Last Chapter
Pagkatapos kong tumakbo palayo sa venue ng concert namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa abandonadong parke na pala ako. Nilibot ko ang aking paningin at mapait na lamang na napangiti.
Ito ang lugar kong saan kami masayang naglalaro noon. Naghahabulan, nagtataguan at nagbabatuhan ng damo. Hindi ko akalain na maibabalik pa sa aking alala ang mga pangyayari noon. Ang masayang memorya ko kasama siya. Kasama ang mahal kong kapatid.
“Found you.” tinig mula sa likuran ko.
Nabigla ako at napalingon ngunit mas ikinabigla ko ng makita kong sino ang nasa likuran ko. Humihingal ito na para bang nangaling sa marathon. Punong puno rin ng pawis ang buong mukha nito.
“Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako na hanap?.” seryuso kong tanong.
“Sinundan kita.” sagot nito at naglakad palapit sa akin. Umatras naman ako.
“Wag kang lalapit sa akin. Diyan ka lang.” aniko.
“At bakit? Wala ba akong karapatang lapitan ang girlfriend ko?.” taas kilay nitong tanong na siyang ikinagulat ko.
“Hindi mo ako girlfriend gago.”
“Tanda ko pa ang sinabi mo sa araw na iyon binibini. Tandang tanda ko pa ang lahat lahat na kasama kita. At tanda ko pa nong sinabi mong mahal na mahal mo ako bago mo ako pinatayan ng telephono. Bakit binibini? Bakit mo ako iniwan ng ganon ganon nalang? Bakit hindi ka man lang nagpapaalam na aalis kana pala? Binibini hinintay kita. Ang tagal kitang hinintay. Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Bakit mo ako iniwan ng ganon ganon nalang? May mali ba sa akin? May iba ka na bang mahal? Na realise mo bang mas mahal mo siya kaysa sa akin?.”
“Shut up. Ako dapat ang nagtanong niyang sayo pablo. Bakit mo ako niligawan kong hindi naman pala ako ang totoong mahal mo? Bakit kapa lumapit sa akin kong alam mo naman na hindi ako siya? Bakit mo pa pinaranas sa akin ang maging masaya na sa ilang sigundo mawawala rin pala. Bakit hindi ka nagsabi sa akin ng totooo? Ganoon na ba kahirap sabihin na mas mahal mo ang kakambal ko kaysa sa akin? O hindi mo naman ako minahal kasi hanggang ngayon siya parin ang mahal mo. Si nadine pa ang nandiyan sa puso, ang mahal na mahal mo. Mahirap bang sabihin iyon?.” umiiyak kong tanong.
Nong araw na pinaalis ako ni mama nalaman ko ang lahat. Na hindi ako ang tunay na nadine. Ginamit ko lang ang birth certificate ng kakambal ko dahil nasunog iyong sa akin kasabay ng pagkawala ng kakambal ko. At lahat iyon kasalanan ko, lahat ng nangyari. Ang pagkasunog ng bahay, ang paka matay ng totoong nadine. Lahat iyon dahil sa pagpupumilit kong magluto. Lahat nawala sa amin dahil sa akin. Kaya pala ganon nalang kong tratuhin ako nina mama at papa. Ako pala ang dahilan kong bakit namatay ang paborito nilang anak. Ako pala ang dahilan kong bakit nawal siya sa amin. Bakit ba kasi wala akong maalala sa araw na iyon? Pawang apoy at sigaw lang ng batang babae ang tumatak sa isip ko ngunit hindi ko naman alam kong sino iyon. Wala akong alam.
“Sino bang nagsabi sayong hindi ka si nadine? Binibini maniwala ka sa kin o hindi kilala ko kayo ng kakambal mo. At alam kong ikaw si nadine. Alam ko iyon dahil noong bata pa tayo wala akong ginawa kundi pagmasdan ka habang naglalaro kang magisa. Ayaw mo naman kasi sumali sa amin ni narine kaya pinagmamasdan na lang kita. At believe me, alam ko kong sino sa inyo si narine at nadine. Lahat kayo kilala ko. Si narine na nakalaro ko at ikaw na palagi kong pinagmanasdan. At oo binibini tama ka. Mahal na mahal ko si nadine. Mahal na mahal.” sabi nito at biglang bigla na lamang akong niyakap. Mabilis ko itong tinulak at dinuro duro.
