Chapter 24

NANLALAKI ang mata na tinitigan niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kaniyang harapan.

Hindi man niya agad ito nakilala pero ang kaniyang puso ay hindi nagkamali na kilalanin kung sino ito.

Titig na titig siya rito. Maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Mga bagay na katulad kung bakit siya nito iniwan na walang pasabi man lang sa kaniya? Kung bakit ito umalis? At lalo na kung bakit ito bumalik ngayon?

Hindi niya tuloy mawari kung may mali ba siyang nasabi rito? O kung ano man bagay para siya bigla na lang nito iwan sa ere.

"Y-you're not real," saad niya habang paatras dito. Imposible nasa harapan niya ito. Nasa waking world sila. Wala sa dreaming world. O baka naman nanaginip lamang siya?

Hinawakan niya ang braso at mariin na kinurot ito. "Aray!"

"Why in the hell did you do that?!" galit nitong tanong sa kaniya.

Napaso siya sa biglang hawak nito sa kaniya. Nasaktan siya. Hindi siya nanaginip. Anong ginagawa ni Caliban sa waking world?

Gumala ang paningin niya sa buong pagmumukha nito.

Ngayon niya lang ito tuluyan nakita ng malinaw. Sobrang tangkad nito. Ang ganda rin ng hubog ng katawan nito. Gustong umikot ng mata niya sa kaniyang pinag-iisip. Shempre natural na maganda ang hubog nito. Isang ingkubo lang naman ang nasa kaniyang harapan.

Pinagmasdan niya ulit ang titig na titig na mga mata nito sa kaniya. Sa tuwing nasa dreaming world silang dalawa. Palagi niya ito hindi maanigan pero kahit gano'n ang puso niya ay nagwawala sa tuwing nasa malapit ito sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin dito. Naghahanap pa rin siya ng kasagutan sa lahat ng katanungan niya nang mapaubo siya. Tuloy-tuloy ito. Napabitaw si Caliban ng kapit sa kaniya kung saan dinaluhan siya nina Ailwi.

"Lulu!" sigaw ni Ailwi nang bumagsak siya sa sahig. Mahigpit niyang hinawakan ang dibdib. Nahihirapan siya huminga. Ramdam din niya ang pag-iinit sa kaniyang katawan. Pinagpapawisan siya.

Umalis si Ailwi sa pagkakahawak sa kaniya at binalingan si Caliban na gulat nakatingin sa kaniya. May masamang titig ito sa binata.

"What the fuck did you do to her?!" Nagawa pang itulak ni Ailwi ito. Hindi naman mawala ang tingin ni Caliban sa kaniya.

Gusto niya maiyak sa mga emosyon na kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Kinuwelyuhan ni Ailwi si Caliban nang hindi ito namansin. Umubo ulit siya. Nahihirapan man ay sinubukan niya pa rin makapagsalita upang sitahin ang dalawang lalaki na alam niyang namumuo na ang galit sa isa't isa.

"Please, s-stop," saad niya. Ngunit hindi tumigil ang dalawang lalaki.

Nawala lang ang atensyon niya sa dalawa nang marinig ang panibagong boses na iyon ulit.

"Hey." Nilingon niya ito sa gilid. Do'n niya lang naalala ang merman na niligtas nila kanina lamang. Kumikinang ang kulay berde nitong mata nakatingin sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi siya makapaniwala na may isa pa. Paano nangyari na may tatlong mates siya?

Nawala lang siya sa kaniyang pag-iisip nang haplusin nito ang pisngi niya. Ang nararamdaman na paghihirap kanina ay unti-unti napalitan ng kaginhawaan. Parang umayos ang pakiramdam niya.

"You are my love," dahan-dahan nitong saad sa bawat salita na binibigkas nito. Mas lalong humampas ang puso niya sa sinabi nito sa kaniya.

Biglang tumulo ang luha niya sa kaniyang kanan mata. Ngumiti ito sa kaniya at pinunasan ang kaniyang luha habang titig na titig siya rito.

"Do not cry. You are my love. I won't hurt you."

"I love you," bigla na lang niya nasabi. Kahit siya ay nagulat sa kaniyang tinuran. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon agad sa lalaking kakakilala pa lang niya.

Mahina itong natawa at patuloy pinunasan ang kaniyang pisngi. "My heart is yours."

Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang pisngi. "W-what's your name?" tanong niya rito.

"My name is Silas, princess."

"Silas," panggagaya niya sa pangalan nito. Ngumiti ito sa kaniya. Tumigil na rin siya sa pag-iyak. Namalayan na lang niya na hinalikan nito ang mata niya at pisngi nang biglang may humigit kay Silas sa hawak niya.

Parehas silang nagulat ni Caliban nang magtapat ang tingin nila sa isa't isa nang hilahin siya nito palayo kay Silas.

Mariin niya kinagat ang ibabang labi. Naiiyak na naman siya habang pinagmamasdan ang lalaking nang iwan sa kaniya pero araw-araw naman niyang hinihintay na bumalik sa kaniyang piling.

Agad siyang umiwas dito para iwasan din ang kaniyang nararamdaman para dito.

Nang parehas silang nabaling ang tingin kala Ailwi at Silas. Nanlalaki ang kaniyang mata nang mapansin napalitan na ng mga paa ang buntot ni Silas at tuluyan na itong hubo't hubad.

Tatagal pa sana ang tingin niya rito nang makita niya si Ailwi na may masamang tingin sa kaniya. Magsasalita pa sana siya nang dumilim ang paningin niya. Tinakpan nang kung sino ang kaniyang mga mata.

