Chapter 1

Naglalakad ako sa corridor ng mapatingin ako sa groupo ng mga lalaking nagtatawanan. Ang ingay ingay nila na para bang sila lamang ang tao. Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi na naman bago pa sa akin ang ingay ng mga lalaking iyon. Araw araw yata ang ingay nila ang bubungad sa akin pagpasok ko rito sa universidad. Nakakainis minsan pero nasanay rin ako. Bukod sa maiingay ang limang lalaking iyon ay sikat rin sila rito sa school. May banda sila at halos tinitilian ng lahat kapag nasa stage na. At believe me isa na ako don. Sino ba naman kasi ang hindi mabibihag sa ka gwapuhan ng isang ken? Siguro iyong hindi lang nakaka apreciate. But not me. Gustong gusto ko si ken mula ng pumasok ako sa paaralang ito. Siya ang kauna-unahang lalaking nakakuha ng atensiyon ko.

Kaya lang walang nakakaalam doon maliba sa maingay kong kaibigan. And speeking of maingay. Nakita ko lang naman ang kaisa isa kong kaibigan na tumatalon talon sa labas ng room namin. Snisigaw nito ang pangalan ko habang kumaway kaway. Napailing na lamang ako at kunwaring inaayos ang salamin ko.

Nakakahiya talaga ang kaibigan kong ito. Halos ba naman lahat ng malapit sa kanya ay napapatingin sa akin. Yong iba deadma lang ang iba naman ay kunot noong nakatingin sa akin. Animoy bago lamang ako nakita.

Sa isang buwan ko rito sa Eastern University ay hindi kailan man ako nakipagkaibigan sa iba. Hindi ako iyong tipo ng taong friendly at kahit sino nalang ang kinakaibigan. Well? Maliban sa isang nakalamon yata ng isang daang microphone sa sobrang ingay. Hindi ko nga alam kong paano ko naging kaibigan ang bruhang maingay na'yon. Namalayan ko nalang isang araw na sunod na sunod ito sa akin. Kinukulit kulit ako at kinukwentuhan ng bagay bagay. Sa katunayan parang lahat ng kwento niya aa buhay mula bata hanggang ngayon ay naibahagi na niya sa akin.

Kabilang pa roon ang pagtae nito sa classroom nila noong grade one. Minsan talaga nababaliw na ang babae at kahit ano ano nalang ang sinasabi.

Sa kanya ko rin nalaman ang pangalan ng limang lalaking maiingay doon malapit sa entrance. Kahit biography nila ay alam na alam kuna dahil sa kaibigan kong maingay. Matalino rin naman kaya lang minsan tinutubuan ng kabaliwan niya at pagkaisip bata. Mabuti nalang talaga at wala akong angry management issue at baka magsisimula pa lamang siyang dumaldal ay nasapak ko na.

“GOOD MORNING MY VERY BEAUTIFUL FRIEND NADINE. ANG GANDA NATIN NGAYON KAYAHHHH!!”Sigaw nito na siyang ikinagulat ko. Napatanga na lamang ako bago nagmadaling hinila ang kaibigan at pinasok sa classroom. Nakakahiya talaga ang babaeng ito. Hindi naman ako kagandahan para tawagin niyang beautiful. Ang bruha talaga.

“Sharlene naman! Wag ka nga sumigaw! Hindi naman ako bingi para sumigaw sigaw kapa.” naiinis kong sabi. Napatitig naman ito sa akin bago ngumuso. Napabuntong nalang ako. Ito na naman tayo.

“Bakit? Hindi naman bawal ah! Actually nagtanong ako kay maam janine kanina.” nakangiti nitong sabi.

“Ano nang tinanong mo?.” taas kilay kong tanong. Alam ko kong paano umikot ang utak ng bruhang ito. Pag talaga tinamaan ng kabaliwan ay kahit ano ano nalang ang ginagawa.

“Tinanong ko kong pwede bang sumigaw. Sabi naman niya ayos lang hangga't walang nag kaklase.” Abot tinga nitong sabi. Napatingin na lamang ako sa ibang direksyon sa inis. Sabi ko na nga ba! At kabaliwan na naman ang ginawa nito.

“Wala ngang nag kaklase sharlene. Kaya lang kong araw araw kong maririnig ang sigaw mo baka ako naman ang mabingi. Wag mo na ulitin. Kilala pa naman kita, kapag may hindi bawal rito sa school ginagawa mo. Siguraduhin mo lang na eksaktong detalye ang maririnig mo sa mga tinatanungan mo. Ayaw ko ng maulit iyong nangyari ng nakaraan.” mahaba kong salaysay.

