CHAPTER XVIII
CHAPTER XVIII
The flame on the bonfire reflects on his eyes as he was staring off in space. Gusto niya itong tanungin kung ano ang iniisip nito. Marami siyang gustong malaman tungkol sa binata. Pero kusa namang umaatras ang dila niya dahil sa takot nab aka isipin nito ay isa siyang nosy girl.
“I see you have lots of questions…” he said to her.
Nababasa ba nito ang iniisip niya? Ah. Syempre hindi. Madali lang talagang mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
“A-ano…hindi naman. Pero, curious lang ako…gano’n,” nahihiya niyang sabi. “Naalala ko noon ang sabi mo ay inabando ka ng parents mo. Pasensya na kung tinanong ko sa'yo kagabi. Medyo nawala lang sa isipan ko.”
“It’s okay. That’s your nature. To question is a human nature.” Seryosong sabi nito.
Kahit nagtataka ay tinanguan niya ito. Medyo nasasanay na siya sa lalaki sa istilo ng pagsalita nito.
Kinuha niya ang marshmallow at itinusok sa stick. Inilapit niya ito sa bonfire at nagsimula na itong mag-melt.
“I’ve never done this before,” she said to him chuckling. “Kahit kailan ay hindi pa kami nagbakasyon na pamilya sa malayong lugar, eh. I can’t even remember the last time we had our family bonding.”
“Really?” he said amused.
“Ang pinakamalayong lugar ang napuntahan ko ay sa Manila no’ng may seminar kami sa school. Ayaw pa nga sana ako no’n payagan, eh.”
“You seem to have a strict parent,”
“Yes I do. Lalo na si daddy. Maybe that’s because they’re too religious,” she answered.
“Religious, huh?” he said.
She don’t know if it’s just her imagination but she saw him smirked as if he doesn’t believe her. Hinayaan niya na lang dahil sa totoo lang ay ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa relihiyon.
“Then why did they let you have a vacation with a guy like me?”
Napalunok siya. Sasabihin niya bang nagsinungaling siya sa magulang para payagan na umalis? Magiging masama ba siya sa paningin nito.
“I…I lied to them. Ang sabi ko…seminar ang pupuntahan ko,” she said biting her lip.
She saw him grin triumphantly before bowing her head because of shame.
“Does that mean I’m corrupting you?” he said then chuckled.
“Of course not!” depensa niya. Ayaw niyang isipin nito na bad influence ang lalaki sa kaniya.
“Then why did you lie to your family?”
Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang gustong marinig nitong magiging sagot niya.
“H-hindi ako papayagan…kapag sinabi kong lalaki ang kasama ko.” Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. “Ayaw mo bang nagsinungaling ako? Because right now, I could call my brother and tell him the tru—“
“I love that you’re willing to lie to be with me. And don’t ever think for a second that I’ll be turn off because of that.”
Tumayo ito at tumabi sa kaniya. Umupo sa katabing baton a inuupuan niya rin.
“My sweet innocent Araceli,” he murmured.
She felt her heart racing together with the little butterflies inside her stomach. Gusto niyang sumigaw ng ‘OMG’ ng paulit-ulit sa sobrang kilig but she stayed composed.
“T-Thorn…”
Kung ang marshmallow ay natutunaw dahil sa bonfire, siya naman ay parang natutunaw sa mga titig nito.
“G-gusto mong marshmallow?” naiilang niyang tanong.
“Is that all you can offer?”
“Uhm…may…may hotdog pa rito—“
Gumalaw ang sulok ng labi nito. Hindi naman alam ni Ara kung ano ang gagawin niya. She was fine sitting across him. Pero ngayong lumapit ito ay para bang pinagkaitan siya ng hangin.
Sa sobrang pagkailang niya ay tumayo siya. Kinuha ang bottled watter sa lalagyan ang mabilis itong nilagok. Malamig ang panahon pero bakit namamawis ang noo niya?
