Chapter 17

NANG magising si Jackie Jane sa pagkakatulog ay bumungad sa kaniya ang gawa sa kahoy na kisame at mga dingding. Marahan niyang kinusot ang mga mata. No'ng una ay akala ng dalaga nakabalik siya sa kanilang greenhouse.

Ngunit napansin niyang hindi naman pala. Tumayo siya sa kama at lumapit sa nakabukas na malaking bintana. Tumama ang malamig na hangin sa kaniyang balat. Unti-unti na sumisilay ang bukang liwayway. Mas niyakap ni Jackie Jane ang sarili dahil sa lamig. Kitang-kita sa hindi kalayuan ang malaking bundok.

Nakatayo ang isang cabin sa gitna ng kakahuyan. Sa unahan ng cabin ay may dalawang kabayo ang nakatali sa makapal na kahoy. Payapang kumakain ang mga ito ng damo.

"You're awake."

Nilingon ni Jackie Jane si Owen. Nakangiti ito sa kaniya. Niyakap niya ito nang makalapit ito sa kaniya.

"Bakit hindi ka natulog sa tabi ko?" tanong niya. Nasanay na kasi ang dalaga na katabi matulog si Owen. Mapa-fox form nito o human form.

Isang dahilan din ay natatakot ang dalaga makatulog ng mag-isa lang. Kailangan niya ng makakasama kapag nagigising siya sa madaling araw sa tuwing hindi na naman nagpakita sa kaniya si Caliban sa kaniyang panaginip.

"I'm with you. Actually, all of us were checking on you. Sorry kung hindi ako nag stay. Ayaw pumayag ni Grayson. Masyado na raw ako umaabuso."

Natawa si Jackie Jane sa ibabaw ng dibdib ng binata. Magkayakap pa rin kasi sila nito habang marahan na hinahaplos ni Owen ang kaniyang buhok.

"Thank you."

"You're always welcome." Hinalikan siya ni Owen sa noo. Pinatitigan niya ang kulay kahel nitong mata. Inabot niya ang pisngi nitong may galos.

She sighed. "Ayos ka lang? May nasaktan ba sa inyo?" nag aalala na tanong ni Jackie Jane. Umiling si Owen.

"We are all fine. 'Wag ka mag alala. By the way, baby Jane. Humihingi ng pasalamat si Aiden sa 'yo. After decades of being there. Makakauwi na siya sa inyo."

"We should be thankful to him as well. Kung hindi dahil kay uncle, baka tuluyan na tayo nag stay sa lugar na 'yon. Hindi ko alam na may nag e-exist na gano'n lugar. I want to help them, cha-cha."

"After we get you the golden apple. Babalik tayo." Nilagay ni Owen ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago siya nito hinalikan sa labi.

He kissed her so passionately. Jackie Jane felt so safe at ang puso niya ay kalmado kahit sobrang bilis ng tibok nito.

May panunukso na kinagat ni Owen ang ibabang labi niya. Nang mabuka niya ang bibig ay pinasok ni Owen ang dila sa kaniya. Their tongues fought for dominance in the most sinful way.

She couldn't help but to escaped a moan. Humigpit ang kapit ni Owen sa kaniyang pisngi maski ang isang kamay nito ay pumisil na sa kaniyang baywang. Nagkadikit ang kanilang mga katawan sa isa't isa.

Ramdam na ramdam ni Jackie Jane ang init ng katawan ni Owen. Yumakap siya rito. Bumitaw si Owen sa halik sa labi at nilapit ito sa kaniyang pisngi pababa sa kaniyang leeg.

"O-owen," she moaned his name. Mas humigpit ang yapos ni Owen sa kaniya. Ramdam ni Jackie Jane nagpipigil ito but she wanted him to continue kissing her neck.

"F-fuck," malutong and muffled nitong mura sa kaniyang leeg. "I should stop."

Binigyan siya ni Owen ng isang dampi na halik sa leeg bago tumingin sa kaniyang mga mata. "You must be hungry. Gigisingin ko si Ailwi para mag luto ng almusal."

SUMUOT sa ilong ni Jackie Jane ang bango ng almusal na niluluto ni Ailwi. Binaba ng binata sa kaniyang harapan ang kimchi fried rice.

"Ah, this looks yummy. Thank you!"

