Chapter 4 • Reunion
GYPYS’S knees were wobbling as she alighted from Reiford’s car. He made her cum countless of times! Ni hindi rin naantala ang pagmamaneho nito kahit pa abala ang isang kamay nito sa kaniya. He’s an expert—no doubt about that. Napangiwi siya nang makitang basa ang passenger seat. Napakapit siya sa nakabukas na pinto ng kotse upang kumuha ng suporta, kundi paniguradong mabubuwal siya.
“I, uh, I-I ruined your seat,” nagliliyab ang mga pisnging sambit ni Gypsy.
His eyes sparkled naughtily. “But you enjoyed the ride, that’s all that matters.”
“Hindi naman ako makalakad nang maayos,” bulong niya, ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng binata.
“Blame yourself for being irresistible,” he said, then licked his fingers—the same two digits he used to . . . to . . .
Unbelievable, she thought, turning even more scarlet, her eyes popping out of her head. Nagsimula na siyang maglakad, pero dahil nanlalambot pa rin ang kaniyang mga tuhod, iika-ika siya. Daig pa niya ang napilayan. What the hell. But as much as she wanted to deny it, though, and despite her struggle to walk normally as she could, Reiford was right. She did enjoy the ‘ride’.
Ano, papayag ka na ba? anang isang bahagi ng kaniyang isip.
Gypsy shook her head firmly. Hindi, kahit pa ilang rurok ng kaligayahan ang iparanas sa kaniya ni Reiford, hindi siya bibigay. Kailangan niyang hindi bumigay. ‘Ika nga ni Spice, kailangan niyang prutektahan ang kaniyang puso. Ramdam niya na hindi ganoon katibay ang depensang pinalibot niya sa kaniyang puso. Kayang-kaya iyon salyahin ni Reiford lalo pa’t hawak-hawak nito ang alas.
Narinig niya ang pagpipigil ng binatang matawa habang pinanonood siya, pero dahil siguro naawa na rin ito sa kaniya, hinawakan siya nito sa magkabilang siko at saka inalalayan.
“Gusto mo bang ikuha kita ng wheelchair?” anito. Namumula ang mukha nito kakapigil na matawa.
“Tinatawanan mo ako,” hindi napigilang saad ni Gypsy. Kung bayolente lang siyang babae, baka kahit mahal niya si Reiford, sinaktan niya na ito. Siya itong nagpalumpo sa kaniya, pagkatapos ay tatawanan siya? Hustisya naman.
“No, baby, I’m not laughing at you,” he cooed. “Ang cute mo lang kasi. Isang round pa ba? Mukhang kaya mo pa naman.”
Halos mabali ang leeg niya sa ginawang pagpaling dito. Gusto niya sanang kiligin sa paggamit nito sa kaniya ng endearment kahit pa sobrang gasgas na niyon, pero kasi, isang round pa raw?!
Tuluyan na itong nagpakawala ng nakakalokong tawa. “You should’ve seen your face! Okay, fine, fine. Last na ‘yon . . .” inilapit niya ang bibig sa kaniyang tainga, “for today.”
The hair on her neck rose and a chill zapped down her back upon hearing his sultry voice. He sounded so, so sexy she had to bit back her moan. Nasa labas sila ng supermarket, for Pete’s sake!
“Ikukuha na kita ng wheelchair,” anito pa.
“No!” tanggi niya. “I-I can walk.”
With a dimple quirking the corner of his mouth, he said, “Then let me just carry you.”
Bago pa man tuluyang rumehistro sa utak ni Gypsy ang sinabi ni Reiford ay buong-lakas na siyang pinangko nito. Bridal style.
Nanlalaki ang mga matang nagpumiglas siya. “T-teka, what are you doing? Put me down, Reiford! Ibaba mo ako!”
“Stay still, kapag nabitiwan kita, tuluyan ka nang hindi makakalakad,” utos nito habang naglalakad papunta sa entrace. He was carrying her as if she didn’t weigh anything.
“Reiford, please, pakibaba ako,” pakiusap pa ni Gypsy. Luminga-linga siya sa paligid. May mga matang lumipad sa direksyon nila. Bagama’t karamihan sa mga ito ay nakatitig kay Reiford—na hindi naman niya masisisi dahil kung siya lang din, buong araw niyang tititigan ang binata—naiilang siya.
