CHAPTER XXII
CHAPTER XXII
Sunday aftenoon when Ara transferred to her new home. Her tita Belen's house is good for a small family. It is a two-storey house with 2 bedrooms. Ten minutes lang ang layo ng Abbys kung maglalakad siya at less than five minutes naman kung magko-kotse siya.
Ipinag-grocery siya ng kaniyang ina at tita Belen at siya ay naiwan kasama ang kuya Mason niya na siyang nagbubuhat ng mga mabibigat.
Natulog siya sa second bedroom dahil sa master's bedroom ay naroon ang mga ilang gamit ng tita Belen niya.
She likes her room very much dahil maliit lang ito kumpara sa silid niya sa mansion. It has a single bed and a table beside it. Wala siyang walk in closet pero mayroon namang built-in closet sa tabi ng CR. She has a sliding window facing to her bed and an empty four layered book shelf.
It was already dark when she finished dusting everything from the house. Ang kuya naman niya ay pinalitan ang lahat ng lock sa bahay at chineck ang mga bintana kung safe ba 'to.
Ara knew she's safe in the house. Yari sa semento ang bakod na may grills. Yari rin sa bakal ang gate at halos natatakpan ang kalahati ng bahay.
Dumating ang kaniyang ina kasama ang tita Belen niya na maraming dala na groceries. Hindi na siya nagtaka na kasama na nito ang papa niya at ang lola Soledad niya. May mga dala itong pagkain.
Ara couldn't contain her happiness. Sa wakas ay magiging independent na siya. She could take care of herself. Siya na ang masusunod kung ano ang gusto niyang kainin. Siya ang masusunod kung anong gusto niyang ayos sa bahay. Siya na rin masusunod kung anong oras siya uuwi. For the first time in her life, she felt so free. Para siyang nakatakas sa rehas.
Ang dining room at kitchen ay halos pinag-isa lang. The dining table is enough for six people at nagpapasalamat siyang nagkasya sila.
"Remember, Ara, we will always have a surprise visit. Kaya huwag na huwag kang magkakamali na mag-bahay dito ng lalaki," sabi ng Papa niya at tumango naman siya.
"Aro, hindi gano'ng klase ang apo ko," tila naiinis na sabi ng lola Soledad niya.
Ngumiti naman siya sa lola niya at hinawakan ang kamay nito.
"Huwag kang mag-alala, lola. Hinding-hindi ko 'yon gagawin," napapangiti niyang sabi rito.
It was already nine o'clock when her family left. Iniligpit niya ang natirang pagkain at inilagay sa ref. Nahugasan na rin ang mga plato kaya ibinalik na lamang niya ito sa lalagyan.
She checked the back door papunta sa likod ng bahay kung saan siya maaring maglaba at magbilad ng damit.
Umakyat siya sa second floor at pumasok sa silid niya. She felt a great relief and and contentment as she lay on her bed. As if her life is just about to start.
***
"Really? Oh, gee! I'm so proud of you, girl!" excited na sabi ng kaibigan niyang si Jecca nang ikuwento niya rito ang lahat.
"Ang dami ngang nangyari, eh. Pero ang mahalaga ay pinagkatiwalaan ako ni Papa na bumukod. Alam mo naman na noon ko pa 'to gusto gawin, 'di ba?" she said beaming.
"I know. Remember no'ng nag OJT tayo. Dapat ipapadala tayo sa Manila pero hindi ka pinayagan kaya nag OJT ka na lang sa Naga—partida kasi uwi-uwi ka pa noon."
"Inggit na inggit ako noon sa'yo, eh," nakanguso niyang sabi pero kinumpas lamang ng kaibigan niya ang kamay na para bang 'past is past'.
"So, magpapa-party ba tayo sa bago mong bahay? Ah! Let's invite our officemate. Kahit kailan ay hindi pa tayo lumabas bilang isang grupo," her friend suggested pero mariin siyang umiling.
"Hindi ako puwedeng magpa-party kasi under observation pa ako ni Papa. But we can go out as a group," she said and Jecca's eyes twinkled with excitement.
