Chapter 5 • Play
CLAD in a thick muted pink headband and a-line floral dress that hung just below her knees, Gypsy waltzed insider her studio as if nothing had happened. Mula sa pagkakayuko sa computer ay napatayo si Kierra. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito.
“Oh, you’re here!” Kierra uttered, stating the obvious.
Gypsy rolled her eyes before stopping at her secretary’s table. “Hindi, aparisyon ko lang ‘to.” She sat on the edge of the table and grabbed Kierra’s Christmas snow globe—which was shaped like a lantern—and turned it upside down. “Any meetings for today?”
Muling bumalik sa pagkakaupo si Kierra at napakamot sa ulo. “Okay ka lang ba? Pina-move mo no’ng isang araw lahat ng meetings mo ‘cause you said ilang araw kang mawawala. Nagso-source na lang din ako ng clients and new suppliers na ipe-present ko sana sa iyo pagbalik mo.”
Gypsy dropped the ornament and jumped to her feet. “Yeah, but I’m back now. Kung may meetings pa na puwedeng ibalik sa original schedule, do it na. Sayang, time is running. Sabihin mo na lang napaaga ako nang balik sa office, okay?” Tinapik-tapik niya ang lamesa nito bago pumasok sa kaniyang private office.
Pabagsak na sumalampak ng upo si Gypsy sa kaniyang swivel chair. Bumuga siya ng hangin at saglit na nakipagtitigan sa nakapinid na pinto. Dapat naman talaga ay ilang araw siyang hindi papasok sa opisina, pero naisip niya, wala naman nang bearing ang pagtatago niya dahil nahanap na siya ni Reiford. Magmumukha lang siyang tanga kung makikipaglaro pa siya ng tagu-taguan sa lalaking kayang-kaya naman siyang tuntunin with a snap of his fingers.
Speaking of that brute, masama pa rin ang loob niya sa ginawa nito kahapon. Nananahimik siya sa condo niya, e, ‘tas bigla siyang ki-kidnap-in—well, sumama naman din siya rito, pero kasi, para bigla siyang iwan sa ere at hayaang umuwi mag-isa?
“Ekis talaga, super ekis,” nagngingitngit ang kalooban niyang usal.
Iiling-iling na binuksan na lang ng dalaga ang laptop. Nasa kalagitnaan siya ng pagtse-check sa kaniyang e-mail nang biglang bumukas ang pinto, dahilan para mapahaklit siya sa dibdib.
“Hindi na ba uso kumatok—” Gypsy stopped herself midsentence and stared at the bouquet that Kierra was holding. “Ano ‘yan?”
“Flowers,” pilosopong sagot nito sabay pasok sa kaniyang private office. “Someone sent this—for you.”
“Someone gave me flowers?” usal niya. Sinundan niya ng tingin ang paglapag ni Kierra sa mga bulaklak sa kaniyang harapan.
“Tapos na birthday mo, ‘di ba?”
Tila wala sa sariling tumango-tango si Gypsy.
Kierra raised her neatly plucked brow and slapped one hand on her hip. “Are you dating someone? Ikaw, ha! ‘Yan ba ‘yong emergency na sinasabi mo? Bruhang ‘to, makikipag-date na lang, may pa-emergency-emergency pang nalalaman.”
“Sira, I’m not dating anyone right now.” Dinampot niya ang bouquet na nababalot sa lilac na lace. Halo-halo ang mga bulaklak na naroon.
“So may manliligaw ka? Aba, finally! Nagpaligaw ka rin.”
“W-wala rin . . .”
Napapantastikuhang kumunot ang noo ni Kierra. “Huh? E, ano? Pinadalhan mo sarili mo ng bulaklak?”
“Gaga!” Sinamyo niya iyon at saka saglit na sinipat. Baka kasi mayroong nakadikit na note sa kung saan. Ilang saglit pa, nakita na niya ang kulay puting card.
I’m sorry, Gy. It won’t happen again, promise . . .
- R
Masama ang loob niya, pero tila may sariling buhay ang mga labi niyang kumurba sa isang ngiti. She’s an old-fashioned hopeless romantic. A simple gesture like this could make her heart and tummy flutter. Ano, gan’on-gan’on na lang ba ‘yon? He left her hanging yesterday! She cried on her way home. Pero bakit sa simpleng pagpapadala lang nito ng bulaklak, tila yelong natunaw lahat ng inis niya sa binata.
Kierra’s shadow loomed over her. “Sino si R?”
Gypsy wheeled around in her swivel chair and hid the card. “No one.”
Tila nang-aasar na pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib. “No one, huh? Then why are you smiling from ear to ear?”
Pilit ibinalik ni Gypsy sa kaswal ang kaniyang ekspresyon. “I’m not, you’re just imagining things. Also, stop nosing around and get back to work.”
