Chapter 21

GUSTO ni Jackie Jane magtago dahil sa kahihiyan ng kaniyang mga kasama. Dalawa na lang dapat ang kulang pero dahil makulit ang mga ito ay nadagdagan ang dapat mga kasali.

Napanood niya ang pagkamot ng host sa ulo habang tagumpay naka-ngiti ang mga lalaking kasama nila sa taas ng stage.

Nag sigawan at nag palakpakan ang ibang mga taong nakikinood sa paligid. Binalik niya ang tingin kay Accalia. Balak niya sana ito kumbinsihin na pigilan sina Grayson ngunit nakita niya ang ngiti at tuwa sa mata ng matalik na kaibigan.

Napabuntong hininga na lang si Jackie Jane at binalik ang tingin sa unahan kung saan pinapaliwanag ng host ang dapat gawin ng mga kasali.

There's a huge amount of pie in front of them and they need to finish eating those in a span of just three-minutes.

Mas lalong natuwa ang mga tao nang mag simula na ang oras. Sabay-sabay na kinain ng mga kasali ang malaking pie sa kanilang harapan. Maraming nag chi-cheer at nag tatawanan sa mga nangyayari.

Hindi naman niya mapigilan mapa-ngiti habang nakatingin sa mga ito. They were really into it. They must really want to win that prize, ha? ani Jackie Jane sa kaniyang isipan.

Lumipas ang tatlong minuto. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Jackie Jane habang pinapanood ang mga ito. She was rooting at them to win. She was really happy.

Nang malakas na pumalakpak si Accalia nang itaas ni Grayson ang malaking bowl ng pie. Sumigaw ang host. Mas lalong nag ingay ang paligid. Natigil naman sa ere ang ibang kasali sa pagkain ng pie.

Kahit sina Ailwi, Owen, at Pollo. Makikita ang dismaya sa mukha ng mga ito nang malaman si Grayson ang nanalo.

MAY masamang tingin sina Pollo, Ailwi, at Owen kay Grayson nang makakaba ang mga ito sa stage.

Agad na lumapit si Accalia kay Grayson at patalon itong niyakap ng mahigpit. Makikita naman sa mukha ni Grayson ang tuwa.

"I was supposed to win," ani Owen pagkatapos ay bumaling kay Ailwi. "Naisipan mo pa kasi sumali. Ayan, nanalo pa tuloy si Ray!" dagdag pa ng binata.

"Bakit ako sinisisi mo? Ako ba nanalo? Natalo rin kaya ako, bata!"

"How many times do I have to tell you I'm not a kid, old man?!"

"Hays, fuck," mahinang bulong naman ni Pollo habang pinapanood ang mga kasama. Saglit pa itong tumigil para tingnan si Jackie Jane bago ito tuluyan umalis.

Naiilang na iniwas ni Jackie Jane ang tingin kay Pollo at binalik ang tingin kala Ailwi at Owen. Inabot niya ang dalawang kamay para hawakan ang magkabilaan nitong mga kamay.

Biglang tumigil sa bangayan sina Owen at Ailwi nang maramdaman ang init ng palad ni Jackie Jane sa kanilang balat.

"You guys were amazing."

"Really?" may tuwang tanong ni Owen. Tumango naman si Jackie Jane habang hinigpitan ni Ailwi ang kapit sa kamay ng dalaga.

"Yeah, nakakatuwa kayong panoorin. Pero sayang, si Ray nanalo."

"Ang sakit naman no'n, baby Jane!" reklamo ni Owen. Natawa naman siya pagkatapos ay sabay na niyakap niya ang dalawa.

Pinag-gitnaan siya ng mga ito. Automatic naman humigpit ang yakap nina Owen at Ailwi sa kaniya. Naramdaman pa ni Jackie Jane ang paghalik ni Ailwi sa kaniyang ulonan.

"Ayos lang kung hindi kayo nanalo. Panalo naman kayo sa puso ko."

"At sino naman nagturo sa'yo niyan?" bulong ni Ailwi sa kaniyang tainga. Nakiliti pa siya ng kaunti.

Habang pinutakti naman siya ng halik ni Owen sa pisngi. "Kinikilig ako," komento pa nito.

NANG lumisan sila sa kanilang bahay. Wala sa kanilang plano ang masiraan ng sasakyan, mapadpad sa isang curse hotel at ngayon nasa isa silang hidden carnival.

