Chapter 26

MABILIS ang bawat yapak ng bawat paa ng magkakaibigan sa lupa para mas lalo makalayo sa karnibal na pinanggalingan ng mga ito. Bitbit ni Owen sa bisig nito si Jackie Jane na walang malay.

May pag-aalala na maingat na binaba ni Owen ang dalaga sa isang makapal na kahoy sa kagubatan. Nang alam nilang malayo na sila ay unti-unti na silang huminto sa kanilang pagtakbo.

Marahan na hinaplos ni Owen ang pisngi ni Jackie Jane. Hindi pa rin ito nagigising. Mas lalo tuloy nakaramdam ito ng takot. Lahat silang apat ay may takot at pangamba na kung ano ba ang tunay nangyari sa dalaga.

"Natatakot ako na bumalik na naman siya sa dati," mahinang bulong ni Accalia habang nakatingin sa matalik na kaibigan.

Natahimik si Owen. No'ng nakaraan pa nito iniisip kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa dalaga. Kung bakit kailangan ng mga ito umalis para hanapin ang gintong mansanas na alam naman ng lahat na imposibleng makita ang isang prutas na iyon.

"Ano nga ba talaga ang nangyari kay Jackie Jane?"

Nagkatinginan sina Accalia, Grayson, at Pollo sa isa't isa. It wasn't their story to tell.

"Hindi niya sinabi sa'yo?" seryosong tanong ni Pollo. Lumingon si Owen dito. Nakaramdam ng pagkainis sa tanong nito.

"Itatanong ko ba sa inyo kung sinabi niya sa'kin? Because no, she didn't say anything about it." Ang inis ni Owen ay napalitan ng lungkot at dismaya.

Ginusto niya intindihin si Jackie Jane dahil alam niyang hindi pa handa ikuwento ng dalaga ang totoong dahilan kung ano ang nangyari dito.

"It should be..." hindi natuloy ni Pollo ang sasabihin nang pigilan ito ni Grayson. Balak pa sana umawat ni Pollo nang hawakan ni Grayson ang balikat nito at umiling dito.

Taimtim naman pinanood ni Owen ang dalawa habang hawak-hawak nito sa bisig ang kasintahan.

"Yes, it should be Jackie Jane to tell you about her story, but you also deserve to know all of these things," ani Grayson. Tumango naman si Owen. Sumasang-ayon sa nakakatanda.

"Nang sumapit ng disiotso si JJ. She met an incubus. No one knows about it. Alam lang ng lahat ay bigla na lang siya nanghina. Bumagsak ang enerhiya niya. Our parents tried to find out what happened to JJ but we couldn't find anything. My mom, a hybrid and a part of Goddess forgot her duty. Napabayaan nila ang tungkulin nila dahil na rin sa paghahanap ng solusyon pagalingin si JJ but it wasn't enough."

"We still couldn't find the answer to what happened to her. Not until this early year. Kung hindi si JJ iniwan ng ingkubo na 'yon. Hindi pa namin malalaman na may isang incubus ang dumadalaw sa panaginip niya kung saan nag co-cause ng pagkahina in the waking world."

"That's why we're here. Ito ang rason kung bakit kailangan natin hanapin ang gintong prutas para tulungan si JJ," kwento ni Grayson.

Hindi makapagsalita si Owen sa kaniyang mga narinig. It all makes sense now.

About everything.

"But... ever since she found her mates. Unti-unti si JJ nagkakaroon ng lakas na sobrang kinaguguluhan ko kasi ang sabi sa'min, the golden apple could help JJ," ani pa Grayson nang may mapagtanto.

"Maybe that was also right," ani Accalia. "And we are thankful that Jane's found her mates. Nakatulong ito sa kaniya kahit papaano but I think kailangan pa rin natin hanapin ang gintong prutas," dagdag ng dalaga.

"Yeah, tama si Accalia," mahinang saad ni Owen.

Nang marinig lahat ng sinabi ni Grayson. Binalik ni Owen ang tingin sa kasintahan. Hinaplos nito ang buhok, pababa sa mata nito, ilong, pisngi, at labi nito. Hindi niya akalain na gano'n ang sinapit ng dalaga sa kamay ng isang ingkubo.

"Caliban, you say... siya ba 'yong incubus na tinutukoy niyo?" tanong pa ni Owen. Bigla niya naalala ang tinawag ni Jackie Jane sa lalaking nagpakilala sa kanila na si Jack kanina.