“Ang damot! Basta siguraduhin mo lang na papi ‘yan, ha.” Pinatirik ni Kierra ang mga mata at saka nagmartsa na palabas ng kaniyang opisina.
Pagsaradong-pagkasarado ni Kierra sa pinto, muling binuklat ni Gypsy ang note at ilang ulit pang binasa. Napahawak siya sa pisngi nang makaramdam ng pangangalay. Had she been smiling?
No, get a grip on yourself, Gigi, she told herself. Wala sa loob na napahaplos siya sa dibdib kung saan nakatapat ang kaniyang puso. Be still, my heart.
Shaking her head, she straightened her back, then threw the flowers into the empty bin. Tumalikod siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Sa huli, hindi niya rin natiis, muli niyang kinuha ang bouquet at pinaayos kay Kierra sa isang malaking vase.
__
Magdadalawang oras na ang nakalipas, ngunit wala pa ring nagagawang matino si Gypsy. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang makipagtitigan sa mga bulakalak na ipinadala ni Reiford. Ipinuwesto niya iyon malapit sa bintana para direktang natatamaan ng sikat ng araw.
Hindi niya alam kung bakit nag-a-anticipate siya ng text mula kay Reiford. May isang bahagi ng kaniyang pagkatao ang naghihintay na magparamdam ang lalaki. She flipped her phone open, went to her saved contacts, and stopped at Reiford’s number. Tumayo siya at naglakad-lakad sa kaniyang office. She fumbled her phone once more.
“Hello?” anang nasa kabilang linya.
Pinaraan ni Gypsy ang kamay sa kulot-kulot na buhok. “Spice.”
“What’s up? Nandito rin ba ang magaling kong kakambal sa call?” Naririnig niya ang paglagatok ng heels nito habang naglalakad.
“No, it’s just us.” Umupo siya sa harap ng kaniyang lamesa. “Where are you? Nasa Baguio ka pa ba?”
“No, nasa airport ako, pupunta lang akong Thailand saglit. May mga bibilhin lang ako para sa new theme na ilalagay ko sa Guilty Touch.”
Gypsy looked at her plain white sandals. “I see . . .”
Spice snorted. “Spill na. Alam kong may sasabihin ka.”
Sandali siyang nag-alangan bago ito sinagot. “It’s about . . . Reiford.”
“What, pumayag ka na?” Spice scoffed. “Wala talagang kasing tigas ang ulo mo, Gypsy. Sinayang mo laway ko kahapon.”
“No, no, hindi pa ako pumapayag.”
“Then ano? Hindi pa ba enough ‘yong discussion natin yesterday to convince you not to push through with that setup? You know how much I hate repeating myself, Gigi.”
Bumuntonghininga siya at saka ikinuwento rito ang nangyari kahapon—siyempre ay hindi niya sinama iyong ginawa ni Reiford sa kaniya sa sasakyan. Hindi niya kayang magkuwento ng mga ganoong bagay sa mga kaibigan kahit pa sabihin na sobrang open minded ng mga ito. Kagaya ng inaasahan, nag-transform na naman ang kaibigan niya sa isang armalite. Sunod-sunod siya nitong niratrat ng mga payo!
“So ngayong binigyan ka niya ng bulaklak, limot mo na ang kasalanan niya?” may panunuyang sabi ni Spice sa kabilang linya. “Naku, magpasalamat ka at wala ako riyan sa Manila, baka kanina pa kita nasabunutan sa karupukan mo.”
Nilagay niya sa speaker ang cellphone, ipinatong sa lamesa, at saka nilapitan ang mga bulaklak. Sinalat-salat niya ang mga talulot niyon. “Hindi naman, pero na-appreciate ko ‘tong ginawa niya.”
She could picture Spice rolling her eyes contemptuously. “Nandito na naman tayo. Huwag mong bigyan ng kulay ‘yang gesture niya na ‘yan, Gigi. Trust me, it doesn’t mean anything. Parang hindi ka rin naman aware sa mga lalaki ngayon. Kung makapagbigay sila ng bulaklak, e, para silang namumudmod lang ng flyers. Parang wala lang. Just a lame trick to lure or make girls think that they really are into them . . . but we all know they just want one thing.” Rinig niya ang mahabang pagbuntonghininga ng kaibigan sa kabilang linya. “’Pag kinilig ka, ibig sabihin, successful ang pambobola nila sa iyo.”
Gypsy twitched her lips. “Baka naman hindi lahat?”
“But Reiford is definitely not the exception,” anito sa nang-uuyam na boses. “Again, friend, pioneer na si Reiford sa pagpapaikot ng mga babae. Maaring big deal sa iyo ‘yang pagbibigay niya ng bulaklak because you used to have feelings for him, pero para kay Reiford, wala lang ‘yan. Pupusta ako.”