“I did that to you, so I’ll take full responsibility for it.”
“H-hindi naman kailangan.” Inangat niya ang magkabilang palad at itinakip sa mukha nang marating nila ang entrance. “Pinagtitingninan na tayo ng mga tao. Ibaba mo na ako. I can manage, really.”
She heard Reiford chuckle. “Fine.” Finally, he brought her down and put her on her feet. “Pero ikaw na lang humawak ng cart para may suporta ka.”
Face still as red as a tomato, Gypsy uttered, “T-thank you.”
Baka kasi isipin ng mga tao na bagong kasal sila at nasa honeymoon stage pa. Mabuti sana kung iyon nga talaga ang siste, pero hindi, e. She almost slapped herself at the thought.
What are you thinking, Gigi! sita niya sa sarili. This ain’t a fairy tale!
Oo nga pala, gusto lang pala ni Reiford ng katawan ni Gypsy, wala nang iba. He’s that kind of guy after all.
Get a grip on yourself, she reminded herself once more.
Sinundan niya si Reiford nang humila ito ng malaking grocery cart at ibinigay sa kaniya. “Kung mayroon kang mga kailangan, isabay mo na rin. I’ll pay for everything.”
“Bakit mo ba ako sinama rito sa supermarket?” muli niyang tanong kapagkuwan.
“I already answered you earlier, right? Kasi gusto ko. Paulit-ulit ka naman.” Humawak ito sa unahang bahagi ng grocery cart samantalang siya naman ay nakapatong ang magkabilang siko sa handle.
Pakiramdam ni Gypsy ay may kasama siyang celebrity dahil pagkapasok nila sa loob, may mga impit na tumili at may nagtipon-tipon pa pagkakita kay Reiford. Pumainlang ang mumunting usapan ng mga staff at mamimili. Some were even pointing their phones at him. Nagmukha tuloy siyang atsay sa tabi ng binata.
“Isa siya sa mga Grecco, ‘di ba?” anang isang staff na may hawak na food sample. Nakabuka ang bibig nito habang sinusundan ng tingin si Reiford na dire-diretso lang naman ang tingin. “Sobrang pogi!”
Inalog-alog naman ng isang beki ang huli. “Oo, si Reiford ‘yan, bakla! Oh, em! Ang guwapo-guwapo niya pala sa personal!”
“Oh, my gosh! Reiford Lex Grecco is here,” bulong ng isang customer na nadaanan nila at napatanga habang may kausap sa cellphone. Nasa side siya ni Gypsy kaya hindi nakaligtas sa kaniya ang sinabi nito sa kausap.
“Hindi ko inaakalang makikita ko sa lifetime na ‘to ang isa sa mga Grecco, dzai! Akala ko sa tv at magazine ko lang siya makikita. Puwede na ako mamatay!”
“Hindi pa puwede, ‘mare. Goal pa nating makita silang lahat magpipinsan. Lalo na si Phillip,” anas naman ng isa pang babae sa kasama nitong mag-ayos sa isang aisle.
“Ano ba’ng bibilhin mo?” tanong ni Gypsy kapagkuwan kay Reiford.
Binalingan siya nito. A hint of smile lingered in the corner of his mouth. “Ikaw. Puwede ba kitang bilhin?”
Nilihis ni Gypsy ang tingin. “I didn’t know you joke a lot.”
“Seryoso ka ba talagang tao?” Muli nitong pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. “Live a little, babe.”
Another endearment. Gypsy pressed her lips together to prevent herself from giggling. Ganoon na ba kasanay ang binata tawagin ang mga babae ng kung ano-anong endearment? Parang wala lang?
“Ikaw ba, what do you need?” maya-maya’y tanong nito sa kaniya. Una silang dumaan sa aisle ng mga powdered drink.
“Kagu-grocery ko lang last week kaya wala pa naman ako kailangan masyado.”
