Chapter 17

Chapter 17

Gift

He left me on his room after a while. He keeps on cursing while I was thinking of his reasons why he did that, and why he's mad.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kinukumbinsi ko parin ang sarili ko na maiintindihan ko siya kapag sinabi niya sa akin kung bakit siya galit.

Para saan ba talaga ang galit na nakikita ko sayo, Saturn? Bakit mo ginagawa ito?

I couldn't remember when I fell asleep but I woke up feeling thirsty. I guided myself to his small fridge and drink water. Lalabas na din sana ako para makabalik sa room ko pero napahinto din ng makita ang isang bagay sa ibabaw ng glass cabinet ni Saturn.

Nag dadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako duon o aalis na lang habang hindi pa siya nakakabalik pero nangibabaw sa akin ang nauna.

Pamilyar sa akin ang bagay na iyon, hindi ko alam kung nag kataon lang ba na parehas silang mayroon ng bagay na 'yun o ano. Hindi ko din alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, para akong kinakabahan pero hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Pinag masdan ko iyon, kinakabahan pa at nanginginig ng bahagya bago kinuha at tinitigan ng mabuti. This watch, it was like Thunder's. 

It was like the exact same watch, his favorite one. Lalo lang akong kinabahan ng bahagya kong tiningnan ang likod noon. I bit my lower lip as I saw his engraved name.

"Don't touch that," Saturn's voice sounds very serious and deep.

I froze and couldn't even breathe normally for a while. How did he got this? Imposibleng coincidence ito, this is Thunder's watch, it has his name engraved in it.

"Put that back, Zita."

Hinarap ko siya ng hindi sinusunod ang sinabi niya. He knew Thunder?

"How did you got this?" I asked, my voice is a bit shaky. My heart was beating so fast, I couldn't breathe properly.

"That's mine. Now put that back," he said.

Pumikit ako saglit para ikalma ang sarili. Huminga ng malalim bago muling humarap sa kanya.

"Did you know Thunder?"

Hindi siya sumagot, lumapit lang siya sa akin at kinuha ang relo tsaka ibinalik sa dating pinaglalagyan nito.

"Kilala mo siya," halos bulong na iyon dahil sa biglaang pag buhos ng mga luha ko. Para akong naubusan ng boses dahil doon.

"Kilala mo si Thunder, Saturn."

"Shut up," galit na sabi niya sa akin. "Who told you to check on my things?"

"Kilala mo siya, diba? Kilala mo si Thunder. Kay Thunder ang relo na yun, diba?" umiiyak na sambit ko.

I couldn't be wrong. I'm so sure it was Thunder's watch.

"I told you that's mine," walang emosyong sambit niya.

Umiling ako at lumapit ulit sa relo. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay patuloy sa pang iling at pag iyak.

Sigurado akong si Thunder ang may ari nito. Hindi ako puwedeng magkamali dahil sa akin galing ito.

"Bakit ka nag sisinungaling? Kilala mo si Thunder hindi ba? Imposibleng hindi dahil sa kanya ito. Si Thunder ang may ari nito, Saturn."

"Umalis ka na," his voice sounds controlled. As if he was trying his best to avoid shouting at me but I keep on testing his patience.

"Sagutin mo ako! Kilala mo si Thunder, tama? Sa kanya ito, diba? Hindi ako puwedeng mag kamali!"

"Oo! Kilala ko siya at kanya yan, ano naman sayo? Ano namang pakealam mo?"

Nandoon nanaman ang galit at lungkot na nakikita ko sa kanya mula noong nakaraan. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya, mga matang katulad mismo ng kay Thunder.

"Paano napunta sayo ito? Kilala mo siya?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Bakit kailangan mo pang alamin?"  mariing tanong niya.

"Bakit hindi mo pa sabihin sa akin?" umiiyak parin na tanong ko sa kanya.

Nasasaktan ako at naguguluhan. Hindi ko alam kung saan hahantong ang usapan namin pero gusto ko parin malaman.

"Is that even important to you?"

"Hindi kita maintindihan," sinubukan kong lumapit sa kanya habang sinasabi iyon pero lumayo siya.

He chuckled before saying anything, "Why? Do you know how to?" he asked.

I couldn't process anything that he says. It was as if he wants me to ask but he doesn't have any plan on answering my questions.

Pero sa dami ng nalaman ko tungkol sa kanya mula kina Ram at sa pinsan ni Faye, isa lang ang kanina lang ang tanong na tumatakbo sa isip ko.

"Sino ka ba talaga, Saturn?"

He walked towards me and stopped when we only got few inches away from each other. A smirk formed into his lips as he caressed my face softly.

"Your karma," he whispered.

My tears started to run at the side of my face again, I felt a sudden pain in my chest. I didn't know what he meant by that but I guess hearing that from him already hurt so bad.

"Sino ba ako, Zita? Ano ba ang habol ko sayo?" bulong niya sa akin. Hindi ko kayang mag salita o kumilos man lang, ni hindi ko na din makayanan na tumitig pabalik sa kanya.

