Chapter 15

MABILIS na tumakbo ang binata na si Pollo patungo sa silid ni Jackie Jane. Sigurado na siya ngayon na ang alagang fox ng dalaga ay isang warlock shifter. Ito rin ang binata naka-encounter nila kagabi.

Hinihingal na tumapat siya sa silid ng dalaga. Sobrang bilis ng takbo ng kaniyang puso. Nalilito na siya sa kaniyang damdamamin.

Walang kasiguraduhan kung si Jackie Jane ba ang binigay ng Moon Goddess sa kaniya hangga't hindi pa sumasapit ang bente dos na edad ng babae. Ngunit, ang kaniyang nararamdaman. Ang halik na pinagsaluhan nila.

Pilit siya tinutulak palapit kay Jackie Jane.

Punong-puno rin ang kaniyang nararamdaman. Para siyang pinipiga habang iniisip na may ibang lalaki na kasama ang dalaga.

Tumakbo pa sa kaniyang isipan ang incubus na dumadalaw sa dalaga. Mas lalo siya nainis. Mariin niya binilog ang kamao. Namumuti na ito sa kaniyang pagpipigil habang titig na titig sa harapan ng pinto.

Sa likuran nito ay ang dalaga at alaga nitong warlock shifter. Pinaghandaan niya ang sarili. Hindi niya alam ang magagawa kapag nakita na niyang magkasama ang dalawa.

"Fuck it." He knocked. Twice.

A little while. Biglang narinig niya ang boses ni Jackie Jane.

"S-sandali lang! N-nag bibihis ako!"

Namula si Pollo sa kaniyang narinig ngunit agad din nag laho iyon nang sumingit ang wolf niya sa kaniyang isipan. Pinakitaan siya nito ng isang imahe na sobrang hindi niya nagustuhan.

Sigurado ang binata na gawa lang iyon ng kaniyang wolf para mas lalo siya mainis dahil ramdaman niya ang sobrang galit nito sa kaniyang kaloob-looban at nadadamay siya nito.

"Jackie!" he whispered shout.

Nag panicked ang dalaga sa likod ng pinto. Nanlilisik na tinitigan niya si Owen naka sleeping pretty sa kama. He kept refusing to change.

"I hate you!" mahinang bulong ni Jackie Jane bago bumaling sa pinto.

Biglang bumukas ang pinto ngunit hindi ito tuluyan bumukas. Inis ni Pollo tinitigan ang dalaga. Sobrang kinakabahan naman si Jackie Jane dahil ayaw pa rin pumayag ni Owen mag palit sa fox form nito.

"P-pollo! May problema ba?" Jackie Jane asked. Pinagmasdan ito ng binata pagkatapos ay umiwas siya ng tingin. Tuluyan binuksan ni Pollo ang pinto na kinagulat ni Jackie Jane.

Natigilan si Pollo. Bumungad sa kaniyang harapan ang lalaki kagabi nakahiga sa kama. Unti-unti binuksan ni Owen ang mata at tinitigan si Pollo.

"You're a warlock shifter?! Why you didn't tell us?" galit na sigaw ni Pollo kay Owen.

Mahinahon naman na umupo nang ayos si Owen sa gilid ng kama. Nag uunat pa ito. "Kailangan ba? Hindi naman kayo si Jackie Jane." Humikab pa si Owen na mas lalong kinainis ng binata.

Hinilot ni Pollo ang sentido. "You're a warlock shifter and you've been sleeping with Jackie in this room alone!"

Tumayo si Owen at lumapit kay Jackie Jane na mahahalatang naiinis na rin sa nangyayari. "Anong mali do'n? I'm hers."

"What?!"

"Akin siya. Akin si Jackie Jane," pag-uulit ni Owen. Mas namula sa galit si Pollo lalo na ang wolf nito. Gusto na nito gilitan ng leeg ang lalaki.

"What do you mean iyo?! She's not yours!"