Agad itong tumayo at pumunta sa gitna ng opisina.
"Guys! Let's dine out after work! Treat namin ni Ara!" malakas ang boses na sabi nito kaya agad na nakuha ang attensyon ng mg aka-opisina niya. Pero hindi rin siya sure kung ang nakakuha sa attensyon nila ay ang malakas na boses ni Jecca o ang salitang 'libre'.
"Ay sure!" nakangiting sabi ni Jerry.
"Padespidida mo ba 'to, Ara, bago ka ilipat sa Audit Team?" tanong ni Joan.
"Audit team?" Krizza and Mae said in unison.
"Ay bakla ka, Joan! Bakit mo sinabi agad? Surprise 'yon!" humahagikgik namang sabi ni Jecca.
"W-wala pa namang proper order kung kailan ako ililipat, eh," she said almost embarrassed.
"Ah, basta. Dine out tayo later," sabi ni Jecca.
Bigla silang natahimik nang bumukas ang maindoor ng office at pumasok si Mr. Sindred Dantalion—their new manager. Isa-isa ay tumingin ito sa kanila. He showed a slight beam that showed his charming smile.
"Good morning everyone," he said.
"Good morning, Sir," they said chorused.
"Dining out, aren't we?" he said and she saw her officemates cheeks turned red.
"N-narinig niyo po pala, Sir," rinig niyang sabi ni Jecca.
"Gusto niyo pong sumama, Sir?" tanong ni Mae.
Tumingin ang lalaki sa kaniya at makahulugang ngumiti.
"I want the host to invite me properly," he said grinning. She swallowed a huge lump on her throat as she felt uncomfortable with his stare.
"Actually, Sir, kami ni Ara ang host. So I can invite you in our dine out." Sabi ni Jecca.
Hindi niya alam kung pasasalamatan ba niya ang kaibigan dahil sa pagiging madaldal nito. Sa tagal niya itong kasa-kasama, bakit ba hindi pa niya magaya-gaya ang ugali ni Jecca. She sometimes wishes that she have her courage and outspoken attitude.
"See you later then, Ms. Hugo..." he turn to her then beamed. "and Ms. Felices."
He walked towards his office leaving her officemates dumbfounded.
"Oh, my God." Jecca murmured.
"Jec," Mae said. "Chance na natin 'to." She giggled. Hindi nakaligtas kay Ara ang pag-irap ni Krizza.
"Huwag kayong malalandi. Naku, sinasabi ko sa inyo. Behave kayo mamaya!" saway ni Krizza sa dalawa.
Bumalik si Ara sa cubicle niya at hinayaan ang mga katrabaho na mag-usap. She have to finish her deadline. Ayaw niyang malipat sa ibang opisina na may maiiwan pa siyang trabaho.
Sa gilid ng kaniyang mata ay nakita niyang naupo sa cubicle niya si Jecca. She was giggling like a teenager.
"May asawa na kaya si Sir?" she heard her say.
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang trabaho. Alam na alam niya kapag may crush ang kaibigan kaya hindi na lihim sa kaniya na tipo nito ang bago nilang boss.
"Ara, hindi ka ba naga-guwapuhan kay Sir Sin?" tanong nito at talagang sumilip pa sa cubicle niya.
"Guwapo siya," she answered without even looking at her.
"'Di mo crush?" pangungulit pa nito.
"Hindi mo ako kaagaw sa kaniya kung iyon ang gusto mong marinig," natatawa niyang sabi.
"Alam ko naman iyon," her friend said pouting.
"Hindi lang si Sir ang guwapong lalaki na nakilala ko. At sa totoo lang ay may mas guwapo pa sa kaniya," sabi niya at ngumiti lang ng makahulugan ang kaibigan.
"You're talking about that Thorn guy again. Well, to see is to believe. Hanggang sa hindi ko pa siya nakikita, para sa akin si Sir Sin ang pinaka-guwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko." Lumabi ito sa kaniya bago umalis sa cubicle niya.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala si Thorn. Kailan kaya ito babalik? Hanggang kailan naman siya maghihintay? He doesn't even promised her anything. Wala siyang pinanghahawakan dito. Alam na ng lalaki na gusto niya ito pero hindi niya alam kung pareho sila ng nararamdaman. For all she know, one sided love silang dalawa.