“A part of me wants to give him the benefit of the doubt . . .” kapagkuwa’y pag-amin niya.
“Binigyan ka lang ng bulakalak, natunaw ka na.”
She drew tiny circles on her table using her index finger. Naalala niya iyong sinabi ni Pomee sa kaniya. “Not really . . . pero malay mo naman mabago ko si Reiford?”
Narinig niya ang pag-order ni Spice ng iced coffee at isang slice ng cake. Sandaling namayani sa kabilang linya ang ingay sa isang café bago niya muling narinig ang boses ng kaibigan. “Going back, alam mo, Gigi, hindi mo mababago ang isang tao na hindi willing magbago. Kung mayroong mang dapat magbago sa kanila . . . sila na ‘yon mismo. Sinuportahan namin ni Sugar ang pagmamahal mo sa playboy na ‘yan noon. What I don’t support is ‘yang kagagahan mo. Natuto ka na, e. Bakit ka pa bababalik do’n?”
Piniling niya ang ulo. “Things we do for love . . .”
Spice sniggered. “Kayo lang, ‘wag n’yo akong idinadamay. I ain’t that stupid, Gigi.”
Pumalatak ang dalaga. “’Sus! Na-in love ka na rin, Spice. ‘Wag ka ngang ano riyan. Mas malala pa nga love endeavors mo compared kay Sugar at sa akin.”
Tila naman diring-diri na dumuwal-duwal ito na nagpahalakhak kay Gypsy. “Oh, please! Huwag mo sa akin ilipat ang topic. Kinikilabutan ako.”
Nakakalungkot isipin na sa dami ng mga lalaking dumaan sa buhay ni Spice, ni isa sa mga iyon ay walang nagtagal. Lahat ay niloko lang ang kaibigan niya. Kaya hindi rin niya talaga masisi si Spice kung bakit ganoon ang mga ipinapayo nito sa kaniya. Naputol ang pag-uusap nila nang sumungaw ang ulo ni Kierra sa pintuan. Saglit niyang tinakpan ang mouthpiece para kausapin ang sekretarya na . . . namumula?
“Why?” aniya.
“New client alert,” she said, then mouthed the next words, “at sobrang hottie niya. Feeling ko, tingin pa lang, mabubuntis na ako.”
Gypsy laughed. Nagpaalam na siya sa kaibigan para maharap ang kliyente. “Walk-in?”
“Yep!” Kierra giggled. “Papasukin ko na?”
“Sure.” As she sat, Gypsy smoothed the hem of her dress under her.
“Puwede rin ba ako maki-meeting?” hirit ni Kierra. “Ma-sight ko man lang nang matagal-tagal si client. Magbe-behave ako, promise.”
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Tumigil ka riyan. Sige na, papasukin mo na.”
“Ang damot mo talaga pagdating sa mga biyaya ng Diyos.” Umirap ito at saka tuluyan nang lumabas. Kierra’s extra enthusiastic voice echoed all over the studio. Natawa na lamang si Gypsy.
Paskil-paskil ang isang maluwang na ngiting inabangan ni Gypsy ang kliyenteng pumasok sa kaniyang private office, ngunit hindi niya inaasahan ang taong iniluwa ng pinto. Donning a dark blue two-piece suit, Play Kai Grecco entered the room. Inalis nito ang nakatabing sa mga abong mata na shades at isinilid sa gitna ng polong nakapaloob sa coat nito.
Ito ang kliyenteng tinutukoy ni Kierra?
Napatayo si Gypsy. Hindi niya alam kung bakit biglang tumambol ang kaniyang dibdib. Harmless naman si Play, pero sobrang nakakagulat lang ang biglang paglitaw nito sa kaniyang studio.
“So, you’re an architect,” Play said, amused, a smile playing on his lips. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang acrylic name bar. “Architect Gypsy Cortez . . .” She fizzled out as her eyes met Play’s once more. He offered her a handshake. “Napakilala na ako ni Pomee kahapon, but let me introduce myself again. Play Kai Grecco.”
Why am I even panicking? Pilit hinuma ng dalaga ang sarili at saka ginantihan ang ngiti ng huli. “N-nice seeing you again, Mr. Grecco.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “How may I help you?”
“Puwede bang umupo muna?” nakangiti ang mga matang biro nito. Sa kanilang magpipinsan, si Play ang may pinakamaamong mukha. He really looked friendly, lalo na kapag nakangiti, pero kapag hindi, mukhang simpatiko.
“Ah, sorry, sure.” She gestured her hand towards the chair in front of her table. “Upo ka, upo ka. Do you want anything? Coffee, juice, sandwich, uhm, wine?”
“Thanks, but I’m good.” Play settled himself comfortably into the seat. “You look so tensed. I’m not gonna bite you.”