Inalis niya rin ito agad at nilingon niya ito nang may masamang tingin.

Caliban was looking at her intensely.

Sa mga oras na iyon. Bigla siya nagtaka. Nanghihina siya kapag dumadampi at nasa malapit si Caliban pero bakit hindi siya nakakaramdam ng isang bagay na dapat nararamdaman niya o nila ngayon nasa presensiya nila ito?

Why doesn't she feel horny?

Sa tuwing nasa dream world lang ba sila kung bakit niya ito nararamdaman? O dahil baka nasa waking world sila? Nagiging mahina ba ang presensiya nito kapag wala ito sa dream world?

Mga katanungan na bumabalot sa kaniya sa mga oras na iyon. Naguguluhan siya. Naiinis. Halo-halong emosyon ang kaniyang mga nararamdaman. Ang daming pangyayari. Nahihirapan na siya makasunod sa mga nangyayari.

"Why?" tanong niya rito nang may mapagtanto. Bakit siya nanghihina kung hindi naman ito nakakakuha ng enerhiya sa kaniya from getting arouse?

Is it the aftermath because of what he did to her?

"Jackie Jane."

Tuluyan siyang bumagsak sa kaniyang kinatatayuan habang titig na titig dito. Napasalampak siya sa sahig at tuluyan umiyak nang umiyak.

NAGULAT si Ailwi nang biglang umiyak nang umiyak si Jackie Jane sa kanilang harapan. Maski ang merman na si Silas ay natuod sa kaniyang nasaksihan. Umiiyak ang minamahal nilang babae sa harapan ng lalaking demonyo.

Ang galit namumuo kay Ailwi kanina lamang ay tuluyan nang lumiyab. Tinulak nito si Caliban at sinuntok. Nang susubukan ulit sumuntok ni Ailwi ay huminto sa ere ang kamao nito.

Galit na galit pinatitigan ni Ailwi si Caliban. Namumula ang buong pagmumukha. Ang leeg nito ay pumuputok ang ugat sa pagpipilit labanan ang pwersang pumipigil sa binata.

"Fucking incubus!" Ailwi shouted in front of Caliban's face. Naalala na ng binata ang kinuwento sa kaniya ng kasintahan.

Sa kabilang banda naman. Hinila ni Silas ang nakitang tela at pinangtakip sa kaniyang katawan bago dinaluhan ang umiiyak na si Jackie Jane. Parang kanina lamang ay pinatigil niya ito sa pagluha.

Tapos ngayon ay tuluyan na niya ito nakitang umiyak dahil pa sa isang lalaking hindi niya nakilala maliban na lang sa narinig niyang sinabi ni Ailwi sa lalaki. Isa itong ingkubo.

Bakit hindi niya agad iyon namalayan?

That trickery incubus!

Dinaluhan ni Silas si Jackie Jane. Nanginginig ito sa pag-iyak. Nag-aalala na niyakap niya ito nang mahigpit. Hinaplos ang buhok at inalo. Naramdaman ni Silas na unti-unti humina ang iyak nito.

Mas lalo pa siya nagalit sa ingkubo nang mahigpit na yumakap si Jackie Jane sa kaniya. Sa mga oras na iyon alam niyang may malaking kasalanan na ginawa ang ingkubo na iyon sa kaniyang minamahal na babae.

MAGULO at maingay ang buong labas ng karnibal. Maririnig ang ilang pagsabog, sigawan, at iyak ng mga taong nasasaktan.

Dahil sa kaguluhan. May isang bata ang nadapa at hindi mag maliw sa pag-iyak nito. Hindi man lang ito nagawang daluhan ng iba dahil abala ang mga ito sa pagtakbo at pagsugod.

Hinihingal na huminto sa pagtakbo si Owen. Patungo siya sa tent kung nasaan ang kaniyang ilang mga kasamahan nang matigil siya. Hindi niya maatim na hindi tulungan ang batang lalaki.

Nilapitan ni Owen ito at pinatayo. Dumako ang paningin niya sa dugong nagmumula sa sugat nito sa tuhod. Agad niya pinunit ang manggas ng kaniyang kasuotan at tinali sa sugat nito.

Umiiyak pa rin ito at takot na takot. Pinigilan ni Owen ang kaniyang nararamdaman na galit. Matapos ikulong ang kauri nila. Paanong nagawa ng mga ito idamay ang isang inosenteng bata katulad nito?

"Makinig ka sa'kin. Pagkatapos nito ay tumakbo ka. Wala kang lilingunin. Hindi ka titigil tumakbo nang tumakbo hangga't makalabas ka rito. Humanap ka ng pagtataguan. I will find you after this."

Hinugot niya ang hawak na patalim. Ang naghilom na sugat sa kaniyang kanan palad ay sinugatan niya ulit. Mariin niyang binilog ang kamao at pinatitigan ang bata.

"Open your mouth," utos niya rito. May takot man ay sinunod siya nito. Pinatak ni Owen ang dugo sa bibig nito. Saglit nanghina ang bata bago tumingin sa kaniyang mga mata.

"That blood will be my tracker to find you. Now, run kid!"

Hindi alam ni Owen ang pumasok sa kaniyang kokote para gawin iyon sa bata. Alam niyang ang dugong binigay niya rito ay pwedeng ipahamak nito pero sa mga oras na iyon. Ang nakikita lamang niyang solusyon ay tanging iyon.

However, that blood wasn't just to track him down, but it could also slowly turn him into one of them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top