Chapter 2


Malapit na kaming matapos sa pag aarange ng books sa shelves ng dumating si pablo at gusto raw akong makausap. Mabuti na lamang at iilan lang ang mga tao rito sa library at baka ma chismis pa ako sa buong school. Ikaw ba naman makitang kasa kasama ang isang membro ng SB19 natural na pag chichismisan ka.

Nakakahiya man ay nagawa kong hingin sa lalaki na sa isang sulok na lamang kami maguusap. Naiintindihan naman niya iyon kaya pumanhik kami sa 3rd floor kong saan nakalagay ang mga books ng mga law students. Walang tao sa oras na ito sa naturang floor kaya safe ako.

Umupo ako sa pinakasulok ng floor at hinintay ang lalaking makaupo sa harap ko. Nauna kasi akong tumakbo papunta sa 3rd floor para iwas chismis. Iyong baliw kong kaibigan ay may pupuntahan raw. Ayos lang naman kasi tapos narin naman kami sa ginagawa. Atsaka may 30 minutes pa kami bago ang next subject namin.

Umupo ang lalaki sa kaharap kong upuan at tinitiga ako ng matagal. Siyempre dahil hindi naman ako ganon kagandahan at hindi naman subrang kapal ng mukha ko ay yumuko na lang ako at binuklat buklat ang librong nakapatong sa mesa. Isang law books na hindi ko kayang intindihin. Sinubukan kong basahin ngunit parang hangin lang ang mga letra sa utak ko. Wala talaga akong naiintindihan.

Isama pa ang lalaking nakatitig sa akin sa kasalukuyan. Gusto ko naman sana siyang sitahin kaya lang parang ang kapal naman ng mukha ko kapag ginawa ko iyon. Kaya tumahimik na lamang ako at nagbasa ng libro na hindi ko naman naintindihan. Mabuti na lamang at hindi ako nag law at baka luluha pa talaga ako ng dugo bago ko maintindihan ang nakasulat sa libro na ito.

“Anong binabasa mo?.” tanong nito na siyang ikinabigla ko. Na bitawan ko pa talaga ang librong binabasa ng magsalita ito.

“Wa-wala naman. I mean wala akong naiintindihan. Law books.” sunod sunod kong sabi. Hindi ko nga rin alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko basta yon na yon.

Nararamdamang ko parin kasi ang gulat ng biglaang pagsasalita nito. Kumakabog kabog pa talaga ang puso ko sa gulat.

“Maari naba tayong magsimula?.” tanong nito na siyang ikinatingin ko sa lalaki.

Ano daw? Magsimula? Ng ano?

“Ha?.” naguguluhan kong tanong. Ano ba naman kasi ang gustong sabihin ng lalaking ito? Wala naman akong alam kong ano ang sisimulan. Dont tell me.....

“Magsisimulang magusap binibini.” magalang na sabi nito. Napatango naman ako habang nakatingin sa law books. Akala ko naman komg anong sisimulan. Iyon pala ang magusap. Bakit ba kasi iba ang naiisip ko? Masama na talaga ang utak ko. Paano ba to linisin?

“S-sige.” nautal ko pang sagot. Nakakahiya naman kasi ang naiisip ko kanina. Like asa naman ako na papatulan ako ng kasing pogi ni pablo. Pero wala paring mas popogi sa ken ko noh!

“Nakangiti ka. Anong nasa isip mo at kay ganda ng ngiti mo? Maaari ko bang malaman?.” malumanay nitong sabi. Nabigla ako sa paraan ng pananalita nito. Hindi ko alam na ganito pala mag tagalog ang isang pablo. I mean narinig ko naman itong magtagalog kapag kumakanta ng single nila pero kakaiba parin ang marinig itong magtagalog ng kasing lalim ng dagat. Kakaiba sa pakiramdam.

“Wala naman bukod sa naisip ko ang kabaliwan ng kaibigan ko. Iyon lang.” nahihiya kong sabi. Ayos lang pala magkaroon ng baliw na kaibigan.

Sorry maingay at baliw kong kaibigan. Nadamay kapa tuloy sa katangahan ko. But don't worry mas maraming beses mo parin akong dinamay sa mga katangahan mo. Kaya kwits na tayo.

“Ganon ba? Sige maniniwala na ako. Hindi ko naman hawak ang iyong isipan at damdamin para malaman kong totoo ba ang sinasabi mo binibini. Ngunit ang mga mata mo ay iba ang sinasabi. Kunwari hindi ko alam.” sabi nito na siyang ikinagulat ko.