Sapo-sapo ang leeg na umupo na rin si Gypsy. “Sorry, nabigla lang talaga ako. Akala ko kung sino ‘yong sinasabi ni Kierra na new client.”
“Figured. Sorry, hindi na ako nakapag-set ng appointment, this project is kinda rush.”
Oh, so talagang ang serbisyo ko ang sadya niya, sa isip-isip niya. She pushed all her other thoughts aside. Kumuha siya ng isang folder na naglalaman ng forms at saka inabot sa lalaki. “Here, kindly fill this out.”
“I recently bought a resort in Ilocos and I’m planning to revamp the entire place,” Play began as he scribbled on the paper. “I’ve seen your projects on your website—including the r-18 ones.” Gumuhit ang makahulugang ngiti sa mga labi nito kahit sa papel pa rin nakatingin. “I might say you’re good. I like your elegant taste.”
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Gypsy. “T-thank you.”
He closed the folder and slid it towards her. “But don’t worry, wholesome naman ‘yong theme ng resort ko.”
Gypsy scanned the forms. “Hindi pa ganoon kalawak ang experience ko sa pagde-design ng resorts, but if you trust my small company, puwede na tayong magsimulang mag-discuss.”
And just like that, the deal was closed.
May mga ipinakita si Play na pictures mula sa internet na gusto nitong gawing inspiration sa resort. Kayang-kaya niya naman iyon as long as malaki ang budget. Pero hindi naman basta-basta ang kliyenteng kaharap niya ngayon. He’s a Grecco. Maski siya ay kayang-kayang bilhin ng mga ito. When she heard his budget, kayang-kaya niyang lagyan ng sariling Disney World ang resort! Ganoon kalaki.
Mahigit isang oras at kalahati rin silang nag-meeting ni Play. Tuluyan nang nabura ang kabang nararamdaman niya kanina, siguro dahil na rin magaan ito kausap.
Tumayo si Play at muling inilahad ang kamay sa harap niya. “Thanks again, I’ll see you sa second meeting.”
Nakangiting tinanggap iyon ni Gypsy. “Likewise. Thank you, Mr. Grecco.”
He chortled. “Let’s drop the formalities. Just call me Play.”
“Thank you for trusting my team, Play.” Gypsy was about to pull her hand but Play refused to let her go. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
“Friendly advice,” he uttered, “you should steer clear of Reiford. You’re a wonderful woman, Gypsy, and believe me when I say that my cousin is no good for you. He’ll be your biggest heartache and regret. Save yourself while you still can.” With that, he winked, then let go of her hand.
Play was about to turn his back when the door to her private office flew open. Kapwa sila napalingon sa bagong pasok.
Si Reiford.
Mabilis na lumipad ang tingin ni Reiford sa pinsan nito. “Play? What the hell are you doing here?”
Inangat ni Play ang hawak na folder na may nakatatak na logo ng kumpanya niya. “Isn’t it obvious? Nakipag-meeting.”
Lumapit sa kaniya si Reiford at hinapit siya sa baywang, katulad ng ginawa nito sa kaniya kahapon ngunit mas mahigpit. Napuno ng sandamakmak na tanong ang isip ni Gypsy. Naguluhan siya sa kinikilos ni Reiford. Kahapon kasi, halos itulak siya nito palayo, pero ngayon, kung makalingkis na naman sa kaniya . . .
“Akala ko ba friends lang kayo ni Gypsy?” nakangising turan ni Play.
Inangilan ito ni Reiford. “Wala kang pakialam. Answer my question, what are you doing here?”
Hinawakan niya ang kamay ng binata at saka pilit na inalis sa pagkakawak sa kaniyang baywang, ngunit hindi siya nagtagumpay. “Reiford, ano ba? He’s my client.”
“Client?” anito. May laman ang tono nito. At alam niya kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.
“Jerk, nakalimutan mo na bang may binili akong resort?” singit ni Play. “Si Phillip ang nag-recommend sa akin ng firm ni Gypsy. Ano, may tanong ka pa? Kung mayroon pa, kausapin mo na lang si Phillip.” Nilipat ni Play ang tingin sa kaniya. “I’ll go ahead. Again, nice meeting you, Gypsy. Pag-isipan mong maigi ‘yong sinabi ko sa iyo.” Iyon lang at lumabas na ito sa kaniyang opisina.
Pagkaalis ni Play ay binitiwan siya ni Reiford at hinarap. “What, nakita mo lang ang pinsan ko kahapon, sa kaniya ka na dumidikit ngayon? Why, mas malaki ba ang ibibigay niya sa iyo kumpara sa binayad ko sa iyo? I can double that amount, Gypsy—or triple even. Tell me, how much do you cost—”
Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa kaniyang opisina. How dare this guy na maliitan siya at pagsalitaan nang ganoon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top