It was lunch time at sabay-sabay silang magka-opisina na kumain sa cafeteria. As usual ay binigyan na naman siya ng mansanas ng food server sa canteen. Hindi naman siya makatanggi dahil pakiramdam niya ay masama ang tumanggi sa pagkain.
"Paborito ka 'ata ni Manang," bulong sa kaniya ni Jecca.
"Huh?" patay malisya niyang sabi.
"Ang dami kasi lagi ng serving sa'yo tapos with free apple pa." sabi nito.
Hindi niya alam na pati ang kaibigan niya ay napapasin din ang matandang babae sa pagbigay sa kaniya ng mansanas at sobrang takal ng pagkain.
Nang matapos silang kumain ay tumambay sila sa lobby habang hinihintay ang ala-una. Si Mae ang naunang mag-aya na mag-picture. Hindi niya mabilang kung nakailang pose sila. Natigil lamang sila nang tawagin siya ng receptionist sa front desk.
"Ma'am Ara, may mail po kayo. Actually kakarating lang," inabot nito sa kaniya ang sobre at kinuha naman niya.
The glossy envelop has her name written on it. She read the letter and her heart skipped a beat.
Araceli,
Our last conversation didn't end well. But I do hope you're doing well. Please be safe for me. Don't stay late at night. I would love to see you again unscathed.
Thorn
It was the shortest letter she ever had. But for her, it was the sweetest letter she ever read. She misses him. Ni hindi niya inaasahan na magpapadala ito ng sulat para sa kaniya. Although she preferred him to text or call her. It was rather thoughtful that he sent her letters.
She absentmindedly hugged the letter while smiling. Ewan niya ba. Para na naman siyang teenager na kinikilig. Bakit ba ganito kalaki ang epekto sa kaniya ng lalaki?
"Kanino galing ang sulat?" untag ni Jecca. She was trying to peeked on the letter.
"Kay Thorn," she whispered. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kaibigan. Halata sa mukha nito ang gulat. Kaya wala na siyang nagawa nang kunin nito ang sulat sa kaniya at binasa.
She waited for her to say something. Hinintay niyang pintasan nito ang sulat. Sabihan siya ng baduy. Pero hindi niya inaasahan nang bigla itong ngumiti.
"I now understand why you like this guy. Hindi cheesy sa sulat pero...nakakakilig, eh,"
Mas lalong lumawak ang mga ngiti sa labi ni Ara.
She look further on seeing him even more.
***
Ten minutes before five o'clock ay nag-aayos na ang mga katrabaho ni Ara. It's not even Friday pero mga excited itong umuwi dahil sa little get together nila.
Her friend Jecca has the courage to ask their boss if he's going with them o susunod na lang. Dahil may sarili itong sasakyan kaya susunod na lang ito sa kanila. Dahil siya lang ang may sasakyan sa kanilang magkaka-opisina kaya sa kaniya na rin sasabay ang lima. Hindi niya alam kung paanong nagkasya ang limang niyang ka-opisina sa Kia Picanto niya. Jecca is in the front seat while Joan, Jerry, Krizza, and Mae are trying to squeeze for a proper space. Mabuti na lang at parehong slender sina Mae at Krizza kaya hindi problema kay Jerry na magkasya dahil medyo may kalakihan ito.
Jecca suggested na sa Bar 101 sila.
"Sir Sin! Sir Sin!" napatingin si Ara sa kaibigan nang bigla itong magsisigaw. "Sa Bar 101 kami. Sunod ka na lang, okay po?"
Sindred gave a thumbs up before closing the window.
"FC ka talaga, Jec," hindi mapigilang sabi ni Mae.
"Inggit ka lang kasi wala kang guts para kausapin si Sir Sin," nang-aasar na sabi ni Jecca sa ka-opisina.