Sampung taon ko ng suot suot itong salamin ko. Oras na sana para palitan ng shade. Para hindi talaga makikita ang mata ko. At para hindi ako mabuko ng lalaking talented sa harapan ko. Paano ba naman kasi niya nalaman na nagsisinungaling ako? Ang kapal na ng salamin ko nalaman pa niya? Mag shades na talaga ako ngunit naalala ko na bawal pala mag shade rito sa universidad. Kaya wala ring kawala. Siguro magsabi nalang ako ng totoo. Kaya lang nakakahiya naman kong sabihin kong naisip ko si ken kaya nakangiti ako. Siyempre leader itong si pablo at baka sabihin pa niya sa membro niuang si ken. At syempre baka hindi niya ako magustuhan para sa kaibigan.

Sino ba naman kasi ang magkagusto sa pangit na katulad ko diba? Tsaka baka wala na akong mukhang maipapakita sa lahat kapag nalaman ni ken na gusto ko siya. Syempre pangit ako eh! At sa panahon ngayon ang daming judgemental na. May nabasa pa ako sa social media na dapat pag pangit sa pangit lang. Ang pogi dapat sa magaganda lang. Ang kapal naman ng mukha ng nag post noon. Hindi naman kasi natuturuan ang puso kaoag tumibok na ito para sa isang tao. Hindi muna kaya pang ignurahin o kaya naman ibaling sa iba ang nararamdaman mo.

I believe that people had only one greatest love. Kong magmahal ka sa pangalawang pagkakataon maswerte kana. We only love fiercely ones.

Kapag tumibok na ang puso mo sa pangit man o hindi wala kanang takas pa. Hindi naman kasi basehan ang hitsura sa pagibig. Sadyang ang ibang tao lang ay sobrang judgemental. Na hindi ka nababagay kay ganon, ganyan.

Kong makapagsabi o makapanglait animo'y mga perpekto. Wala tayong karapatan manglait sa ating kapwa. Puso nila iyon. Sariling isip nila iyon. Sariling desisyon at opinyon. Wala tayong karapatang hadlangan ang gusto nila o kong sino ang minahal nila.

Bakit ba naman kasi ang ibang tao mapanglait pa? Hindi ba pweding maging masaya nalang sa kapwa nila? Hindi naman mahirap maging masaya diba? Hindi rin naman mahirap tangapin na iba ang gusto ng tao sa gusto natin. Kaya bakit nanghuhusga pa? Bakit pinapahiya pa yong tao? Bakit marami pang sinasabing kong ano ano nalang?

Those kind of people should know how to respect the decision of others. Kasi wala talaga tayong karapatan manghusga. As in wala.

“Maghanda kana bukas. Nakausap ko narin ang mga guro mo para sa paglalakbay natin sa susunod na araw. Nais kong mauna sa baksyunan bago pa ang aking mga kasama.” seryusong sabi nito. Nagulat naman ako roon. Lunes pa ngayon at martis pa bukas. Sa Huwebes ang araw kong saan sila pag unwind sa boracay. Tapos gusto na ng lalaking ito bukas? Tika naman kasi. Hindi pa ako handa.

Ngayong araw ko lang nalaman na ako ang pinili ng leader ng SB19 para maging kasama tapos bukas agad ang lakad namin? Masyado naman yata akong ginugulat sa mga pangyayari sa araw na ito. Sobrang imposible at unexpected talaga. Kong ibang fan girl pa ako siguro wala ng handa ba ako o hindi. Gura na diritso. Pero sa isang katulad ko na mahiyain at hindi palakaibigan syempre magugulat ako. Kahit siguro si ken ang mangaaya sa akin ay ganito parin ang maramdaman ko. This is to much. Sobrang nakakagulat at ako pa talaga ang napili ng isang pablo para isama sa trip nito. Imagine sa boracay pa talaga.

Bilang mahirap pangarap ko talaga ang makapunta sa mga beaches lalong lalo na sa boracay. Kaya lang hindi ko talaga inaasahan na makakalunta na ako doon at kasama pa ang leader ng grupong SB19. Hindi kapani-paniwala pero iyon ang katutuhanan. Ako ang pinili ni pablo. Ako ang gusto niya para samahan siya. Siguro maswerte lang talaga ako sa araw na ito. Hindi man ang bias ko ang aking makakasama, ang bias wreker ko naman ang pumili sa akin para isama sa trip nila.

“Bukas talaga? Agad-agad?.” gulat kong tanong. Tumaas ang kilay ng lalaki. Akala ko ang lakad namin kinabukasan ang magpapagulat sa akin mayroon pa pala.

Biglang bigla na lamang ngumiti ang lalaki sa aking harapan habang nakatingin sa akin. Nawawala pa ang mga mata nito sa paraan ng pagngiti. Nagulat ako hindi dahil sa kong gaano ka bagay sa lalaki ag kanyang ngiti ngunit dahil sa paraan nito ng pagtitig sa akin na siyang ikinatibok ng puso ko.

His staring at me like his staring the most beautiful woman in his eyes. Umabot pa talaga sa kaluluwa ko ang epekto ng ngiti nito. Its impossible that someone like pablo can stare at me like how he stare. Hindi kapani-paniwalang may lalaking tititig sa akin ng ganon. Napaka imposible. Lalo naman at isang g
pablo ang gumawa non.

