CHAPTER 8

"Goodmoring, can you please check this?" Sabi ko at inabot ang camera sa lalaking bantay sa gadget repairing shop dito sa loob ng isang mall. "Humapas siya somewhere? Tapos ayan, sira." Litaniya ko.

"Do you want to change the lens or still the same?" He said. Tapos tuloy tuloy na ang tanong niya about camera. I don't know what to answer!

I decided to contact the owner of the camera since hindi ko alam kung ano isasagot ko dito at baka masira pa ang quality ng camera niya!

I didn't know his number so I asked this shop to let me connect my phone on their WiFi to contact that Photo Journalist on social media.

nn.cervantes:
Can you please come here.

nn.cervantes:
Im at the mall near the school.
Can't answer the questions, it's related
On your camera.

nn.cervantes:
Text me 09*********. I don't
have internet connection.

After that, I left the cam on that store at nag ikot ikot muna sa mall dahil wala din naman siya mapapala saakin doon dahil hindi ko masagot ang tanong niya.

Napagdesisyunan ko muna kumain dahil hindi ako nagbreakfast so I decided to go to a fastfood chain and just ordered a pancake with coffee.

I honestly can't eat alone but I don't want to eat with someone din naman unless it's my family or I'm in the school canteen, ofcourse. But sometimes, if magisa lang ako sa house or in public like mall, I used to eat while watching mukbangs to feel na I'm not eating alone.

I played a mukbang video and start eating as well. Andito sa gilid because people might think that I'm a weird person watching mukbang while eating in public.

I was busy eating when my phone beeps.

Unknown number:

Ryle 'to. Andito na'ko, kakababa ko lang ng taxi. Saan ka?

Me:
I'm at fastfood chain. But you can go to the shop na. I'll follow after this.

Hindi na siya nag reply at pinag patuloy ko nadin ang pag kain ko.

Gulat ako nang may mag lapag nang tray sa harap ko na may lamang chicken fillet, dalawang sundae at isang coke.

Napataas naman ang kilay ko at tinignan kung sino 'yon nang mapagtanto kong yung photo journalist 'yun.

Binaba ko ang pinapanood ko nang mapansin kong andoon ang atensiyon niya at pinasadahan siya ng tingin ang kabuuan niya. He's wearing an oversized shirt, shorts and a white sneakers.

"I said pumunta kana dun sa repai--" he cut me off.

"I'm hungry. Ay eto oh sundae. Tas eto pa. Kain ka pa." Sabi niya at ngumiti habang inilalahad saakin ang sundae at wait---

"Where the hell did you get this? Peach mango pie?" Nagugulat kong tanong.

"Sa kabilang fastfood. Kala ko kasi andun ka e. Dito ka pala sa mcdo."

Okay, what the hell?

"I'm actually full right now." I said at tinulak pabalik ang mga pagkaing bigay niya.

I remembered what I've said last time to him! Nakakahiya!

Flashback

"Please, kahit ikaw lang, kahit ngayon lang, ako naman ang piliin mo." Pigil ko sa kamay niyang papunta dapat sa kapatid ko.

"What?" He asked me. Napansin niya ang emosyon ko at nagulat din ako sa sinabi ko!

Agad kong binalik ang sarili ko sa wisyo at umayos ng tayo.

"I'm leaving." Paalam ko sakaniya at humabol naman siya saakin.

"Wait Sec, what do you mean by that?" He asked pertaining on what I've said earlier. Masiyado ako nadala ng emosyon. Makita yung lalaking gusto ko na kasama ng kakambal ko, ewan. Nakakabaliw.

"Nothing. Kalimutan mo na 'yun at ayoko marinig na binabanghit mo 'yon okay? Now, can you please let me go? May klase pa ako at hindi tayo close." I said at tinalikuran siya.

Hell I won't let anyone see my pain.

