CHAPTER 10

"Where's your sister?" Bungad na tanong ni mommy pag kapasok ko ng pintuan.

"School." Sabi ko at hinubad ang sapatos ko.

"Bakit hindi kayo sabay?" Tinaasan niya ako ng kilay. Eto nanaman kami.

"Mom, 18 na kami. We can take care of ourselves. Hindi niya kailangan dumipende saakin." Mahinahon kong tugon.

Ganyan si mommy saamin. Lalo na sa kakambal ko. Ewan ko, is this even fair?

"Maski na Iannah! Alam mo naman diba? Alam mo ang rason. Sana kahit konti mag karoon ka ng pakialam sa kapatid mo. Baka nakakalimutan mong---"

"Bakit kayo ba may pakialam saakin? Napapansin niyo ba ako? Kailangan lahat tayo dito may pakialam sakaniya? Ako nalang ang may care sa sarili ko ibibigay ko pa sa iba? Ganda ng bati mo mommy. Thanks for the dinner ha? Akyat nako." Sarkastiko 'kong tugon at tumayo na.

"Wala kang konsensiya." Sabi ni mommy pero nagpatuloy padin ako sa pag akyat sa hagdan.

Pag pasok ko ng pinto ng kuwarto, naguunahang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I respect my parents so much pero parang isang normal na tao lang tingin nila saakin. Na parang hindi nila ako kadugo. Tama ba 'yon? Para namang kasalanan ko lahat yung nangyari years ago. Parang bitbit ko lahat.

Right. I'm the one who achieves a lot. I have tons of medals and certificate. Para saan ba yung mga 'yon? Kasi, even if I'm the top achiever, Iarrah is still the one who gets the recognition by our parents.

Napangiti nalang ako ng mapakla.

Yes, I'm just Iannah Cervantes.

Hindi ako lumabas ng kwarto ko buong araw dahil ayoko muna makasalubong si mommy. Nagtatanong din si Iarrah kung bakit ako nag kakaganito pero hindi ko nalang siya sinagot.

Maaga ako umalis ng bahay para pumasok sa school. Usually bumabangon sila ng 6 am kaya umalis na ako ng bahay around 5:30. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil 8am pa ang klase namin at gusto ko lang naman makaiwas sa mga tao sa bahay. Sarado pa marahil ang school dahil maaga pa.

Wala akong mapuntahan. Si Sophia sana kaso may pasok din siya at magkaiba ang schedule namin dahil hindi na kami pareho ng school. Naisip kong pumunta nalang sa convenience store malapit sa school nalang tumambay.

Nag stay ako dun until I saw our Vice President na halatang papasok na. I looked at my wrist watch pero 7 A.M palang. Ang aga naman niya pumasok. Tumayo na ako at lumabas upang sundan siya.

I was about to call him nung maalala ko yung nangyari nung nakaraan.

I still followed him hanggang makarating kami sa council room. Nagulat siya na makitang kasunod lang niya ako pero hindi siya nag salita at pumasok lang doon. Pumasok nadin ako at lumapit sa table ko. Okay na 'to. Atleast andito na ako sa loob ng room.

"Nag breakfast kana?" Tanong ni Axel.

Nagulat ako sa biglang pagkausap niya saakin pero right, professional.

"I had a coffee." Sagot ko lang at binalik yung tingin ko sa notebook ko. Wala naman talaga akong binabasa, wala lang akong magawa kaya tinitignan ko sulat ko. Weird right?

"Tara sa canteen." Aya niya at lumabas na ng pinto. 

Eh?

Sumunod nalang din ako sakaniya at sumabay sa pag lalakad niya. We talked  about the upcoming events. Lahat ng related sa trabaho namin bilang ssg officer. 

Umorder siya at inorderan din niya ako ng toast bread kahit sabi ko huwag na. Inaya daw niya ako kaya dapat sagot niya. Napatingin naman ako ng matagal sakaniya. We are not this close enough para ayain niya ako ng breakfast.

Am I just assuming again?

"It's too early to go to school. Bakit ang aga mo pumasok?" He asked while eating.

Concern ba siya?

"Trip ko lang. Ikaw?" Tanong ko at kinagatan yung binili niyang tinapay para saakin. Kung tutuusin, kulang 'to. Hindi ako nag dinner kagabi.

"Maaga ako nagising." He shrugged.

Wala na ulit nag salita saamin matapos nun at ngayon ay pabalik na kami ng council room.  

"Grabe wala padin students? 7:30 na ah." Sabi ko, trying to get some topic.

"Yeah." Yun lang sagot niya! Ano sasabihin ko jan? Yeahtdog? Yeahma? Yeahlo?

"Sec!" Si Ryle. Tumatakbo at mukhang sasalubungin kami. Napatigil naman ako sa pag lalakad ganun din si Vp. Nakita kong tumaas ang kilay niya.

"You know that guy?" Tanong ni Axel.