Ara drive quietly. Dahil rush hour kaya halos inabot sila ng isang oras sa biyahe. The bar has a descent parking space kaya hindi siya nahirapang i-park ang sasakyan. Nauna sa kanila ang kanilang boss. Nakahalukipkip itong naghihintay sa entrance ng bar.
"Hi, sir!" rinig niyang sabi ng kaibigan nang makababa ito.
Papasok na silang loob nang humawak sa braso niya si Krizza. May mga mangilan-ilang nang nasa loob ng bar. Sa gitna ng entablado ay may nagse-set-up ng drum set. Giniya sila ng waiter sa couch seat kung saan kasya silang pito.
Lihim naman siyang nagpapasalamat kay Jecca dahil ito ang nagbigay ng order sa kakain nila sa waiter. Ibang-iba nga ang kinikilos nito, eh. Na para bang nagpapakitang gilas ito sa boss nila. Napapangiting napailing siya.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga pagkain nila. Marahil ay kung wala sina Jecca at Mae na siyang pasimuno sa mga kalokohan ay boring ang dine out nila. Hindi naman kasi pala-imik si Joan, at halatang nahihiya sina Krizza at Jerry sa presensya ng kanilang boss.
"Madalas niyo ba itong ginagawa?" tanong ng boss nila at sa kaniya ito nakatingin. Magkaharap kasi ang upuan nila at napapagitnaan ito nina Jecca at Mae.
"Ngayon lang nga po, eh," si Mae ang sumagot para sa kaniya.
"KJ kasi si Miranda kaya pati kami nahawa," nakalabing sabi ni Jecca at nagtawanan sila.
"Pero saan na kaya si Ms. Miranda, 'no?" tanong ni Joan.
"Naku, wapakels sa kaniya. Dahil sa kaniya kaya stress na stress tayo sa trabaho kahit hindi naman dapat," ani Mae.
"Nalipat ba siya sa ibang department, Sir?" tanong ni Krizza.
Muling tumingin sa kaniya ang kanilang boss. There was something about him that could be compared to Thorn. That aura.
"Do you really wanna know where she is right now, Ms. Cartel?" he said to Krizza.
Lahat sila ay tumango. Maging siya ay curious din kung sinesante ba talaga ang dati nilang boss o nalipat lang sa ibang department.
"I honestly don't know where she is now. But knowing our Ch—...the owner of the company, I bet he sent her back to hell where she belongs." He said grimly.
Ara felt her nape shuddered. Whether he is talking figuratively, it still sounds morbid and scary.
"Nakita mo na baa ng may-ari ng Abbys, Sir?" curious na tanong ni Mae.
A grim smile spread through his face before nodding. She heard them gasped with amazement.
"Totoo bang matanda na ang may-ari?" dagdag na tanong ni Mae pero pinandilatan ito ni Jecca.
"Sorry to burst your bubble pero sobrang guwapo ng may-ari ng Abyys!" Jecca hissed.
"Bakit, nakita mo na ba?" nakataas kilay na sabi ni Mae.
"Hindi pa. Pero totoo ang sinasabi ko, hindi ba, Ara?" lahat ay tumingin sa kaniya at hinihintay ang sagot niya.
"Mmm," nasabi na lang niya para hindi mapahiya ang kaibigan.
"Hmp! Pero mas guwapo pa rin ang boss natin," Mae said giggling while staring at Sindred.
Narinig niya ang mahinang tawa ng binata 'saka ito tumingin sa kaniya.
"What do you think, Ms. Felices?" he asked grinning.
How could he tell him na may mas guwapo pa rito? Of course they'll think she's biased.
"Hay naku, Sir..." Jecca said before she could answer. "That woman is in love. The only handsome in her eyes right now is Th—"
Her feet reflexed at mabilis niyang sinipa ang paa ni Jecca sa ilalim ng mesa. Pinandilatan niya ito pero tumawa lamang ito.
"Did you just kick me, Ms. Araceli?" her boss asked that made her gasped in horror.
Tumawa ng malakas si Jecca at dinilaan siya.
