Chapter 12

HINDI sila makapaniwala nang makapasok sila sa loob ng gusali. Bumungad sa kanila ang maliwanag na lugar at maraming mga nilalang nagkalat saan parte ng lugar. Ang mga kasuotan din ng mga ito ay katulad sa magandang babae sumalubong sa kanila.

Mamahaling tela kung saan iba't iba ang kulay. Ang ilan ay may golden flower crown pa nakapalibot sa kanilang ulo. Mapa-babae o lalaki ay gano'n ang kanilang kasuotan. May ilan dumako sa kanilang gawi nang makita sila sa entrance.

May mga nakapaskil na ngiti sa kanilang mga labi. Para bang maligaya silang masaksihan ng mga ito. Lumingon sa kanila ang babaeng nag pakilala sa pangalan, Clio. Hindi nawawala ang ngiti nito sa kanilang magkakaibigan, kahit sa alaga niyang fox ay mahiwaga itong nakangiti.

"May mga silid pa ba kayo rito?" Pollo asked. Mahahalata ang pag dududa nito dahil sa daming nilalang ang kanilang nakikita kahit sabihin na sobrang taas ng gusali.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Clio. "We have plenty of rooms that you could stay in," she said. Pagkatapos ay may biglang lumapit sa kanilang apat na nilalang. Hula niya na witches and warlocks ang mga ito. Si Clio naman ay hindi niya mapagtanto kung anong klaseng nilalang ito.

Inabutan sila isa't isa ng kasuotan na katulad nila. Nagulat siyang maliban na kulay puting tela para sa kaniya ay inabutan pa siya ng kulay asul. Kumunot ang noo niya pero tumingin ang warlock sa alaga niyang fox.

Mabilis tuloy siya napatango at kinuha ang tela. Nagtataka na tumingin sa kaniya ang tatlo ngunit binalewala niya ito. Mabuti na lang talaga at nakalagay sa isang string bag ang kasuotan. Naitago niya agad ito sa isang string bag.

"It's a gift." Turo ni Clio sa mga damit. "Come with me."

Susunod na sana siya nang huminto sa kaniyang harapan si Pollo. "Akin na 'yan." Wala pa siyang sinasabi ay kinuha na ni Pollo ang dala niyang string bag. Hindi niya kasi binaba si Cha-cha sa kaniyang bisig.

"Kaya ko naman," mahina niyang bulong. Narinig ito ni Pollo. "I insist."

"Thanks," saad niya pero umikot ang mata niya rito. Nauna maglakad si Pollo na sinundan niya. Nag tungo sila sa reception. Mahaba ito at kada station ay may nakapwestong iba't ibang nilalang na may katulad ng kasuotan binigay sa kanila.

"Here's the keys. Nakalagay diyan kung anong room number niyo. Also, we have casino in the first floor and tenth floor. Please, try to visit them."

Naiilang na kinuha niya ang susi sa kamay nito. "Thank you."

"Enjoy staying in Atticus," naka-ngiti pa rin nitong saad. Nag gestured pa ito for welcoming.

NASA twenty fifth floor ang silid nilang apat. Need niya ipaalala sa sarili na huwag tumingin sa bintana mamaya.

Nagtataka man ay sumakay pa rin sila sa elevator. May kalakihan ito na kakasya ang ilang nilalang.

"Hindi talaga ako mapakali sa lugar na ito," ani Accalia. Tahimik lang siyang nakikinig dito dahil kahit siya ay gano'n din ang kaniyang nararamdaman.

"Bukas din ay aalis agad tayo. Hayaan na muna natin ngayon gabi. Kailangan natin ng matutulugan," ani Grayson ngunit kahit ito ay alam niyang nababahala rin sa lugar.

Nang bumukas ang elevator ay tumuloy sila lumabas. Katulad sa first floor ay malawak din ito at maraming mga nilalang ang naroroon. Yo'ng iba ay may hawak pang inumin sa kanilang kamay. Pansin niya rin kahit wala sila sa casino ay maraming gumagala na waiters na may bitbit ng red wine.

Nasagi niya si Pollo nang sa gilid niya ay may sumulpot at inaalok siya ng inumin. Gusto niya sana tumanggi ngunit nang dumako ang tingin nila sa isa't isa ay nag bago ang desisyon niya. Nalaman niya na isa itong bampira.

Mabilis niya ininom ang wine. Matamis ito na parang juice ngunit biglang saglit na kumirot ang kaniyang ulo. "Jackie, ayos ka lang?"

