Chapter 16

NALAMAN nila na mates ni Jackie Jane sina Owen at Ailwi. Na-ikuwento ni Aiden sa mga bata na isa sa way ng Moon Goddess ipaalam sa mga anak nito na mag mate ang isa't isa ay through glowing eyes.

Ngunit ilang dekada na ang nakalipas nang mabalitaan nila ang huling mag soulmate sa pamamagitan ng glowing eyes nagtagpo. Hindi nga lang matandaan ni Aiden ang dahilan kung bakit.

Lumingon si Ailwi kay Owen na may malalim na iniisip. "Hey, kid! Are you okay?"

Inis na bumaling si Owen kay Ailwi. Tinaasan niya ito ng middle finger at inikutan ng mata pagkatapos ay yumakap sa tagiliran ni Jackie Jane. Saglit na lumingon si Owen kay Ailwi and stuck his tongue out.

"Cha-cha." Umalis sa pagkakayakap si Jackie Jane rito. Hindi naman nag paawat si Owen kung kaya hinayaan na ng dalaga.

"Cha-cha," pang gagaya ni Ailwi sa tawag ni Jackie Jane. "Don't call me that, old man! Si baby Jane ko lang pwede tumawag n'yan sa 'kin!"

Lumingon si Jackie Jane kay Owen pagkatapos ay hinawakan ang baba nito para mapaharap sa kaniya. "Hindi mo 'ko, baby Jane."

Owen pouted. "Then, kiss me?"

Biglang binitawan ni Jackie Jane ang baba ni Owen at umiwas ng tingin dito. Mahina naman natawa si Owen.

Bagsak na binaba ni Pollo ang hawak na portfolio sa lamesa. "Nandito na 'yong map ng buong building."

Sabay na lumingon sina Jackie Jane, Owen at Ailwi kay Pollo at kala Grayson at Accalia. "Susunod mamaya si uncle. May kausap lang siya saglit."

"Paano nakuha niya 'yan?" tanong ni Jackie Jane. Hindi tumingin si Pollo sa kaniya. "Sa kaniya na raw 'yon," sagot ni Pollo. There's a hint of coldness to his voice. Hindi iyon pinansin ni Jackie Jane bagkus tumango rito.

Tumayo sina Ailwi at Owen. Nakitingin ang mga ito sa mapa naka spread sa lamesa. Saglit na tinitigan ni Jackie Jane ang mga ito. Hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng dalawang mates. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niya maramdaman.

Dahil sigurado siya sa sarili na gusto niya si Caliban. Ano na ang mangyayari kapag nalaman nina Owen at Ailwi ang tungkol kay Caliban?

Jackie Jane sighed.

Lumingon si Pollo sa gawi ng dalaga. Saglit niya ito pinagmasdan. His wolf doesn't want to share but he doesn't know what to say. Not like them, they have bond na wala sa kanilang dalawa ni Jackie Jane.

Hindi tuloy mawari ni Pollo kung pinagloloko lang ba siya ng kaniyang wolf para sabihin na mate nito si Jackie Jane.

Umiwas ng tingin si Pollo nang dumako ang tingin ni Jackie Jane sa binata. "Ngayong gabi rin. We need to get out of this hellhole."

GUSTUHIN man nila makatulong sa ibang nilalang upang makalabas sa Atticus Hotel ay hindi nila magawang masabi ang plano sa mga ito. They couldn't risk that. Lalo na kung may hinahanap silang importante para makatulong kay Jackie Jane.

"Promise me, we will help them after we found the golden apple," saad ni Jackie Jane kay Pollo. Ito kasi ang nag pupumilit na hindi sabihin sa iba ang gagawin nilang plano para makatakas.

Tinitigan ni Pollo si Jackie Jane. "I promise my life to you."

Parang nakalunok ng tambol si Jackie Jane habang nakatingin sa mga mata ni Pollo. She thought he was her mate. The way her heart operated whenever he was near. She couldn't explain them ngunit hindi niya makitaan ito katulad sa mga mata nina Owen at Ailwi.

Tumango si Jackie Jane. Marahan niya hinaplos ang pisngi nito pagkatapos ay dinampian niya ng halik si Pollo sa pisngi. "Thank you," bulong niya rito bago lumapit kala Owen at Ailwi nag hihintay sa dalaga sa dulo ng hallway.

Pinanood ni Pollo na lumisan si Jackie Jane. Marahan niyang hinawakan ang dibdib kung saan matatagpuan ang kaniyang puso. Kumikirot ito. Nasasaktan siya.

"She's your mate, no?"