Ugh! Jecca, pahamak ka! Piping sabi niya.
"Sorry po. Hindi ko sinasadya," she said embarrassed.
After nilang kumain ay umorder sila ng mga light drinks. Nagsimula na rin ang banda na kumanta at unti-unting napupuno ang bar.
Tumayo si Jecca at niyaya ang boss nilang sumayaw sa dance floor. Maging si Mae at Joan ay tumayo rin. Naiwan silang tatlo ni Krizza at Jerry sa table.
"Naku, tumatawag na si komander. Hindi ako nakapag-paalam na late ako makakauwi, eh," natatarantang sabi ni Jerry na tinutukoy ang asawa.
"Sige na. Sagutin mo na 'yan bago pa mag beast mode ang asawa mo," sabi ni Krizza sa kaniya.
Tumayo ang lalaki at naiwan silang dalawa ni Krizza sa table.
"Gusto ko nang umuwi," sabi nito at tumango rin siya.
"I'll settle the bill para mabilis na lang na makauwi tayo," sabi niya rito 'saka tumayo dala ang bag.
Pumunta siya sa cashier katabi lang ng bar counter.
Pinaghintay siya ng ilang minuto para sa bill kaya naupo muna siya sa bar stool.
Ano kaya ang iisipin ng ama niya kapag nalaman nitong sa pangalawang gabi niya sa bagong bahay ay umuwi siya ng late at galing pa sa bar?
Well, it's not like she's drunk, right? Inaantok lang siya kaya gusto na niyang umuwi.
Sa wakas ay ibinigay ng waiter ang bill at mabilis niyang kinuha ang wallet niya para kunin ang credit card niya. Muli ay pinaghintay siya ng ilang minuto para ma-process ang bill.
Pinagmamasdan lamang niya ang iba't-ibang inumin na naka-display sa bar counter nang bigla siyang lapagan ng Shirley Temple sa harap niya ng bartender. He was beaming at her kindly.
"Hindi naman ako nag order nito," naguguluhan niyang sabi.
"Natuwa po 'ata sa'yo ang isa sa regular customer namin kaya binigyan kayo ng ladies' drink," nakangiti nitong sabi at itinuro ang customer na tinutukoy.
The man was sitting five meters away from her. Itinaas nito ang hawak na kupita bilang pagkumpirma na ito nga ang nagpabigay ng drink. Nginitian niya lang ito bilang pasasalamat.
Tiningnan niya ang inumin. If the bartender is the one who prepared the drinks, siguro naman ay hindi nito nilagyan ng drugs ang inumin niya. Hinawakan niya ang baso. Ngunit bago niya pa ito maiangat at may kamay na pumigil sa kaniya. Agad siyang nag-angat ng tingin at gulat na makita si Sindred.
"Thorn told me you easily trust everyone. One of the things he doesn't like about you."
What he said astounds her. He knew him! Kilala niya si Thorn!
"Kilala mo siya?" gulat niyang tanong.
Maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya at hindi niya alam kung paano iyon sasabihin. Gusto niyang tumalon sa sobrang saya dahil sa wakas ay totoo pala talaga si Thorn at hindi lang imbento ng imahinasyon niya. He exists and this man in front of him knew the guy.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" he smirked.
"K-kasi po...ano..." she smiled awkwardly. Para siyang bata na napatunayan na totoo nga ang Santa Clause.
"I knew him too well. And he told me about you."
Biglang tumibok ng malakas ang puso niya.
"T-talaga po?"
"Yes. But he strictly ordered me not to tell you anything. I don't know what he's up to. But he told me to watch over you."
Nagdidiwang ang puso niya. He cares for her after all.
"Gaano katagal siyang mawawala?" tanong niya.
"Well, I don't know. But it was Abbys related," he said then winked.
So he really works at Abbys. She thought.
"Ano pong department siya?"
Sindred chuckled and patted her head.
"I'm starting to love this charade, really," then he chuckled again. "Don't you just love secrets and surprises, Ms. Felices? It's what makes this world...exciting. Don't you think?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top