Chapter 13
SA tuwing tinitingnan ni Grayson si Accalia. Alam niyang ito ang babaeng nakatadhana para sa kaniya. Hindi man niya pinapahalata.
Naiinis siya sa tuwing nakikitang kasama nito si Pollo. Simula no'ng bata pa lang sila ay palagi nang magkasama ang dalawa. Dati ay wala siyang pakealam dahil alam niyang darating ang araw na makakatagpo rin siya ng nilalang para sa kaniya.
Ngunit, magulo talaga ang tadhana. Yo'ng hinihintay niyang tao ay nasa tabi niya lang pala all this time.
Sinilip ni Grayson si Accalia na abala sa pagkain ng gabihan. Ang cute nitong kumain lalo na sa tuwing lumulubo ang pisngi nito dahil sa mga pagkain na sinusubo nito.
Ang puso ng binata ay hindi magtigil sa pagtibok ng mabilis. Niyaya niya mauna kumain ang dalaga. Sobrang saya ni Grayson na pumayag ito.
Narinig niya ang sinabi ni Accalia bago sila ma-aksidente. Nangyari iyon hindi dahil nabigla siya at nawalan ng preno. Sa kanilang dinaanan kanina. Nagulat si Grayson nang biglang may tumusok sa gulong ng kanilang sasakyan.
Sinubukan niya alamin kung sino ang may kagagawan ngunit walang ni-aninong bakas silang nakita ni Pollo. Maski ang amoy ng mga ito ay nakatago.
Siguradong mapapagalitan sila ng uncle Gunner nila kapag nalaman nasira ang mahal nitong sasakyan. Kung kaya, hindi na lang niya ito iisipin muna.
Maswerte silang makakita ng isang hotel sa kakahuyan. It was suspicious. Yes. That's given. Ngunit sa mga oras na iyon ay wala na silang magagawa pa dahil nasa kalagitnaan sila ng kawalan at gabi pa.
Kailangan nilang alalahanin ang kalagayan ng dalawang babae na kasama nila. Especially, his sister Jackie Jane.
Ilang weeks pa lang ang lumilipas nang mapansin niya nagkakaroon na ito ng pagbabago. Hindi na ito katulad nang dati na sobrang nanghihina ang dalaga.
Walang sinasabi sa kanila si Jackie Jane kung dinadalaw pa ito ng incubus na sinasabi ni Accalia. Dahil kung oo, gagawin niya ang lahat para makahanap ng paraan matulunguan lang ang kapatid.
KUMAIN silang dalawa ni Pollo sa isang Japanese restaurant. Gamit ang chopsticks ay kinuha niya ang sushi sa kaniyang harapan para kainin.
Pumikit siya at ninamnam ang pagkain. Napapadyak ang paa niya sa ilalim ng lamesa dahil sa sarap ng kinakain niya. Pagmulat niya ng mata ay tumambad sa kaniya si Pollo nakatingin. Agad siyang umiwas ng tingin dito.
"Jackie, kung pagpipiliin ka. Kumain ng sushi araw-araw but you need to drink wasabi shake o hindi kumain and you won't drink wasabi shake?"
Muntik na siya masamid sa sinabi ni Pollo. Nagulat siya sa biglang tanong nito out of nowhere. Inabutan siya nito ng inumin. Kinuha niya ito at ininom bago niya ito sinagot.
"I hate you," saad niya rito. Ang hirap ng tanong nito sa kaniya. Hindi pa naman siya mahilig sa mga spicy foods. "Ah, kumain ng sushi!"
"Kahit iinom ka ng wasabi shake?" may mapang-asar nitong saad. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Oo, wala ka naman sinabi na walang yelo 'yon at kung gaano kadami. So, pwede kong i-assume na kaunti lang."
Umiling-iling si Pollo. "You and your sushi."
"Shempre. How about you?"
"How about me?" Tinaasan siya nito ng kilay. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano paborito nitong pagkain. "Anong paborito mong pagkain?" nahihiya niyang tanong.
Nagkunwari nag tampo si Pollo pero ngitian pa rin siya nito. "I like cheese. Pinapapak ko 'yon."
"Really?" Hindi na mawala ang ngiti niya para sa binata. Ngayon lang sila nakapagusap ng mga ganitong bagay. "Lahat ng uri talaga?"
Tumango ito. "Anything."
"Kung gano'n, let's eat cheese! May nakita akong Italian restaurant di 'yan." Natatawa na umiling si Pollo pagkatapos ay sinubuan siya ng sushi. Buong puso naman niya iyon tinangggap.