Hinaplos ni Ailwi ang balikat niya. "You're welcome, lulu," saad nito bago siya ni Ailwi hinawakan sa baba at hinalikan sa labi. Saglit iyon nag tagal. Hindi niya rin kasi gusto bumitaw sa halik nito.

Hinalikan ng binata ang ilong niya bago siya nito binitawan. Marahan pa pinunasan ni Ailwi ang gilid ng labi niya. He smiled. "Eat your breakfast. Baka ikaw makain ko."

Nahampas ni Jackie Jane si Ailwi sa braso. Pinamulahan siya sa hiya dahil sa sinabi nito habang si Owen naman ay tawa nang tawa. Nakaupo ito sa opposite side ng table at kanina pa sila nito pinapanood.

"Stop laughing. Hindi kasama bata sa pag-uusap ng mga matatanda," may masamang tingin ni Ailwi pagkatapos ay tumabi sa kaniyang tabi. "Fuck you!" inis na singhal ni Owen.

Kinuha na lang ni Jackie Jane ang kutsara. Mukhang kailangan na niya masanay sa bangayan ng dalawa sa kaniyang tabi. Hindi niya pinansin ang mga ito at inabala ang sarili sa pagkain.

"Sorry," baling sa kaniya ng dalawa. Parehas nakatingin sa kaniya. Tumigil na rin ang mga ito sa bangayan. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain pero hindi pa rin inaalis nina Owen at Ailwi ang tingin sa dalaga.

"Bakit?" tanong niya.

"Galit ka ba?" balik na tanong ni Ailwi. Umiling siya. "Baby Jane, susubukan ko siya pakisamahan. Basta pansinin mo lang kami," pagsusumamo ni Owen.

She rolled her eyes. "Hindi ako galit. I was eating my fried rice kimchi." Nilingon niya si Ailwi pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi. "It's yummy."

"May mas masarap pa di 'yan."

"Ayan! Paano ko 'yan pakikisamahan kung ganyan mga linyahan sa 'yo!"

"You're not supposed to hear that. Eavesdropper." Umikot ang mata ni Ailwi. "Aba't—" hindi natuloy ni Owen ang sasabihin nang dumating sina Grayson at Accalia. Bigla hinanap ng dalaga kung nasaan si Pollo.

Nagulat si Jackie Jane nang makita nakaupo si Pollo sa mahabang couch sa salas. Binaba nito ang hawak na libro at mug sa coffee table. Mukhang kanina pa ito naroon.

"Ang ingay niyo!" nag uunat na saad ni Grayson. Nang dumako ang tingin ng binata sa kapatid ay nilapitan niya ito at hinalikan ang ulo. "Morning," he said.

"Good morning, Ray. By the way, where are we?" Inikot ni Jackie Jane ang tingin sa cabin. Medyo malaki ito. Tumigil ang tingin ni Jackie Jane kay Pollo nang hilahin nito ang upuan sa tabi ni Owen.

"Bahay ko," proud na saad ni Owen. Napabalik tuloy ang tingin ni Jackie Jane rito. "What?"

TOTOO ang sinabi ni Owen. Bahay nga ito ng binata. Kitang-kita naman sa mga litrato naka-display sa salas. Ngunit walang tao sa loob ng cabin. Nakuwento ni Owen sa mga ito na dapat ang bahay ng binata ang ituturo niya nang bigla na lang umusbong ang mataas na gusali sa kanilang harapan.

"Kabayo ko rin 'yang nasa labas. Sina Mina at Nina," may pagmamalaking saad ni Owen. Agad tumayo si Jackie Jane at lumabas.

Sumunod ang mga ito sa dalaga. Lumapit si Jackie Jane sa isang brown na kabayo. May kulay puti ito sa buntot. "That's Mina," pakilala ni Owen. Hinaplos pa nito ang katawan ng kabayo.

Tuwang-tuwa naman si Jackie Jane at hinaplos ito. "Ito si Nina." Turo ni Owen sa kabilang kabayo. Brown din ang kulay nito pero itim naman ang buntot.

"Nasaan parents mo?" tanong ni Accalia. May hawak itong carrot at pinapakain kay Nina.

"As usual, nasa galaan."

Tinaasan ni Jackie Jane ng kilay si Owen. Bigla naman umayos ang binata. "De, joke lang. Madalas sila pumupunta sa iba't ibang lugar para mag-aral ng spells. Saka si madam, nag hahagilap ng mga recipe for her potions."

