Chapter 30

PINATITIGAN niya ang kisame na may larawan ng iba't ibang anghel. Pagkatapos ng pangyayaring iyon kanina ay hinayaan muna sila ni Edurne mamahinga sa silid na nilaan para sa kanilang magkakaibigan.

Pinakilala ni Edurne ang sarili bilang isang reyna ng Avalan habang sina Rosetta at Alfur naman ay mga anak nito.

That explains Alfur's gesture a while ago outside the kingdom.

And Blaze was Alfur's best friend which anticipated to be the right hand of his once he became the king someday.

Bumunting hininga siya. Until now, naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. They just wanted to get the golden apple for her but how come Queen Edurne knew about her and Caliban condition?

Nasa malalim siyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng silid niya. Agad na dumako ang tingin niya sa gawi ng pinto.

"Ahm, who is it?" may kabang tanong niya.

"It's Edurne, Jane." Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad siyang tumayo sa pagkakahiga at inayos ang sarili.

Mabilis niya rin pinapasok ang reyna sa loob ng silid na tinutuluyan niya sa mga oras na iyon. Napaayos siya ng tayo nang may ngiti sa labi na pumasok ng silid si Edurne.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Edurne sa kaniya habang tinitigan ang buong paligid. Hindi naman niya magawa umalis sa kaniyang kinatatayuan habang pinapanood ang likuran nito.

"M-maayos na po," saad niya. Do'n naman lumingon sa kaniya si Edurne na may ngiti pa rin sa labi pagkatapos ay tumango ito.

"Mabuti naman."

Tahimik na tumingin lang siya rito. Mahahalatang kinakabahan pa rin siya sa presinsya nito. Hindi niya tuloy magawa magsalita kahit pa marami siyang katanungan.

"How about I tour you outside the kingdom?" Edurne said. Do'n naman siya ngumiti. Ever since nakarating sila sa palasyo ay hindi sila pinabayaan ng reyna.

LUMABAS sila ng silid at naglakad sa bawat hallway ng palasyo. Na-amaze siya sa mga canvas nadadaanan nila. Halos puro nag yeyelong lugar ang nakikita niya. Hindi pa siya makapaniwala nang makita niya sa isang litrato ang isang malaking puting hayop.

Ang ganda nito. Para itong isang bear pero mas malaki nga lang ito.

"Come here."

Dumako ang paningin niya sa kaliwang gawi. Nanlalaki ang mata dahil sa kaniyang nadatnan.

Isang malaking pintuan ang sumalubong sa kanila ni Edurne. At hindi dahil do'n siya nagulat. Kung hindi dahil sa labas nito ay makikita ang isang malaking puno na buhay na buhay.

"P-paanong..." naguguluhan niyang tanong. Hindi niya namalayan nakalabas na pala siya.

Nilingon niya si Edurne nang sundan siya nito sa hardin.

"The tree of the golden apple."

Gulat na binalik niya ang tingin sa malaking puno sa kanilang harapan ngayon. Kumikinang ang buong puno.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unti niya pinagmasdan ang bawat sanga, dahon, at ang bunga nito. Mas kuminang ang gintong mansanas.

Napaatras siya. May isang malaking puno ang nakatayo sa kalagitnaan ng nag yeyelong lugar ng Avalan.

"H-how?" naguguluhan niyang tanong. At sa mga oras na iyon dinagsa siya ng mga katanungan.

Unti-unti tumabi si Edurne sa kaniyang tabi. Parehas nilang tinitigan ang puno sa kaniyang harapan.

"Are you ready to know the truth, Jackie Jane?" tanong nito sa kaniya sabay tingin sa kaniyang mga mata. May kaba man ay tumango siya bilang pagsagot dito.

Handa na siya.

O handa nga ba talaga siya?

Ngumiti si Edurne pagkatapos ay inabot nito ang nagulo niyang buhok at inayos ito. Medyo natagalan ito sa paghagod sa kaniyang buhok bago ito bumitaw at nagseryoso ulit tumingin sa punong nasa harapan nila.

"Ang mga ingkubo ay nilalang ng kadiliman. Isa sila sa nagpapatakbo sa panaginip ng isang nilalang. Kilalang hindi mababait ang mga ito. Tuso. Mapaglaro. O mapanlinlang."

Napalunok siya sa kaniyang mga narinig pero sinubukan niya pa rin tahimik na pakinggan ang lahat ng sinasabi ni Edurne.