But despite everything happened. Jackie Jane was grateful. Kung hindi iyon nangyari, baka hindi niya nakilala si Ailwi at hindi nila matutulungan ang kanilang uncle Aiden makauwi sa kanila.

Saglit na pinatitigan ni Jackie Jane ang kapatid at ang matalik na kaibigan na si Accalia. Makikita na masama ang mga ito. Kahit siya ay masaya rin para sa dalawa.

Nanalo si Grayson at mayro'n pagkakataon kumain ang dalawa sa tapat ng ferris wheel habang nagpapaputok ng fireworks sa langit mamaya.

For now, narinig nila na mag sisimula na ang sayawan sa main tent. Ito ang sinasabi ni Sunny na special event ngayon gabi.

Hindi sana si Jackie Jane sasama but Owen wanted to go. Hindi naman siya masamang nilalang para pigilan ito, kung dito ito sasaya.

"Sandali lang, cr lang ako."

"Samahan na kita," ani Ailwi. Umiling si Jackie Jane pagkatapos ay marahan na pinisil ang kamay ng binata.

"Don't worry about me. I can manage." Ngumiti pa siya para hindi ito mag alala.

Pinatitigan siya ni Ailwi. Halatang nag de-debate sa utak nito kung papayag ba ito o hindi but in the end, sumang-ayon din ito.

"Bumalik ka agad," Owen said. Kahit ito ay gusto rin samahan ang dalaga.

Hinayaan muna ni Jackie Jane makapasok sa loob ng tent ang dalawa bago siya tuluyan nagtungo para hanapin ang restroom.

Maraming tao sa paligid. Nakakasalubong niya ang mga ito papunta sa pulang tent kung saan gaganapin ang sayawan. Winalang bahala ni Jackie Jane ang tingin ng mga ito sa kaniya.

Maliban sa malaking pulang tent. Marami rin tent sa paligid. Hindi ito gano'n kalaki katulad sa gitnang tent.

Nagpatuloy siya sa paghahanap. Habang naglalakad si Jackie Jane. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakaramdam ng kakaiba.

Her heart was beating so fast. Bigla rin siya nakaramdam ng panlalamig at init sa katawan. Naguguluhan siya kung bakit magkahalo ito. Bigla siya natigilan sa paglalakad.

Medyo nakakaramdaman na rin siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa gilid ng isang tent nadaanan niya upang makakuha ng lakas dahil muntikan na siya matumba.

Hinawakan niya ang sentido at mariin na pumikit.

That feeling, what is it?

Sobrang familiar nito para sa kaniya.

"Jackie Jane."

Mabilis siyang napamulat nang marinig ang boses na iyon. Bumungad sa kaniyang harapan ang mariin na titig ni Jack sa kaniya.

Naguguluhan siya. Jack?

"Is that you, Jack?" tanong ni Jackie Jane pero hindi ito sumagot. Nakatingin pa rin ito sa kaniya habang tikom ang bibig.

Umayos siya nang pagkakatayo pagkatapos ay hindi niya inalis ang tingin sa binata.

Bigla na lang siya nagulat nang idampi ni Jack ang daliri nito sa kaniyang leeg.

"M-may problema ba?" tanong ni Jackie Jane. Nalilito siya. What was that feeling again?

"Jackie Jane." What?

Mabilis inalis ni Jack ang pagkakahawak sa kaniya. Umiwas din ito ng tingin sa kaniya kung saan parang nakabalik ito sa pagkaka-hipnotismo nito sa sarili.

"I heard something."

Kumunot ang noo ni Jackie Jane. Agad naman tumalikod si Jack. Naguguluhan na sinundan niya ito. Nagtungo sila sa isa pang tent. Bandang nasa dulo na ito. Kaunti lang din ang ilaw sa paligid.

"Jack?"

"There's someone out there. I heard it. He was asking for a help."

"A-ano?" naguguluhan niyang tanong. Saglit naman lumingon si Jack sa kaniya pagkatapos ay nag simula ulit sa paglalakad hanggang tuluyan na silang makarating sa dulo ng tent.

Nagulat siya nang biglang huminto si Jack sa paglalakad. Sa gulat niya ay tumama siya sa likuran nito.

"S-sorry," she said. Maliban sa saglit natigilan si Jack. Wala itong sinabi sa nangyari.

Bagkus ay binuksan nito ang tent at pumasok sa loob. Dali-dali naman siyang sumunod dito. At nagulat na lang siya sa kaniyang nasaksihan sa loob nito.

"I fucking knew it," bulong na saad ni Jack habang nakatingin sa kanilang unahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top