Muntik na ito mapahamak dahil sa ginawa. Bawal ang vandalism sa loob ng universidad. Kaya lang itong utak talangka kong kaibigan gumawa ng kabaliwan. Nag drawing  ng mukha ni justin ang pintuan ng isang cubicle sa cr. At ang gaga nong nahuli pa iyak iyak pa at pinaglaban na nagtanong naman daw siya kay maam hana. At pwede daw mag drawing ng mukha ni justin.

Akala ni miss hana drawing sa papel raw kaya pinahintulutan niya. Hindi rin kasi kinlaro ni sharlene ang sinabi nito na pwede ba daw i draw ang mukha ni justin. Kaya lang hindi alam ng miss kong saan mag draw-drawing itong bruha kong kaibigan. Nalaman na lang namin na marami ng kababaihan ang pumasok sa cr at nagtitilian ng makita ang mukha ni justin na naka paskel sa pintuan.

Hindi naman pala talaga nagkakaintindihan sina sharlene at miss hana. Mabuti na lamang ay inayos ng nanay ni sharlene ang gulo na ginawa ng anak. Pasalamat nalang itong ai sharlene at dito sa university nagtatarabaho ang kanyang nanay. At guidance counselor pa, kaya ayon kinabukasan nagsumbong itong kaibigan ko. Pinagalitan raw siya ng nanay niya. E hindi naman daw niya kasalanan iyon kasi nga daw umuo si miss hana. Ang babaita matalino sana hindi naman nakaiintindi ng mali.

Pinaglaban talaga na binigyan siya ng permiso ni miss hana. Mabuti nalang at naka move on rin ang kaibigan. And believe me or not. Isang linggo pa talaga ang lumipas bago tangapin niya ang mali. Natatawa pa talaga ako ng umamin ito na mali ang ginawa niya. Kasi naman nasa guide and rule book ng university na nakasulat na bawal ang vandalism. At alam ng bruha yon. Kaya lang dahil sa kabaliwan sa pintuan pa talaga nag drawing ng mukha ni justin. Mabuti nalang at nasa isang trip ang limang lalaking iyon.

Nagsisimula narin kasing sumikat sa buong pilipinas ang groupo nila which is SB19. They compose of five idols, which is Justin, stell, ken, josh and pablo. At sa kanilang lima si ken talaga ang gusto ko.

“Hindi naman ah! Minsan talaga nads ang sama mo sa akin.” nakanguso na naman nitong sabi. Nasapak ko na lang ang noo ko at umupo sa katabi nitong upuan. Naririnig ko narin kasi ang yapak at boses ni sir jayvee. At hindi nga ako nagkamali.

Pumasok ang professor kasama ang isa sa membro ng sb19. At hindi lang basta membro ang lalaki dahil ito ang leader nila. Si pablo or pinuno.

Natahimik ang lahat pag pasok nila. Sinita ko pa si sharlene ng makita kong tingin tingin ito sa labas animoy may hinihintay na pumasok sa classroom namin.

“Umayos ka sharlene at baka masapak kita.” mahina kong bulong habang nasa harapan ang aking paningin. Nakita ko pang palinga linga itong si pablo sa loob ng aming room hangang sa dumako sa akin ang mga mata nito. Akala ko babawiin na nito ang tingin pagkatapos ng isang sigundo kaya lang hindi. Nakatingin ito sa akin na kunot na kunot ang noo.

Alam ko namang hindi ako kagandahan. At bakit ko naman iisipin na may pagtingin itong si pablo sa akin kong punong puno ng tigyawat itong mukha ko. May malaki pa akong salamin na sampung taon ko ng suot suot. May buhaghag pa akong buhok. Kaya imposible talaga na nagandahan ito sa akin sa ilang sigundo nitong paninitig. Napayuko na lamang ako at tumingin sa kaibigan kong tudo tingin parin sa labas. Kunot noo komg tiningnan ang pintuan ngunit wala talagang tao roon. Talagang may hinihintay itong gaga.

“Shar?.”

“Kasi naman nads eh! Kala ko makikita ko si justin. Nandito si pinuno kaya kala ko nandiyan rin si justin my loves.” nakanguso nitong sabi. Napatanga naman ako at mahina itomg sinapak. Ang gaga talaga.

“Tahimik kana nandiyan na si sir. Alam mo naman ang isang yan...”

“Yes! Miss san pedro and miss lustre?” Taas kilay nitong tanong sa amin. Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase namin. Sabi kuna nga ba eh. Ito kasing si sharlene.

“Yes what sir?.” balik tanong ng baliw kong kaibigan. Napatanga ako at palihim itong kinurot. Ang gaga hindi na nagiisip. May punishment na naman yata kami nito. Wag lang sana sa field kagaya nong una. Diyos ko ang init tapos pina walis pa kami.