Nilingon ni Pollo si Accalia nakatingin din kala Jackie Jane. "Ano ginagawa mo rito? Nasaan si Grayson?"

"He's with uncle. Susunod din sila."

"Sana hinintay mo na lang sila." Binalik ni Pollo ang tingin sana kala Jackie Jane ngunit wala na ang mga ito. Paniguradong patungo na ang mga ito sa kanilang assigned post.

"I was kaso naisip ko baka umiiyak ka na di 'yan sa isang tabi." Marahan natawa si Accalia. Nilingon ito ni Pollo.

"I'm not a cry baby."

Nagkibit balikat si Accalia. "Ok, but still, I'm here."

"Sorry," bigla na lang saad ni Pollo. Sinukbit ni Accalia ang braso sa braso ni Pollo pagkatapos ay sinandal niya ang ulo sa balikat nito at marahan na tinapik ang dibdib ni Pollo.

"I'm sorry rin, but anyway, wala naman may kasalanan. It was already written in the stars. Alam din natin na ganito ang mangyayari." Inangat ni Accalia ang tingin kay Pollo. Nakatingin na rin ito sa kaniya. "I always care for you. Nandito ako palagi sa tabi mo as your friend, of course."

"Same goes to you." Marahan na hinaplos ni Pollo ang ulonan ni Accalia pagkatapos ay hinalikan ang noo nito. "Thank you."

"I know." She rolled her eyes then bumitaw sa hawak ng binata. "Pero shempre, bago tayo mag drama. We need to get the fuck out of here."

"You're kinda cool, no? Maliban na lang kapag nagiging kamatis ka kapag nandiyan si Grayson sa tabi."

"You did not just say that!" sigaw ni Accalia dahil agad na tumakbo si Pollo. Naiiling na sinundan ito ni Accalia. Sa kabilang dulo ng hallway. Nakasalubong nila si Grayson na mag-isa.

"Nasaan si uncle?" Accalia asked. Malungkot na ngumiti si Grayson. "Hindi niya gusto bumalik."

HINAWAKAN ni Ailwi si Jackie Jane sa balikat nang makarating sila sa ground floor. Nagtago sila sa madilim na espasyo ng hallway. Ang tanging liwanag lang sa mga oras na iyon ay ang kulay lilang mata ni Ailwi.

"You'll pass out after you used it but remember, I got your back. 'Wag ka matakot kapag nakaramdam ka ng kadiliman, ha?"

Tumango si Jackie Jane. "Words, lulu."

"You got my back." Ngumiti si Ailwi pagkatapos ay marahan na hinaplos ang kaniyang ulonan. Saglit na lumingon ang dalawa kay Owen naka bantay sa bukana. Nakatingin din ito sa kanila.

"It's time." Hinawakan ni Ailwi ang magkabilaan na pisngi ni Jackie Jane bago unti-unti nito hinalikan sa labi ang dalaga. Binuka ni Jackie Jane ang bibig. Unti-unti niya naramdaman ang pagpasok ng enerhiya sa loob ng kaniyang bibig.

Humigpit ang kapit ni Jackie Jane sa dalawang kamay ni Ailwi nakahawak sa kaniyang pisngi. Bigla siya nahirapan makahinga. Kinakapusan siya ng hangin. She wanted to let go pero mas hinigpitan ni Ailwi ang kapit sa kaniya.

Ilang segundo ang lumipas. Umampas ang isang ungol sa bibig ng dalagita. Hinayaan niya pumasok ang binigay na enerhiya ni Ailwi sa kaniya. Pumikit ang kaniyang mata at nang imulat niya ito.

Biglang tuminis ang pandinig ni Jackie Jane. Mahigpit niyang hinawakan ang tainga. Masyadong masakit ang tunog ng kaniyang naririnig. Lahat ay naririnig niya mapalayo o mapalapit man.

Sinalo ni Ailwi ang dalaga sa kaniyang bisig. Si Owen naman ay bigla nag panic. Samu't sariling mura na ang pinakawalan ni Owen habang pinagmamasdan si Jackie Jane. Masama na rin ang tingin nito kay Ailwi.

"Tangina! Anong gina—"

Umayos nang tayo si Jackie Jane. Parehas na hinawakan niya ang kamay ng isa't isa at nginitian niya ang mga ito. "I'm fine."

"Fuck!" Mahigpit na niyakap siya ni Owen. "Don't scared me like that, okay?"

Tumango siya. "Ang drama mo." Ginulo ni Jackie Jane ang buhok ni Owen. Inalis naman ng binata ang kamay niya. Bumaling siya kay Ailwi naka ngiting nakatingin sa kaniya.

