CHAPTER 9
It's monday again and of course, I need to go to school.
Maaga ako pumasok at sumabay saakin ang kakambal ko. Maaga din siya pumasok huh? 'di ako sanay.
After doing some stuffs in the council office, pumunta na ako sa classroom ko upang magreview dahil may exam kami mamaya sa major namin after lunch. Kinausap panga ako kanina ni Iarrah if pwede niya ako interviewhin. Ofcourse, I said no.
Second period na namin and the subject is P.E. nag palit kami ng P.E uniform at bumalik sa classroom.
Agad din naman dumating ang P.E teacher namin na may dalang bola at raketa ng badminton.
"Goodmorning HUMMS, our activity for today is dual and team sports. We will go to the gym and you will choose what sport will you play." Paliwanag niya. Ugh! I'm not good at sports. "And also, makakasabay niyo sa P.E ang isang section from STEM na hawak ko because hiniram nila ang oras ng klase ko mamayang hapon dahil may lab activity daw sila. And I hope it's fine with you. Wala naman kayo magagawa dahil andun na sila sa baba. Go to your lockers to secure your belongings then punta na kayo sa gym."
Tumayo na ako at kinuha ang cellphone at wallet ko sa bag at tinago iyon sa locker ko. Bumaba nadin ako dala ang raketa ng badminton. Pag baba ko, nag checheck na ng attendance yung P.E teacher namin at pagkatapos non ay nag kaniya kaniya nadin kami upang maglaro. We actually need to win upang makakuha ng plus points.
I chose to play badminton first dahil I'm not good at playing ball games. STEM ang makakalaban namin para daw walang dayaan.
Kapartner ko yung kaklase kong babae na hindi ko masiyado close. Ay hindi, hindi ko naman talaga siya ka close. At ang makakalaban naman namin ay isang babae at isang lalaki from STEM.
"Hoy Trisha! Bawal ka jan ah? Badminton player ka! Dun ka!" Taboy ng isang lala--
Ryle?
Right! He's from STEM strand nga pala at section nila 'to? Okay. So?
"Awit my friend! Sino kakampi ko?" Tanong nung lalaking naiwan dahil umalis na yung babae na dapat makakalaban namin.
"Ako! Hi Sec!" Sagot niya at tumingin siya saakin habang dinadampot yung raketa. Tinanguan ko naman siya. Are we close now? Are we?
I'm not sure.
"Sec, pano tayo mananalo? Boys 'yan?" Tanong nung kaklase ko.
"It's fine. P.E is just a minor subject. Bawi ka nalang sa exam." Walang kwentang sagot ko sakaniya at sinerve ang shuttlecock.
Yes, my classmate is right. The score is 9-20, in favor of Ryle and his partner.
Umupo muna ako upang mag pahinga sa isang bench malapit.
"Tubig." Sambit ni Ryle at tumabi sa akin at inabot ang isang bote ng tubig. Tinignan ko lang 'yon at tinaasan siya ng kilay. "Bagong bili 'to." Tumatawang sambit niya at umupo sa tabi ko.
Kinuha ko din naman 'yon since I don't have my wallet with me.
"You can get your camera wednesday." I said to him. Informing.
"Wednesday then." Sabi niya at ininom yung water. "Go with me. After class."
"Kapal ng mukha mo, we are not close." Inirapan ko siya at tumayo na dala yung tubig.
"Then, Ms. Secretary, I want to be your friend." He said at inilahad yung kamay sa harap ko. "I'm Ryle Lopez, offering myself to be your friend. Need paba bio data? I can be your photographer, I can be your gala buddy, I can be yours. Yieeeee kekeksksk"
Nananakit ulo ko sa lalaking 'to!
Inapiran ko lang yung kamay niya at iniwan siya dun upang bumalik sa pila ng section namin.
"Kaibigan mo yung Photo Journ na 'yon?" Tanong ng kaklase ko.
"Sabi niya e." Walang kwentang sagot ko at kinuha ang towel upang punasan ang pawis ko.
After P.E class, bumalik na kami sa room pero wala pa ang teacher namin para sa susunod na subject kaya may time pa kami para mag pahinga. Nung dumating ang teacher namin ay bumalik na ang mga kaklase ko sa kaniya kaniya nilang mga upuan at nagsimula na siya magturo.
After that, lunch time na namin. I decided not to take lunch dahil mag rereview pa ako para sa major subject namin. While reviewing, dumating yung kakambal ko sa room namin asking me where's the room of the Vice President. I didn't tell her though. Lately nagiging interesado siya sa Vice President and same as the VP to her. I just can't get the idea of them being close okay? Nakakainis.
After that umalis nadin naman siya so nag review nadin ako. The quiz was kinda easy tho. Nag dissmiss din agad after matapos yung quiz. Sa senior high kasi, pag mag review ka, hindi ka mahihirapan. You just can't depend on your stock knowledge.
Pinag isipan ko kung uuwi naba ako diretso o dadaan muna ako ng council room. In the end, I just tapped my ID at lumabas na sa gate. Wala pa sa plano ko ang umuwi ng bahay kaya naisipan ko muna dumaan sa isang milktea shop. Nag order lang ako ng matcha milktea at lumabas na upang bumalik sa tapat ng school kung saan nag hihintay ang driver namin.
I was about to enter our car nung-
"Sec!" Sigaw ng isang tinig. Nilingon ko naman siya at napagtantong si Photo Journalist 'yon.
"What? I'm going home." Iritang sambit ko.
"Pasabay! Dun sa may village kung saan tayo nag kita noon. Dun punta ko e." He said at tinulak ako upang makapasok siya sa sasakyan.
"What? No! Baba!" Kapal ng mukha! Hinihila ko siya pababa ng sasakyan namin. "Kuya! Pababain mo 'to!" Sigaw ko sa driver namin.
"Kuya friends kami ni Iannah. Halika na Iannah arte mo." Sambit niya at hinila ako. Ang kapal talaga ng mukha niya! Tinawanan lang kami ng driver namin.
Nasa byahe kami at hindi ko naman siya pinapansin. Duh?
"Hoy sec bakit hindi mo kasabay si Chief?" Tanong niya at kinalabit pa ako.
"Ewan ko." Walang kwentang sagot ko at nilingon siya. "Sino ba pinupuntahan mo sa village na 'yon ha?" I asked. I don't care okay? I'm just curious!
"Pinsan ko. Nag aaya mag laro e." Sagot niya saakin.
"Ow that's the reason why you are going there. Tapos sasabay kapa sakin? Close tayo ha?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Ewan ko ba, pag dating sakaniya automatic tumataas kilay ko.
"Sayang kasi pamasahe same way lang naman. Practical ako you know? Friends na tayo diba?" Inalog alog pa niya ako. Hindi ko nalang siya sinagot.
Tahimik lang kami nang bigla siyang humarap saakin..
"Don't worry, the next time na pupunta ako doon, ikaw na ang reason."
Ha?
_____
A Collaboration story with air_jhel! Meet Iannah Cervantes' twin and know her story!
Kindly check air_jhel's account for Iarrah Cervantes' story. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top