Chapter 28
HINDI niya pinansin ang nag-aalab na tingin ni Caliban sa kaniyang gawi nang magising siya. Wala siyang plano na pansinin ito lalo na ang namumuong nararamdaman niya para sa binata.
Tutuusin, dapat pa nga siya mainis at magalit dito dahil iniwan siya nito nang wala man lang pasabi sa kaniya.
Matapos siya nito gamitin.
"Jane!" Agad siyang dinaluhan ng yakap ni Accalia. Niyakap niya rin naman ito. Naramdaman niya pa ang pag-iyak nito sa kaniyang balikat. "Please, 'wag mo nang gagawin ang hindi gumising ng matagal. You're not allowed to leave me."
Marahan niyang tinapik ang likuran nito. "I'm not going to leave you, Li," bulong niya rin. Pinunasan niya rin ang luha nito. Natawa naman siya nang umiiyak talaga ito.
Bumusangot ang mukha ni Accalia habang pinupunasan na rin ang luha nito. "Nag-alala na nga 'yong tao. Tinawanan mo pa."
"I'm okay lang kasi. Don't worry about me," saad niya. Umikot lang naman ang mata nito sa kaniya.
Natigilan lang silang dalawa nang magsalita si Ailwi. Do'n lang din niya naramdaman ang kamay nitong humawak sa kaniya. Inangat niya ang tingin dito pero seryosong nakatingin si Ailwi sa likod ng pintuan.
"We really need to go, now," anito.
Kinabahan siya at sinubukan niya patagusin ang tingin sa likod ng pinto. Ngunit, nahihirapan na siya. Kumpara no'ng nasa hotel Atticus sila. Ngayon, hanggang labas lang ng maliit na kubo ang kinaya niya.
"Fuck, baby Jane! Let's go!"
Hindi pa siya nakakabawi nang haltakin siya ni Owen sa kamay. Napatayo tuloy siya bigla sa gulat. Ramdam niya rin ang mariin nitong kapit sa kaniyang kamay.
"Shit! Shit! Shit!" walang katapusan na mura ni Owen. Pinanood niya pa ang pagsuway ni Ailwi kay Owen. Kung saan nauwi sa bangayan ang dalawa.
Tanging nagawa niya lang ay pagmasdan ang dalawa dahil bigla ulit siya nakaramdam ng pagkahilo.
Hinawakan niya ang sentido at hinilot ito nang makarinig sila ng pagsabog. Nagkagulo ang lahat. Nag-echo ang ingay sa kaniyang tainga.
Yapak, sigawan, maski ang paghinga ng bawat nilalang ay narinig at naramdaman niya. Mas lalo siya nanghina at nahilo.
Gusto niya sumigaw nang namalayan na lang niya ang sariling tumatakbo sa kagubatan. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang kamay na may nakahawak na rin kamay.
Inangat niya ang patingin. Bumungad sa kaniya ang likuran ni Caliban habang sumasabay siya sa pagtakbo nito.
Sa gulat niya ay hinila niya ang kamay rito. Parehas silang natigilan sa pagtakbo. Sinalubong nang namumulang mata ni Caliban ang kaniyang mga mata.
Bigla siya hindi makagalaw. Natutunaw siya sa mga titig nito sa kaniya.
"Jackie Jane," tawag na naman nito sa kaniyang pangalan. Balak din ulit nito hawakan ang kamay niya nang umatras siya palayo rito.
Umiling pa siya. "P-please, stop," nahihirapan niyang wika rito. Do'n niya lang din napagtanto ang boses niya. Namamaos ito.
Umiwas siya ng tingin dito. Gusto niya ito iwasan pero ang puso niya. Hindi niya mapaliwanag kung bakit sinaktan na siya nito lahat, ito pa rin ang hinahanap niya.
"I'm sorry, Jackie Jane."
Mabilis siyang napabalik ang tingin dito. Hindi nawala ang tingin ni Caliban sa kaniya. Lumiliwanag pa rin ang kulay pulang mata nito sa kaniya.
Kung dati hindi niya alam ang dahilan. Ngayon, naiilang siya malaman kung bakit nagliliwanag ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
He's one of them.
Napatalon siya sa gulat nang hawakan ni Caliban ang pisngi niya. Pinunasan nito ang luhang pumatak sa kaniyang mata.
"Don't cry."
"How a-am I not supposed to cry? Y-you are in front of me alive." Inalis niya ang kamay nito pagkatapos siya na mismo ang nagpunas ng kaniyang luha.
Hindi siya dapat umiyak sa harapan nito pero ginagawa niya pa rin.
"You are real," saad niya pa.
Hindi nagsalita si Caliban. Tiningnan naman niya ito. May lungkot itong nakatingin sa kaniya pero umarko ang labi nito bilang isang ngiti.
"But why—" hindi niya natapos ang sasabihin dito nang hilahin siya nito. Nagulat siya nang may bumubulusok na pana na may apoy sa gawi nila.
Do'n niya lang napagtanto ang nangyayari. May humahabol sa kanilang mga nilalang. Agad niya hinanap ang mga kaibigan. Luminga-linga siya.
Maski sina Ailwi at Owen ay hinanap niya rin pero wala sa kung nasaan sila ni Caliban ang mga ito.
"Jackie Jane!"
"No!" gulat na sinigawan niya si Caliban. Kailangan niya hanapin ang mga ito at hindi nakakatulong ang pagtawag ni Caliban sa kaniyang pangalan.