End of flashback

"No Ms. Secretary. Ano sabi ko sa'yo? Iingatan mo ang camera ko o iingatan kita?" He said and playfully winked at me. Argggh! We are not close for him to play and fool around!

"Excuse me? I didn't approve on tha-- Oh my gosh! Tingin mo ba sinira ko ang camera dahil gusto ko mag paingat saiyo? You're nuts!" Sigaw ko sakaniya at humalakhak lang siya dahilan upang mag tinginan ang mga tao saamin.

Okay, this is the end game. Who wants attention? Not me.

Tumayo na ako at kinuha ang bigay niyang pagkain. Sayang kasi okay! Sumunod nadin naman agad siya at kasabay ko na siyang naglalakad ngayon.

"Did you finish your food? I didn't ask you to follow me." I said.

"Oo inubos ko, bakit concern ka sakin?" He asked at humarap pa sa saakin habang patalikod siyang nag lalakad.

"I'm concern about the food. Madaming taong nagugutom." I said at tinaas ang bigay niyang pagkain. Katulad ko, dala din niya ang sundae niya. "Ayusin mo nga ang lakad mo, Photo Journalist." Suway ko sakaniya at sinunod naman niya.

"Hindi mo naman kailangan ipagawa agad, I have a digi with me. Pinahiram ng kapatid mo." He said habang nag lalakad kami.

"Nasira ko. May time ako kaya ipapagawa ko. Ibalik mo 'yang digicam." I asked at mas binilisan ang lakad ko. Tumakbo naman siya pabalik saakin.

"Selos ka sa kakambal mo?" Ngumiti pa siya ng nakakaloko.

"Why would I? Tara na." Nakarating nadin naman kami agad sa repair shop at kinausap lang siya don about sa camera. Mabilis din naman natapos yun kaya pag labas niya ay tumayo nadin ako.

"Tara na Sec." Yaya niya saakin. Uh, I'm going home na?

"Where? Uuwi na'ko, Photo Journ." Sabi ko sakaniya.

"Tara muna! Maaga panaman lunch muna tayo." At hinatak na agad niya ako sa isang korean restaurant.

Again, we are not close.

"Libre kita!" He said at umupo sa upuan. He asked for the menu.

"I have money." I said to him. My pride is higher than my height!

"Ako nanga kasi! Minsan lang 'to." He winked at umorder na.

"Marami ka naman palang pera edi sana bumili kana lang ng bagong camera." Inirapan ko siya at bumaling sa waiter. "Bulgogi and one roll of kimbap. Separate my bill." Sabi ko at natatawa namang umalis ang waiter. Konti lang ang inorder ko dahil panigurado, hindi ako magiging komportable kumain dahil hindi naman kami close ng photo journ na ito.

"Sabi ko ako mag babayad e! Pero gusto mo 'yan bahala ka. Anyways, that camera is important to me. Hindi mapapantayan nv pera. Try to find the value of an object sometimes, Sec." He said at uminom ng tubig.

Dumating nadin agad ang order namin at nagsimula na kaming kumain. He sometimes pull a joke or dadaldal. Nakikinig naman ako sakaniya. Minsan may nakakatawa siyang sinasabi pero hindi ako tumatawa.

"Ay ano, alam mo ba?" Tanong niya bigla saakin. Binaba ko naman ang chopsticks ko at tinignan siya.

"What?" Taas kilay kong sagot at tinignan ang pagkain kong halos wala padin bawas. I'm not comfortable.

Lumapit siya saakin at tila may ibubulong. Tinaasan ko siya ulit ng kilay pero lumapit din ako.

"Itatry ko shabu." Bulong niya kaya lumayo agad ako sakaniya ay binato siya ng tissue.

"What the hell, photo journ?! What are you saying?" Di makapaniwalang tugon ko.

"Shabuhay mo!!! yieeee ekekeke" parang tangang sagot niya na parang mas kinilig pa sa sarili niyang banat. Kinagat ko ang dila ko dahil nangingiti ako not because I'm kinikilig pero dahil nakakatawa yung itsura niya!