"Hindi ka pa busog?" Umiling siya. Bigla siya nag crave ng cheese.
"Hmm," he hummed. Mabilis naman niya inubos ang sushi nasa plato pagkatapos ay uminom pa siya ng wine. Mas lalo siya natuwa.
Naramdaman na naman niya 'yong pakiramdam katulad kanina. Parang lumilipad siya sa cloud night sa sobrang saya ng nararamdaman niya.
"Tara?" masigla niyang saad pagkatapos ay hinila si Pollo palabas ng restaurant.
DINALA ni Jackie Jane si Pollo sa nakitang Italian Restaurant kanina. Akala ni Pollo no'ng una ay nag bibiro lamang siya. Sinakyan ang kagustuhan niya hanggang pinasok niya ito sa loob ng restaurant.
Hawak niya ang kamay ng binata patungo sa kanilang table nang bumangga sila sa isang bagay. Agad siya humingi ng paumanhin.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Masyado siyang hyper. Para bang tinodo ang volume niya sa sobrang engganyo niya sa mga nangyayari sa paligid. Para bang wala siyang nararamdaman na sakit.
Pollo growled. Nakahawak ang kamay ng isang estranghero sa kaniyang braso. Inangat niya ang ulo kung saan nagagalit ang binata. Gulat na tinitigan ni Jackie Jane si Owen sa kaniyang harapan.
Hinila siya ni Pollo paalis sa hawak ni Owen. Nanlilisik naman na tumingin si Owen kay Pollo.
Sa laki ng lugar, talagang pinagtagpo pa silang tatlo.
Hahawakan sana ulit siya ni Owen nang bumitaw siya sa hawak ni Pollo. Parehas na inalisan niya ang dalawa.
Saglit na tumingin si Pollo kay Owen bago sinundan si Jackie Jane palabas ng restaurant. Nang mahabol niya ang dalaga ay hinawakan niya ang kamay nito.
"Jackie, wait!"
"What?"
Inalis ni Pollo ang kamay sa dalaga. "You smell like him," anito na kinalaki ng mata ni Jackie Jane. Agad na umiwas ng tingin ang dalaga.
"What do you mean?"
"Naamoy din kita sa kaniya," saad pa nito. Halatang naguguluhan.
"Of course, I bumped at him." Umikot ang mata ni Jackie Jane kahit halata naman na kinabahan ang dalaga.
"Hindi, eh. Kaamoy niya 'yong fox—" Hindi hinayaan ni Jackie Jane matapos ang sasabihin ng binata nang inisang hakbang niya ang pagitan nila at nilapat niya ang labi sa malambot nitong labi.
Pollo froze. Aalis na sana si Jackie Jane nang ipulupot ng binata ang kaliwa na braso sa baywang ng babae habang ang kanan na kamay ng binata ay hinawakan ang pisngi ni Jackie Jane para palalimin ang kanilang halik.
Si Jackie Jane naman 'yong natigilan. Buong akala niya magiging awkward ang paghalik niya sa binata ngunit lahat ng akala niya ay mali.
She found herself being drawn to his touches and kisses.
And in the middle of crowd, they kissed passionately until someone broke them apart.
Hinihingal si Jackie Jane nang bumitaw siya sa halik ni Pollo. May mariin na kamay ang humawak sa kaniyang braso.
"She's mine, asshole!" nanggagalaiti na saad ni Owen kay Pollo.
Naguguluhan na tinitigan ni Pollo ang dalawa. Pabalik-balik ang kaniyang tingin. Bago pa may mabuong kasagutan si Pollo ay bumitaw si Jackie Jane sa hawak ni Owen.
Inis na bumaling si Owen kay Jackie Jane. For the second time, he felt offended and hurt.
"No one's own me! Shut the fuck up you two!" galit na sigaw ni Jackie Jane. Do'n lang din napansin ng dalaga nakakakuha na sila ng atensiyon sa ibang nilalang.
Naguguluhan si Jackie Jane. Sumasakit ang ulo niya. Maraming nilalang nasa paligid niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa mga ito. Nahihilo siya. Hinawakan niya ang sentido.
Sinubukan niya umayos ng tayo. Aalis na sana siya para takasan ang mga mapanghusga na mga mata nang tumapat ang kaniyang mata sa isang elf. Parehas silang nagulat.
Kumikinang ng matingkad ang kulay lila nitong mata habang titig na titig sa kaniya.
Sa takot niya ay tumakbo siya palayo sa mga ito. Naguguluhan sa mga nangyayari kung bakit parehas kumikinang ang mata ni Owen at no'ng elf nakita niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top