“Are you okay?” he asked.
“Yes.” She immediately answered. “Gusto ko lang maglakad. M-medyo pinupulikat kasi ako sa sobrang lamig.”
Liar!
“Do you want to go to the forest?”
“Baka mawala tayo.”
“I could roam around inside the forest even blind folded. Come on…”
Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang kamay niya. Ang mainit nitong kamay ay nanunuot sa maginaw niyang kamay. His hands feel like a cozy heater.
Magkahawak kamay silang bumaba papunta sa forest kung saan hindi kalayuan sa likod ng mansion.
The entrance of the forest has an arc with an unknown language written on it. It has a trail between the trees with fallen dried leaves. May mga lumilipad na uwak sa taas ng puno kung saan makikita ang makulimlim na kalangitan dahil halos nakakalbo na ang mga puno.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito nang hindi na niya makita ang pinasukan nila kanina. Malayo-layo na rin ang narating nila pero para bang ang dinadaan nila ay pareho lamang.
Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Tumingala siya kay Thorn at tumingin din ito sa kaniya.
“May ilog ba rito?” nagtataka niyang tanong at tumawa lang ito.
“May batis sa baba. Gusto mo bang makita?”
Agad siyang tumango.
Naglakad pa sila at inalalayan siya ni Thorn dahil medyo pababa na ang daan at hindi na gaanong maayos ang dinadaanan nila dahil sa mga nakabalandrang sanga ng kahoy.
The trail became more slope so Ara doesn’t have the choice but to held on his waist. Hinawakan din ng binata ang braso niya para hindi ito dumalisdis pababa.
Sa hindi kalayuan ay nakikita na niya ang batis. Nanginig na ang buong mukha sa sobrang lamig. Malakas ang hampas ng tubig sa mga naglalakihang bato.
The only landing to the stream is a rock boulder emerged to the water. Nakakatakot kung titingnan. But she was confident enough that this guy holding her won’t let anything bad happen to her. Ganoon kalaki ang tiwala niya para rito.
May mga hindi kalakihang bato na hindi nakalubog sa tubig papunta sa kabilang batis kung saan ay kagaya rin ng kagubatan na pimasukan nila kanina.
“Are you cold?” he asked and she nodded.
Mas lalong lumapit ng binata sa dalaga halos yakapin na. Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at ipinasok sa suot nitong duffel coat—almost hugging him.
“Do you want to go there?” itinuro nito ang kabilang kagubatan.
Nag-aalangan na napatingin siya sa dadaanan nila kung sakaling tatawid sila sa batis.
“Nakakatakot. Baka malunod tayo sa batis. Hindi pa naman ako magaling lumangoy.” She said almost pouting.
“Do you think I will let you fall without catching you?” he said that made her heart leap.
“Y-you…you will catch me if I fall?” she said as if tantalized.
Oh, get a grip, Ara. He’s talking about you falling down the streaming water not your feelings! Her conscience telling her.
Nahihiyang tumikhim siya at pilit na ngumiti sa binata.
“S-sige. Basta alalayan mo ako,” she said embarrassed. Sana lang ay hindi nito nahalata ang pagiging low-ley malandi niya.
“Here.” Tumalikod ang binata at bahagyang nag-squat. “Back-ride with me para hindi ka mahirapan.”
“Mabigat ako,”
“I could carry a three Araceli without even falling.”
Lihim siyang napangiti. Isn’t this one of her fantasies? To be carried by the person she fancies in an unexpected place.
Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ng binata pati ang binti niya sa bewang nito.
Nag-simulang maglakad ang lalaki sa mga batong naka-usli sa tubig.
May tiwala naman siya kay Thorn na hindi siya nito ihuhulog. Pero paano kung mawalan ito ng balanse? Kahit sabihin nitong kaya siya nitong buhatin kahit tatlo pa siya… tao pa rin naman ito. Well expect if he’s a supernatural being.
