ng dalaga ang magsalita ngunit maski ang kaniyang boses ay walang silbi dahil walang tinig ang lumalabas dito.

Ilang minuto si Jackie Jane gumapang at nangapa sa kaniyang dinadaanan nang unti-unti ay may narinig siyang ingay. Mahina lang ito at kung hindi niya iigihan ang pakikinig ay hindi niya ito maririnig nang maayos.

Nagpatuloy siya sundan ang tunog. Ang isa ay padami nang padami. Sabay-sabay. Halo-halo. Nagkakagulo. Iyak. Palahaw. Naguguluhan siyang tumayo nang sa hindi kalayuan ay may nakita siyang liwanag.

May nakapaskil na pag-asang sa kaniyang mukha nang tumakbo si Jackie Jane. Umaasa na makakalaya na siya kung nasaan man siya sa mga oras na iyon.

Ngunit nang tumapat siya kung nasaan ang liwanag. Ang diretso niyang tingin ay napunta sa ibaba. Doon niya nakita ang mahabang hagdan paibaba. May pangamba man sa kaniyang damdamin ay nagawa ni Jackie Jane maibaba ang paa sa isang baitang.

Lalo na no'ng mas luminaw ang mga boses na kaniyang naririnig. Lahat ng iyon ay nang gagaling sa ibaba. Sa dulo ng hagdan na walang hanggan.

May takot man ay nilakasan niya ang loob at pinagpatuloy ang sinimulan na pagbaba sa hagdan.

Parang walang katapusan ang haba nito sa tagal nang kaniyang binaba. Hinihingal si Jackie Jane nang marating niya ang dulo. Sumalubong sa kaniya ang nag iisang sulo nakapatong sa lalagyanan nito.

Ito ang liwanag na kaniyang nasilayan kanina sa itaas. Isang apoy kung saan may nag aabang na isang bangka sa madilim na lawa.

Kung susubukan niya sumakay dito ay baka makabalik siya sa kanila dahil saan man siya lumingon ay wala nang pwedeng mapupuntahan pa. Maliban sa mahabang hagdan paitaas kung saan wala rin naman siyang natuklasan na lagusan dahil sa dilim.

Maingat na sumakay si Jackie Jane. Kinuha niya rin ang nag iisang sulo sa gilid upang maging gabay niya sa kung saan man siya makakarating.

Takot man at nanghihina. Nagpaubaya si Jackie Jane sa agos ng lawa kung saan man siya nito dalhin.

Habang nakaupo sa bangka. Ang ingay na kaniyang naririnig kanina ay mas lumilinaw. Mas lalo siya nakaramdam ng takot dahil ibang ingay na ang kaniyang naririnig.

Boses ng mga tao nasasaktan na para bang nasusunog sila ng buhay. Do'n siya natigilan sa kaniyang napagtanto.

Am I dead? tanong niya sa kaniyang isipan. Dahil ayon lang ang tanging nagbibigay katuturan sa lahat nangyayari sa kaniya sa mga oras na iyon.

At totoo nga nasa impyerno siya dahil makalipas nang pag agos ng lawa sa sinasakyan niyang bangka. Kitang-kita niya ngayon ang umpok ng apoy sa kada saan man siya tumingin. At sa mga naglalayab na apoy ay may mga nilalang na buhay ang nasusunog.

Kitang-kita niya ang natutuklap na balat sa mga mukha at katawan ng mga ito. Nagsisigawan ang mga ito. Pilit tumatakas sa init at hapding nagpapasakit sa kanila.

Tuluyan na nga tumulo ang luha sa mga mata ni Jackie Jane. Sinubukan niya kurutin ang sarili pero sakit lang ang nadala nito.

Tulalang pinatitigan ni Jackie Jane ang lahat nangyayari sa paligid niya. Ang bangkang sinasakyan niya ay ngayong huminto na sa dulo kung saan may panibagong daanan. Gawa ito sa kahoy at tinutupok ito ng apoy.

"Jackie Jane."

DO'N lang siya natauhan nang tawagin siya sa kaniyang pangalan. Nangilabot siya at nagtaasan ang balahibo sa takot. Ang boses nito ay parang kinuha pa sa ikalaliman ng lupa.

Paglingon niya ay may nakita siyang isang nakasuot ng itim na cloak at may hawak itong mahabang scythe.

"P-patay na ba ako?" nagawa niyang itanong dito at sa pagkakataon na iyon ay narinig na niya ang sariling boses.

Hinintay niya ito magsalita ulit ngunit walang boses ang lumabas dito. Hindi siya nito sinagot. Natatakot na tuloy siya dahil baka totoong patay na talaga siya.

Dahil ano ang rason ng isang grim reaper kung bakit siya nito sinusundo kung hindi na siya buhay?

