Chapter 25

POLLO saw what Owen did to the kid. Naguguluhan man ay nilapitan ito ni Pollo nang hindi mawala ang tingin ni Owen sa batang lalaki na patakbo na ngayon palayo sa kaguluhan.

"Owen," tawag ni Pollo.

Mukhang do'n lang natauhan si Owen sa mga nangyayari. Nilingon ni Owen si Pollo nakatingin sa dugong tumutulo sa kaniyang kamay. Agad ito iniwas ni Owen sa paningin ng kasama.

"Nasaan sina Ray at Accalia?" pag-iiwas na tanong ni Owen sa nakita ni Pollo kani-kanina lamang.

Tinuro ni Pollo ang dalawa na parehas duguan na tumatakbo sa kanilang gawi. Tumayo si Owen at inayos ang sarili. Sobrang gulo ng paligid. Hindi nila alam na gano'n ang mangyayari no'ng balak nilang alamin kung ano ba ang nangyayari sa karnibal na iyon.

Mabilis nakatunog ang mga ito sa plano ng magkakaibigan. Nagkasagutan sina Ray at si Sunny nang tanungin sila kung may problema ba.

And eventually, Ray accidentally killed her. Do'n nagsimula ang gulo. Mas lalong nagalit sa kanila ang mga tao. Ang ilang kauri nila naroon na balak din biktimahin ng mga ito ay nagalit at lumaban din nang malaman nila ang totoong pakay ng karnibal sa kanila.

"There they are!" Turo ni Pollo kala Grayson at Accalia na patakbong patungo sa kinaroroonan nilang dalawa.

Hindi man hiningal nang makalapit ang mga ito sa kanila. Ngunit, mapapansin ang dugo sa kanilang mga damit.

"Nasaan sina JJ?" bungad na tanong agad ni Grayson. Hindi maikakaila ang pag-aalala nito sa kapatid.

"Sinundan sina Ailwi at Jack," sagot ni Pollo.

May inis naman na bumaling si Owen sa lalaki. "Paanong hinayaan mo siyang puntahan 'yong dalawa? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Sa'yo pinaubaya kasi sabi mo kaya mo ma-protektahan si Jane. What happened to that?!" singhal ni Owen. Tinulak pa nito ang dibdib ni Pollo sa inis pagkatapos ay walang sabi na tinalikuran ni Owen ang mga ito.

Malalim naman na bumuntong hininga si Pollo. Biglang bumalik sa kaniya ang pangyayari kanina lamang. Inamin niya sa dalaga ang nararamdaman at pakiramdam niya rin ay parehas silang nararamdaman nito.

Matapos no'n, Jackie Jane wanted to say something, but Pollo refused to hear any of it. Medyo nagtampo sa kaniya ang dalaga kung kaya ay iniwan siya nito at sinundan sina Ailwi at Jack.

"What happened?" Accalia asked. Sa kanilang magkakaibigan. Ang dalaga ang mas nakakakilala kay Pollo at alam nitong may gumugulo sa isipan ng binata

Saglit na tinitigan ito ni Pollo pagkatapos ay umiwas ng tingin. "Nothing, tara na," tanging singhal nito sa dalawa bago tumalikod at sinundan si Owen.

Kailangan na nila makaalis sa lugar na iyon. Baka maabutan pa sila at may mapahamak pa ulit na hindi nila gugustuhin.

MASKI siya ay hindi alam kung bakit siya umiiyak at nasasaktan. Basta ang tanging alam lamang niya ay naiinis siya kay Caliban dahil iniwan siya nito nang wala man lang pasabi sa kaniya.

Mas niyakap niya nang mahigpit si Silas. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag nasa malapit ito sa kaniya. Ayon din siguro ang rason kung bakit bigla na lang niya ito nasabihan na mahal niya ito agad.

"It's okay. It's okay. I'm here. I will never leave you," marahan na bulong ni Silas sa kaniyang tainga. Mas lalo naman gumaan ang kaniyang pakiramdam.

Sa tutuusin lang, sobrang nagpapasalamat siya dahil nahanap niya ang mga ito. Hindi niya inaasahan na magiging malaki ang impact ng tatlo sa kaniyang buhay.

"Baby Jane."

Bigla bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unti siya napabitaw sa pagkakayakap kay Silas at nilingon si Owen na kakapasok lang sa loob ng tent.

Nanlalaki ang kaniyang mata sa kaniyang nasaksihan. Gulat napatayo siya sa kaniyang pagkakasalampak at agad na dinaluhan si Owen na may mansta ng dugo sa kaniyang kasuotan.

"W-what happened?" naiiyak niyang tanong sa binata. Maski sina Ailwi, Caliban, at Silas ay ramdam niya ang pagtigil.

Hinawakan ni Owen ang kaniyang kamay at hinila siya nito payakap sa bisig nito. Mahigpit naman niya ito niyakap nang pabalik ngunit agad rin niya ito binitawan at tinitigan ito sa mata.

"Ano nangyari?" This time, nagawa na niya isaayos ang kaniyang pananalita nang tanungin niya si Owen.

"Kailangan na natin umalis dito," saad ni Owen sa kaniya. Nagawa pa nito lingunin ang tatlo sa kaniyang likuran. Kumunot pa ang noo nito nang makita si Silas pero agad rin ito nawala at binalik ang tingin sa kaniya.

Ang kamay ni Owen nakahawak sa kaniya ay hindi bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya. Nang parehas silang tumingin ni Owen dito ay marahan siya nito hinila para makalis na sila ngunit pinatigil niya ito.

Hinarap niya ang tatlo. Nakalayo si Caliban, nakabusangot habang si Ailwi naman ay tulalang nakatingin sa kanilang dalawa ni Owen pero hindi nawala sa kaniyang paningin ang pagdako ng mata nito sa duguan kasuotan ni Owen.