Gusto niyang matawa sa naiisip. Thorn may be perculiar and mysterious but he is far from being a supernatural being.
Speaking of supernatural being…
“Thorn, hindi kaya maengkanto tayo rito?” tanong niya.
“No one would dare enter my territory. Not even that engkanto you’re talking about.” Sagot nito.
“Paano mo naman nasabi 'yon, eh, hindi naman natin sila nakikita,” she said.
Hindi siya nito sinagot kaya tumahimik na lamang siya hanggang sa makatawid sila sa kabila. Maingat siya nitong ibinaba sa lupa. Muli ay hinawakan nito ang kamay niya nang maglakad sila.
Walang pinagkaiba ang kagubatan sa nauna nilang napuntahan. At para bang wala itong katapusan. If it wasn’t for Thorn, she wouldn’t dare going to this depressing forest. Anyone could get lost easily dahil wala man lang palatandaan sa paligid kung saan sila papunta.
“Saan na tayo?” tanong niya. Para kasing wala na silang direksyon.
“Malapit na tayo,” he replied quietly.
They walked. A very long walk. She could feel her feet hurting. Gusto na niyang umupo. Kanina pa sila naglalakad. Idagdag pa ang malamig na panahon. Halos namamanhid na ang buong mukha niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang ilong.
She stopped. Thorn turn to her, puzzled.
“Pagod na ako,” pagrereklamo niya.
“Do you want me to carry you?”
“No!”
“Malapit na rin naman tayo. Five minutes na lang.”
Napabuntong-hininga siya. She’ll endure it. Kaya niya pa naman niya.
“Let’s go,” nasabi na lang niya.
Hindi nagtagal ay narating nila ang sinasabi ng binata.
A tree.
She endured the cold temperature, the depressing forest, and walk past the streaming water just to see a tree with a normal leaf.
Gusto niyang makaramdam ng inis. What so special about the tree na parang manghang-mangha ang pagkakatingin ng kasama niya rito?
“Ahm…”
“Let’s go inside.”
“Ha?” gulat niyang sabi.
Saan sila papasok? Sa puno? Tree house ba 'yan?
“What is that tree?” she asked.
“I’ll tell you when we’re inside.”
Hindi siya umimik at sumunod lamang sa lalaki. So tama siya. The tree is a house. Iyon nga lang ay hindi siya naka-hang sa taas ng puno kundi sa loob mismo ng katawan ng puno.
Sa gilid ng trunk ay may pinto. A loud gurgling croak and shrill was heard the moment the door was opened. Ara turned her head to her side only to see five Crows lined on a fallen branch. Pakiramdam niya ay nagsitaasan ang balahibo niya nang mas lalong lumakas ang ingay nito. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakita ng uwak. And she was made to believe that crows bring bad luck.
Pumasok sa loob si Thorn at sumunod naman siya. Ayaw niyang maiwan sa labas lalo na at feeling niya ay sa kaniya nakatingin ang mga uwak. It so creepy. That maybe anytime those bird would devour her like a prey.
Isinara ng binata ang pinto dahilan para mawalan siya ng paningin.
“Ang dilim.” Nasabi na niya lang.
“I’ll get a candle,” rinig niyang sabi nito pero mabilis niya itong pinigilan.
“Don’t leave me here!” parang bata niyang sabi.
“Relax. Nothing will happen to you here. Nasa kusina ang kandila.”
Lihim lamang siyang napangiwi.
Kusina. May kusina rito? Wow. Hindi na siya magtataka kung biglang isang mansion pala 'tong loob ng punong 'to.
Wala pang isang minuto ay bumalik din si Thorn na may dalang kandila. Sinindihan din nito ang ibang lamparang nakasabit sa mga haligi. Biglang lumiwanag sa loob at do’n niya nakita ang kabuuhan ng tree house.
Nakaapak siya sa may landing ng hagdan. Pababa ay makikita ang salas. Natatanaw din ang kainan at ang kusina. Bumaba siya at nakita niyang may isa pang pintuan sa gilid ng salas at hula niya ay silid-tulugan iyon.