Natigilan si Owen nang mapagtanto ang nalaman na impormasyon.

"Fuck, this much be a joke." Nagulat naman sila Accalia sa biglang sigaw ni Owen.

"What is it?" Accalia asked. Kakahimasmas lang galing sa pagsigaw ng binata.

"Jack and Caliban are the same."

MATAPOS iligtas ang mga nilalang nasa hawla. Hindi naman na nahirapan sina Ailwi, Silas, at Caliban sa paglabas ng karnibal. Nahanap agad nila ang lagusan kung saan sabay silang tatlo sa pagtakbo para lang makalayo sa kinaroroonan nila.

Sinubukan din ni Ailwi hanapin ang kinaroonan ng kasintahan nitong si Jackie Jane. He zoomed in and out the woods' perimeter. Umaasa na makikita niya kung saan landas nagtungo ang mga ito but to Ailwi's dismay. Hindi niya mahagilap ang iba nilang kasamahan.

Sa frustration nararamdaman. Huminto sa pagtakbo si Ailwi pagkatapos ay hinarangan si Caliban. Parehas huminto at tinitigan nina Silas at Caliban si Ailwi na masama na ang binibigay na tingin kay Caliban.

Hindi nagsalita si Caliban.

Paulit-ulit naman tumatakbo sa isipan ni Ailwi ang nalaman na impormasyon tungkol sa binatang demonyo.

Caliban was the incubus Jackie Jane was talking about.

Mas lalong kumulo ang galit ni Ailwi sa binata. Mariin na binilog ni Ailwi ang kamao at nanlilisik na pinatitigan si Caliban. Mas lalo pa nagalit si Ailwi nang magsalita si Caliban.

"What?" Tuluyan nang hindi napigilan ni Ailwi ang galit sa lalaki. Mabilis kumuha si Ailwi nang patalim at hinagis sa kinaroroonan ni Caliban pero katulad niya ay mabilis din nakakilos si Caliban at nakaiwas sa bumubulusok na patalim.

May ngisi na mapang-asar na binigay si Caliban kay Ailwi. Mas lalo umapoy ang galit ni Ailwi rito. "You fucking incubus!" nanggagaliti na sigaw ni Ailwi.

Nandilim naman ang paningin ni Caliban. Bigla nawala ang mapang-asar nitong awrang binibigay. Maski ang buong paligid ay nakisama sa paghihimutok nito. Parehas nagulat sina Silas at Ailwi. Tinitigan ang kalawakan na unti-unti nandidilim at nagsisimula na sa pagbabadya bumuhos ang malakas na ulan.

Sinubukan ni Ailwi hindi madala sa takot.

Habang si Silas naman ay napadako ang tingin kay Ailwi. Pinanood nito si Ailwi naglalabas ng maliwanag na enerhiya sa kabuoan ng katawan nito. Tuluyan na rin bumuhos ang malakas na ulan sa buong kakahuyan.

Nabasa silang tatlo. Kumunot ang noo ni Silas nang makitang lumawak ang ngisi ni Ailwi habang tinititigan ang demonyong kasama nila. Pagkatapos ay unti-unti umatras si Silas sa kinaroroonan ng dalawa. Hindi nito gusto madamay sa kung anong problema ng dalawa.

Sa mga oras na iyon. Ang kailangan niya lang gawin ay hanapin kung nasaan ba ang minamahal niyang babae na si Jackie Jane.

"You got it wrong," saad ni Ailwi. Bago agad nito tinapat ang kamay sa ulan na bumubuhos at nilikom ang bawat malalaking patak nito. Nakabuo si Ailwi ng malaking espada at hinagis ito sa kinaroroonan ni Caliban.

Sa gulat ni Caliban ay tumama sa kaniyang katawan ang espada na gawa sa tubig. Hindi inaasahan ni Caliban na isang water elf ang binata. Bumagsak si Caliban sa lupa at umubo ng dugo.

Do'n natigilan si Ailwi nang makaramdam din siya ng sakit. Pinunasan ni Ailwi ang ilong ng may dugong tumulo sa kaniya. Kahit si Silas nasa gilid na umaasa na hindi madadamay ay nagulat din ng sumikip ang kaniyang dibdib at ngayong may tumutulo na rin na dugo sa kaniyang ilong.

Sabay na lumingon sina Ailwi at Silas kay Caliban naguguluhan sa mga nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top