"Gahaman din ang mga ito. Normal na iyon sa abilidad nila bilang isang ingkubo. Gano'n si Caliban."

Mas lalo siya hindi makalunok nang banggitin nito ang pangalan ng nilalang.

"Ngunit ang pinagkaiba niya sa lahat ng kauri nito ay nauna ka niyang nahanap. Matagal ka na niya hinahanap, Jackie Jane," sinabi ni Edurne ang mga katagang ito habang titig na titig ito sa kaniyang mga mata. Para bang pati kaluluwa niya ay kinakausap nito.

"He will do everything to get you. He will do everything to be a human."

Muntik na siya mawalan ng balanse sa kaniyang narinig. Hindi niya ito maunawan. Gusto ni Caliban maging isang tao? Ang tanging tumatakbo lang sa kaniyang isipan.

"Queen Edurne, what do you m-mean?" nahihirapan niyang tanong dito.

Kasabay nang pag-ilaw ng kulay asul na mata ni Edurne ay ang lalong pagliwanag naman ng puno sa kanilang harapan.

"You are a daughter of your mother. Tinataglay mo ang dugong mayro'n siya. A part of you is the Goddess of water land."

"P-po?" gulat niyang sagot dito.

"The reason why you can see them, your mother's pixies. And also, the reason why you are here."

Kumunot ang kaniyang noo. "You are the one who opened the portal, Jackie Jane." Mas tuluyan na siya hindi makapagsalita.


TULALA pa rin siyang nakatingin sa puno ng gintong mansanas sa kaniyang harapan. Tanging siya na lang ang naiwan mag-isa dahil may importante pang gagawin ang reyna ng Avalan.

Nawala lang siya sa pag-iisip niya nang may marahang sumanggi sa kaniyang braso. Nilingon niya ito at nakita si Silas. Do'n niya lang naalala ang binata dahil sa lahat nangyari.

"I heard, ito yung gintong mansanas na hinahanap niyo."

May alanganin na tumango siya pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa unahan.

"Pumitas ka na ba?" tanong pa ni Silas sa kaniya. Umiling siya. "Hindi pa. I... I don't know how to," pag-amin niya.

Hindi niya alam kung tama bang pumitas na lamang siya ng basta-basta o may kailangan siyang gawin upang makakuha ng prutas nito. Sa tutuusin, nahihirapan siya maniwala nasa mismong harapan na niya ang punong hinahanap nila.

"What's wrong, Jane?" Nabalik ang tingin niya rito nang tawagin siya nito sa kaunahang beses sa kaniyang pangalan.

"Hindi ko mapigilan isipin kung ito ba 'yong tunay na gintong mansanas. Paano kung hindi pala? Paano kung mas lumala 'yong kalagayan ko, Silas?" mahina niyang ani.

"Is it the right thing to do to believe whatever she was saying?" dagdag niya pang tanong sa binata. Hinawakan naman siya ni Silas sa kaniyang kamay habang titig na titig itong nakatingin sa kaniyang mga mata.

"If your gut says it's not then don't. Ang mga lobo ang isa sa kilala kong may matalas na instinct. Maniniwala ako sa'yo."

Bumagsak ang kaniyang balikat. She was no she-wolf. Mahina siya. At ilang taon na niya itong hindi naririni— Bigla siya may napagtanto.

"I think Caliban is the reason why I can't talk to my she-wolf, Silas."

"What?! Akala ko ba isa rin siya sa'min?" Hindi maiwasan sa tono ng boses ni Silas ang dismaya sa nilalang. "Ano nga ba talaga ang ginawa niya sa'yo, princess?"

Tanging titig na lang ang nabigay niya kay Silas dahil hindi niya masagot ang katanungan nito sa kaniya.

SHE was guilty and sorry for Silas. Ever since she met him in the carnival. Hindi man lang niya ito nagawang kausapin nang maayos.

Silas was one of her mates but until now, hindi niya pa rin kilala kung sino ito. Masyado nagkasabay-sabay ang mga pangyayari. Kahit siya mismo ay hindi makasabay.

Bigla na lamang nagpakita sa kaniya ulit si Caliban matapos siya nito iwan nang walang pasabi. Naiinis siya sa sarili niya dahil hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng hatak ni Caliban sa kaniya despite everything he had done.

Nagmamadali siyang pinasok ang silid ni Caliban nang makaliko siya kung nasaan nakapwesto ang silid nito. Hindi man lang nagulat ito nang makita siya nitong biglaan na lang pumasok na para bang alam na nito na parating siya.

