Chapter 19

JACKIE jane felt guilty. She had sex with Ailwi after thinking about Caliban. She was aroused because of him at nang tawagin siya ni Ailwi. She lost it.

Parehas silang pabalik sa tent kung saan iniwan nila ang mga kasama. Sa malayo pa lang ay natatanaw na niya ang kulay kahel na mata ni Owen.

He was waiting for her. Mas lalo siya na-guilty. Hindi man lang niya nagawang isipin ito.

Tumakbo palapit si Owen sa kaniya. Agad siya nito tiningnan. Chineck kung maayos lang siya. "Are you okay? Bakit ang dumi ng pants—"

Owen sniffed the air. Humigpit ang kapit nito sa kaniya pagkatapos ay galit na tumingin kay Ailwi nasa likuran nila.

"You fucking asshole!" Galit man ay hindi sinubukan ni Owen kumalas sa kaniyang hawak. Para bang kumukuha ito sa kaniya ng lakas na huwag sumugod kay Ailwi.

Lumingon si Owen sa kaniya. Muntikan na siya matumba sa talim ng tingin nito sa kaniya.

"What is happening here?" tanong ni Grayson nang makalabas ito. Sumunod si Accalia naguguluhan.

Ilang sandali, sabay na suminghot ang tatlo nang walang nag salita sa kanila. Nanlisik ang tingin nina Grayson at Pollo kay Ailwi.

Bumitaw si Owen sa kaniya. Para siyang binaril sa puso nang hindi siya nito tiningnan. Pumasok ito sa loob ng tent at iniwan sila.

Lumapit naman si Ailwi sa kaniya. Pinulupot nito ang braso sa kaniyang baywang. Hinalikan pa siya nito sa sentido. She heard a growled coming from Pollo.

Pinagtaasan siya ng balahibo sa batok. Hindi maalis ang tingin niya rito. Naguguluhan siya. Bakit gano'n ang kaniyang nararamdaman?

"Ailwi. Can we talk?" mahinahon na saad ni Grayson. Bumaling siya sa kapatid.

"Gray," tawag niya rito.

"I'm asking kuya Ailwi, ate."

Mag sasalita pa sana siya nang paharapin siya ni Ailwi. Nakangiti ito sa kaniya. "It's really fine. Pagsasabihan lang ako ng kapatid mo. At isa pa." Nilapit ni Ailwi ang bibig sa kaniyang tainga. "Wala siyang magagawa. Mas matanda ako sa kaniya."

Naikutan niya tuloy ito ng mata. "I'll be back. Try to talk to Owen," he said bago siya hinalikan ng mabilis sa labi.

Naiwan siya kasama sina Pollo at Accalia. Ngunit agad din lumisan si Accalia. Nanahimik tuloy siya habang tinitigan si Pollo. Hindi niya alam ang sasabihin dito.

"Go ahead. Try to talk to Owen," saad ni Pollo sa kaniya bago ito umiwas ng tingin at nagtungo sa kabilang direksyon kung saan pumunta sina Grayson at Ailwi.

Gustuhin man niya tawagin si Pollo ay ang tanging nagawa na lamang niya ay pagmasdan ang likuran nito.

PUMASOK si Jackie Jane sa loob ng tent. Naabutan niya si Owen nakahiga sa kama nito. Si Accalia naman ay tinanguhan lamang siya.

Nilapitan niya si Owen sa kama nito. Nakaharang ang braso nito sa kaniyang mga mata. Hindi malaman ni Jackie Jane kung natutulog na ba ito o nakikiramdam.

She chose the latter. "Owen," tawag niya rito ngunit hindi siya nito sinagot. Nag hintay siya ng ilang segundo bago umupo sa gilid nito.

Lumubog ang malambot na kama. Hindi naman nadala si Owen. Umiwas siya ng tingin dito. Pinatitigan niya ang mga kamay na para bang may nakaka-enganyong na kaya itong gawin.

"What we did was unfair. It was a foolish act. I'm sorry." Nagawa na niya ulit ito lingunin. "I... sige, maiwan na muna kita."