Ang buong atensyon naman ni Silas ay nakatuon sa kaniya. Mahahalata ang pag-aalala nito sa kaniya.

May lungkot na binalik niya ang tingin sa buong kapaligiran. Hindi pa nila napapakawalan ang mga kauri nilang nakakulong sa hawla. Napansin naman iyon ng mga lalaking kasama niya.

"Go with Owen. Kami na ang bahala rito," ani Ailwi pagkatapos ay nagsimula na puntahan ang mga hawla.

Pipigilan niya sana ito nang hawakan ng mahigpit ni Owen ang kaniyang kamay. Nilingon niya ito. Umiling ito sa kaniya. Naluluha na kinagat niya ang ibabang labi. Niyakap naman siya ni Owen at hinalikan ang kaniyang noo.

"Tara na." Hinila siya ni Owen palabas sa tent na iyon. Gulat nasaksihan niya ang labas ng karnibal. Nagkakagulo ang buong paligid. Mas lalo siya nakaramdam ng pag-aalala at takot.

Balak niya sana balikan ang tatlo sa loob nang makita niya ang kapatid, si Accalia at si Pollo patakbo sa kanilang gawi. Agad siya dinaluhan ng yakap ni Grayson.

"Umalis na tayo rito," bulong nito sa kaniya. Lumapit naman sa kaniya si Accalia at niyakap siya nang mahigpit pagkatapos ay humiwalay ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Come on, Jackie."

"B-but..." nahihirapan niyang saad. Nagawa niya pa lumingon sa pinanggalingan nila. Umakbay naman sa kaniya si Owen at marahan na pinisil ang kaniyang braso.

"They'll be fine. Magkikita rin natin sila mamaya."

Alanganin na tumango siya pagkatapos ay dumako ang paningin niya kay Pollo na kanina pang nakatingin sa kaniya simula nang makita nila ito. Ngumiti siya rito bago sila nagsimula makalabas sa karnibal na iyon.

TAKBO lang nang takbo ang magkakaibigan. Umaasa na makakarating agad sila sa lagusan kung saan sila una nakapasok. Sa sobrang kaguluhan sa paligid ay hirap na ang mga nilalang makilala ang isa't isa.

May nadaan pa silang sumabog na nagpasimula ng apoy sa isang bahagi ng karnibal. Sigaw, iyak, at galit ang mga maririnig sa buong paligid habang umaasa silang makaalis na ro'n agad.

Ngunit ang limang magkakaibigan ay naharang ng isang grupo ng mga tao. Nakilala ito ni Pollo na isang kasamahan nina Sunny. Galit na sumigaw ito sa kanilang gawi.

Agad pumuwesto ang mga lalaki at hinarangan ang dalawang babaeng kasama nila. Mahigpit na kumapit si Owen sa kamay ni Jackie Jane habang si Accalia naman ay nakahawak sa likuran ni Grayson habang nakahanda rin para lumaban.

"You killed our leader!" sigaw ng isang lalaki.

Kunot noo na lumingon si Jackie Jane sa kapatid nang dinuro ito ng lalaki. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Bumalot agad sa kaniya ang mga tanong no'ng mga panahon na hindi niya kasama ang mga ito.

"It was an accident!" balik na sigaw din ni Grayson. Galit na ito at lumalabas na ang pangil at mahahabang kuko nito sa kamay.

"It wasn't an accident, you idiot wolf! You planned to kill us all!"

Grayson growled from madness. Yes, it wasn't an accident. It was intentional. He wanted to kill them all. Kahit na ang bilin kay Grayson ng kanilang magulang na wala silang idadamay na mga tao.

Lalo pa't ginawa lahat ng magulang nila ang lahat upang walang maagrabyado na mga nilalang. Ibig sabihin kasama na ro'n ang mga tao. Ngunit, nasuway iyon ni Grayson. Kahit pa sabihin na may rason siya. Nasuway pa rin ng binata ang mga ito.

"R-ray," tawag ni Jackie Jane sa kapatid.

Gusto nito malaman kung ayos lang ba anitog kapatid. Ngunit hindi na nabigyan ng pagkakataon dahil bigla na lang may naghagis ng isang patalim sa gawi nila.

Malutong na mura ang pinakawalan ni Owen sa kung sino man. Hinila pa nito si Jackie Jane at tinulak sa tabi ni Pollo. Ang galit na mata ni Owen ay nakatuon na ngayon sa isang lalaki.

Sa kabilang banda naman ay nagulat si Jackie Jane nang tumama ang katawan niya sa dibdib ni Pollo kung saan agad siya nito niyakap nang mahigpit.

"Shit, sorry," paumanhin ni Pollo sabay bitaw sa dalaga. Umiling naman si Jackie Jane pagkatapos ay binalingan si Owen. Mabilis ang kilos ni Owen nang sumugod ito sa lalaki.

At do'n na nga nagsimula ang kanilang labanan. Hindi na naiwasan ng mga ito ang pag-uusap lang dahil lahat na sila ay pinapairal ang galit.

Hindi man lang ganon gumamit ng lakas ang apat na magkakaibigan dahil mabilis ng mga ito napatumba ang kanilang kalaban na mga tao.

Natigilan si Jackie Jane nang bumagsak sa kaniyang harapan ang isang lalaki na sinaksak ni Owen sa kaniyang harapan. Tumalsik pa ang dugo nito sa mukha ng dalaga na lalong kinatigil nito sa paghinga.

Lahat sila ay nagulat nang bigla na lang bumagsak si Jackie Jane. Mabuti na lamang ay nasalo agad ito ni Owen na gulat din sa nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top