Ang dingding at ceiling ay nababalot ng ugat ng puno. Ang upuan sa salas na yari rin sa kahoy at may tumutubo ng kabute. May mga agiw sa sulok ng ng bahay at hindi na siya magtataka kung may makikita siyang gagamba roon.
Ang amoy sa loob ay parang amoy kapag lumabas ka ng bahay na katatapos lang umulan.
Puno ng tanong na lumingon siya sa binata. Bakit ba siya nito rito dinala?
“Is this your hideout?” she asked biweldered.
“This place is where Thorn Valverde was born after I was…” he trail off then cleared his throat. “ After I was abandoned.” Mapait nitong sabi.
Hindi niya alam ang sasabihin. Marami siyang katanungan pero hindi niya alam kung saan sisimulan. Why is he abandone? Why is he talking as if he is not the Thorn? He always talks figuratively and she doesn’t know which one is the truth.
Seryosong tumingin sa kaniya ang binata.
“Are you scared of me?”
“Alam mong hindi ako natatakot sa'yo. I trust you. Pero Thorn…”
“I know. I am a mystery to you. But I’m sorry Araceli. I couldn’t tell you everything. You will hate me. And the worst is, you might be scared of me.”
Lumapit ang dalaga sa kaniya. Tumingala ito at inabot ang pisngi ng binata.
“I couldn’t hate you.” Kasi gusto na kita.
A slight smile crept on his face.
“I wish I could kiss you.” He said.
Napakunot-noo ang dalaga.
“Dalawang beses mo na 'yang sinasabi sa akin. Why can’t you do it?” tanong niya.
Iniisip na nitong magagalit siya sa kapag hinalika siya nito? Oh, dahil sa malaki ang respeto nito sa kaniya.
“I can’t.”
“Why?”
“Because I can’t. I’m not allo—“ huminto ito. Huminga ng malalim 'saka muling sumeryoso ang mukha. “I just can’t.”
Hindi na siya nagpumilit pa. Kasi sa inasta niya. Para bang gusto niya ring halikan siya nito.
Thorn let her stay inside his bedchamber. Ipagluluto raw siya nito ng hapunan.
Hindi gaanong malaki ang silid. Isang kama, lamesa sa tabi ng kama, cabinet, at book shelf. May mga lumang librong nakalagay dito na kagaya ng kabuuhan ng tree house ay luma na rin.
Natatawa siya sa ideyang parang bahay ito ni Winnie the Pooh. No’ng bata pa siya ay hilig na hilig niyang panoorin ang Winnie the Pooh and friend. Pinangarap niya rin noon na magkaroon ng bahay sa puno katulad nina Piglet, Tigger, Eeyore at Rabbit. At ngayon na na-immortalized ang childhood dream niya ay hindi niya mapigilang makaramdam ng tuwa. Maraming bagay ang ipinaramdam sa kaniya ni Thorn na hindi niya naramdam noon.
Kinuha niya ang lampara at tumingin-tingin sa loob ng kuwarto. Binuksan niya ang cabinet at may isang jacket lang na nakasabit dito. Kulay tsokolate at luma na. Isinara niya ito at pumunta sa may book shelf. Puros makakapal ang libro. Ang bawat pahina ay halos marupok na at kailangan ingatan sa pag bukas.
Sa gitna ng mga libro ay may maliit na treasure box. It actually looks expensive. She opened it pero isang nakatuping papel lang ang nakita niya. Out of curiosity ay binuklat niya ang papel. It was yellowish. The letters are almost fading. Napupunit na rin ang mga gilid at linya ng tinupi.
…nothing could bring them back. For a fallen could never be redeemed.
Page 475 of 621
That was the only word she could read. Muli niyang tinupi ang papel. Ibabalik na sana niya ito sa treasure box nang makita niyang may kuminang.