"Actually, Jane's mine," ani Ailwi. Nakangiti pa ito. Sabay na bumaling sina Pollo at Owen sa elf kahit si Jackie Jane ay nagulat din. Hindi niya naramdaman ang pagdating nito kasama sina Accalia at Grayson.

"The fuck you were saying elf?!" inis na singhal ni Owen. Suminghap si Ailwi.

"Will you three stop it?!" naiinis na sigaw ni Jackie Jane. "Labas!" Tinuro ng dalaga ang pinto.

Nang walang gustong lumabas. Si Jackie Jane ang kusang lumabas. Inis na inis siya sa mga nangyayari. Sa mismong harapan niya pa talaga nag tatalo ang tatlo. Dahil kahit siya ay nalilito na rin.

Nag mamadaling sumunod si Accalia sa kaibigan. Saglit pa ito tumingin kay Grayson. Tumango bago sinundan si Jackie Jane.

Nagpaiwan si Grayson kasama ang tatlong binata na nagpapatayan na sa tingin sa isa't isa. Sabay-sabay na bumaling ang tatlong lalaki kay Grayson nang maramdaman itong nakatingin. May masamang tingin si Grayson sa mga ito.

HUMINTO sa paglalakad si Jackie Jane pagkatapos ay nilingon si Accalia.

"Jane, a-are you okay?" nag aalala na tanong ni Accalia sa kaibigan. Bumuntong hininga si Jackie Jane pagkatapos ay umupo sa carpeted na sahig sa hallway ng hotel.

Naki-upo naman si Accalia sa tabi ng dalaga. Parehas silang nakatingin sa dingding sa kanilang unahan. Walang ibang nilalang ang nag lalakad sa hallway.

"I.. I think, may dalawa akong mates, Lia."

"Dalawa? What do you mean?"

"Hindi ko alam kung bakit ganito 'yong nangyayari sa 'min. Hindi naman ganito sa iba but basically, when we see the same eye color to each other. Ibig sabihin no'n we are mates."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Accalia habang nakatitig kay Jackie Jane. Nag kibit balikat naman ang dalaga.

"Anong kulay ng mata nakikita mo kay Pollo?" curious na tanong ni Accalia.

"Brown," nag tataka na sagot ni Jackie Jane. "Bakit?" Though, may hinala na siya kung bakit ito natanong ng kaibigan.

Mas lalong hindi niya maintindihan ang nangyayari. Lalo na no'ng halikan niya sa labi ang binata. Mas gumulo ang nararamdaman niya.

"Brown din naman nakikita ko sa kaniya," naguguluhan na saad ni Accalia. Niyakap nito ang tuhod habang tinitingnan pa rin siya nito. "Buong akala ko si Pollo mate mo."

Hindi pinahalata ni Jackie Jane nagulat siya sa sinabi nito. "Ha? No. I was talking about Owen and Ailwi."

"Who?"

"My cha-cha? I mean— si Cha-cha at Owen ay iisa. He's my mate. While si Ailwi naman, 'yong elf na kasama niyo kanina? He's also my mate, apparently."

Umalis sa pagkakayakap si Accalia sa binti. "What?! You have two mates?" gulat niyang saad. Saglit na huminto si Accalia. Nag-isip pagkatapos ay pumalakpak. "Baka parehas kayo ni auntie Nyebe, Jane! You are both hybrid!"

"B-but Owen is a warlock shifter? Hindi naman siya wolf."

Napaisip ulit si Accalia. Kahit si Jackie Jane ay nag isip din ngunit walang pumapasok sa kaniyang kokote. Mas lalo lang sinasaktan siya ng ulo.

"Gosh! Moon Goddess! Ang gulo ng pag bibigay mo ng soulmates, ha," Accalia said with a duh sound. "Tapos may pa-same color pa kayo." Umikot ang mata ni Accalia. Natawa naman si Jackie Jane.

"I smell Grayson from you," pang-aasar ni Jackie Jane. Kahit kaunti lang ang naamoy niya rito dahil wala siyang she-wolf.