Tumayo siya at aalis na sana nang maramdaman niya ang malaki at magaspang na kamay ang humawak sa kaniyang pulso. Nakatingin si Owen sa kaniya nang lingunin niya ito.

"Gano'n lang 'yon? Hindi mo man lang ako pinilit makausap?"

Bumangon si Owen sa pagkakahiga pagkatapos ay umupo. Hindi rin nito binibitawan ang kamay niya habang titig na titig siya rito.

"Sit down," utos nito.

Sinunod niya ito. Umupo siya sa tabi nito. Nalungkot siya nang bumitaw ang kamay nito sa kaniya. Ngunit hindi siya nag reklamo. Kung tutuusin. Wala siyang karapatan mag reklamo. Hindi iyon ang oras. May kasalanan siya rito.

"I'm really sorry."

Tumango si Owen. "I know you are but I'm still mad. So, hayaan mo muna ako mag drama."

"O-okay. Naiintindihan ko."

"Hindi mo talaga ako pipilitin?" tanong ni Owen. Umiling siya. "Hindi. Papalamigin ko muna ulo mo," sagot niya.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Owen. "Fuck! I really can't resist you, ha?" Ginulo ni Owen ang buhok pero hindi nawawala ang ngisi nito sa sarili.

Hindi naman niya alam kung paano mag re-react sa sinabi nito. "Owen, you really don't have—

"Stay with me. I want to sleep with you."

Tumango siya. Ngumiti. "Of course. I'd love that."

TULOG na ang lahat at patay na ang ilaw sa loob ng tent. Mahigpit nakayakap si Owen sa kaniya. Nakatalikod siya rito.

Hindi siya makatulog. Kanina niya pa iniisip si Owen. Alam niyang hindi natuwa ang binata at naiinis siya dahil nag papanggap ito na ayos na ang lahat.

She wanted him to be honest with her. May kasalanan siya. Sila ni Ailwi. Naging unfair sila at hindi man lang nila naisip si Owen.

"Jane? Ayaw mo ba sa'kin?" bulong ni Owen sa kaniyang tainga. Hinarap niya ito. Nakapikit ang mata ni Owen. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Please, don't say that. I like you, Owen."

Minulat ni Owen ang mata. Lumiliwanag ang kulay kahel nitong mga mata. Hindi ito makatingin nang maayos sa kaniya. Gumagala ang tingin ng mata ni Owen sa kung saan bahagi ng mukha niya maliban sa kaniyang mga mata.

Mariin niya hinawakan ang magkabilaan nitong pisngi. "I really like you," pag-uulit niya rito.

Tumingin na si Owen sa kaniyang mga mata. Ngumiti naman siya at inulit ang sinabi. Niyakap siya ni Owen. Sinandal niya ang ulo sa dibdib nito.

Rinig na rinig niya ang tibok ng puso ni Owen. Inabot niya ulit ang pisngi ng binata at hinalikan ito sa labi.

Nag stay ang labi nila sa isa't isa na walang gumagalaw. Tanging pinapakiramdaman lang nila ang mainit na halik para sa isa't isa.

Tumulo ang luha niya. Nagpapasalamat siya na binigay sa kaniya ng Moon Goddess si Owen.

She smiled. Siya ang unang gumalaw ang labi. Hindi naman nabigo siya dahil sumagot si Owen sa kaniyang mga halik. Pinanggigilan nito ang labi niya.

"Ah," she moaned. Bumitaw si Owen ng halik at tinitigan siya. "I also want to make you cum," saad nito. Pinamulahan siya sa hiya.

"But I'm not going to do it here. Maybe, later?" maharot na bulong ni Owen sa kaniyang tainga. Marahan pang sumagi ang malambot na labi nito sa kaniyang balat.

Humigpit ang kapit niya sa katawan nito. Loving all the sensations she was feeling.

"Yeah, l-later," kinakapusan niyang saad. Mas dinidikit niya rin ang katawan dito kung may ididikit pa.

Owen chuckled. Knowing she really does like it.

NANG sumapit ang kinabukasan. Maaga nag asikaso sila para sumabak ulit sa panibagong paglalakbay.

Ang nag tatampo na si Owen ay bumalik ulit sa pagiging clingy kay Jackie Jane at mapang-asar kay Ailwi.