Bumitaw siya rito at tumakbo palayo rito. She needed to find her friends. Hindi sila pwedeng mawala.
Takbo siya nang takbo hanggang matapilok siya.
SA kaguluhan sa kagubatan. Hindi namalayan ng magkakaibigan ang isang portal nagbubukas.
Nagliliwanag ito sa kadiliman habang sinusubukan ng magkakaibigan iligtas ang kanilang sarili sa biglang dating ng mga witch shifter.
Iba ito kay Owen dahil nangunguha ng laman loob ang mga witch shifter na humahabol sa magkakaibigan para ipakain sa mga pamilya ng mga ito.
HANDA na siya masaktan dahil sa biglang pagkatapilok niya nang maramdaman niya ang kaluluwang lumabas sa kaniyang pagkatao pagkatapos ay agad din itong sumalpok pabalik sa kaniya.
Para siyang nag agaw buhay sa biglaan pangyayari. Nang imulat niya ang mata. Nakita niyang mabilis siyang bumubulusok pababa galing sa himpapawid.
Sa takot niya. Bigla siyang sumigaw. Sinubukan niya pigilan ang nangyayari pero patuloy pa rin siya bumabagsak. Mas lalo pa siya natakot nang makitang malapit na siya bumagsak sa lupa.
Mas lalo siya sumigaw nang biglang huminto ang pagsigaw niya. Tumama ang katawan niya sa malambot na bagay. Bigla siya nakaramdam ng pagkabasa at pagkaginaw.
Minulat niya ulit ang mata at bumungad sa kaniya ang nagyeyelong lugar. Mga kabundukan na binabalutan ng mga yelo. Bigla siya napabahing. Namuo agad sa ilong niya ang lamig at hindi rin nagtagal ay naramdaman niya ang pagsinghot.
Sinisipon na siya sa lamig ng lugar. Ang kaniyang mga kamay ay naninigas na sa sobrang kalamigan ng paligid.
Sinubukan niya tumayo. Inikot niya ang mata sa buong paligid. May mga kabahayan sa hindi kalayuan. Nakita niya pa na may umuusok sa tuktok ng bubong ng mga ito.
Niyakap na niya ang sarili sa sobrang lamig. Sinubukan niya maglakad. Dahan-dahan. Kailangan niya malaman kung nasaan siya dahil panigurado siyang wala siya sa lugar nila.
Sa paglalakad niya. Mas lalo siya giniginaw. Mas bumabagal din ang paglalakad niya.
Ilang minuto pa siya naglakad pero sobrang nanghihina na siya hanggang hindi na niya kinayanan at bumagsak na lang siya sa kalupaan ng nyebe.
BUMANGON siya na kinakapusan ng paghinga. Inikot niya ang paningin sa paligid. Kadiliman ang sumalubong sa kaniya.
Hinawakan niya ang noo. Basa ito ng pawis. Nanghihina na tumayo siya. Kumunot ang noo niya. Ang huling pagkakatanda niya nasa nagyeyelong lugar siya.
Ngunit sa mga oras na iyon. Mukhang nasa iisa siyang kakahuyan at sobrang familiar nito sa kaniya.
Marahan siyang naglakad nang makarinig siya na naghihingalong tinig. Agad na dumaloy ang kaba sa kaniyang katawan. Mas lumakas ang hiyaw sa hindi kalayuan.
Sa sobrang takot niya. Mabilis siyang kumilos para hanapin kung saan ito nang gagaling. Pero agad din siya natigilan sa kaniyang nasaksihan.
Sa gitna ng kagubatan. May isang lalaki ang namimilit sa sakit. Gusto niya ito lapitan pero hindi niya maikilos ang kaniyang mga paa. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang umiyak habang pinagmamasdan ito sa hindi kalayuan.
Iyak siya nang iyak.
Hanggang matigilan siya at kilabutan. Naaninagan niya kung sino ito. Nagliliwanag ang mga mata nito ng kulay pula.
At do'n lang siya tuluyan nakakilos. Mabilis siyang tumakbo at nilapitan ito.
"Caliban!" tawag niya rito. Hindi magmaliw ang kaniyang pag-iyak. Umikot ang kaniyang mata sa buong kalagayan nito. Halatang nahihirapan ito.
Hinawakan niya ito sa magkabilaang braso. Napaso siya sa sobrang init nito. Kaya naalis niya saglit ang kamay dito pero agad niya rin ito binalik.
Nagpapanic siya. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niya ito tulungan pero hindi niya alam kung paano dahil maski siya ay nanghihina rin.
"Cali, please. What's wrong?" iyak niyang tanong dito nang tuluyan na bumaling ang paningin nito sa kaniya.
Hindi siya makakilos. Mas lalo kuminang ang mata nito. Do'n niya lang din namalayan ang sungay nito sa ulonan. Nakakatakot itong pagmasdan pero hindi ito naging dahilan para sa kaniya na matakot dito.
Kung tutuusin, mas takot pa siya na may mangyaring masama rit—
Gulat na pinagmasdan niya ito. May dugo nang tumutulo sa bibig ni Caliban. Umiling-iling siya sa sobrang takot nararamdaman para sa binata.
Tulo rin nang tulo ang kaniyang luha nang hawakan ni Caliban ang pisngi niya. Titig na titig ito sa kaniya.
"J-jackie Jane, is that r-really you?"
Ngumiti siya rito at tumango-tango. Hawak niya rin ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang mga pisngi.
"Ako nga," umiiyak niyang saad dahil ngayon na lang ulit bumisita si Caliban sa kaniyang panaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top