Muli akong lumingon sa relong nakita ko kanina. Iyong regalo ko kay Thunder. Pilit kong pinatahan ang sarili ko bago muling tumingin pabalik sa kanya para itanong ang tungkol duon.

"That watch was my gift to him so I couldn't be wrong. I got his name engraved on that too so that couldn't be a coincidence. Saturn, tell me please? How did you get that? Who are you?"

Para akong nauubusan ng lakas habang sinasabi iyon sa kanya. Habang siya ay walang emosyon lang na nakatitig sa akin.

"I got it from his things. Of course it wasn't a coincidence. Everything was not coincidence, from the moment you saw me up until now. It was all planned, Zita. That was all my plan," galit ang boses niya habang mahigpit ang kapit sa magkabilang braso ko.

"Bitawan mo ako, Saturn. Nasasaktan ako," pigil ko sa kanya pero hindi niya pinansin.

"Gusto mong malaman kung sino ako? Sige sasabihin ko sayo. Kapatid ko si Thunder. At ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya iyon. Hindi ako makagalaw at unti unting namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang higpit ng kapit niya sa braso ko at para lang akong nakalutang dahil sa di maipaliwanag na dahilan.

Muling bumuhos ang mga luha ko, hindi makapaniwala sa nalaman ko sa kanya.

Kaya pala mag kaparehas sila ng mga mata. Kaya pala naaalala ko sa kanya si Thunder. Kaya pala pakiramdam ko familiar siya dahil kunektado siya kay Thunder.

Binitawan niya ako at lumayo. Ilang beses siyang nag pabalik balik sa harapan ko at ng huminto ay muling humarap sa akin ng may sapat na layo.

"I'm his brother. Ngayon alam mo na, ako naman ang may tanong sayo."

Bakas parin ang galit sa boses at mukha niya. Samantalang ako ay patuloy lang sa pag iyak dahil sa halo halong nararamdaman. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o ano, basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako.

"Masaya ba? Masaya ka na ba na wala sya ngayon dito?" sigaw niyang tanong sa akin.

Halos napatalon pa ako ng bahagya dahil sa gulat sa kanyang pag sigaw. Dumoble ang sakit na nararamdaman ko mula sa mga sinasabi at asta niya sa akin.

"Paano mo nagagawang mag saya ng wala ang kapatid ko?" naging mahina ang boses niya. Ang galit ay napalitan ng panghihina at sakit, unti unti ding napuno ng luha ang gilid ng kanyang mga mata.

Para naman akong sinasaksak habang tinitingnan siyang ganoon.

Ito ang dahilan kung bakit siya nagagalit. Kung bakit niya ako tinatanong ng ganoon kahapon. Ito ang rason kung bakit galit siya sa akin at kung bakit hindi niya ako puwedeng gustuhin.

Kapatid siya ni Thunder at ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang kapatid niya.

"Paano mo nagawang kalimutan ang kapatid ko ng ganun ganun nalang?" umiiyak na tanong niya.

"H-hindi ko siya nakalimutan. Hindi ko magagawa iyon," umiiyak na sagot ko.

"Why does he need to put you first? Why does he have to choose you over himself?"

Kahit na tanong iyon ay nag tunog sumbat ang boses niya.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero natatakot ako. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan ako para sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. I'm sorry, I'm sorry."

Iyon na lamang ang paulit ulit na lumabas sa bibig ko.

"Will your sorry be able to bring back my brother?" he asked when he already calmed himself from crying.

He still look hurt and fragile and I wanted so bad to beg for the Lord, bargain myself to him. I wanted to ask him to take me instead of taking Thunder.

"Walang magagawa ang sorry mo, Zita. Kahit anong gawin mo hindi sapat para maibalik ang kapatid ko. Umalis ka na."

Hindi ako nakaimik o nakakilos man lang. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong humingi ng sorry dahil kasalanan ko naman kung bakit nawala ang kapatid niya. Gusto kong kunin ang bigat at sakit na nararamdaman niya pero wala akong magawa kahit na alin duon.

"Umalis ka na!" sigaw niya na nag pabalik sa akin sa katinuan. Nanginginig akong umalis duon kahit pa nanghihina. Natatakot na baka kapag hindi pa ako umalis ay lalo lang siyang masaktan.

Kaya niya ba ako nilapitan nuon para dito? Iyong mga ipinakita niya ba sa akin noon ay kasama sa plano niya? Kaya ba nag panggap siyang gusto niya ako? Lahat ng iyon ay parte ng plano niya?

Ito ba ang di sakin masabi ni Jericho? Kaya ba pinapalayo niya ako kay Saturn dahil alam niyang kapatid nito si Thunder?

Ang dami dami kong tanong pero hindi iyon ang mahalaga. Nasasaktan ako pero hindi na iyon ang dapat kong isipin sa ngayon.

Ito ang dahilan ng galit na nakikita ko sa kanya mga mata. Iyong galit na kaparehas ng nararamdaman ko para sa sarili ko. May sapat siyang dahilan para magalit sa akin.

Tama nga ako, maiintindihan ko ang rason kung bakit nya ako nasasaktan. Naiintindihan ko.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top