Chapter 3 : Stain



Hindi ko alam kung gagana ang plano ko. Hindi ko rin alam kung magiging ganon nga ba ang gagawin niya sakaling gawin ko na ang plano ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko...

Mapapasaakin ka den, Infinity...




Ace's POV

Naka-ligo at nakapag bihis na rin ako ng pantulog ko, nakramdam ako ng gutom kaya bumaba ako. Nakita ko sa kusina si Steven na naka-tshirt at pajama na.

"Ace, bakit gising ka pa?" tanong niya sa akin. Kapag wala ng trabaho saka lang niya ako tinatawag sa pangalan ko lang.

"Nagugutom ako—" napa-tigil ako sa pag sasalita ng may marinig na nabasag. Napalingon ako sa likod ko at sa bilis ng pangyayari, ang alam ko na lang ay naka handusay na si Steven sa sahig dahil sya ang sumalo ng bala na dapat ay sa akin.

"S-steven, g-gumising ka!" nag datingan na ang mga bodyguards namin at ang isa lang sakanila ang nahuli. Naka takas yung dalawa pa nitong kasamahan.

"Ms. Ace ayus lang ho kayo?" ani Carlo ang isa sa mga bodyguards ko. Tumango lang naman ako.

"Carlo, ilagay niyo sya sa basement at wag niyong sasaktan hanggat hindi pa ako nakakabalik" aniko at tinulungan si Steven. "Tan pakitulungan ako" tawag ko sa isa ko pang bodyguard. Agad naman niya akong tinulungan at nag tungo kaming tatlo sa ospital.

..

"Hindi naman ganon ka lalim ang tama niya, hindi rin mag tatagal ay magigising na sya. Stable na rin ang kalagayan niya kaya you don't have to worry about it, mauna na ako Ms. Heartily" tumango ako sa doctor at umupo sa upuan ng ospital. Hinimas naman ni Tan ang likod ko.

"Magiging maayos din ang lahat Ace" sambit niya sa akin kaya napa-iyak at napa-yakap na lang ako sakanya.

"Kasalanan ko toh eh, kung hindi dahil saakin hindi sya mapupunta sa ganitong sitwasyon. Kayo, hindi kayo ma papahamak kundi dahil sake—"

"Shh.. Nandito kami para protektahan ka. Para ka na naming kapatid lahat kaya wala kang kasalanan dahil trabaho namin bilang nakakatanda mong mga Kuya para alagaan at bantayan ka, it's not your fault Ace" sabi niya kaya mas napa-iyak pa ako.

Sa edad kong sixteen marami na akong naranasan, hindi lang sa trabaho, pati na rin sa pag aagaw buhay. Meron akong sariling charity na pinamamalakad ko. Ako rin ang naasikaso ng mga properties namin dito sa pilipinas.

Ace Hotel and Charity ang inaayos ko dito. Ako ang na attend ng meetings nila Mommy at Daddy dito sa pilipinas dahil meron silang iba pang companies na inaasikaso sa buong mundo. Our family is a billionaire, kaya hindi talaga maiiwasan ang mga nag tatangka sa buhay namin.

Pati ang Perfume Comapany namin, ako rin ang na attend ng meetings doon. And ako rin ang namamalakad ng Gang Corporation namin dito sa pinas. Ang corporation na toh ay good gang. Natulong kami sa mga mayayaman lang.

May mga sindikato kase na interesado syempre sa mga yaman ng mayayaman kaya iyon ang pinag iingatan namin. Pwede rin kaming pumatay, pero syempre kapag nasa tama lang kami.

Na-babantayan namin ang iba samantalang kami ay hindi namin magawa sa sarili namin. Muntik na rin ako mamatay non pero dahil nga sa misteryosong tao na nag ligtas sa akin ng panahong iyon.

"Ace, tara na kay Steven kaylangan mo na umuwi dahil may pasok ka pa bukas" ani Tan kaya naman tumango ako. Buti na lang at maaga aga pa.

"Steven" sambit ko at agad na hinawakan ang kamay niya. Gising na sya at nakangiting naka tingin sa akin pag pasok namin.

"Sinisi na naman niya ang sarili niya." ani Tan kaya napa sama ang mukha ni Steven. "Sabing trabaho namin bilang mga nakatatanda mong kuya ang alagaan at bantayan ka diba?" sambit niya kaya naman tumango tango lang ako.

Bata pa lang kami nila Carlo, Tan at Steven ay mag ka kasama na kami. Hanggang sa nag sixteen sila at mag fourteen naman ako ay ginawa silang butler at bodyguard nila Mommy para sa akin.

"Sorry" aniko at yumakap sakanya habang naka higa sya. "Shh, umuwi ka na may pasok ka pa bukas kaya kaylangan mo na matulog. Tan iuwi mo na si Ace kaya ko na mag isa" sabi niya matapos akong yakapin pabalik.

"Mag papa *sniff dala ako ng—" hinawakan niya ang kamay ko. "No need" nang sabihin niya yon ay ngumiti lang ako at sumama na pauwi kay Tan.

..