"Madam?" Pollo asked. "My mother. I called my parents, boss and madam," natatawang saad ni Owen. Napa-ngiti naman si Jackie Jane. Kitang-kita kung anong klaseng mayro'n na personality ang binata.

"We should prepare to leave," ani Ailwi. Tinapik pa nito ang balikat ni Owen. Sumang-ayon naman sila at pumasok na sa loob ng cabin.

NAG-EMPAKE sila ng ilang kasuotan. Pagkain at inumin. Kinargada nila ang mga gamit sa dalawang kabayo. Habang busy ang mga lalaki ay naligo sina Jackie Jane at Accalia. Pinahiram sila ng damit ni Owen dahil kasama sa sumabog na camper van ang mga gamit nila.

"Kumusta ka? Hindi na masama pakiramdam mo?" tanong ni Ailwi nang makapasok ito sa loob ng silid. Nag gesture naman si Jackie Jane na tulungan siya nito i-zipper ang suot niyang bralette top sa likuran.

"Oo nga pala. Nakuha mo na ba sa 'kin 'yong kusog mo?" Nilagay ni Jackie Jane ang buhok sa unahan. Muntik na makalimutan ng dalaga huminga nang dumampi sa kaniyang balat ang palad ng binata.

"I haven't." Tumili si Jackie Jane nang bigla siya pinaharap ni Ailwi. Pinatitigan siya nito sa mata. "Ngayon pa lang," saad nito bago nito pinagtagpo ang kanilang labi sa isa't isa.

Hinalikan siya ni Ailwi. Sinagot ni Jackie Jane ang bawat galaw ng labi ni Ailwi sa kaniya. Humigpit ang kapit niya sa suot nitong tee shirt nang ibuka ng dalaga ang bibig. Naramdaman niya ang paghigop ng enerhiya palabas sa kaniyang katawan.

Nang bumitaw si Ailwi. Parehas naka-awang ang mga labi nila. Kitang-kita ni Jackie Jane ang kulay puti na enerhiya na hinihigop ni Ailwi pabalik sa katawan nito. Ang nararamdaman ng dalaga. Para bang naranasan na niya iyon. Hindi nga lang niya matandaan kung saan.

Sinalo ni Ailwi si Jackie Jane nang bumagsak ito sa kaniyang bisig. Parehas silang napaupo sa sahig. Alam na alam ng binata na gano'n ang mangyayari sa dalaga. Kaya, hindi niya gusto gamitin ang pagbigay at pagkuha ng enerhiya sa isang nilalang.

"Sorry, lulu." Pinunasan ni Ailwi ang noo ng dalaga. May butil ng pawis dito. "How are you feeling?"

"Did you get all of it?" tanong ni Jackie Jane. Umiling si Ailwi. "No, nag iwan ako ng twenty percent."

"What? Get it out of me! Paano ka? Hindi ito sa akin kusog, lulu!" naiinis na saad ni Jackie Jane. Hindi naman maiwasan ni Ailwi ang ngumiti habang tinititigan ang dalaga. "Ano ang ngini-ngiti mo?"

"You called me lulu, babe. Kinikilig lang ako."

Bumusangot si Jackie Jane. "Hindi ito ang tamang oras para di 'yan. You just gave me your twenty percent kusog." Hinalikan ni Ailwi sa noo ang dalaga at niyakap ito. "Last night, I gave you my seventy percent and I'm still fine. Don't worry about me."

Nahihiya na yumuko si Jackie Jane. Naiiyak siya. Kakakilala pa lang ng dalaga sa binata at gano'n na ang kayang gawin nito para sa kaniya. Hindi niya alam kung deserve niya ba iyon.

"And I love it when you have my ability as well."

Naguguluhan na tumingin si Jackie Jane kay Ailwi. "What do you mean?"

"My eyes. Nakakatagos 'yong paningin ko sa mga makakapal na concrete. Hindi lang nakakakita. Kaya nito mag zoom in and out. That's why you could see what happened last night in the entrance."

"Wow! But is it really, ok?"

Pinunasan ni Ailwi ang lumandas na luha sa kaniyang pisngi. "Yes, lulu. Wag mo na masyadong isipin 'yon, hm?" Hinalikan ulit siya nito sa noo. "Tara na?" Tumayo si Ailwi pagkatapos ay inabot ng binata ang kamay sa kaniya.

Pinatong ni Jackie Jane ang kamay sa palad ni Ailwi. "Thank you," pasasalamat niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top