After namin kumain, well, halos siya lang dahil hindi ko naubos ang pagkain ko, well sorry hindi talaga ako comfortable. Though sayang yung food. Mag papaalam na dapat ako sakaniya pero hinila nanaman niya ako sa isang arcade!

"Ano ka, 8 years old? Let me go. Play alone, I'm going home." Sabi ko at tinalikuran na siya pero hinila niya lang ako ulit! Ano ba! Hindi kami close!

"Isang game lang, uwi na tayo." Sabi niya ay hinila nanaman ako. Wala na ako magawa nung nag swipe na siya ng card sa dalawang machine sa harap namin.

"So you are saying na mag babasketball ako? Tanga kaba?" Inis na sabi ko sakaniya. Papawisan ako!

"Just for fun sec, for fun." Sabi niya at ngumiti saakin. "After this you can go home."

Bumuntong hininga nalang ako at tinry ang larong 'to. Para makauwi na. Hindi ako shunga I know how to shoot and to play this but I'm not good at it! Ipapahiya ko lang ang sarili ko.

"Weak mo naman sec! Tapang tapang mo sa school e." Natatawang sumbat niya saakin. Sa inis ko, pilit ko padin shinushoot yon pero halos pitong beses ko palang nagagawa tapos siya tuloy tuloy!

Nakafocus ako dito ngunit napansin kong dalawa nalang ang bola ko! This was six earlier!

Tawa lang siya ng tawa habang naglalaro kaya kinuha ko ang lakas ko at tinulak siya paalis sa machine na gamit niya at ako ang naglaro doon tinutulak niya ako pabalik pero pinapalo ko siya. We look stupid. Nag tutulakan kami. Natatawa naman siyang lumipat sa kabila.

"Huwag moko dinuduga photo journalist." Sambit ko nang mapansin kong kinukuha nanaman niya ang mga bola ko. Kinuha ko din yun pabalik sa machine ko at tumigil na ako nung mapagod ako. Hawak ko ang isang bola at binato ko sakaniya na patuloy padin nag lalaro. Tinawanan ko siya nang tumama sa ulo niya ang bola at gumewang siya dahilan upang matigil sa pag lalaro.

Hawak hawak niga ang ulo niya at amused siyang tumingin saakin.

"You.. laughed." Sabi niya at tinuro pa ako. Sinumangutan ko lang siya at tinalikuran na para kunin ang bag ko.

"Uwi na tayo." Sabi ko at hindi na din siga nag salita pa pero sumunod siya saakin.

Nasa labas na kami ng mall nang makita ko ang bata na nanlilimos sa daan. I remembered the food earlier. Lumapit ako sakaniya at nag tataka naman akong sinundan ng photo journ.

"Hey kid, sayo na'to oh. Pakabusog ka ah?" Sabi ko at ngumiti sa bata. Tumango naman ito bilang sagot.

Humarap ako sa photo journalist. Atleast this day, I felt that I am not lost at all.

"Thank you for today, Phot---"

"Call me Ryle." He said.

"Thank you, Ryle." Ngumiti ako sakaniya.

Ngumiti din siya pabalik saakin. "Thank you for today, Iannah. I had fun. You have a soft spot huh?" He said at binalingan ang puwesto ng batang nanlilimos kanina pero wala na siya don.

Inirapan ko lang siya at tumayo sa gilid upang mag abang ng taxi. Ganun din ang ginawa niya.

Nung may dumating na taxi, pinauna na niya ako. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at humarap ulit sakaniya.

"Thank you for today. I..... enjoyed." Sambit ko.

"You enjoyed?" Gulat na sambit niya. Hindi ba halata?

Tumango ako bago isara ang pinto..




"I enjoyed."

_______

A collaboration story with air_jhel!

Meet Iannah Cervantes' twin and discover her story! Kindly visit air_jhel's account for Iarrah's story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top