Chapter 10
JACKIE JANE couldn't stop smiling when she saw herself inside in the dream world. Kaliwa't kanan niyang tiningnan ang buong paligid. As usual, gabi at nasa kakahuyan na naman siya.
"Caliban?" she called out, but no one answered. Tinawag niya ulit ang binata.
Tumayo siya sa pagkakaupo at nag simula mag lakad para hanapin ang binata.
"Cali?!"
Wala.
Tanging ingay lang ng gabi ang maririnig sa buong kakahuyan. Ang naka-paskil na ngiti sa kaniyang labi ay unti-unti nawawala.
Hindi na naman siya dinalaw ni Caliban. Maiisipan pa kaya ulit ng binata na dalawin siya nito? She really missed him.
MALAMIG ang simoy ng hangin nagpapasayaw sa malambot na telang nakaharang sa bintana habang nakasilip ang buwan sa malawak na kalawakan. Ang makinang nitong liwanag ay tumatagos sa isang silid na madilim.
Sa gilid ng kama ay nakahiga ang kulay kahel na hayop. May halong itim ito sa buntot kung saan malikot na gumagalaw habang mahimbing natutulog si Jackie Jane sa tabi nito.
Ang mga mata nito ay nag bibigay ng matalim at malamig na titig nang tumama ito sa kaliwanagan ng buwan. Nag halo ang kulay puti at kahel nang tumalon ang fox pababa sa kama.
Ngunit bago pa tuluyan makababa si Cha-cha ay isang pares ng paa ang umapak sa sahig.
Tumama sa liwanag ang bagong nilalang.
Kinuha ng lalaki ang roba nasa ibabaw ng upuan at sinuot ito pagkatapos ay pinatitigan niya si Jackie Jane natutulog.
Ang hindi kahabaan na kulot na buhok ng binata ay humaharang sa kulay kahel niyang mata. Mapapansin din ang itim na nunal ng binata sa ibaba ng kaliwa niyang mata sa taas ng cheekbone.
Sa edad na nineteen. Hindi na maikakaila ang pinapakitang kakisigan ng binata.
Nang maayos ang roba sa kaniyang katawan ay umupo siya sa gilid ng kama at hindi inalis ang tingin sa natutulog na dalaga. Hahawakan sana ito ng binata nang tumigil ang kamay niya pa-midway nang maalala ang nangyari.
Sa malawak na hardin sa Lavanya ay may isang binata ang nakasandal sa likod ng malaking puno. Nakapikit ang mga mata niya. Aakalain natutulog lang ang binata kung hindi mapapansin ang hawak niyang mansanas.
It was his first year in Lavanya academia at tumakas na naman siya dahil sa isang subject na hindi niya gusto.
Kinagatan ng binata ang mansanas nang matigil siya dahil sa narinig na isang intruder na pumunta sa kaniyang precious spot.
Rinig na rinig niya ang maingay nitong puso. She even smelled like a fresh lavender. It was so addicting. He couldn't help but to sniffed the air.
"Where are you, Cali?"
Natigil ang binata sa ginagawa nang marinig ang dalaga. Nabitawan niya ang hawak na mansanas. He almost cursed.
He shifted into his animal form. Mabilis tumakbo ang fox sa matataas na damo. Trying to hide from her. He was kind of scared.
Hindi niya maintindihan kung bakit mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Bumalik siya sa human form niya. Nasagi niya ang mansanas nasa lupa. Hinawakan niya ang dibdib. Ilang mura ang pinakawalan niya. He was frustrated.
Lalo na at naramdaman niya na sinundan siya ng babae. Hindi mag tigil ang paghampas ng puso niya sa kaniyang dibdib. Bumalik ulit siya bilang isang fox. In amount of little time. Ang dami niya nasayang na enerhiya.
Sinubukan niya tumakas. Tumalon ang fox ngunit nagulat siya nang hablutin ng babae ang kaniyang buntot. He wanted to curse.
Ang sakit nang kapit ng babae. Parang tatanggalan siya ng buntot. He grunted.
Lumingon ang fox sa dalaga. Ngunit, parang huminto ang mundo niya. Bright orange with a mixed of yellow was staring back directly at his eyes.
Damn it.
NANG magising ang dalaga na si Jackie Jane sa kaniyang pagkakatulog ay agad niyang kinapa ang kama upang mayakap ang alagang si Cha-cha.
Nakapikit ang matang niyakap ni Jackie Jane ang alagang fox. Naninibago ang dalaga sa sarili. Simula na matagpuan niya ang fox sa hardin ay parang nabigyan siya ng kaunting lakas.
Yo'ng madalas na wala siyang gana kumilos o magsalita man lang ay unti-unti napalitan. Mas niyakap niya tuloy ng mahigpit si Cha-cha.