“Sinungaling ka. Sinabi sa akin ni mama ang lahat. Na hindi ako si nadine dahil si nadine ay patay na dahil sa akin. Namatay ang kakambal ko dahil sa akin. Kaya sino ka para sabihin sa akin na ako si nadine? Hindi ako si nadine pablo. Hinding hindi ako maging siya.”
“Hindi binibini ikaw si nadine. Nandoon ako ng mangyari ang trahedyang iyon. Nagpalit kayo ng damit ni narine na hindi lingid sa kaalaman ng magulang ninyo. At dahil sa lola at lolo niyo kayo lumaki hindi kayo masyadong kilala ng magulang niyo. Kakauwi lang ng mama at papa mo ng nangyari ang trahedya nadine. At sinasabi ko si narine ang wala na. At hindi mo kasalanan iyon. Hindi mo sinunog ang kusina ninyo. Pumutok ang tangki kaya nasunog ang bahay niyo. Hindi dahil sayo binibini. Please maniwala ka naman.” pagsumamo nito.
“Sinungaling ka. Ako! Ako ang dahilan kong bakit nangyayari iyon. Ako ang dahilan kong bakit wala na si nadine. Ako!.”
“Ilang beses ko pa bang sabihin sayo na ikaw si nadine bago ka maniwala sa akin?. Gusto mo bang ipakita ko sayo ang mga video natin noon para maniwal ka? Sabihin mo lang at gagawin ko talaga iyon binibini.”
“Sinungaling! Sinungaling ka! Hindi ako naniniwala sayo. Hindi.” tudo iyak kong sabi. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nagpupumiligas pa ako ngunit nanghihina na ako sa kakaiyak para maitulak ko pa ang lalaki.
“Shhhh! Maniwala ka sa akin binibini ko. Ay mali asawa ko pala. Naalala mo bang nagpakasal tayo noon? Kasi ako lahat ng nangyari sa araw na iyon ay tanda tanda ko pa.”
“Asawa?.” gulat kong tanong bago tiningnan ang mukha ng lalaki. Ngumiti ito at tumango tango.
“Oo asawa kita. Kahit five years old ka palang noon pinakasalan na kita. Bawal iyon dahil bata pa tayo. Pero kinulit kulit ko si pader niño para ikasal tayong dalawa.” natatawa nitong kwento.
“Pumayag ako?.”
“Siyempre. Kaya nga naging asawa kita hindi ba? Kong ayaw mong maniwala may video ako sa bahay. Sa ngayon hayaan muna akong ikwento sa iyo ang lahat.”
“S-sige.” sagot ko bago pinunasan ang luhaan kong mukha. Tinulungan naman ako ni pablo. Naroon parin sa puso ko ang hapdi at sakit ngunit gusto ko ring marinig ang kwento ni pablo. Wala talaga akong naalala sa mga nangyari noon. Natruma raw ako hanggang sa nabura sa isipan ko ang lahat ng mga alaala ko lalo na yong nangyaring sunog sa bahay nina lolo at lola.
“Diba nga sabi ko palagi kitang pinagmamasdan? Araw araw iyon hanggang sa naglakas loob akong lumapit sa iyo. Nong una deadma kalang talaga. Parang wala ako sa harapan ko hindi mo ako pinapansin. Hanggang sa isang araw nabigla na lang ako ng ngumiti ka at nakipaglaro na sa akin. Masaya ako sa panahong iyon dahil sa wakas napansin rin ako ng babaeng mahal ko. Oo binibini, noon palang mahal na kita. At alam iyon ng kakambal mo. Kaya kapag nandiyan ka ay nagpapaalam siya sa atin para daw mas lalo pa akong makalapit sa iyo. Ang supportive ni narine sa akin. Naalala ko pa noon na sinabi niya sa akin kapag sinabi mong gusto muna ako papakasalan na kita ulit. At iyon ang ginawa ko baby. Pinakasalan kita sa simbahan na tanging si pader at kapatid mo lang ang nakakaalam. Siyempre dahil bata pa tayo at wala pa akong pambili ng singsing. Kumuha ako ng kadina at kinadina ko ang iyong kamay sa mga kamay ko. Alam kong bata pa tayo noon ngunit alam ko rin na ikaw na talaga ang mamahalin ko sa habang buhay. Ang kadinang iyon ang nagpapaalala sa akin na your chained in me as well as Iam chained in you” nakangiti nitong kwento habang nakatingin sa akin. Kadina pa talaga? Hindi ko lubos maisip na ikinadina ang kamay ko sa kamay niya.