Umikot sila sa noodles section. Nang mapadaan sila sa tatlong lalaki na namimili rin, tila nag-usap-usap ang mga ulo nitong sinuyod si Gypsy ng tingin. Ngingisi-ngisi ang mga ito habang sinisiko ang isa’t isa. Kasalukuyang nakayuko si Reiford sa cellphone nito kaya paniguradong hindi nito iyon napansin. Dala ng pagkaasiwa, bahagyang binilisan ni Gypsy ang pagtulak sa cart. Frowning, Reiford lifted his gaze and glanced at her. Awtomatiko namang lumipat ang tingin nito sa mga lalaking nasa kanan nila at nakatunghay pa rin kay Gypsy. As if sensing her distress, Reiford shot them a sharp glare. Mabilis nitong binulsa ang cellphone at naglakad. Maagap niyang hinawakan si Reiford sa braso dahil akala niya’y susugurin nito ang tatlo.
“I’m not going to make a scene,” anito.
“Sorry.” Binitiwan niya ito. “M-may bibilhin ka ba rito? Lipat na lang tayo sa kabilang aisle.”
Imbes na sagutin si Gypsy, tumabi si Reiford sa kaniya at walang sabi-sabing hinapit siya sa baywang. Gulantang na napasinghap ang dalaga at napahawak sa kamay nitong nasa tiyan niya.
“What—what are you doing?” she chirped.
“Letting people know you’re mine,” anunsyo nito sabay tapon ng tingin sa tatlo na nagsisipulasan na. Sinadya nitong lakasan ang boses.
Tiningala niya ito. Alam niya naman kung bakit nito iyon ginawa. Kahit naman hindi maganda ang imahe ni Reiford dala ng pangongolekta nito ng mga babae, everyone knew he’s a real gentleman. “T-thanks, Reiford.”
“Don’t thank me, ako lang ang puwedeng tumingin sa iyo nang gan’on, remember that.”
She blinked her eyes. Territorial ba talaga siya sa lahat ng mga babae niya? She wasn’t one of his girls yet and she refused to be just that, pero . . . makalalampas ba siya roon?
Bumuntonghininga na lamang si Gypsy at saka nagkibit-balikat, pero kahit malayo-layo na sila sa kaninang aisle ay nakapalibot pa rin ang braso ni Reiford sa kaniya. Parte ba rin ba iyon ng pangungumbinsi ng binata sa kaniya?
Hindi, hindi ako bibigay.
“What?” pukaw ni Reiford sa atensyon niya.
“Huh?”
“May sinasabi ka? Bumubulong-bulong ka riyan.”
Nanlalaki ang mga matang napatutop siya sa bibig. Naisatinig pala niya iyon? Nakakahiya! Pero maigi na lang din na mahina ang pagkakasabi niya, hindi umabot sa pandinig ni Reiford.
“N-nothing, binabasa ko lang ‘yong mga nakikita ko,” palusot ni Gypsy.
The supermarket was huge. Parang Landers at S&R. Paniguradong malingat lang siya sandali, mawawala na siya. Hindi pa siya nakakapunta rito—well, bakit naman kasi siya pupunta sa isang supermarket sa Quezon City, kung marami naman sa lugar nila sa Ayala? Ilang minuto na silang umiikot, pero ni isang item, wala pang nakalagay sa cart nila. Para lang silang namamasyal na hindi niya mawari, but Reiford was obviously looking for something. Kandahaba-haba ang leeg nito habang iginagala ang paningin, e.
“Ano ba’ng kailangan mo?” basag niya sa pananahimik nito.
Matagal bago siya nito sinagot. “Hindi ko alam.”
“Hindi mo alam?” gagad niya.
“Yeah, I don’t know.”
Her forehead knotted in confusion. “Ha? E, ba’t ka maggu-grocery?”
Ibinaba nito ang tingin sa kaniya at saka tumawa. “Kanina ko lang naisip no’ng tinanong mo ako kung saan tayo pupunta. I had no particular place in mind, pero feeling ko mas mapapapayag kita kapag sa supermarket kita dinala.”
Sukat doon ay nahawa si Gypsy sa tawa ng lalaki. “Seryoso ka ba?”
“Yeah,” hissing, he answered as he continued to scan the supermarket.
