CHAPTER XVII

CHAPTER XVII

Nagising ang dalaga dahil sa sunod-sunod na tunog ng phone niya. Inaantok na kinuha niya ang phone na nakalapag sa bedside table at halos mapaungol nang makitang si Jecca ang nag-text.

From Jecca:

7:10 AM

Papasok ka girl?

7:15 AM

Naka-leave ka raw sabi ni Mae?

7:17 AM

May sinabi sa akin si Krizza!

7:20 AM

You didn't tell me about this guy, Ara. Nakakatampo ah.

7:25 AM

Are you with him?

7:26 AM

Enjoy your vacay!

8:16 AM

Holy shit, Ara! Natanggal sa trabaho si witchy!

Napabalikwas siya dahil sa huling text na nabasa niya. Bakit natanggal sa trabaho si Miranda? Sino ang sumisante sa kaniya?

Her mind has full of questions when she heard the connecting door opens. Niluwa nito si Thorn na halatang kakatapos lang maligo dahil medyo basa pa ang buhok nito. Nakasuot lamang ito ng navy blue chino shorts at gray V-neck shirt. Very casual at malayong-malayo sa porma nito sa tuwing nakikita niya ito.

"Good morning." He said beaming.

Naiilang na ngumiti siya. Nahihiya rin siya dahil nakita siya nitong kakagising lang. Ni hindi niya alam kung ano ang hitsura niya ngayon. Malamang ay nagmukhang pugad ng ibon ang buhok niya.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya.

"Oo. Wala nga akong maalalang panaginip, eh. Para bang sobrang na-relax ang katawan ko." Sabi niya. May sumilay na ngiti sa labi ng binata at hindi niya maiwasang kiligin.

"That's good to hear," he said gladly. "Why don't you prepare yourself and I'll be downstairs,"

"S-sige,"

Isinara ng binata ang connecting door. Tumayo naman siya para maghanda. Binuksan niya ang maleta niya at inilabas ang denim shorts niya at pink cotton blouse.

She appreciated the Victorian bathroom that has bathtub and shower cubicle pero ayaw naman niyang paghintayin si Thorn sa baba. Mamayang gabi na lamang siya magbababad sa bathtub, kapag may oras.

Agad siyang nagbihis nang makapagtapos maligo. Good thing she brought with her her portable brush blower kaya madali para sa kaniya para patuyuin ang buhok. Naglagay lamang siya ng pulbos sa mukha at lip tint bago lumabas.

Agad niyang nahanap ang main stair at bumaba siya at nakarating sa foyer. Nadatnan niya si Thorn sa dining hall—pacing back and fort. Para bang hindi ito mapakali.

"Thorn, are you okay?" she asks announcing her presence.

"Araceli..."

"May...problem aba?" nag-aalala niyang tanong.

Hindi maipinta ang mukha ng binata. Napatingin siya sa window between the kitchen and dining hall at may mga ingredients na nakapatong sa basket.

"Can you cook breakfast?" he asks.

Natahimik siya. Seryosong-seryoso ang mukha nito at para bang disappointed ang mukha nito sa sarili.

"Iyon lang ba ang problema mo?" she asks, trying to suppress the grin on her face.

"Well..." hindi ito makaimik. Para bang nabahiran ang pride nito sa kahihiyan. Wala namang masama kung hindi ito marunong mag-luto. Hindi ito nakabawas sa paghanga niya rito.

"I'll cook us a breakfast, then," she said.

Umikot siya papuntang kusina. The island kitchen looks vintage. At the middle of it is a wooden table which is the preparation area. Sa likod niya ay kalan and thank God dahil kahit papaano ay makabago naman ang gas stove. Akala niya ay kailangan niya pang maghanap ng pang-gatong para makapag-luto.

From the dining hall, she saw him peeking at her at the window. Una niyang niluto ang itlog. Wala siyang makitang bread toaster kaya sa kawali nalang niya ito tinusta. Nag-init din siya ng tubig para sa kape.

"Are you a breakfast person? Gusto mo ba ng heavy meal?" she asks as she peeks on the window.

"Ah, no." he answered briefly.

Nang matapos siyang magluto ay dinala ang pagkain sa lamesa. If only her grandmother could see her right now on how she prepares a breakfast. Matutuwa iyon lalo na't gusting-gusto nitong nakikita siya sa kusina na nagluluto.

"Let's eat na," she said.