Nasanay si Jackie Jane sa malaking pamilya. Lalo na kapag nagiging sweet ang mga ama niya sa kanilang ina. Minsan dumako rin sa kaniyang isipan na baka magkaroon din siya ng higit pa na mates ngunit hindi niya inaasahan na magiging totoo ito.

Mahirap man dahil maraming personality ang bumabangga sa isa't isa. Inaamin niya na mabilis siyang nasanay sa presensiya ng mga ito. Isa rin siguro nakatulong sa kanila ay ang pagiging mag soulmate nila sa isa't isa.

Parehas ulit nakasakay sina Accalia at Jackie Jane kala Mina at Nina. Maingat silang naglalakbay nang bigla na lang huminto ang kabayo. Muntikan na matumba ang dalawa dahil sa biglang tigil.

Lumingon-lingon si Owen. Maski sina Grayson, Ailwi at Pollo ay mas lalong naging alerto.

Tinulungan siya ni Ailwi sa kaniyang pagkakaupo ulit kay Mina. Habang si Grayson naman ay pinababa na si Accalia sa kabayo dahil ayaw mag tigil ni Nina sa pag atras.

Mabuti na lang talaga at hindi ito gano'n nag wawala. Ngunit, mapapansin ang takot sa mga ito na hindi maintindihan ni Jackie Jane.

"Lulu, baba ka na rin muna," saad ni Ailwi. Saglit niya muna tiningnan ang kagubatan at inikot ang kaniyang paningin.

May pwersa kasing humihila sa kaniya. At pakiramdam niya ay nasa malapit lang ito. Sobrang familiar nito na hindi niya mapigilan umasa at malungkot.

"Lulu?" Halata sa boses ni Ailwi ang pag-aalala. Agad na lumingon siya rito. She bit her lower lip then nodded.

Tinulungan siya bumaba ni Ailwi. Nang tuluyan na siya maka-apak sa lupa ay bigla siya nanghina. Mabilis nasalo siya ni Ailwi.

"Babe, are you okay?"

Pinikit ni Jackie Jane ang mata. Hindi siya okay. Parang umiikot ang mundo niya kapag dumilat siya. Naiinitan din siya kahit may pagkamalamig ang panahon. At isa pa, pinagpapawisan din siya ng malamig.

"Shit!" sigaw ni Ailwi. Lahat ng atensyon ay bigla nagtungo sa dalaga.

Mabilis nakalapit si Pollo at tinulak si Ailwi. Hinagkan nito si Jackie Jane. Galit naman na nilingon ito ni Ailwi.

"JJ? Are you okay?" Hinawakan ni Grayson ang pisngi ng kapatid habang yakap ni Pollo ang dalagita.

"Ano nangyayari?" Owen asked. May inis pa itong tumingin kay Pollo dahil hawak nito si Jackie Jane pagkatapos ay nanlilisik na bumaling si Owen kay Ailwi.

Kinuha ni Owen sa bisig ni Pollo si Jackie Jane. Bumalik naman din si Ailwi sa tabi ng dalaga.

Minulat ni Jackie Jane ang mata. Napansin niya lahat ng mata ay nasa kaniya ang tingin. Nagtataka at nag-aalala ang mga ito.

"A-ayos lang ako," saad ng dalaga. Tinulungan siya makaayos ng tayo ni Owen. Pinagpagan naman ni Ailwi ang kasuotan niya.

"Mabuti siguro magpahinga muna tayo saglit," ani Pollo pagkatapos ay iniwan sila nito roon.

Naglakad ito palayo sa kasama. Patungo na sana si Pollo sa isang puno para kumuha ng prutas nang saglit tumigil ang binata. Pinakiramdaman nito ang paligid. Sigurado siya na may ibang nilalang ang nasa malapit maliban sa kanila.

Ngunit, hindi mapagtanto ni Pollo kung ano ito. Hindi rin nito maamoy. Sobrang hina na para bang may pumipigil sa binata.

Bumalik ang tingin ni Pollo sa malaking puno nang may kumakuskos. Agad tumakbo si Pollo at tinukod nito ang likuran ng isang lalaki.

"Sino ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top