Iiling-iling na pumalatak ang dalaga. “Hindi mo nga ako tinanong kung payag ba ako, e. Ganito na lang, para hindi sayang ang paghatak mo sa akin dito, bili na lang tayo ng—” Saglit siyang natigilan. Saying the word ‘tayo’ felt and sounded foreign to her, but in a good way. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang ulirang girlfriend na pinamimili ang kaniyang nobyo. Ikinurap-kurap niya ang mga mata nang muling mapagtanto ang patutunguhan ng kaniyang iniisip. Heh, magtigil ka, Gigi!
“Bili tayo ng?” untag sa kaniya ni Reiford.
“I mean, bili ka na lang ng mga, you know, usual,” bawi niya. “Foods and stuff. Ano ba mga nasa kusina mo ngayon?”
Bumagal ang pagtulak nito sa cart. “I rarely use my kitchen, but I can cook.”
“So . . . may laman ref mo?”
“I’m not sure.”
“You have coffee?”
“Wala.”
“But you drink coffee?”
“Yup, pero bumibili lang ako sa Starbucks o kaya sa Seattle’s Best, meron naman n’on sa baba ng condo.”
Kagat-kagat ang ibabang labi na iginala ni Gypsy ang paningin sa mga nakahilerang kung ano-ano. Nag-iisip siya kung ano ang maaring bilhin ni Reiford. Inisip niya kung ano ang madalas na laman ng cart niya tuwing maggu-grocery siya, pero kasi, magkaiba naman sila ng binata. Siya kasi, maraming kung ano-anong binibili. Duda siya kung ganoon din si Reiford.
“Kumakain ka ba ng chips?” aniya nang makita ang aisle ng chips sa ‘di kalayuan.
“Fries?” Mula sa tapat ng kaniyang pusod, lumipat ang palad nito sa kurba ng kaniyang balakang at humimas-himas doon dahilan para mahigit niya ang hininga.
Napalunok si Gypsy, ngunit pilit na pinagtunog kaswal ang boses. “N-no, chips.”
“So crisps?”
“Chips nga.”
“Pero hindi fries?” salubong ang kilay nitong tanong.
“Ah, basta, tsitsirya na lang!”
Reiford chuckled. “Crisps nga, but, no, I don’t eat junk foods.”
Dumako ang tingin niya sa hilera ng chocolates. “Hm, how about sweets?”
“Hindi rin.”
“Fruits?”
“Nah.”
“E, ano’ng laman ng kitchen mo?”
Reiford looked down at her and squinted his eyes. “I have a large collection of hard liquors, beers, and wines.”
“Walang pagkain?”
His lips stretched into a playful grin. “Live with me para may pagkain na ako.”
Nanlalaki ang mga matang luminga-linga si Gypsy sa paligid, baka kasi mamaya, may makarinig sa kanila! “S-seryoso nga, para ‘tong ewan.”
“Seryoso nga rin ako,” ganti nito.
Laking pagtataka ni Gypsy nang lumiko sila sa aisle na pulos pang-baby. Ano’ng ginagawa nila rito?
“Reiford?”
Ang lalaki lang naman ang tinawag, pero maski siya ay napapihit sa kanilang likuran. Nang makita kung sino iyon, tila napasong binitiwan siya ni Reiford at bahagyang nilayuan. Saglit lang namang pumalibot sa baywang niya ang braso nito, but now, that side of her body felt weird without it.
The woman who called Reiford looked very, very familiar. Sigurado si Gypsy na nakita na niya ito sa kung saan. Ibinalik niya ang tingin kay Reiford. Binabawi na niya iyong akala niya kanina na wala itong pakialam kung isipin ng mga tao kung nobya siya nito . . . dahil kung iwasan siya ng lalaki ngayon, daig pa niya’ng may nakahahawang sakit. She felt something burn inside her chest, but she chose to ignore it.
“Pomee . . .”
Para siyang nagkaroon ng light-bulb moment nang banggitin ni Reiford ang pangalan ng babae. Gypsy rubbed the crease in her forehead. Kaya pala ganoon ito kapamilyar! It was Portia Miracle Fuentez! Ang laki ng ipinagbago ni Pomee, kaya rin siguro hindi niya agad ito naalala. Sa iisang eskuwelahan lang nag-aral ang mga Grecco pati ang mga Fuentez. Ibig sabihin, schoolmates din sila ni Pomee noong college, but Gypsy’s two years her senior. Ni minsan ay hindi pa niya nakadaupang palad si Pomee, pero wala naman yatang hindi nakakakilala sa pamilya nito.