“Tapos?.”
“Umalis kami. Naiwan kita pagkatapos ng aksidenteng iyon. Binawi rin kasi sa amin ang lupa at bahay na tinitirahan namin kaya napilitan kaming umalis. Mabuti na lang at kinuha kami ng unte ko at pinatuloy sa tahanan nila sa canda. Nagkalayo tayo noon baby. Pero hindi ko parin kinalimutan na mayroon akong ikaw. Kaya nagsikap ako at nagaral ng mabuti para kapag nagkita na tayo alam kong maipagmalaki muna ako. Pero ang tinamaan ng lintik binibini. Excited ako nong nakasalubong kita sa mall. Naka jeans ka at puting t-shirt sa panahong iyon. Ang saya saya ko nong nakita kita ngunit napawi rin ng lumagpas ka sakin at nong napatingin ka sa akin na para bang hindi mo ako kilala. Gumuho ang mundo ko binibini. Pero hindi ako sumuko. Nag hire ako ng inbestigator at pina imbestihanan ka. Doon ko nalaman ang lahat.”
“Asawa talaga kita?.” tanong ko. Dahil hangang sa oras na ito hindi parin ako makapaniwalang narinig ko sa bibig ni pablo sa asawa ako nito. Saka na siguro ako maniniwala kapag napanood kuna ang video na sinasabi nito. Balak ko ring tanungin si mama at papa kong ano talaga ang katutuhanan.
“Oo binibini asawa kita. Baka gusto mong tingnan ang marriage certificate natin?.”
“Ano? May marriage certificate tayo?.” gulat kong tanong.
“Oo baby marriage certificate.”
“Paano nangyari iyon?.”
“Nagpagawa ako ng marriage certificate kay pader noon. Parang totoong marriage certificate talaga kaso magkatulad na magkatulad. May perma rin ni pader at ni narine iyon bilang witnes at of course perma natin. Nasa akin ang dalawang copy ng marriage certificate natin. Hindi ko na kasi nagawang ibigay sa iyo anh isa kaya itinabi ko nalang.”
“Legal ba iyon?.”
“Hindi pa noon baby pero legal na iyon. Nagalit kasi ako noong hindi mo ako pinansin sa mall kaya naghanap ako ng abugado para gawing bisa ang marriage certificate natin. Ayos lang naman daw kasi kompleto narin naman ang papeles. Legalization lang ang kulang. So paano bayan asawa ko?.”
“Tahimik ka. Hanggat hindi ko nakita ang video na nagpapatunay na ako si nadine at nagpakasal tayo hindi ako maniniwala. Ihanda muna ang sarili mo ginoo at isang daang sapak talaga ang aabutin mo sa akin.” pananakot ko pa. Tumawa lang ito sa pagmumukha ko.
“At kapag totoo ang sinasabi ko baby, humanda kana?.”
“Dahil?.”
“Dahil aanakan kita ng bunga bunga. Para talaga wala kanang kawala sa akin. Dalawang beses na tayong nagkalayo ayaw kunang maulit pa.”
“Sige.”
“So payag kanang anakan na kita? Gusto mo ngayon din?.” lukong tanong nito kaya sinapak ko ito ng sinapak hangang sa tumakbo na ito palayo sa akin.
“Gago ka.”
“Mahal na mahal rin kita binibini ko, asawa ko, baby ko, mahal ko, darling ko.”
“TAHIMIK.”
“I LOVE YOU TOOO NADINE KO”
mahal na mahal rin kitang gago ka.
_ _ _
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top