Habang nasa kotse ay hindi ko maiwasan na mangamba. Hindi ako sanay na wala si Steven sa tabi ko. Wala sya ngayon dahil nag papahinga sya. Hays. Kasalanan ko talaga lahat ng ito eh. Baka panahon na para lumaban ulit ako.

"Ms. Ace, remind ko lang ang scheds mo ngayong araw.
You have a fight with Blackstreet at 10pm and today is the groups midnight fights, after that meron kayong solo fight with Darwin ang leader ng Ex-Denom. Dapat kahapon pa iyon pero dahil sa nangyari pina resched ko ngayon, may i-c-cancel ba?" ani Carlo na katabi ko sa sasakyan. Umiling ako.

"Aattend ako sa lahat, and bibisita ako mamaya sa charity" aniko kaya agad naman syang nag pipipindot sa foldable tablet niya.

Kapag wala si Steven sya ang napalit. Pero mas madalas si Tan ang napalit ang kaso si Tan ang nag babantay kay Steven kaya si Carlo ang kasama ko ngayon. Isa naman sa mga bodyguards ko ang driver ngayon.

"And Ms. Ace ngayon din ang group fight niyo with Pink Punks, i-papa-resched ko ba?" umiling lang ako.

"Uuwi lang ako ng maaga, paki-sabi sa head and kuhanan mo na rin ako ng mga lesson na ma-m-missed ko para maka-habol ako" aniko. "Noted. Andito na" agad syang lumabas para pag buksan ako.

Agad akong pinag-kaguluhan nang nasa harap pa lang ako ng gate. Naka-harang naman ang mga bodyguards ko hanggang pag pasok ko ng classroom. "Thanks Carlo" aniko at yumakap sakanya.

"Take care, Ace" sambit niya at umalis na. May dalawang bodyguard ang naiwan sa labas ng classroom. Agad akong naupo sa upuan ko. Late na akong naka-pasok kaya naman kaylangan ko mag habol.

Agad na lumapit sa akin yung tatlo. "Omg! Ngayon na lang ulit kita nakitang makipag-suntukan—I mean sumuntok girl, ang lakas pa rin ng karisma mo alam mo ba na natulala si Cayden sayo habang paalis ka?" ani Maryluz at ngiting ngiti na yumapos sa braso ko.

"And you know girl kaya niya nabitawan ang bola ay dahil naka-titig sya sayo ng ipasa sakanya ang bola, pag pasa sakanya pinasa din niya kaso engot engot si Kurt iniwasan!" sambit naman ni Jassi.

"And alam mo ba na ngumiti si Cayden matapos niyang hawakan ang panga niya?" ani Mika na nakikisakay pa sa kagagahan nitong dalawa.

Atsaka wala akong pakielam sa Cayden na yon. Tangina niya, ang sakit nh ilong ko kahapon. Hindi ko sila pinansin at naupo na lang sa upuang bakante na katabi ng kung sino.

Yun na lang kase ang bakante, may bag sa tabi ko na hindi ko naman kilala kung kanino. "And girl alam mo ba na si Cayden ang katabi mo?" ani Jassi at mukhang kinikilig pa. Agad akong tumayo lilipat na sana ako ng biglang...

"Ah. Ah. Ah. Hindi na pwedeng lumipat dahil ang Adviser mismo natin ang gumawa ng seatplan" ani Maryluz at preskong umupo with matching cross arms.

Naupo na lang ako. No choice e. Tahimik lang ako hanggang sa dumating ang mga kupal at kasunod non ang teacher namin. Discuss. Discuss. Discuss. Hanggang sa nagulat ako dahil ako ang tinawag.

Buti na lang kahit di ako nakikinig may masasagot ako dahil nag a-advance reading ako. Tumayo ako at pumunta sa harapan para sagutan ang pinasasagutan ni Mrs. Santiago sa board ng may marinig akong tawanan.

Hindi ko iyon pinansin hanggang sa si Mrs. Santiago na ang nag bigay atensyon sa akin. "You have stain Ms. Heartily" aniya kaya napa tingin ako sa pwetan ko.

Tumingin ako kayna Jassi pero natawa rin sila. Mga bwiset. Kita ko naman ang ngisi nitong si Cayden kaya alam ko ng sya ang may gawa non. Tangina! Wala pa akong regla ngayon noh! Wala pang 28 days meron na naman ako?

Agad akong bumalik sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Walanghiya sya, damay ko na mga bwiset kong kaibigan napaka-sama! Kumuha naman ako ng palda sa locker ko at nag palit na.

Arghh! Bwiset naman ang isang yon, inaano ko ba sya at kung pag tripan ako eh kala mo close na close kaming dalawa. Never pa akong nabully dahil ako lagi ang nambubully.

Natapos na ako at lumabas. Pag labas ko eh halos mamatay ako sa gulat ng makitang nasa labas sya. Ano naman ang ginagawa nito dito? Nakita ko ang notebook na hawak—omaygad! Hindi niya pwedeng mabasa ang laman ng notebook ko na yan! Panay kagagahan ko laman niyan!

"Want this sweetie?" aniya kaya naman sumama ang mukha ko. Tanginang sweetie yan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top