“I was asking you two first.”

“But you dont have a question sir? I just heard you say yes miss san pedro and miss lustre. There's no question in that sir.” anak ng tipaklong talaga. Ang gagang to, kainis. Punishment na naman. Sure nah.

“Get out you two. Pumunta kayo sa library at tulongan niyo si mr. Rolly sa paglilinis at pag aarange ng books. No one's gonna talk back to me.” galit nitong sabi. May sasabihin pa sana itong baliw kong kaibigan ngunit kinurot kuna.

“Nads naman eh. Makakurot ka naman. Gusto ko lang naman ipaalala kang sir ang sinabi niya noong nakaraan.”

“Ang alin?.”

“Na dapat tayong sumagot kapag nagtatanong siya. Diba nagtanong naman siya? Kaya nga sinagot ko eh? Tapos ngayon don't talk back raw. Ano siya si Top Pendleton ng talk back and your dead?” napatawa naman ako sa narinig. Ang gaga talaga.

“Sa tingin mo?.”

“Hindi nads eh! Hindi niya bagay maging Timothy. Ang taba taba kaya niya samantalang si james reid aka Timothy “Top” Pendleton ay sobrang pogi. Asa naman si sir hmp.” sabi pa nito. Sasagot na sana ako ng marinig ko ulit ang boses ni sir.

“Miss san pedro and lustre ano pang ginagawa niyo? Get out of here now!.” galit na sabi nito bago hinampas ang lamesa. Tumayo kami ng sabay ni sharlene at lalabas na sana ng pinigilan niya kami.

“Wait! Saka na pala kayo lalabas kapag natapos ng mamili ni pablo. As you all know pablo and the other members of SB19 are having a trip in boracay. Kailangan nilang mag chill bago ang concert nila.”

“Kailangan ba nila ng kasama sir? Im super duper willing po.” malaking ngiti ni ashley.

“Quit miss marupok kong ayaw mong makatangap mg parusa sa akin.” galit na sabi ni sir.

“Sorry sir! Hindi na mauulit.” nakayukong sabi ni ashley. Buti nga sayo bruha ka. Papansin rin kasi eh! Alam naman niyang ayaw na ayaw ni sir jayvee ang pinuputol kapag nagsasalita. Kaya ayan nakatikim ka rin ng galit ng mataba.

“As I was saying. May trip ang grupo sa boracay. At tama ka misa ashley, kailangan nila ng kasama. So pablo is here to pick someone in this class to be his partner during the trip. So pablo may napili kana?.” tanong ni sir ngunit masyado ng maingay ang mga kaklase ko para marinig pa iyon ng iba.

Kinuha ko na lamang ang aking bag at nag ready na palabas ng room at para makatulong na kay mr. Rolly. Ayos lang naman sa akin dahil nagaaral parin naman ako sa sub ni sir jayvee. Kaya lang masyado talagang maraming punishment akong natatangap kaysa makasali sa leksyon niya. Ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng madaldal na kaibigan. Punishment talaga palagi mong inaabot. Minsan pinapasama pa ako ni sir kay sharlene kahit naman wala akong kasalanan. Ika ni sir magkaibigan daw kami. Ang kitid ng utak eh! Ayos lang naman sa akin. Hindi ko rin naman kasi minsan naiintindihan ang sinasabi ni sir, kaya ayos lang na sumama kay sharlene sa parusa niya. May plus point kasi ako kay sir bawat sama ko sa parusa ng kaibigan. Kaya malaking ayos lang kahit nakakanis.

“Quit class. May nagsasalita rito kaya tumahimik kayo. Pablo? Tell them who you choose at ng makapagsimula na ako ng quiz.” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ngunit naalala ko may punishment pala kami kaya save ang bata. Yong mga kaklase namin natahimik ngunit alam kong umaalma na sila isa isa. Sino ba kasing hindi. Sabi ni sir kahapon mag eexplain siya ngayon for the new topic tapos mag ququiz na siya? Hinuha ko itong i ququiz niya dapat pagkatapos pa to ng leksyon. Kaya lang napaaga. Nakakatawa talaga.

“I choose that missy.” sabi nito at tinuro ako. Nanlaki ang mata ko at napalingon sa likuran. Baka kako hindi ako diba? Mapapahiya pa ako.

“She is miss nadine lustre, pablo. Miss lustre  ready for the weekends. You will accompany the sb19 especially pablo. Now you can go to the library.” huling sabi nito. Narinig ko ang raklamo ng mga kaklase ko pero wala akong pakialam doon.

Seriously? Ako talaga? Bakit ako?.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top