Chapter 22
NANLALAKI ang mata ni Jackie Jane sa kaniyang nasaksihan. Maraming cage ang nasa kanilang unahan. Malalaki at maliit din ito.
Do'n niya lang din narinig ang mahihinang boses na kung saan narinig ni Jack sa malayo pa lang. Bigla tuloy siya na-curious kung anong klaseng nilalang ang binata.
Hindi man lang kasi sinabi ni Jack sa kanila kung ano ito. Wala rin silang clue dahil hindi nila mawari kung anong klaseng nilalang ito.
"Don't move," saad ni Jack. Hinarang pa nito ang braso sa kaniyang harapan.
Tinitigan ng dalaga ang braso nitong nakaharang sa kaniya pagkatapos ay binalik ang tingin sa unahan.
Sigurado si Jackie Jane na cage ang mga iyon. Kahit pa lahat ito ay may nakataklob na makakapal na tela upang hindi makita kung ano ang tinatago ng mga taga carnival.
Hindi man lang nagawa ni Jack tumingin sa dalaga bago umabante ng lakad.
Habang si Jackie Jane naman. Gustuhin man niya suwayin ito ay hindi naman niya maihakbang ang kaniyang mga paa. Maski magsalita ay hindi magawa ng dalaga.
Tanging nagawa na lang nito ay panoorin si Jack sa paglapit sa isang malaking cage nasa gitnang bahagi. Dahan-dahan ito naglakad hanggang tumapat ito sa cage.
Jackie Jane wanted to say something but she still wasn't able to speak. Hindi niya maintindihan kung bakit. Para bang may mahika nag kokontrol sa kaniya.
Until, inalis ni Jack ang takip na tela sa cage. Bumagsak ang tela sa lupa at bumungad sa kanilang dalawa ang isang malaking aquarium.
At hindi lang iyon ordinaryo dahil sa mga oras na iyon ay nakatingin sila sa isang merman na may gapos at natutulog sa loob ng aquarium.
AGAD na hinila ni Jack si Jackie Jane nang makarinig ito ng isang yapak na paparating sa kanilang gawi.
Gulat na gulat ang dalaga nang maglapat ang kanilang palad sa isa't isa. Parang kinakapusan ang dalaga habang tumatakbo sila palayo sa tent na may mga hawla sa loob.
"S-sandali!" hinihingal na saad ni Jackie Jane pagkatapos ay agad itong bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ni Jack.
Napansin pa ni Jackie Jane ang pagdako ng mata ni Jack nang bumitaw ang kamay nila sa isa't isa bago ito mariin na tumingin sa kaniya.
Buong akala niya ay may sasabihin ito dahil sa paraan nito tumingin sa kaniya pero tanging ginawa lang nito ay titigan siya na para bang may nagawa siyang masama.
"D-did we just find out their secrets?" naguguluhan niyang tanong dito. Panigurado si Jackie Jane na hindi lang ang isang merman na iyon ang naroroon.
Sigurado ang dalaga na sa loob ng mga cages na iyon ay may iba pang nilalang ang nakakulong. Bigla siya kinabahan. Naalala niya ang kanilang kasama.
"Are they going to..." Sinubukan niya sundan ang dapat sabihin ngunit hindi niya magawa. Sobrang natatakot siya sa mangyayari kapag hindi sila umalis agad sa lugar na iyon.
At isa pa, kailangan nila maligtas ang mga nakakulong sa loob ng tent na iyon. Malay ba nila at baka may ginawa nang masama ang mga taga carnival sa mga nilalang na iyon.
"Jackie Jane."
"S-stop calling me that!" nagulat siya nang biglang napalakas ang sinabi rito.
Naguguluhan siya. Bakit gano'n na naman ang nararamdaman niya? Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya?
"Jackie Jane, listen to me."
Umiling siya. Hindi siya nito pinakinggan. Nagawa pa nitong hawakan ang dalawa niyang magkabilaan na braso.
Mas lalo siya hindi napakali. Naiinitan siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Bigla siya nakaramdam ng panghihina.
"W-who are you?"
Natigilan si Jack. Wala itong sinabi maliban sa tinitigan lang na naman ulit siya nito sa kaniyang mga mata.
His eyes. Pakiramdam niya ay nakita na niya iyon dati pa. It was so familiar yet so unfamiliar.