"Hmm, I love you, my Cha-cha!" Hinalikan-halikan pa ni Jackie Jane ang ulonan ng fox. Nang mag mulat ng mata ang dalaga ay titig na titig sa kaniya ang kumikinang nitong kulay kahel na mata.
She smiled and patted him.
"Kiss me," saad niya pagkatapos ay ngumuso. Hinawakan niya ito at hinalikan naman ang ilong. Ngunit nagulat ang dalaga. Natigilan siya.
Bumitaw si Jackie Jane sa paghalik dito nang mapalitan ng isang lalaki ang alaga niyang fox. "Sin—"
Hinalikan siya ng binata sa labi. Sa gulat ni Jackie Jane ay hindi siya nakapagreact agad. Lalo na at gumalaw pa ang labi nito at humawak ito sa kaniyang baywang upang mapalapit siya sa mainit nitong katawan.
Matigas. Nakaramdam si Jackie Jane ng matigas sa ibabang baba.
Tinulak ni Jackie Jane ang lalaki at gulat na tinitigan ito. Gano'n pa rin. His eyes were still glowing in orange. Umupo siya pagkatapos ay hinahanap niya ang alagang fox.
Nasaan iyon?
"Are you done staring?" pilyo pero may katigasan ang boses ng lalaki. Agad na lumingon si Jackie Jane rito ngunit agad din siya umiwas nang makitang wala itong saplot.
Hinablot niya ang unan at tinapon sa lalaki. "T-takpan mo 'yan!"
"Ha? This? Why? You don't like it?"
Nanlalaki ang mata na nilingon ito ni Jackie Jane. Tumatakbo sa kaniyang isipan kung nasaan ba 'yong kaniyang alaga? At bakit bigla na lang may lalaki sa kaniyang silid?
"Bakit hindi ka makapagsalita? You like kissing me."
"A-ano?!" Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Kinuha niya ang comforter at tinaklob sa kaniyang katawan pagkatapos ay tumayo siya.
"Sino ka? Bakit ka nandito sa silid ko?! What did you do to my Cha-cha?!"
He rolled his eyes. She scoffed. "Ang slow mo naman," saad ng lalaki. Inalis ng binata ang unan. Mabilis tuloy natakpan ni Jackie Jane ang mata gamit ang kamay na may butas pa.
She heard him chuckled bago ito kumuha ng sweat short and long sleeve shirt sa loob ng kabinet. At home masyado ito.
Pinamulan si Jackie Jane nang makitang medyo hapit ang damit niya sa katawan ng binata. Hindi mapapansin na maluwag ang mga ito sa dalaga.
"By the way, wala ka bang ibubuga pa sa pagpapangalan sakin? Cha-cha? Really? Parang hindi mo pinagisipan." Masamang tumingin ito sa kaniya nang bigkasin nito ang huling kataga.
"H-ha?"
Tumigil ang binata at nilapitan siya. Napa-atras tuloy siya sa gulat na ginawa nito. Napahawak siya sa dingding ng silid habang titig na titig siya sa kulay kahel nitong mata.
Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang liwanag no'n. Salubong ang dalawang kilay ng lalaki nakatingin sa kaniya. Nakahawak pa ito sa magkabilaan baywang nito.
"You really don't know? Mag tatampo na ba ako sa 'yo?"
"Ah!" Nagulat si Jackie Jane nang hawakan nito ang kaniyang baywang at mas nilapit ang kanilang katawan.
She couldn't utter a word. Masyado siya naka-focus sa kaniyang puso na sobrang bilis. Parang may tumatakbong kabayo.
"I'm your fox." Hinaplos pa nito ang kaniyang pisngi. Ilang minuto muna ang lumipas bago naunawan ng dalaga ang nangyayari. "What?!"
The fox guy smiled. Ang ganda ng ngiti nito. "Now, you're getting there," he teased. Maayos pa nito nilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.
Mariin pumikit si Jackie Jane pagkatapos ay minulat niya ang mata ulit. "You're the fox," she said. More like, paninigurado niya sa kaniyang sarili.
"No. I'm your fox."
"That's what I said," saad niya. Aware din si Jackie Jane kung gaano kalapit sila sa isa't isa. "Hindi, I'm. Your. Fox."
Kumunot ang noo niya. Tama naman 'yong sinabi niya, ah?
"Yes. You're the fox," pag pipilit niya rito. He sighed. Frustrated na. "I'm the fox— Fuck! I mean, I'm yours!"
She froze. What?
"Ays! Bakit ang slow mo!" inis nitong saad pagkatapos ay namalayan na lang niya ang sarili nakalapat na ang kaniyang labi sa labi ng fox. She meant, the guy fox.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top