A small emblem. It has wing shape. But it was burned. May isang parte lang ng disenyo ang hindi sunog kaya kuminang pa ito.
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.
“What’s this?” she showed him the emblem.
She was expecting an answer pero bigla na lamang nagdilim ang mukha nito. He snatched the emblem from her at ibinalik ito sa treasure box.
“Who told you to pry on my belongings?!” galit nitong sabi.
“I’m sorry. H-hindi ko alam—“
“Dinner is served. Kumain ka na bago pa pakialaman mo ang iba ko pang gamit!”
Lumabas itong silid at naiwan siya.
Parang piniga ang puso niya. Ginalit niya ito. At sobra siyang nahihiya. Hindi dapat siya nakialam.
Ang galit nito… nasasaktan siya. She must like him a lot to feel this way.
Nagulat na lang siya nang biglang may luhang umalpas sa mata niya. Agad niya itong pinalis.
Masama ang loob niya. Oo. Pero may mali rin siya. She shouldn’t have snoop on his things.
“Ang pakialamera mo kasi, Ara!” pagalit niya sa sarili.
Laylay ang balikat na lumabas siyang silid. Wala si Thorn sa salas maging sa kusina. Napilitan siyang kumain ng mag-isa dahil kanina pa siya gutom.
Nakakawalang gana. Gusto niya itong kasalo kumain. Gusto niyang humingi ng tawad. Gusto niyang sabihin dito na hindi na niya uulitin. Pero naunahan siya ng hiya.
Matapos siyang kumain ay lumabas siyang tree house. Nanatili siya sa may pintuan dahil masyadong madilim sa labas. It was pitch black. All she could hear is the rustling sound of the trees dancing with the wind. Plus the cawing sound of crow.
Thorn, saan ka na?
Kinuha niya ang lampara na nakasabit sa haligi malapit sa pinto at lumabas. Saan ba ito nagpunta gayong sobrang dilim?
“Thorn?” malakas niyang tawag dito. “Thorn!”
Natatakot na siya. Nangangatal na ang buong katawan niya dahil sa lamig. Nakalimutan niyang isuot ang coat sa na hinubad niya kanina dahil hindi malamig sa loob.
“Thorn!” muling tawag niya rito.
She’s afraid. Hindi dahil sa baka may makita siyang multo, o engkanto. Natatakot siya dahil baka iniwan siya nito. He might have left her because he’s angry at her.
“Thorn!”
Napatalon siya sa kinatatayuan nang biglang nag-ingay na naman ang uwak.
Napahikbi siya bigla. She felt like a child that was lost in the woods. Siguro ganito rin ang naramdaman ni Hansel at Gretel nang iligaw sila nang kanilang tatay.
“Thorn naman, eh!” she said crying softly.
“Areceli?”
Napalingon siya sa likod niya at tumambad sa kaniya ang binata na may dalang banga.
“Thorn!” tumakbo siya palapit dito. Hindi niya alam kung yayakapin ito o ano. Pero naalala niya. Galit pala ito sa kaniya.
“Are you crying?” nag-aalalang tanong nito.
“A-akala ko kasi…iniwan mo na ako.” Napasinghot siya.
“Why would I do that?”
“Eh…kasi…”
“Kumuha lang ako ng tubig para mainom natin.” Sabi nito at napatingin naman siya hawak nitong banga.
“Sorry nga pala kasi pinakialaman ko ang gamit mo. Promise hindi ko na 'yon uulitin.”
“I should be the one who should sorry. I overreacted. I’m sorry, too, Araceli.”
She beamed at him.
That’s all she need. Hindi niya siya ang tipo ng babae na gustong palakihin ang gulo. Ayaw niyang gawing kumplikado ang feelings niya.
The crow started cawing again. Mas lalong lumakas ang hangin kaya namatay ang sindi ng lampara.
“Pumasok na tayo.” Rinig niyang sabi Thorn.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top