Chapter 29
MALAMIG. Bumabalot ang malamig na pakiramdam sa kaniyang buong katawan. Maingay. Maraming boses siyang naririnig sa kaniyang paligid.
Unti-unti niya minulat ang mata at natagpuan ulit ang sarili sa nag ni-nyebeng lugar. At hindi lang iyon ang kaniyang natagpuan.
Mga nilalang nakasuot ng makakapal na kasuotan. Mapuputi ang kanilang balat. Halos sa kanila ay may asul na mata pero ang mas napansin niya ay ang kumikinang na mga marka sa sentido ng mga babae.
Faeries.
Kumunot ang noo niya. Nasa Water Land ba siya? Pero imposible iyon. Iba ang kwento sa kaniya ng ina at lolita niya. Hindi rin gan'to ang paglalarawan ng kaniyang ama na si Slate.
Kung gano'n, nasaan ba talaga siya?
"Get up."
Inangat niya ang paningin sa lalaki nagsalita sa kaniyang gilid. Nagawa pa siya nitong sipain ng marahan para patayuin siya.
"S-sino kayo?" tanong niya sa mga ito habang iniikot ang paningin. Nang hindi siya tumayo, hinila siya ng isa pang lalaki sa braso at inalayan tumayo.
Muntikan pa siya ma-out of balance sa biglang hila nito sa kaniya. Hindi naman siya sinagot no'ng lalaking nagsalita kanina sa kaniyang gilid. Maliban sa tinitigan lang siya nito saglit bago ito nagpatuloy maglakad sa kanilang unahan.
"Sorry, don't mind him." Gulat na nilingon niya ang babaeng nasa kanan niya. Bigla na lang kasi bumulong ito sa gawi niya habang hawak pa rin siya sa braso ng isang lalaki.
"By the way, I'm Rosetta. Ikaw si Jackie Jane, 'di ba?"
Do'n na siya tuluyan natigilan. Paanong nalaman ng mga ito ang kaniyang pangalan?
NAIILANG na pinagmasdan niya ang mga nilalang nakatingin ngayon sa kaniya. Hawak pa rin siya sa braso ng lalaki habang dinadaldal siya ni Rosetta sa gilid.
Hindi nawawala ang ngiti nito sa kaniya habang nagkukwento. Nalaman niyang kapatid ni Rosetta si Alfur na masungit at sumipang lalaki sa kaniya kanina lamang.
Nalaman niya rin nasa Ice Land sila. Parte ng Water Land. Isa itong dimension nakatago sa mga nilalang. Isang lugar na iniingatan at tinatago ng mundo ng Elfhame dahil sa taglay nitong mahika na bumabalot sa buong lugar.
At sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon kung iniingatan at tinatago pala ito ng mga faeries at elf.
At kahit na may kanipisan ang suot niyang damit. Hindi na siya nakakaramdam ng lamig. Sa tingin niya ay dahil ito sa lalaking may hawak sa kaniya sa braso na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kilala.
Nagpatuloy sila sa paglakad. Para silang nasa iisang pack, maliban na lang ay pinalilibutan ito ng maraming nyebe sa paligid.
Nakarinig siya ng isang commotion sa kanilang gilid. Nanlalaki ang mata niya nang maabutan kung sino ang mga ito na katulad niya ay hawak-hawak din sa kanilang mga braso.
"Owen!" sigaw niya sa pangalan ng kasintahan.
Lumingon ito at nagtama ang kanilang paningin sa isa't isa. Ang nakabusangot nitong mukha ay napalitan ng ngiti pero agad din iyon napawi nang dumako ang tingin ni Owen sa lalaking nakahawak sa kaniyang braso sa mga oras na iyon.
Namalayan na lang niya napatumba na ni Owen ang may hawak din dito at nakarating na ito sa kanilang harapan.
"Let her go," seryosong utos ni Owen sa lalaking may hawak sa kaniya pero hindi ito bumitaw at nagpasukatan lang ng tingin kay Owen.
Ramdam niyang di na natutuwa si Owen. Tatawagin niya sana ang pangalan nito nang magulat siya dahil mabilis na umamba si Owen ng suntok kung hindi lamang may isa pang lalaki ang mabilis din nakaharang sa kanilang harapan.
Hawak na ni Alfur ang dapat na kamaong tatama sa kasamahan nito at narinig na lang niya ang mga katagang binitawan nito kay Owen.
"You and your friends are not allowed to hurt my people."
His people?
Mabilis siyang bumaling kay Rosetta na naka-ngiti lang sa kapatid nitong si Alfur. Mas tuluyan tuloy siyang naguluhan sa mga nangyayari.
Who are they?
At nasaan ba talaga sila?
"That's enough."
Sabay-sabay silang lumingon sa kaliwang bahagi nila kung saan nang galing ang boses ng isang babae.
Alam niyang mas matanda ito ng ilang dekadang taon sa kanila pero hindi mahahalata rito ang edad. Lumingon pa ito sa gawi niya nang kinaiwas niya ng tingin dahil bigla siya nailang sa binibigay nitong enerhiya.
"Blaze, let them go. They're our guests."
Hinanap niya kung sino ang sinabihan nito nang maramdaman niya ang pagbitaw sa braso niya ng lalaki nasa kaniyang tabi.
"Let's go," saad ng babae bago ito nauna maglakad sa kanilang lahat.
PUMASOK sila sa isang gusali na gawa sa malalaking bato na may malaking pinto. Napunan ng init ang lamig na kanilang nararamdaman.
Binalik niya ang tingin sa babae nasa unahan nilang naglalakad na patungo na sa malalaking upuan sa dulo ng silid. Do'n niya napansin na ang pinasok nila ay isang maliit na palasyo.
"Welcome to Avalan, Jackie Jane."
Hindi pa siya tapos sa pagmamasid sa buong paligid nang marinig ang sinabi nito sa kaniya. Gulat na pinagmasdan niya ito. Maski ito ay kilala siya.
"Paanon—"
Ngumiti ito sa kaniya. "I've been waiting for you since you've met your mate."
Natigilan siya. "P-po?"
"Yes. Since you met Caliban."
Mas lalo na siya hindi nakakilos sa sinabi nito. Mabilis siyang tumingin sa mga kasamahan niya. Hindi niya pa nasasabi sa mga ito ang tungkol kay Caliban at ngayon alam na ng mga ito at hindi ito galing sa kaniyang bibig.
Pero hindi lang do'n kung bakit siya natigilan. Nang tingnan niya si Caliban biglang may mga imahe na pumasok sa kaniyang isipan.
Kumunot ang noo niya pagkatapos ay napabagsak siya sa sahig nang maaalala ang panaginip niya tungkol kay Caliban sa pagdalaw nito sa kaniya.
Tuluyan na siyang umiyak nang umiyak. Hinawakan niya pa ang dibdib dahil kumikirot ito. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan at nasasaktan si Caliban sa kaniyang panaginip.
"Jackie Jane."
Pag-angat niya ng tingin nasa harapan na niya si Caliban. Mabilis niya ito dinaluhan at niyakap nang mahigpit. "Please, don't leave me. Please, don't leave me again, Caliban!" nag-iiyak niyang saad dito.
Hindi na niya nabigyan pansin ang mga nilalang nakatingin sa kanila sa mga oras na iyon dahil ang buong atensyon niya lamang ay nakatuon sa binata na yakap-yakap niya sa kaniyang bisig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top