C H A P T E R 4

Chapter 4

Sumunod lamang ang paningin ko habang palayo siya nang palayo sa kinatatayuan ko. Walang isang minuto ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, parang isang application na isang pindot lang ay awtomatikong na-uninstall. Parang gusto kong ibalik ang oras. Pero talagang malabong mangyari ang hinihingi ko.

You can't bring back time, because past is already part of history.

"I'm hoping that we will meet again for the second time, Priya." Walang kagana-gana kong sambit habang nakatunganga na tipong naghihintay na masusubuan ng pagkain. Ibubulong ko na lang 'to sa hangin, malay mo baka sasagutin ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago umaktong umalis sa kinatatayuan ko. Talagang walang mangyayari kung maghihintay lamang ako sa wala. Get a life, Faith. Just go on and enjoy every millisecond you have.

"Faith!"

Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa likuran. Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko na lumingon na walang utos galing sa utak ko. Napakunot ako bigla. He was giving me a big confusion in my mind.

"Bakit ka bumalik? Hindi ka pa ba tapos na paglaruan ako?" Suhestiyon ko na may halong pagdududa.

"I forgot something."

Ito na ba 'yun? Ito na ba ang sagot sa mga hinihiling ko? Did the time stop for a moment? "Baka stepping stone na 'yan na magkakalablyp ka ulit?" Sambit ng kabilang isip ko.

Tiningnan ko siya nang maigi mula ulo hanggang paa. Gwapo nga siya, isang simpleng lalaki na hinahanap din ng isang simpleng babae. Sino bang hindi magkakagusto sa isang lalaking sandali ko lang nakausap ay parang nahuhulog ako ng dahan-dahan. Pero hindi ko pa rin gusto ang lalaking masama ang ugali! I am looking for an attitude not because he's handsome or charismatic. Priya is just a legitimate guy with a good appearance outside. Hindi siya pogi 'pag kinatay ang totoong laman niya. Kumbaga sa isang ginto na kung tinignan sa malayo ay daig pa nito ang bagong shave na kili-kili ko dahil sa sobrang kintab nito. Pero kapag tinignan mo sa malapitan doon mo lang malalaman na peke pala ito!

"I said, I forgot something." Pag-uulit niya sa ikalawang pagkakataon na parang pinapakita niya na nabibingi ako. 'Wag mong sabihin Priya na magnanakaw ka ulit ng isang halik sa pisngi bago umalis? Hindi ako papayag sa pagkakataong ito.

Hindi mo ako maloloko!

"Tigilan mo nga 'yang kakaenglish mo. Nakakapangit dinggin! Love your own language, aber." Matigas pa sa bato na sabi ko. Sabi pa nga ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda." Take note, kumpleto ang pagkakasabi ko ng pangalan ng ating pinakamamahal na pambansang bayani. Syempre may respeto ako sa kanya. Mema.

"Tigilan mo na ako, stop acting like you know everything about me. Dumantay lang ang labi ko sa pisngi mo parang iniisip mo na playboy ako?" Hindi masyadong malakas, hindi rin masyadong mahina ang pagkakasabi niya. Sakto lang para madinig ng isang kausap.

"Himalang hindi ka na naninigaw. Bakit temptasyon ba ako para sayo?" Nakangisi kong sabi at nilakasan ko naman ang boses ko. Wala akong pakialam kung may makakarinig sa'kin.

Akma akong aalis nang walang kagatol-gatol niyang tinaglay ang kamay ko. Pinisil niya ito na parang isang batang nanghihingi ng limang piso. Humambalos ang kaliwang kamay ko sa pagkakahawak niya. Para siyang butiki na mahigpit ang kapit sa kisame!

"Isa pang hawak ay talagang kakagatin na talaga kita. At isa pa para kang sisiw. Kung saan ang inahing manok, nandoon ka rin!" Paghihimugto ko. Nakakalaglag ng panty! Kainis.

"Nasa menopausal stage ka na ba? Bakit sa tuwing hinihinaan ko ang pananalita ko ay nilalakasan mo naman ang boses mo? Kung tutuusin nga'y ang lapit ng distanya ko sayo tapos kung makasigaw ka akala mo tatlong bundok pa ang layo ko sayo."

Kumalma ako nang konti baka iisipin nito na nanggaling ako sa isang tribu. Oo, inaamin ko na madaldal ako. Dapat siya pa nga ang nag-aadjust. Walang patutunguhan ang usapang ito. Kung maling direksiyon ang tatahakin ko talagang malabo na magkakaintindihan kami!

