Chapter 19

Chapter 19

Drunk

We spend the night around the Village. It was fun to see a lot of people enjoying their lives. I remember Thunder, this is what he always wanted for me to do, to enjoy my life around the people I love.

We headed back to our rooms at 11 o'clock. We were all tired so everyone decided to sleep and end the night. I had fun, it was a great memory with them. But this heavy feeling inside me never fade. Andito parin kahit pa pagod na ako dahil sa haba ng araw. Hindi umalis, hindi nawawala.

I sighed, Faye is already asleep but I couldn't. Lumabas na lang ako sa kwarto at tumingin sa veranda. I closed my eyes and feel the cold wind. Saturn's face flashed to my mind, his anger.

Nangilid ang luha ko at agad na lumabas ng hotel room. I want to say sorry to him, even if he wouldn't accept it. I want him to know that I feel sorry for causing him pain and for taking away his brother. It was my fault, I know I should apologize.

Nanginginig ang kamay ko na kumatok sa kwarto niya, kinakabahan ako pero nangingibabaw ang kagustuhan kong humingi ng tawad.

Sinubukan kong pihitin ang door knob at hindi iyon naka-lock, bahagya akong sumilip at nakita ang nagkalat na mga bote sa sahig. Sa gilid ng sofa nakaupo sa sahig si Saturn na tila nakatulog na sa sobrang kalasingan.

Agad naman akong lumapit sa kanya dahil sa pag aalala.

"Hey," halos bulong tawag ko sa kanya.

"Zita," bakas sa boses niya ang kalasingan. Tumawa pa siya ng kaonti at hinaplos ang pisngi ko.

I bit my lower lip and tried to help him get to the couch but he didn't move.

"Come on, Saturn. Lumipat ka muna sa couch," marahang sabi ko sa kanya.

"Why are you here?" hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Lipat ka muna sa couch," sabi ko ulit.

Ngumiti siya sa akin at umiling, "Hindi mo ako madadaan diyan, Zita. Galit ako sayo at hindi na mababago iyon."

"Naiintindihan ko, Saturn. Sige na, tumayo ka na d'yan. Lumipat ka na sa couch," pigil ang luha na sabi ko.

"Bakit? Akala mo ba mababago nito ang nangyari?" tumatawang tanong niya.

"Halika na, tayo na dyan. Please," nag babadya na ang luha ko pero pilit ko paring pinipigil. Sinubukan ko siyang itayo pero masyado siyang mabigat.

"Alam mo bang lalo lang akong nagagalit kapag nakikita kita?" nakatitig siya sa akin ng sabihin iyon. Baka ang galit kahit pa lasing na lasing siya.

"Naiintindihan ko, Saturn. Sige na tumayo ka na dyan."

He smirked before standing and faced me. Nakita ko ang pag patak ng dugo mula sa kamay niyang nakatago kanina.

"May sugat ka Saturn!" hahawakan ko sana iyon para matingnan mabuti pero iniwas niya ito at lumapit sa akin. Kusa naman akong napaatras ng gawin niya iyon ng dalawang ulit.

"Ano ngayon?" he asked seriously.

Kinakabahan naman akong sumagot sa kanya, "D-dumudugo. Gagamutin ko."

"Gagamutin?" he laughed sarcastically, "Mas masakit ka pa dito."

I bit my lower lip trying to avoid the growing pain in my chest.

"Mas masakit ka pa kumpara sa mga sugat, Zita. Yung andito ka ngayon, ang sakit sakit."

My tears started to fall. I know how much he mean what he said, seeing me here hurt him so bad. I know and I understand. I just wish and hope I could take away his pain. Even if it means, I'll walk away to him.

"Tinitingnan palang kita nasasaktan na ako," umiwas siya ng tingin at tumawa ulit pero parang kahit dun ay naririnig ko kung gaano siya nasasaktan na makita ako.

"I'm sorry," parang umurong ang boses ko. Nahihirapan ako huminga dahil sa kakapigil ng iyak ko kahit pa patuloy naman sa pag patak ang luha ko.

"Umalis ka na," mariing sabi niya sa akin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. I'm sorry," paulit ulit ko kahit pa alam kong wala namang saysay iyon para sa kanya.

"Can your sorry bring my brother back?" lumapit ulit siya sa akin. Halata parin na lasing siya pero mas lamang ang galit na ipinapakita niya.

"I-I know I can't bring h-him back. I-I'm sorry," umiiyak na sabi ko.

"Will you stop crying? Aren't you happy you're here alive and enjoying your life? While my brother is gone!" patuloy siya sa pag lapit habang paurong naman ako ng paurong.

Gusto ko ng umalis pero hindi ko magawa. Parang wala akong lakas na umalis at iwan siya kahit pa nasasaktan ako sa mga naririnig ko sa kanya.

"I want him back too," iyon lang ang nasabi ko.

"Kung gugustuhin mo bang makabalik sya, mangyayari? For sure you're happy with your life."

Umiling ako sa sinasabi niya. I am not and maybe I will never be.

"Masaya ka sa buhay mo habang ang kapatid ko wala na. I don't think you still remember Thunder, if you didn't knew I was his brother. You know what Zita? You took away his life and you took away my family," his tears started to fall.

"You know that guy, he's the only person who accepted me for who I am. Without hesitation  and questions. He's the only person that I have, why do you have to take him away?" kapit niya ang braso ko ng mahigpit habang galit na sinasabi iyon.

Patuloy naman ako sa pag iyak at pag hingi ng sorry. Nakasandal na ako sa pader habang siya ay nasa harap ko, napapikit ako ng makitang umangat ang kamao niya para sumuntok at halos pigil ang pag hinga ng akalain kong ako ang susuntukin niya.

Ilang ulit niyang sinuntok ang pader habang ako ay patuloy sa pag iyak habang nakapikit dahil sa takot at kaba.

I hope I could bargain God and let me switch positions with Thunder. He deserves life way better than me. I only cause pain to people, I never understand them. I am selfish and a trouble maker. While he is what this world needed.

I felt his forehead on my shoulder. I opened my eyes and saw him crying silently while he was leaning on me.

I wanted to touch his face but I'm scared to hurt him.

"Does it hurt you?" he whispered.

I didn't know what he meant so I remained silent.

"Did I hurt you?" he asked again.

I bit my lower lip as I felt again the pain he was causing me. Yes you are hurting me.

"This is nothing compared to your pain, Saturn. I understand," tunog pag kukumbinsi iyon kahit pa nasasaktan ako.

"Why does it hurt so bad, Zita?" he asked again. Naramdaman ko ang pag bigat niya kaya't sinubukan ko siyang itayo. Nakapikit siya at parang nakatulog na kaya kahit hirap ay sinikap kong dalhin siya sa couch.

I wiped away the tears at the side of his eyes. I am crying while doing so, he loves Thunder so much.

Ginamot ko ang sugat niya at nilinis ang mga nag kalat na bote at gamit. He was sleeping peacefully after I finished cleaning everything. I kissed his forehead and hope I could take all his pain away or at least lessen it.

Gumuho ang mundo ko ng mawala si Thunder pero hanggang ngayon patuloy paring nadudurog ang gumuho ng mundo ni Saturn. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan siya.

Sandali ko pa siyang tinitigan bago umalis. It's already 2:30 AM. Mabuti nalang at ng makabalik ako sa kwarto ay mahimbing parin ang tulog ni Faye. Nag bihis ako at nag hilamos tsaka humiga. Nakatulog na lang ako ng hindi parin nawawala sa isip ang lahat ng nangyayari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top