Pag-iiba rin ng dalaga sa topic. Nanlaki naman mata ni Accalia at umiwas ng tingin. "May ginawa ka ba kay Grayson?" tanong niya pa.

Mas lalo pinamulahan si Accalia. "W-wala akong ginawa sa kaniya! B-baka siya mayro'n!"

Biglang natawa ng malakas si Jackie Jane. Ngayon niya lang kasi nakita ang kaibigan ng gano'n nahihiya at namumula.

"Siya ba mate mo? Paano si Pollo?"

"P-pollo?! Anong ibig mong sabihin?" Mas lalong umiwas ng tingin si Accalia. Ngumisi si Jackie Jane.

"Hays, ang gulo pala talaga ni Moon Goddess, ano?" Mahinang binunggo ni Jackie Jane ang balikat ng kaibigan.

"Sinabi mo pa. Anyway, nakita pala namin si uncle Aiden."

"Sino? uncle Aiden?" naguguluhan na tanong ni Jackie Jane. Ngumiti naman si Accalia. "Older brother ni uncle Apollo."

"W-what? All this time, nandito lang siya?"

"Speaking of that, we are stuck here, Jane." Kinuwento ni Accalia ang lahat nalaman pati na rin ang plano na makipagkita ulit sa uncle Aiden nila para humanap ng solution para makalabas sa Atticus Hotel.

BUMALIK ang dalawang dalaga kung saan nila iniwan ang mga lalaki. Naabutan nila ang mga ito sa loob ng silid kasama ang uncle Aiden nila.

Lumingon si Aiden sa gawi ng dalawang babae. Nanlalaki ang mata nito nang makita si Jackie Jane.

"You're a hybrid like your mom! Y-you can get out of us here," pagsusumamo ni Aiden. Hinawakan pa nito ang kamay ni Jackie Jane.

"B-but I don't have she-wolf." Bumagsak ang balikat ni Jackie Jane. Nahihiya na titigan ang mga ito. Paniguradong ang mom niya ay mapapalabas sila sa hotel na ito. At alam niyang siya ay imposible mangyari 'yon.

Mahina siya. Ngayon nga lang siya unti-unti nagkakalakas simula iwan siya ni Caliban.

"Hey, lulu. Can you look at me, please?" Nagulat man sa endearment na ginamit sa kaniya ay inangat pa rin ni Jackie Jane ang tingin kay Ailwi. Kumikinang ang kulay violet nitong mata. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinalikan ang likuran na palad.

"You are brave, and strong, and you can do anything you want if you put your mind into it," titig na titig na saad ni Ailwi. Tumango siya. Medyo gumaan pakiramdam niya.

"Can you not touch her, old man?!" reklamo ni Owen. Kanina pa ito may masamang tingin kay Ailwi.

"Anong old man? I'm not that old! Not because you're a child, you can call me old, fox!" May edad na twenty five si Ailwi. May apat na taon ang agwat nila ng dalaga.

"What?! I'm not a child!" Lumingon si Owen kay Jackie Jane. Nagkibit balikat lang ang dalaga. Suminghap naman si Owen. "We almost had sex! Hindi na ako bata, old man!" Turo ni Owen sa dalaga.

Nagulat si Jackie Jane. "Anong s-sex?! We just kissed!"

"Oh, yeah? But I touched your le— fuck! Aray!" Nanlalaki ang mata na dinaluhan ni Jackie Jane si Owen. Sinapak niya ito at tinakpan ang bibig.

"Say one more thing and sisiguraduhin ko na hindi ka makakabalik sa human form mo! You'll be forever fox and you'll never get a kiss from me!"

Mariin na tinikom ni Owen ang bibig. Ito na rin ang kusang nagtakip sa kaniyang bibig. Bumitaw naman si Jackie Jane at nilingon ang mga ito na gulat sa kanilang narinig.

"Fuck," malutong na mura ni Jackie Jane.


a/n: pengeng feedback about this story po. hindi ko alam kung nagugustuhan niyo ba mga nangyayari, eh :(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top