"Yup. Photo Journalist." Sagot ko sakaniya. Tumango naman siya.

"Sec! Nakuha ko na." Nakangiting tugon niya at pinakita ang camera niya. "Ikaw nalang mag balik nito kay Iarrah. Nasa akin na cam ko e." Sabi niya at binigay saakin ang digicam. Hindi pa pala niya nababalik 'to?

Laking gulat ko ng agawin mula sa kamay ko ni Axel ang camera.

"Uy VP, ikaw pala hehe. Nag kita ulit tayo. Ang laki mo na ah!" Barumbadong bati niya kay Axel. Tinaasan naman siya nito ng kilay.

"Ako na mag babalik nito kay Iarrah. By the way, where is she?" Tanong ni Axel. Dineadma ang bati ni Ryle sakaniya.

"Why are you asking? She's obviously not here." I sarcastically said. Getting annoyed. Bakit ba saakin lagi hinahanap yung babaeng 'yon?

"Ano oras papasok? Bakit hindi kayo sabay?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko bakit ba tanong ka ng tanong about sakaniya? I'm here oh. Ako andito Axel! Why are you so interested about her? She's annoying, loud, talktative and-"

"Maybe that's the reason why you are No one's favorite." Sabi niya at umalis na.

It was deep.

And it hurts.

I'm no one's favorite.

Nanatiling nakatingin saakin si Ryle na tila naguguluhan sa nangyayari.

"Wow hard. Lagi nalang galit at seryoso yun pag andito ako. Okay ka lang sec?" Tanong niya at hinarap pa ako sakaniya. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha at tinabig ang kamay niya at tumakbo.

"Hoy teka lang! Kakatakbo ko lang e. Awit talaga goodmorning sakin!" Sigaw niya at sinundan ako. Pumasok akong council room para kunin ang mga gamit ko. Wala doon si Axel.

Bakit ganun? Sa tuwing magkakausap kami ni Axel, lagi kaming nag kakasagutan. Lagi akong nasasaktan. His words cut deeper than anything else.

"Ano ba! Hindi ako runner pero halos natakbo ko ang  napaka habang corridor. Ano sec, okay kalang ba?" Hinihingal na tanong ni Ryle.

"Do I look okay?" Inis na sambit ko. "Leave me alone."

"Pucha, anlayo ng tinakbo ko tapos leave me alone? Hindi. Tara." Kinuha niya yung gamit ko at hinila niya ako hanggang makarating kami sa gate.

"What are we doing here? I have classess!" Naguguluhang tanong ko.

"Kuya guard! Lakas naman ako sa'yo diba? Sakit tiyan nitong kasama ko e. Iuwi ko lang ah." Hindi pa nakakasagot yung guard e hinila na niya ako palabas ng gate.

"Ano ba! Are we going to cut class? Are you stupid? Papasok ako!" Kinuha ko sakaniya yung gamit ko.

"Tara na sec. Huwag na makulit. Minsan lang naman." Hinila nanaman niya ako hanggang paradahan ng jeep. KILALA BA NITO HINIHILA NIYA?! SECRETARY AKO NG STUDENT COUNCIL HELLO?

"MM kuya, dalawa." Bayad niya sa driver. Ano yung MM? chocolate?

Tumingin siya saakin kaya tinignan ko siya ng masama. Pasalamat siya wala akong quiz!

"Where are we going?" Tanong ko sakaniya. I'm wearing my uniform!

"Mumu" (myumyu) Sagot niya.

"Miyu-what?"

"Basta."

Pag kababa namin ng jeep, sumakay pa kami sa isang tricyle bago kami nakarating sa--

"A museum?" Nag tatakang tanong ko.

"Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok.

"Musical Museum. Tambayan ko 'to nung Junior High ako. Pag nag aano, cutting hehe." Sabi niya.

"How the hell this museum being called myumyu?" Tanong ko.

"Para maiksi. Tara libutin natin. I bet hindi mo pa napupuntahan 'to. Puro ka school."

Patuloy kaming nag lalakad habang pinapaliwanag niya saakin yung mga instruments and other things related to music.

I'm enjoying.

Napadako yung tingin ko sa mga boteng nakasabit na may laman na tubig. Hindi mag kakapantay ang dami nila kaya nahiwagaan ako.

"What's that?" Tanong ko sabay turo sa mga bote.

"Ah eto. May ballpen ka? Pahiram." Binigay ko din ang ballpen ko.

Tinapik niya yung bote gamit ang ballpen kaya pinigilan ko siya. Baka mabasag!

"Makinig ka Iannah." Sambit niya at patuloy na tinatapik yung mga bote gamit ang ballpen. Lumilikha 'yon ng kakaibang tunog na masarap sa tenga.

He's actually good at music.

"Naririnig mo ba? Iannah? Nakikinig kaba?" Tanong niya at patuloy na tinatapik ang mga bote. Hindi ko alam kung anong tugtog o kung kanta ba iyon pero masarap siya sa tenga.