Also, she married the one and only Chase Dri Grecco. Napanood niya ang kasal ng dalawa years ago sa isang news. It was the grandest wedding she had ever seen. Ngunit iyon na rin ang huli niyang balita kay Pomee. Tumitig siya sa may kaumbukan na nitong tiyan. She’s so lucky!
How to be you, Pomee? sa isip-isip ni Gypsy.
Lumipat ang tingin ni Gypsy sa dalawang kasama ni Pomee. She knew them, too, very well. May makakalimot ba kina Game Reb Grecco at Play Kai Grecco? She didn’t think so. Just like Reiford, the two had aged too well—much too well. Game’s hair was still dark red, though, and unruly unlike Play whose midnight black hair was neatly styled upwards. The power of their presence and stormy gray eyes hadn’t dimmed over time.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Game.
“Oo nga, naggu-grocery ka rin?” dagdag naman ni Play.
“Ano ba’ng ginagawa sa supermarket? Naglalaro?” pilosopong sagot ni Reiford.
Sabay na lumipat sa kaniya ang tingin ng dalawa.
“Puwede naman.” Si Game, may ngisi sa mga labi.
Schoolmate niya ang mga ito, pero kina Chase, Play, at Reiford lang siya nagkaroon ng encounter—but just once. Play bent forward, studied her, and for a brief second, Gypsy held her breath. Hindi naman sa naghihintay siya na makilala ni Play—he barely looked at her—at saka ibang-iba na ang hitsura niya kumpara sa noon, pero kinakabahan lang siya sa tingin nito. Parang nang-aarok ng pagkatao. Gypsy waited, but no spark of recognition dawned in his strangely serious gray depths.
“Shut up,” asik ni Reiford sa huli.
“New flavor of the month?” tanong pa ni Game rito, may bahid ng pang-aasar ang boses.
Bago pa man ibuka ni Gypsy ang bibig para tumutol sa sinabi ni binata ay malakas na itong siniko ni Pomee.
Napaigik si Game at napasapo sa nasaktang tiyan. “Damn, what did I do? Mula nang ipagbuntis mo ‘yang si Chamee, naging mapanakit ka na. Check mo baka si The Hulk na nasa sinapupunan mo.”
“Watch it, Reb,” sita rito ni Play.
Nandidilat ang mga matang itinuro ni Game si Pomee. “O, ba’t ako na naman? Kaya tayo ang laging pinasasama ni Chase sa asawa niya, para may libreng punching bag ‘tong si Pomee! Siniko mo ang abs ko!”
Pinamaywangan ni Pomee ang huli. “Nagbago ka na, ‘di ba?”
Tila batang umismid si Game, pero tumango-tango rin naman.
Hinampas ito ni Pomee sa braso. “Now, apologize to her. Dali! Pasmado talaga ‘yang bibig mo kahit kailan! Kaya hindi ka rin sineseryoso ni Pristine, e.”
Bubulong-bulong na dinama nito ang braso at saka siya hinarap. “I’m sorry, I didn’t mean that.”
“’Yan, ganiyan.” Pomee offered her warmest smile and extended her hand towards Gypsy with sisterly affection and candor. “Hi, I’m Pomee. This is Play and Game, mga pinsan ni Reiford. Pagpasensyahan mo na sila, ha?”
“Labas ako diyan, I’m nice,” singit ni Play na ikinangiti ni Gypsy.
Hindi naman niya gaanong dinamdam iyong sinabi ni Game. E, hindi naman kasi talaga siya flavor of the month ni Reiford. Hindi naman siya papayag—pa.
“I’m Gypsy,” kiming pakilala ng dalaga kay Pomee.
“Are you Reiford’s girlfriend?” tanong pa nito sa kaniya pagkabitiw sa palad niya.
Napamulagat siya sa assumption nito. “N—”
“She’s not, she’s not,” todo tangging sansala ni Reiford. Tinapunan siya ng makahulugang tingin ni Reiford. “Gypsy’s just a friend.”