"Let's go?"

NAPAGALAMAN nila kay Ailwi na pwedeng maipasa ang enerhiya nasa loob ng kanilang tiyan. May isang daan itong persento ito sa simula at para itong isang buhawi. Ilan lang ang nakakaalam nito dahil panigurado maraming mapapahamak na mga nilalang kapag nangyari.

It could cause people death kapag nasobrahan ng kuha at bigay. Babagsak ang katawan ng kung sino man makaranas nito. Sa kaso ni Jackie Jane, since walang she-wolf ang dalaga. May possibility na hindi kumpleto ang kay Jackie Jane.

Gamit ang enhance hearing, smelling and vision ni Jackie Jane. Madali nilang nalalaman kung may ibang nilalang silang makakasalubong.

Ang totoo, may exit sa front building. Ngunit walang nakakita nito dahil sa wine na iniinom nila. Walang may alam kung sino may ari ng Atticus Hotel. Wala na rin silang oras para alamin.

Sa back door silang nagtungo. Dalawa ang exit. Sa unahan at sa likuran. Mas marami nga lang ang nakabantay sa likod ng building. Nang makarating sila sa back door ay naabutan nila sina Grayson, Accalia at Pollo nakikipagbakbakan sa mapa babae o lalaking bantay.

Agad naman nakihalubilo si Owen sa mga ito habang hinila siya ni Ailwi sa unahan. Nang tumingin si Jackie Jane sa plain na dingding. Lumiwanag ang mata ng dalaga at unti-unti niya nasilayan ang sliding door. Kitang-kita na niya ngayon ang madalim na kagubatan.

Lumingon si Jackie Jane sa mga kaibigan. Hinila siya ni Ailwi nang biglang may sumugod na isang she-wolf sa kaniya. Walang alinlangan na sinuntok ni Ailwi ito sa pagmumukha.

"Bakit mo sinuntok?!"

Bumaling si Ailwi kay Jackie Jane. Naguguluhan. "What?!"

She rolled her eyes. Ngunit agad niya rin hinawakan ang ulo. Rinig na rinig niya ang mga sigawan at mga labag sa sahig. Pinikit ni Jackie Jane ang mata at nang imulat niya ito. Tumagos ang paningin niya sa mga dingding.

Napapanood niya ang mga nilalang nagkakagulo makalabas sa front building. Nanlalaki ang mata niya nang matanaw niya ang uncle Aiden nila. Mabilis itong tumatakbo habang binabalian ng mga buto ang bawat humaharang dito.

"We need to get out!" sigaw ni Ailwi. Hinila ulit ng binata si Jackie Jane.

"Sandali, si uncle Aiden!" balik niyang sigaw dito. Nagmura naman si Owen pagkatapos ay lumapit sa kanilang dalawa ni Ailwi.

Sumunod din sina Grayson, Accalia at Pollo. Binuksan ni Ailwi ang pinto. Hindi naman nagpaawat si Jackie Jane habang hinihintay makarating ang uncle nila.

Mas lalo sumakit ang tainga ni Jackie Jane. "Shit! They're coming!" singhal ni Ailwi pagkatapos ay mas hinila siya nito.

Lumiwag ang mukha ng dalaga nang makita ang uncle. Agad na dinaluhan ito ni Pollo. "Come on!!"

Sabay-sabay silang lumabas ng back door. Pag-apak palang ni Jackie Jane sa labas ay bigla na ito bumagsak ang katawan kung saan agad nasalo ni Ailwi. May ilan nakalabas sa back door at may ilan naiwan sa loob dahil bigla na lang ulit bumalik ang dati.

Mapapansin naguguluhan ang ilang mga nilalang nakalabas. Saglit lumingon sa gawi ng magkakaibigan at nagsimula umalis sa lugar na iyon.

"I guess, this is what we bid each other a good byes, for now shempre," saad ni Aiden sa mga pamangkin. Hindi man kadugo nito ang mga bata ay tinuturing na niya itong pamilya. "Thank you for saving me. Don't forget to tell that to JJ."

"Sige, uncle. Thank you rin po. Mag iingat kayo pabalik," ani Grayson. Tinapik ni Aiden ang likuran nito. "Mas mag iingat kayo sa inyong paglalakbay. See you soon."

Isa-isa niyakap ni Aiden ang mga ito bago nag paalam. Ang Atticus Hotel naman ay bigla naglaho sa kanilang paningin.


a/n: who miss caliban? ps. another update since it's my birthday lol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top