Nang mawala ang sakit ng ulo niya. Ang puso at buo niyang katawan ay parang biglang may sumabog sa loob. Mabilis itong kumalat sa kaniyang kalooban. Parang sex na unti-unti niya maabot ang rurok. Gano'n ang kaniyang nararamdaman. Gusto niya ulit uminom.

Kukuha sana siya ulit nang pigilan siya ni Pollo. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Kahit sina Accalia at Grayson ay nag aalala nakatingin sa kaniya. Hindi uminom ang mga ito ng wine. Ibig sabihin tanging siya lang ang uminom?

"Come on, Jackie." Hinawakan ni Pollo ang kaniyang pulso at marahan siyang hinila. Mabagal hanggang bumilis ang paglalakad nito. Huminto sila sa room number niya. Do'n niya lang napansin na hawak na ito ng binata.

"Wait!" pigil niya rito ngunit pinasok siya nito sa loob ng silid. Muntik na siya ma-out of balance kung hindi lang pumasok din si Pollo at inalayan siya.

Naguguluhan siya sa nangyayari. "Bakit ka nandito? Si Grayson? At Lia?!"

Binaba ni Pollo ang string bag sa ibabaw ng kama. "Don't come outside. You stay here and sleep. Kakatok ako bukas ng umaga."

"A-ano? Hindi tayo kakain? Akala ko pa naman pupunta tayo sa casino." Lumingon si Pollo sa kaniya habang hawak ang doorknob. "Kakain tayo pero hindi tayo pupunta sa casino. Susunduin kita rito," he said bago lumabas ng silid.

Bumuntong hininga siya. Gusto pa naman niya ulit uminom ng wine. Nagulat siya nang mabilis na umalis sa kaniyang bisig si Cha-cha. Nasaksihan niya ang pagbabago ng anyo nito.

From his fox form to his human form. Nanlalaki ang mata niya na makitang nakahubad ito ngunit hindi niya magawang ialis ang kaniyang mata lalo na kung may masama itong tingin sa kaniya.

"Cha-cha," she called. Tumalikod ito sa kaniya at nagtungo sa kama. Kinuha nito ang string bag at nilabas ang kasuotan. Kitang-kita niya ngayon ang likuran nito. Bumaba ang paningin niya sa matambok nitong pang-upo.

Nahigit niya ang hininga. She cleared her throat nang tumingin ito sa kaniya. Inikutan lang siya nito ng mata pagkatapos ay nagtungo sa palikuran.

She scoffed. "Problema no'n?"

Umupo siya sa kama at hinintay si Cha-cha. Abala siya sa pagtingin ng binigay na kasuotan sa kanila nang may tumapat sa kaniya. Sinilip niya ang kulay asul na tela bago pataas niya ito tinitigan.

Cha-cha was smiling beautifully at her. "I was planning not to talk to you since I told myself that I'm mad at you but—"

She waited but he was just looking at her. Sa pagkawala niya ng pasensiya. Hindi na niya napigilan ang sarili mag tanong. "But what?"

Mas ngumiti ito. Kumunot ang noo niya. "This." Hindi siya nakapaghanda sa sunod nitong ginawa nang ibaba nito ang ulo at hinawakan ang kaniyang baba at hinalikan siya sa labi.

Third kissed but she was still in shocked.

Bumitaw siya sa halik nang pigilan siya gamit ang dalawang kamay nito sa paghawak sa kaniyang pisngi. He deepened the kiss. She gasped. And with that, malayang napasok ni Cha-cha ang dila sa loob ng kaniyang bibig.

Pumikit ang kaniyang mata at sinagot ang halik nito. Namalayan niya na hiniga siya nito sa kama and he was in between her thighs. Napakapit siya sa kasuotan nito. She moaned.

Mas lalong naging mapusok ang halik ni Cha-cha sa kaniya. Bumaba rin ang kamay nito sa kaniyang baywang at ilang beses siyang pinisil doon. Umusog siya sa kama para mas lalo siya mapahiga. Nagawa niya pang ipulupot ang dalawang binti sa baywang nito dahilanan dumikit ang kanilang katawan sa isa't isa.

What the fuck she was doing?

Pumasok ang kamay ni Cha-cha sa suot niyang long skirt. Dumapo ito sa kaniyang balat sa binti. Hinaplos siya nito nang ilang beses na kina-ungol niya.

Nagulat siya sa kaniyang sarili. Bigla niya naalala si Caliban. Buong lakas niya tinulak si Cha-cha palayo sa kaniya. He looks offended but mabilis nitong pinagtakpan iyon. He smiled at her.