Nangilabot siya nang dumako ulit ang tingin nito sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang binibigay nitong mabigat na enerhiya. Sa katulad niyang mahina ay mas lalo siya nahihirapan.

Gusto niya ulit sana magtanong pero dahil sa takot niya ay natahimik na lang siya. Hindi pa rin kasi nagsasalita ang grim reaper sa kaniyang harapan bagkus ay tinalikuran pa siya nito at nagpatuloy maglakad.

Na-out of balance siya sa takot nang makitang may apoy na sumunod sa paanan nito. Maski ang ingay sa paligid ay bumabalik. Hindi niya namalayan kanina nawala ito saglit.

Sa takot siya ay sinundan niya ang grim reaper sa paglalakad. Nagulat siya na ang ingay ay unti-unti ulit humina. Kumunot ang noo niya. Nagtaka. Saglit siyang tumigil at pinagmasdan ang likuran ng kamatayan.

Ulit, bumalik ang palahaw ng mga tao sa paligid. Napagtanto niya ang nangyayari kung kaya sinundan niya ang grim reaper. Katulad ng conclusion niya, nawawala ang iyak at sigawan sa paligid kapag nasa malapit ito sa kaniya.

Sa takot na baka marinig niya ulit ang mga ito ay binilisan niya ang paglalakad hanggang makarating sila sa isang mataas na gusali. Para na itong tutumba dahil sa karupukan.

Nagpatuloy ang grim reaper sa pagpasok sa loob ng sira-sirang gusali. Sa takot ay sinundan niya pa rin ito. Sinalubong sila ng kadiliman nang makapasok sila sa loob.

Agad siya nakaramdam ng lamig. Ibang-iba sa init sa labas na para bang napapaso na ang kaniyang balat.

Inikot niya ang paningin sa paligid. May kandila ang nakabukas sa gitnang bahagi habang may nakapalibot na pitong mga pinto sa bawat gilid ng gusali.

Mabilis napahawak siya sa suot na cloak ng grim reaper nang magsimula ulit ito maglakad. Nagulat pa siya sa kaniyang nagawa. Huminto ito at lumingon sa kaniya.

Agad niya nabitawan ang pagkakahawak dito nang makitang umusbong ang apoy sa mga mata nito. Natakot siya bigla at napaatras dito.

Wala man lang ito sinabi. Tumalikod ulit at nagpatuloy sa paglalakad. Tumapat ito sa isa sa mga pintuan naroon.

Lumapit siya rito at nagulat nang lumiwanag ang apat na pinto. Kasama na roon ang pintong katapat nila ng kamatayan.

Mas lalo siya natakot. Hindi mapigilan ang manginig ang mga kamay at buong kalamnan sa kaba. Gusto niya tumakbo palayo rito. Hindi na dapat siya sumunod dito no'ng una pa lang.

At dapat no'ng una pa lang ay hindi na siya roon napunta.

"W-what's inside of that d-door?" nanginginig niyang tanong dito. Biglang pumasok sa kaniyang isipan sina Ailwi, Owen, Caliban, Silas, at Pollo. Nasaan ang mga ito?

At bakit siya nasa impiyerno?!

Hindi siya ulit nito sinagot. Bagkus ay kusang bumukas ang pintong nasa kanilang harapan. Sa mga oras na iyon ay dapat na siyang tumakbo palayo pero huli na dahil hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga binti.

Agad siyang napatingin sa kaniyang mga kamay. Bigla nagkaroon ito ng gapos na bakal. Takot napatingin siya sa grim reaper. Nakatingin na ito sa kaniya kahit hindi niya malinaw nakikita ang itsura nito dahil sa suot na cloak.

"Anong—" hindi na niya natuloy ang sasabihin dito. Nang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa biglang malakas na pwersa ang humila sa kaniya papasok sa loob ng pinto.

Kumawala ang sigaw sa kaniyang bibig nang mabilis na bumulusok siya pabagsak sa himpapawid. Sa sobrang bilis ay hindi niya namalayan ang pagbasak niya sa malamig na tubig.

Kinakapusan siya nang mapagtanto na bumagsak siya sa isang talon. Pabilis nang pabilis hanggang huminto siya sa tapat ng tubig. Kitang-kita niya ang sariling mukha sa sobrnag gulat.

Ang buong katawan niya ay nakalutang lang sa tapat ng kumikinang na tubig. Nang bigla siya bumagsak sa tinitigan niyang tubig.

Agad siyang umahon para kumuha ng hangin pagkatapos ay lumangoy siya paalis sa gitnang bahagi at hinihingal na bumagsak siya sa lupa. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso habang pinagmamasdan ang kulay asul na kalawakan.

"What the fuck just happened?!" ang kaning nasabi na lamang.


a/n: hi, maybe soon kapag kaya ko na. after this story, kwento naman na iikot kay grim reaper hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top