"Panis." Sabi niya nang matapos at binalik saakin ang ballpen. "Tara don." Sabi niya at inakbayan ako.

I froze.

Nang makabawi, nagpatianod nadin ako sakaniya habang nililibot ang kabuuan ng museum.

"Alam mo ba? I can play drums." Kwento niya. Inirapan ko naman siya.

"Share mo lang?" 

He chuckled. "Oo. I can play drums. Gusto mo tugtugan kita? You want to hear me play?" Pangungulit niya.

"Not interested." Walang kwentang sagot mo at pinag patuloy ang paglalakad.

"I can play guitar as well. Gusto mo tugtog ako?" Muling tanong niya. Umiling nalang ako.

"You are kinda goot at music. Bakit hindi mo pinush?" Tanong ko. I'm curious.

"Mas gusto ko ang photography." Ngumiti siya. "You know, I still can play instruments but I'm not great. Marunong lang. And shy type ako hihi." 

"Tarantado." Sagot ko hinampas siya ng bag.

"Last year." Biglang sabi niya.

"Huh?" Nagtatakang mukha ang binigay ko sakaniya.

"Last year ko na ngayon doing what I really like. Iba ang buhay na tatahakin ko sa college." Sabi niya.

I suddenly felt bad about it. Wala akong nahiligan gawin sa buong buhay ko kundi mag aral kaya hindi ko alam at hindi ako relate sakaniya. I'm not also good at any forms of music and arts.

It's just me. 

"Tara nanga. Hindi mo napapansin kanina pa ako naka akbay sa'yo e. Close na tayo niyan?" Tanong niya at doon ko lang din naalala yon!

Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay saakin at naunang mag lakad palabas ng museum. Tinawanan niya lang ako at sumunod nadin saakin.

"Saan tayo kakain?" Tanong niya.

"Lunch? Balik na tayo school." Aya ko sakaniya.

"Ayoko. Lubusin na natin. Tara sa park."

Nag punta kami sa sinasabi niyang park at iniwan niya ako sa isang bench doon. Sabi niya bibili lang daw siya pagkain.

"Oh."

"Halo halo? For lunch?" Tanong ko.

"Nag crave ako e. Ayaw mo ba?" Tanong niya.

"No. Okay lang naman. It's just that, hindi kasi ako nag dinner last night. Tas kape lang ininom ko at isang tinapay." Paliwanag ko. Nagugutom na kasi talaga ako.

"Tara kay lola Patreng." Aya niya at kinuha ang bag niya.

"Lola what? Puro ka tara! Pagod na ako!" Simigawan ko siya.

"Pagudtom ka sis? Tara nanga. Amin na 'yan." Kinuha niya ang bag ko at naglakad na.

Ano paba magagawa ko? Edi sundan siya!

Lola Patreng's Eatery

"Lola ko may ari nito. Pero hindi ko siya lola. Gets mo?" Paliwanag niya.

"Tanga ka?" Inis na sagot ko at umupo sa isang upuan doon. Gutom na ako!

Umorder siya at bumalik din agad sa upuan namin.

"Ang sakit mo magsalita pero iyakin ka din pag pinagsalitaan ka ng masama. Haynako gigil moko sis." Kunwari pa siyang humawak sa ulo niya na parang naiistress. Inirapan ko lang siya.

Dumating din naman agad yung pagkain kaya kumain na kami. Grabe lamon na ata tawag dito. Napakasarap ng pagkain! Natatawa siya habang pinapanood akong kumain pero binalewala ko lang 'yon dahil gutom ako!

After non, nag libot libot muna kami sa park dahil magkalapit lang naman ang karinderya at yung park.

Around 4:30 pm kami bumalik sa school dahil doon ako susunduin ng driver namin.

"Nabusog kaba sec?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Okay kana? Nag enjoy kaba?" 

Doon parang bumalik saakin yung nangyari kagabi saamin ni mom at kaninang umaga kay Axel.

Nakalimutan ko lahat 'yun pati yung sakit. Nakalimutan ko lahat yung kanina.

Napangiti ako ng bahagya. Mukhang nagulat pa siya dahil sa pagngiti ko. Jusmiyo.

Binatukan ko siya!

"First time ko mag cutting alam mo ba? Nako talaga. But... thank you. Nag enjoy ako at gumaan pakiramdam ko. Thank you, Ryle." I sincerely said.

Ngumiti naman siya saakin.

"No prob! Pag usapang cutting, ako paba?" Sabi niya kaya inirapan ko siya.

Tatalikod na sana ako dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot pero hinila niya ang braso ko kaya humarap ulit ako sakaniya.




"Joke lang. I can do anything, basta ikaw. Uwi na din ako. Ingat ka."

_____


A COLLABORATION STORY WITH air_jhel!

Meet Iannah Cervantes' twin and know her story!

Check  air_jhel's wattpad account and meet Iarrah Cervantes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top