"Edi 'wag mo akong kausapin para hindi masayang ang laway mo!"

Pinagdiinan ko talaga ang salitang 'laway'. Nakakaiinis na talaga siya. He taught me how to talk loud, speak more, and play both ends against the middle.

"Eh paano 'yan gusto kitang kausapin." The corner of his mouth turned up in an expression that showed his grin.

"'Wag ako Priya. Huwag ako." I pinpointed myself to make him think that I wanted him to stop flirting with me around.

Lumapit pa siya lalo. Naestatwa ako nang wala sa oras. Isang malakas na tigidig ang naririnig ko galing sa dibdib ko. Parang nagkaroon ng sariling mga paa ang iba't ibang parte ng sistema ko at nag-uunahang tumakbo na— tipong isang malaking paligsahan ng mga kumakarerang kabayo. Ramdam ko ang aking pawis na dumaloy mula noo hanggang sa dulo ng ilong ko. Marahil nga'y kinakabahan na ako.

"Just don't stop how you glance at me, just continue and look more deeply to my eyes."

Hindi ako makagalaw. Parang iba ang epekto ni Priya kumpara sa mga tingin ni Haynes, mas may diin, mas malakas ang tindig, mas may dating at mas lalong mapang-akit.

"Hindi ako sanay na tinititigan ng ganito, Priya." Habol ko ang hininga ko habang patuloy akong nakikipaglaban sa aking kaba. Oo, wala akong ibang kalaban kundi ang sarili ko lamang. I must fight for my own trouble. I must fight to conquer these sentiments.

"I am not that good in your own thought. I may not be like a god in your own sight. But I may like a fire that could slowly melt your heart that was once cold." He might be like a goddess that was sent by God to heal those wounded hearts.

Muli na namang naghuhurementado ang kaba ko. Mas lalong lumalakas, mas lalong bumibilis.

"You have everything but I cannot forfend with you." Nadadala narin ako sa kanya. Una, 'yung mga titig niya na parang may kapangyarihan na amuhin ang pagkadaldal ko. Ikalawa, nawawala ako sa kamalayan ko sa tuwing lumalapit siya sa akin, parang ibang Faith ang pagkilala ko sa sarili ko. Tapos, kinakabahan ako sa tuwing tumatagpo ang mga paningin namin. Why I felt like I was placed inside a jar? I couldn't move freely and everything didn't have a particular place. Sino ka ba talaga, Priya?"

"Wala akong panahon para maglandian, hindi ako madadala sa mga titig mo."

Ngayon, muli namang bumaliktad ang tiyan ko. I don't know what to do. Wala akong maisip kundi ang kaba na nararamdaman ko. Hindi pwede mangyari 'to!

"I forgot something."

Muli namang lumabas ang 'I forgot something' sa bibig niya. He's now turning me into confusion.

"Anong forgot something ang pinagsasabi mo?" Matigas kong sabi kahit na kinakabahan ako. Hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako sa harapan niya. Kaya ko siyang pantayan, kaya kong tumbasan 'yung mga titig na pinapakawalan niya.

"Just close your eyes. I forgot something."

Tinignan ko muna siya, alam kong kitang-kita niya kung paano namula ang mukha ko. Napadako ang titig ko sa labi niya, parang lupang tigang na tuyong-tuyo at hindi pwedeng taniman— tipong naghihintay ng tubig o ulan o mas sabihin nating haplos ng labi ng isang bride para sa kanyang groom.

Napapikit ako at tilang naghihintay na parang isang makahiya na nasa kahon ng palayan sa aming probinsya. Lalong bumilis tigatig ng dibdib ko, ramdam ko ang pagdantay ng kamay niya sa balikat ko. Tigmak ng sarili kong kaba ang buong sisitema ko. I felt a familiar jarring sensation that most teenagers feel uneasy when their crush touches every single strand of their hair.

"I forgot something."

Napakunot na lang ako dahil wala talaga akong ideya kung ano ang intensyon niya. Dahan dahang dumampi ang palad niya sa noo ko at inayos ang hibla ng buhok kong nakaharang sa talukap ng aking mata. Nakaramdam ako ng konting katog sa dibdib.

"I forgot to ask your number."

Gumuhit ang isang ngiting humupa sa ngitngit na nararamdaman ko. His smile is not just a smile, it is somewhat shining through the clouds.

Infidele

(Unfaithful)

Copyright © Claw Marks

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top