Bumuntong hininga na lang siya. Hindi niya magawang lapitan ito. Nanatili siya sa likod ng pinto. Takot nalipitan kung nasaan ito.

"I want the truth," seryoso niyang saad. "What exactly did you do to me, Caliban?" nanlilisik ang matang nakatingin siya rito.

Mas lalo pa siya nainis nang makitang kalmado lang ang binata sa kaniyang harapan habang siya'y hindi na maintindihan ang nararamdaman sa sobrang bilis ng kaniyang puso habang nakatingin sa pulang mga mata nito.

"Do you really want the truth, Jackie Jane?"

Lumunok siya sa kaba nang bigkasin nito ang kaniyang pangalan pero mas lalo naman siya kinabahan sa sinabi nito. Gusto nga ba talaga niya malaman ang katotohanan?

"I need to know," tanging nabigkas niya. Humina pa ang kaniyang boses at hindi makatingin dito.

Narinig niya itong mahinang napatawa. Mabilis niyang inangat ang tingin dito. How could he even laugh in this situation?

Umikot ang kaniyang mata. Nakalimutan niyang demonyo pala ang kaniyang kaharap.

"Then, be it," nakakatakot ang boses nitong dumagundong sa loob ng silid.

Namalayan na lang niya ang sariling bumagsak sa sahig at tuluyan nang nandilim ang kaniyang paningin.

ISANG matinis na tinig ang kaniyang narinig nang magising siya. Inikot niya ang paningin at natagpuan niya ang sarili sa madilim na kagubatan.

Niyakap niya ang sarili sa sobrang lamig nararamdaman nang mas lalong humiyaw sa sakit ang dalaga sa hindi kalayuan. Natakot siya. Para itong nasasaktan.

Nilakasan niya ang loob. Tumayo kahit nanginginig ang kaniyang mga binti pagkatapos ay tumakbo siya para hanapin ang pinanggagalingan ng paghiyaw.

Hanggang matagpuan niya ang isang dalaga. Napasinghap siya. Hubo't hubad ito sa gitna ng kadiliman. Humihiyaw sa sakit. Tinakpan niya ang tainga. Hindi na niya ito gusto marinig.

Napabagsak siya sa putikan habang kinakapusan siya ng paghinga. Namalayan niyang tumutulo na pala ang kaniyang mga luha.

"C-caliban," palahaw niya sa pangalan nito nang unti-unti luminaw kung sino nagbibigay pasakit sa babaeng nasa harapan niya.

Dumako ang tingin ni Caliban sa kaniya habang hinihigop nito ang enerhiya ng babae palabas sa bibig nito.

Hindi niya maalis ang tingin sa binata. Ang pulang-pula nitong mata ay nakatingin sa kaniya hanggang para siyang hinihigop nito. Namalayan na lang niyang naririnig ang isipan nito.

No'ng una ay hindi niya maunawan ito. Isang malalim na boses na parang galing sa lupa. Hindi niya ito maintindihan. Distorted ang mga katagang binibigkas nito. Hanggang unti-unti itong luminaw.

"I need to do this. For me, not to hurt you anymore."

Sinagot niya ito sa isipan. "B-but why?" tanong niya rito. Nahirapan pa siyang pasagutin ito. Para bang walang plano ipaalam ni Caliban ang katotohanan sa kaniya kung hindi lang siya umiyak nang umiyak sa harapan nito.

"I want you. I want to be with you which also means I need to hurt you, but I can't do that anymore. So, Jackie Jane, I found another way just to be with you."

Nang sabihin iyon ni Caliban ay para siyang tinulak palabas sa isang panaginip. Kinakapusan na bumangon siya sa kaniyang pagkakahiga sa bisig ni Caliban.

Nanghihina man ay mabilis siyang bumitaw rito at lumayo. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito para lang maging isang tao. Para lang makasama siya ulit nito. Hindi magtigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

She was hurting.

She felt betrayed.

He had to hurt other people to be with her. Pero hindi niya matanggap iyon. At lalo na't hindi niya matanggap na may ibang babae itong kailangan pagkuhanan ng enerhiya maliban sa kaniya.

"Jackie Jane," tawag ni Caliban pero pinanlisikan niya ito ng tingin.

"I... I don't want to see you," galit niyang saad rito bago tuluyan makatayo at lisanin ang silid nito. Umaasa na mawawala rin ang sakit nang kaniyang nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top