"Hindi na ako nagtatampo sa 'yo."

"What?" Still shocked. "By the way, nice to meet you. My name is Owen." Inabot nito ang kamay sa kaniya.

Naguguluhan siya. "Are you out of your mind?!" sigaw niya rito nang unti-unti na siya nahimasmasan. Umiling ito. Nakangiti pa rin. "Wait, maybe?" may maloko nitong saad.

"Ano?!"

"I said maybe I'm out of mind because I'm crazy about you," he seriously said then giggled.

Umikot ang mata niya. "You're weird!"

Umayos siya nang upo. Nakatayo pa rin si Owen sa gilid niya.

"Bakit mo ako hinahalikan? Sino ka ba?" tanong niya. He hummed. "Masama ba?"

She gasped. "Oo, masama! Wala naman tayong relasyon. At isa pa, you're a kid!"

"What? I'm not a kid. I'm nineteen!"

"Still the same. You're two years younger than me! So, stop kissing me!"

"You like it, though." Binalingan niya ito. Naiiling siya rito. He smirked pagkatapos ay umupo sa couch sa gilid. Naghalukipkip ito at hindi inalis ang tingin sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasan pagmasdan ito.

Ang gwapo nito sa suot na kasuotan. Para ito isang Greek God. Dumako ang paningin niya sa nakalabas nitong biceps. Mas lalong nag firm ito dahil sa braso nitong nakahalukipkip.

Umiwas siya ng tingin dito nang mapansin siya nito kung ano ang tinitingnan niya.

"I know, you like me, Jackie Jane," he sings song. "So, stop pretending."

NANG sabihan niya si Owen na bumalik sa fox form nito ay tumanggi ito. Gusto raw nito lumabas at pumunta sa casino. Hindi niya ito napilit bagkus ay hinayaan na lang niya ang kagustuhan ng binata.

May masamang tingin si Owen nang kumatok si Pollo sa kaniyang silid.

Sinenyasan niya agad ito na huwag mag ingay at mag tago. Napaalalahan na niya ito na lumabas kapag nakalabas na sila ni Pollo ng silid. At huwag na huwag itong lalapit sa kaniya kapag nasa labas sila.

Hindi siya nagpalit ng kasuotan. Naiilang kasi siya suotin 'yong binigay sa kanila. Mas gusto niya pa suotin ang long skirt niya at black boots. Napansin niya kahit si Pollo ay hindi rin nag palit.

"Nasaan sina Grayson at Accalia?"

"Sinabihan ko sila na mauna," saad nito na hindi siya tinitingnan. Patuloy silang nag lalakad patungo sa elevator.

"Bakit?" Naguguluhan siya sa mga kinikilos ni Pollo. Hindi naman ito madalas sumasama sa kaniya. Hindi rin siya nito kinakausap.

Tahimik lang si Pollo nang pumasok sila sa elevator. Ito rin ang pumindot sa tenth floor.

"Akala ko ba kakain tayo?" tanong niya pa.

"May restaurant din do'n and pupunta rin tayo saglit sa casino. Alam ko'ng gusto mo pumunta."

Mabilis siyang lumingon dito. Nakatingin pa rin ito sa unahan. Hindi man lang siya nito tinitingnan. Tumango siya. Katulad nito, diniretso niya ang tingin. Hinihintay na umakyat ang numero.

Patagong sumilay sa kaniyang labi ang isang ngiti. Natuwa siya nang malaman na aware ito sa kagustuhan niya.

Saglit lang sila nasa loob ng elevator. Hindi niya rin alam kung bakit wala man lang pumasok na ibang nilalang. Medyo nailang tuloy siya dahil sobrang tahimik sa loob.

Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa kanila ang abalang mga nilalang. Maingay din ang paligid kumpara sa kaninang nangyari.

"Stay closer with me." Kinuha ni Pollo ang kaniyang kamay at pinagdakop ang mga ito. Hindi pa rin ito nakatingin sa kaniya. Tumigil siya. Do'n lang ito lumingon sa kaniya. Halatang nag aalala.

"Bakit?" Sinuri pa siya nito. Sa ingay ng paligid. Hindi niya alam kung maririnig pa rin ng binata ang tibok ng kaniyang puso.

He smiled. "Come on. Kakain tayo ng paborito mong pagkain."

Nadala siya sa ngiti nito. Mas lumawak ang ngiti ni Pollo. "Ok," sagot niya bago sila nagtungo sa kainan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top