It was the truth, yes, pero may kung ano sa loob ni Gypsy na gustong humigit pa roon.
Pomee only rolled her eyes. Hinawakan siya nito sa balikat. “Reiford’s heart is pretty elusive, pero do everything para matigil na ang paglalaro ng isang ‘yan. Baka sakaling ikaw na ang makapagpatino sa kaniya.”
“Hey, matino kaya ako!” giit ni Reiford.
Play huffed then slid his hands into his pockets. “Oo, kapag tulog.”
Naasiwang napasapo si Gypsy sa kaniyang leeg. “T-thanks, but Reiford’s right. F-friends lang talaga kami. Sinamahan ko lang siya mag-grocery.” Pakiramdam niya, labas sa ilong ang pagkakasabi niya roon.
“Speaking of grocery, ba’t nandito ka sa baby section?” Play crossed his arms over his chest.
“Bawal maghanap ng ireregalo kay Chamee o kaya kay Rush?” Reiford flashed an incredulous face.
Game snorted. “Palusot mo, bulok na.”
“Nasaan ba si Chase?” Nilingon ni Reiford si Pomee. “Where’s your high and mighty husband?”
“May pinuntahan sila ni Cheska sa Italy, pero sandali lang sila ro’n. Babalik na rin sila sa Sabado.” Si Game ang sumagot.
“Ba’t kayo lang kasama ni Pomee? Ba’t ‘di ako sinabihan? Nandito rin naman ako sa Pinas, a?” may himig ng pagtatampong sambit ni Reiford.
“Drama mo, hindi bagay sa iyo, dude,” natatawang saad ni Game.
“Alam mo naman kung bakit,” seryoso namang sabi ni Play.
Reiford’s jaw clenched and unclenched. For some weird reason, gustong pigilan ni Gypsy ang binata dahil para nang may namumuong tensiyon sa tatlo, pero ayaw niya namang umeksena. Ni hindi nga siya sigurado sa nanyayari. But she’s one hundred percent sure that it had something to do with Pomee.
As if sensing what’s happening, Pomee interjected, “Ah, parang gusto ko bumili ng pancake. Tara na sa pancake section.” Hinila niya sa magkabilang braso sina Game at Play. “Mauuna na kami Reiford and Gypsy, ha? Ingat kayo. I’ll see you around, girl!”
Nakatayo lamang sila at pinapanood ang papalayong pigura ng tatlo. She looked at Reiford. Seryosong-seryoso ang anyo nito. Clearing her throat, she gently tugged the sleeve of his shirt. “A-are you okay?”
His adam’s apple bobbed up and down. Maya-maya’y bumuga ito ng hangin, umikot sa puwesto nito na tila ba aligaga, pagkatapos ay sinapo ang ulo.
“May problema ba?” muling tanong ni Gypsy rito.
Nakakiling ang ulo na binalingan siya nito. “I’m sorry, Gy . . .”
“B-bakit?” nagugulumihanan niyang tugon.
“Alam kong sobrang layo nitong supermarket, pero may mga taxi naman sa labas—”
“Gusto mong umuwi na ako?” putol niya rito. Disbelief echoed in her voice. Dinala-dala siya ng binata rito, pagkatapos ay hahayaan lang naman pala siya nitong umuwi mag-isa?
Tumango ito.
Gypsy blinked back her tears. “S-seryoso ka ba?”
“I’m really sorry, ihahatid na lang kita sa sakayan ng taxi. Let’s go.” May pagmamadaling hinila nito ang grocery cart na para bang nasa karera. “I’ll pay for your fare.”
Hand on her hip, Gypsy scoffed. The audacity of this guy. “You’re unbelievable,” hindi niya napigilang isatinig. “No need. Kaya kong umuwi mag-isa.” Pagkatapos ay nilampasan niya ang binata.
Pagkalabas niya ng supermarket, pumihit pa siya sa kaniyang likuran para tingnan kung sinundan ba siya ni Reiford—baka lang naman kasi nagbago ang isip nito—pero ni anino ng binata, hindi niya nakita. Kagat-kagat ang ibabang labi na pinuno niya ng hangin ang didbib.
Wala pa man, pero naririnig na niya ang litanya ni Spice. “I told you so.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top