Chapter 28
Chapter 28
Changes
I finalize the names of the special guest for recital and assigned my secretary to work on it right away. The recital would be next week so we have to release the invitation three days before the event.
After finishing everything, I decided to go home and relax for at least the rest of the day. Remembering everything about him makes me feel exhausted and drained.
I took a warm bathe and blow dry my hair after. I put on my silk sleeping dress and robe before calling Tony.
"Hi Tony," bungad ko sa kanya.
"Magandang hapon, Zita. Bakit ka napatawag?"
"Nothing, I just want to ask about him," nag aalangan na sabi ko.
"Maayos naman s'ya Miss. Abala sa trabaho n'ya."
"Okay, thanks."
"Miss, gusto mo bang malaman kung nasaan s'ya?"
Kahit na sa loob ko gusto kong malaman mas pinili ko parin na pigilan dahil ayaw kong mag kamali.
"Hindi na. Ayos na iyon. Salamat, Tony."
I ended the call after that. I know I shouldn't be doing this but I just want to make sure he's okay. I told my bodyguards including Tony to watch after him and make sure he's always okay that's why I know how he is. But I refused to know the details about his whereabouts. That's why I never ask where he is.
Nahiga ako sa kama tsaka pilit na inalis iyon sa isip ko pero hindi ko magawa. I suddenly wonder is he's mad at me again? Because I left him that night. I wonder if we could ever meet again and manage to look at each others eyes the same way we did that night.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala. Bumangon lang noong tawagin ni Manang Estel para sa dinner.
Mag isa na lang akong nakatira dito sa mansyon kasama ang mga kasambahay namin. Hindi na din naman sila gaanong abala dito sa bahay dahil nasanay na akong kumilos para asikasuhin ang sarili.
Kumain kami ng tahimik, matapos doon ay umakyat ako muli para matulog na. Wala na din namang ibang maramdaman kundi pagod dahil sa mga naiisip mula pa kanina pero imbis na makatulog ay hindi man lang ako dinalaw ng antok. I took out the box where I put all of our pictures together in the photo booth.
Isa isa ko iyong tiningnan, lahat ay mukhang masaya. When I left him, I promised to myself that I'll do everything to find my purpose. Naisip ko, hindi ko naman pwedeng ipilit na maging kami dahil malas ako. Lahat ng mapapalapit sa akin ng ganoon ay mawawala kaya mas mabuti kung lalayo na lang ako. Hindi ko na siya guguluhin at di na s'ya mapapahamak. Alam ko noon na mahihirapan ako, alam ko na hahanapin ko s'ya at gugustuhin na makasama pero tanggap ko na. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.
I am destined to suffer alone. I am destined to find my purpose alone because I will never be deserving of someone's love and care. I am only a burden to them.
Muli kong ibinalik ang mga pictures namin at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama. I shouldn't be thinking about him but I couldn't stop myself. Tuwing susubukan ko s'yang kalimutan ay parang lalo ko lang siyang hinahanap hanap. Minsan ay nagugulat pa ako sa sarili ko dahil hindi ko naman inakala na magiging ganito kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam na mamahalin ko siya ng ganito, na mas gugustuhin ko pang mahalin siya sa malayo at patago kaysa ang kalimutan siya. Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.
I sighed and close my eyes as our memories together rush to my mind.
-
I woke up the next day with Drift's call.
"Good morning," bungad niya.
"Hmm morning," inaantok na sagot ko.
"Dadaan ako sa school mamaya. Sabay na tayong mag lunch," masayang sabi n'ya.
"Alright," mahinang sagot ko. Bumangon na din para mag handa sa pag pasok.
"See you later."
"See you later, Drift."
Our call ended after that. Sanay na din naman ako sa pag daan n'ya sa school pero lagi pa din siyang nag sasabi sa akin.
After my morning routines I just ate some cookies and drove off to school. Umaga pa lang ay abala na kaming lahat. My creative team are busy with the details of the event while my mentors and instructors are busy with the dance routines and performances of the students. Ako naman ay abala sa pag approve at minsang nag iikot sa mga dance rooms para tingnan ang improvements ng performances.
Bumalik ako sa office at nadatnan doon si Drift. Inaayos niya ang pag kain na dala n'ya. I smiled at him when he turned to wave at me.
"Hey, what is that? May gusto ka na ba ulit sa akin?" biro n'ya ng ilahad sa akin ang upuan.
Tumawa naman ako at pabiro s'yang hinampas, "Sige umasa ka, Drift."
"Sayang. Akala ko may pag asa na ulit ako," tumatawang sabi n'ya.
Nag biruan lang kami habang kumakain. Sanay na ako na ganyan s'ya. Noong nakabalik ako ay umamin siya sa akin, inamin ko sa kanya na hindi ko na s'ya gusto at naintindihan niya iyon. Kaya lang ay palagi n'ya akong niloloko tungkol doon. Tinatawanan ko na lang dahil ganoon din naman siya.
"Why don't you just try to date me again, Zee?" biro na naman niya ng matahimik kami.
Taas kilay naman akong tumingin sa kanya kaya tumawa na agad siya.
"Ikaw lang naman yung atat magkipag date, Drift. Bakit hindi mo subukan makipag date sa iba? Baka tumanda ka ng binata."
"Tumandang binata? No way! Sayang ang magandang lahi ko," mayabang na sabi n'ya.
"Ang yabang mo!"
"Nag sasabi lang ng totoo, Zee."
"Whatever, basted ka pa din. Wag ka na ngang umasa sa akin, hindi na tayo talo!"
"Kapag talaga hindi ka nahanap nung Saturn na yun ngayong taon gagapangin na kita," seryosong sabi n'ya.
Hinampas ko naman siya kaya siya tumawa ng malakas habang sinasabing biro lang iyon.
"Hindi talaga ako safe sayo!"
"I was just kidding, Zee."
"Whatever, umalis ka na nga dito!" pag tataboy ko sa kanya kahit hindi pa kami tapos kumain.
Puro siya pang aasar kaya pikon na pikon ako sa kanya. Kung hindi ko lang talaga siya kaclose ay siguro sinumpa ko na ang pambubwisit n'ya sa akin.
Umalis lang siya ng oras na para sa meeting niya. Bumalik naman ako sa trabaho at ginugol doon ang oras ko.
Tuwing naaalala s'ya ay agad ko na lang inaalis sa isip ko bago pa man magawang tumawag kay Tony para mag tanong tungkol sa kanya.
Sometimes I feel like, coming back here doesn't help. Nalayo lang ako sa kanya pero lagi ko pa din siyang iniisip. Kahit ang dami dami ng pag babago ay hindi pa din naabot noon ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang kahit pa lumipas ang madaming buwan mananatili pa din lahat kahit pa maikling panahon lang naman kaming nag kasama.
Ngayon ko lang naintindihan iyong sinasabi sa akin noon ni Thunder. Hindi basehan ang haba ng panahon na nakasama mo ang isang tao para matutunan mo siyang mahalin. Hindi din basehan ang bilis ng panahon at pag kakataon para masabi na totoo ang pag mamahal na iyon. I understand now that loving doesn't mean we have to spend all our time with them, it is about feeling the love despite the short times you share. It is about feeling it despite the distance and the circumstances.
I stopped what I'm doing and decided to visit the students again to avoid thinking about him. I was about to enter the studio 1 when I saw my secretary walking towards me with a bouquet and black box.
"Miss, this gift is for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top