Napayuko na lamang ako at mahinang pinapakiusapan ang puso na tumigil na sa kakatibok ng mabilis. Ngunit ang tinamaan ng lintik mas lalo lang lumakas ng mapatingin ako ulit sa lalaki at naka paskel parin ang matamis nitong ngiti.

“Sigurado kang bukas na talaga?” kamot ulo kong tanong.

“Sigurado binibini.” nakangiti parin nitong sabi. Tumango na lamang ako at nagpasyang tumingin tingin sa paligid. Hindi kuna kasi alam kong paano ko pa titingnan ang lalaki na hindi titibok ng mabilis itong puso ko.

Nakakagulat talaga itong puso ko. Isang ngiti lang tumibok na animoy isang batang excited na sinalubong ang kanyang amang kakauwi palang. Nakakainis lang, hindi naman ganito itong puso sa ibang lalaki ngunit kay pablo? Iwan ko nalang. Hindi naman ako masyadong bubo para hindi malaman kong ano ang ibig sabihin nh pagtibok ng puso ko ng mabilis. Sadyang nakapagtataka lang. Akala ko ba si ken ang gusto ko? Akala ko ba ai ken lang ang nagiisang nagpapasaya ng puso ko? Akala ko lang pala. Dahil ang totoong titinitibok ng puso ko ay nandito sa harapan ko.

Love at first smile ba heart?

“Paano binibini? Mauna na ako sayo may pagaaralan pa ako bago papasok sa silid aralan. May pagsusulit rin kami sa susunod na paksa.” sabi nito baho tumayo. Tumango naman ako bago sumagot.

“Sige. Aalis narin naman ako, ten minutes nalang at next subject kuna.” sahot ko habang nakatingin sa luma kong relo. May bitak pa talaga ito sa gitnang bahagi. Mabuti na lamang at nasanay na ako kaya kahit papaano nababasa ko parin ng maayos ang oras.

“Sige binibini magkikita na lamang tayo bukas.” sabi nito.

Akala ko aalis na talaga ito ngunit nagular ako at napatingala sa kalalaki ng lunapit ito sa gilid ng aking kinauupuan. Bahagya pa itong yumukod at nilagay sa mesa ang isang kamay. Napaatras na lang ako at tumingin sa isang sulok ng book shelves. Nahuhumaling na naman itomg puso ko sa lapit ng lalaki. Hindi ko rin kayang makipagtitigan sa lalaki sa ganito ka lapit. Bakit naman kasi lumalapit pa? Hindi ba siya nandidiri sa mukha kong puno ng pimples?

“Pakiingatan yan binibini. Mahalaga sa akin ang relo na ito. Binigay pa sa akin iyan ng lola ko at hinding hindi ko iyan iniiwan kapag may lakad ako. Inaasahan kong aalagaan mo iyan binibini.” sabi nito pagkatapos niyang hinubad ang luma kong relo at pinalitan ng kanya.

“Importante pala sayo ito, bakit mo ibibigay sa akin?.” naguguluhan kong tanong.

Kasi kong ako ang tatanungin asa namang ibibigay ko sa iba ang mga importanteng bagay na pagmamay-ari ko. Lalong lalo naman ang mga bagay na bigay sa akin ng pamilya ko. Hindi ko kayang ibigay sa iba ang mga bagay na pinahalagahan ko. Nakapagtataka at ang dali lang bitiwan ng lalaking ito ang mahalagang bagay na pagmamay-ari niya. Dahil ba nakita niyang luma at sira na ang relo ko? Dahil ba nagmumukha akong kawawa?

Kasi wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil sa relo ko. Para sa akin mas importante ang pagpapahalaga ko sa relong suot suot kaysa sasabihin nila. Ang relong ito ang nagpapaalala sa akin kong gaano ako ka swerte sa araw na iyon. Sa araw kong saan akala ko mamamatay na ako. Sa araw kong saan hindi ko akalaing mawawalan ako ng isa sa mahal sa buhay. Sa araw na sobra kong kinaiinisan. Maswerte man ako dahil nabuhay ako pero nawala naman siya sa akin. May nawala naman sa akin.

Binalik ko sa aking kamay ang luma kong relo bago tumingin sa lalaki.

“Importante rin sa akin ang relo na ito kaya hindi ko ito hinuhubad. Bakit ang dali sayong ibigay ang importanteng bagay sa iba? Wala nabang halaga sayo ang relong ito at ibibigay mo nalang sa akin? Akala ko sabi mo mahalaga to sayo? Bakit mo ibibigay sa akin?.” nagtataka kong tanong. Ngunit tiningnan lamang ako nito ng malumanay bago ngumiti ng pagkatamis tamis.

“Mas mahalaga ka sa akin kaysa relong iyan binibini.” sagot nito na siyang ikinagulat ko.

Ano raw?.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top