"Ca—"
"Lulu!" sigaw ni Ailwi nang makita ang kasintahan. Mabilis naman bumitaw si Jack pagkatapos ay nilapitan agad nina Ailwi at Owen si Jackie Jane.
"Saan ka pumunta? We've been looking for you," ani Ailwi.
Niyakap naman siya ng mahigpit ni Owen. Naririnig pa ni Jackie Jane ang pagsinghot ng binata sa gilid ng kaniyang tainga.
"Umiiyak ka ba, Cha-cha?"
Umiling si Owen habang mas hinigpitan ang yakap sa dalaga.
"'Wag ka mawawala nang gano'n, please. Hindi ako makahinga."
Malungkot na ngumiti si Jackie Jane at binalik ang yakap ni Owen. "I'm here na. Stop worrying."
"Ayaw." Mas lalo pa yumakap si Owen. Maski ang kanan binti nito ay pinulupot na sa katawan ni Jackie Jane.
"Owen naman!"
Natawa si Owen. "Pinag-alala mo si tanda," bulong pa ng binata bago ito tuluyan nang bumitaw sa kaniya.
Tinitigan ni Jackie Jane si Ailwi. Inabot nito ang kaniyang kamay pagkatapos ay hinalikan ito.
"I'm glad you're fine," anito. Tumango siya at ngumiti rito.
"We found something."
Lahat sila ay natigilan at tumingin kay Jack. Seryoso itong nakatingin sa kanila. Do'n niya lang din napagtanto na kasama pala nila Ailwi at Owen si Pollo.
TAHIMIK silang bumalik sa loob ng pulang malaking tent kung saan dinadaos ang isang sayawan.
Makikita sa buong paligid ang mga karaniwang tao masayang nagsasayawan sa gitna nang malaking pabilog habang sa gilid naman ay may mga bleachers kung saan may mga nakaupo rin.
Nagpatuloy sila sa paglalakad na walang sinasabi sa isa't isa. Nang makatapat sila sa gitna ay hinawakan ni Pollo ang kaniyang kamay na kinagulat niya.
Dinala siya nito sa gitna kung saan sumasayaw ang ilan mga tao. Gulat na hinawakan siya nito sa kaniyang baywang at kamay.
Umangat ang paningin niya rito at nakitang seryoso itong nakatingin sa kaniya.
"P-pollo?" she called.
Nilapit nito ang mukha sa kaniyang gilid. Mas lalo tuloy dumikit sila sa isa't isa. Mas lalo bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sobrang lapit nila sa isa't isa.
Hindi pa nakakatulong ang alaala niya no'ng hinalikan niya ito sa labi. Bumalik sa kaniya bigla ang naramdaman sa mga oras na iyon.
"Act natural," bulong nito sa kaniyang tainga. Do'n naman bumaling ang atensyon niya sa mga taong sumasayaw din sa kanilang gilid.
"Babalik sina Ailwi at Jack sa tent na pinuntahan niyo kanina while Owen is roaming around the area."
"H-how about Ray and Lia?"
"I already mind-link to them what we found."
Umatras siya kaunti at binalik ang tingin kay Pollo. Wala sa sariling hinawakan niya ang pisngi nito. Mariin naman pumikit si Pollo.
"Pollo, why I couldn't see it? Aren't you my mate?"
Gulat na tumingin ang mata ni Pollo at titig na titig sa kaniya.
"Jackie."
Malungkot na ngumiti si Jackie Jane. Bumagsak din ang kaniyang paningin sa dibdib ng binata.
"Bakit ganito nararamdaman ko sa'yo? Hindi ko maintindihan, Pollo. Nalilito ako. Ano ba 'tong gusto iparating ni Moon Goddess sa'tin?" saad niya sabay angat ng tingin niya rito.
Titig na titig lang si Pollo sa kaniya. Halata rin dito na hindi nito maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan. Parehas silang dalawa naguguluhan.
"Ang tanging naiintindihan ko lang, Jackie ay gusto kita."
Natigilan siya sa kaniyang narinig. Hindi niya mawari kung bakit natutuwa siya nang marinig ang sinabi nito sa kaniya.
"Pollo."
"It's okay," mahinang bulong nito sa kaniya pagkatapos ay niyakap siya nito. Naramdaman niya rin ang paghalik nito sa kaniyang sentido.
Binalik niya ang yakap dito at nilubog ang kaniyang mukha sa leeg nito. Hindi maikakaila na gusto niya rin ang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top