Naupo ang binata sa dulo, at siya naman ay sa gilid katabi nito. Tahimik silang kumain ng almusal. It was actually awkward dahil sa sobrang tahimik nilang kumakain, pakiramdam niya ay naririnig nito ang nguya niya. Maging ang galaw ng grandfather clock sa foyer ay naririnig niya.

"Thorn..." she said. "This manor...sa parents mo ba ito?" hindi niya makatiis na tanungin.

"Kind of," he shrugs.

Ramdam niyang walang balak mag-elaborate ng kuwento ang binata. He's making an effort to be with her. But he is not making an effort for her to get to know him. Para itong saradong libro na may kandado.

Bumuntong hininga ang dalaga at pinilit na pinasigla ang sarili. She smiles at him as he spoke.

"Will you tour me outside the manor?" she asked beaming.

Tumingin sa kaniya ang binata at tiningnan siya ng baba-taas.

Ano'ng mali sa suot ko? Naisip niya.

Natapos ang almusal na hindi malaman ni Ara kung bakit siya sinuri ng binata. Baka hindi nito gusto ang shorts niya? Pero hindi naman ito sobrang maikli, eh.

"Let's go." Aniya.

Naunang tumayo ang binata at mabilis naman siyang sumunod. Pumunta sila sa foyer saka siya nito hinarap.

"Wait here,"

"Lalabas ba tayo?" tanong niya dahil nasa harap sila ng pinto.

"Mmm, I'll be back."

Naiwan siya at matiyagang naghintay. Wala pang dalawang minuto nang makabalik ito at may dalang black trench coat at mid knee boots. Napakunot-noo siya dahil hindi niya alam kung para saan 'yon. Maging ang binata ay nakasuot din ng duffle coat.

"Malamig ba sa labas?" tanong niya.

"Yes, so wear this."

Sinunod niya ito 'saka niya sinuot ang coat at boots.

Halos mapasinghap siya nang buksan nito ang pintuan. Makulimlim ang panahon na para bang ano mang oras ay uulan. Malamig din na para bang napupuno ng nyebe ang paligid kahit puro tuyong dahon ang nakikita niya sa paligid.

"Nasa Baguio ba 'to?" wala sa sarili niyang tanong.

Giniya siya nito papunta sa gilid ng manor. Halos mayakap niya ang kaniyang sarili dahil sa malamig na klima.

"Thorn..." she said quivering. "Nasa Pilipinas pa ba tayo?"

"Do you prefer outside the country?" he asked oblivious of her joke.

"Hindi naman. Ang lamig kasi. Sana sinabihan mo ako para nakapag-ready ako ng mga damit na panlamig."

Nagulat siya nang kunin nito ang dalawang kamay niya. Pinagsakop nito ang kamay nilang dalawa. Hindi niya mapigilang hindi kiligin. Para bang unti-unti ay mawawalan siya ng hangin sa baga niya.

My heart, oh geez! Piping wika niya.

Yumuko ang binata at marahang hinipan ang kamay niya. It was warm and soothing. Gusto na niyang himatayin dahil pakiramdam niya ay aalpas na ang puso niya sa dibdib niya.

Is this his simple gestures that he likes her? His simple way for her to fall for him? Because it was working. And Ara couldn't deny the fact that she's almost at the cliff, ready to fall and be saved.

Napatulala siya sa binata nang ipinikit nito ang mga mata nito. That moment, she wishes that time could freeze so that she could stare at him for a long moment.

Muling nagmulat ng mata ang binata at seryosong tumitig ito sa kaniya. May gusto itong ipahiwatig na hindi niya alam kung paano babasahin.

"I wish I could kiss you, Araceli," he said almost audible.

Napaawang ang labi niya dahil sa narinig na sinabi ng binata.

"T-Thorn..."

"This isn't right...I shouldn't even be this close to you." Sabi nito na para bang hirap na hirap.

"Gusto mo ba ako, Thorn?" tanong niya.

He was about to open his mouth to answer her question pero agad niya itong pinutol.

"I don't want to know. Please don't tell me...yet." Pakiusap niya.

He beams weakly as he brushed his fingers through her hair.

"Areceli..." he whispers her name. "You don't know how much you've change me."

Kahit kalian ay hindi pa nakaramdam ng ganitong kalakas na atraksyon ang dalaga sa isang lalaki. If anything, he's the one who's changing her. She's ready to change her beliefs just for him. She would give anything, just to be with this guy.

---------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top