CHAPTER XIX
CHAPTER XIX
Madaling araw nang bumalik sila sa mansion. Muli siyang natulog sa silid na ginagamit niya at umidlip dahil hindi naman siya kumportableng nakatulog sa tree house ng binata.
Tanghali na nang magising siya. She took a quick bathe bago bumaba. Dumeretso siya sa kusina para sana magluto pero may nakahain ng pagkain sa mesa. She wondered where Thorn is.
Hindi na niya hinintay pa si Thorn dahil gutom na siya. She was almost finished when she heard his voice. Tumayo siya at pumunta sa living room kung saan pinangagalingan ang boses nito.
Nakita niya itong may kausap na babae. The lady was wearing an all black suit and his hair is black tied to her nape. She was rather familiar to her. Hindi niya lang maalala kung saan.
"...and you're telling me this, why, Zanilla?" she heard him say.
The two are meters apart. Thorn was standing proudly and authoritively and the lady was half bowing.
"I just thought that..." she paused. "We couldn't contact you—"
"I told you not to bother me! Didn't I tell you that?!" he said dangerously.
Pinangilabutan ang dalaga sa nakitang pagtalas ng mga mata ng binata. He was scary. Parang hindi niya ito kilala. There is a dark on him.
Magsasalita pa sana ang babae nang bigla itong napatingin sa kaniya. Maging ang binata ay lumingon sa kaniya at guulat na makita siya.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong nito.
"Hindi naman. Narinig ko lang kasi boses mo kaya hinanap kita." She tried to smile to the lady who is staring at her. "May bisita ka pala."
"She is about to leave." He said with firm.
"Ha? Hindi pa nga 'ata siya kumakain, eh." She turn to the lady and sweetly smiled at her. "Gusto mo bang kumain, miss?"
"Miss Ara..." bahagyang yumuko ang babae. Napakunot noo siya dahil masyado itong magalang sa kaniya.
"Kilala mo ako?" itinuro niya ang sarili.
"Yes, Miss Ara," the lady said without even meeting her eyes.
Tumingin siya kay Thorn. She wanted to meet someone who knows Thorn. Isang patunay na hindi lamang sa imahinasyon niya ang lalaki.
"Can she stay here? May pagkain pa sa mesa."
"Araceli—"
"Kaibigan ka ba ni Thorn?" she said all smiles.
Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtingin ng babae kay Thorn na parang humihingi ng pahintulot sa kung ano man ang sasabihin nito.
"He's my bo—"
"Zanilla is a long time friend." Agad na sagot ni Thorn.
"Really?" excited niyang sabi. "Then can we invite her to eat lunch? Kumain na ako but I can have dessert para masabayan siya."
Hindi agad sumagot ang binata bagkus ay nakatingin lamang ito sa kaniya na para bang tinitimbang ang mga pangyayari.
"Sure. Zanilla can join us for lunch. But after that she'll leave. Right, Zanilla?"
"Of course, Ch—...Thorn."
"Great!" bulalas ni Ara.
Lumapit siya kay Zanilla at hinawakan ang braso nito. She saw her flinched. But she didn't mind. She just wanted to get close to the person she likes.
Hinila niya ang babae papasok sa dining table. Pinaupo niya ito sa gilid at siya naman ay sa harap nito.
Kumuha siya ng prutas sa kusina ay iyon ang kinain niya habang ang babae ay nagsimulang kumain. Pumasok naman si Thorn at naupo sa gitna.
"Kumain ka na rin, Thorn," she said.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito 'saka nagsimula ring kumain.
"Saan ka nakatira, Zanilla?" she said starting a conversation.
"Malapit lang dito," she answered briefly then continued eating.
"Zanilla here, except from being a close friend, she's also one of right hand. I trust her with everything." Sabi ni Thorn.
"Right para saan?" she curiously asked.
Nagulat siya nang biglang tumayo si Zanilla. Maingat nitong pinunasan ang bibig gamit ang table napkin.
"I'll get going. Marami pa akong gagawin," sabi nito at yumuko. "Thank you for the meal, Miss Ara."
"Oh, aalis ka na?" hindi niya mapigilang hindi malungkot.
"Yes, Miss Ara." The lady beamed at her. "It was nice meeting you."
"Ihahatid na kita palabas," sabi ni Thorn na tumayo rin.
Sumunod siya sa dalawa nang lumabas ito sa dining room. Nakita niyang nakatayo sa foyer si Thorn habang hinatid lamang nito ng tingin palabas si Zanilla.
Lumingon ang binata sa kinatatayuan niya as if he was expeting her to be there.
"Pack your bags. We're going home."
"Agad?" disappointed niyang sabi.
"We don't have reasons to stay here any longer. I'll wait for in the living room after an hour."
Sumikdo ang puso niya.
No. She doesn't want to go home. At naiinis siya sa trato nito sa kaniya ngayon. Kahapon lang ay halos matunaw na ang puso niya sa pagiging maginoo nito pero ngayon...
"G-gusto pa kitang makasama," she murmured.
"Araceli..."
"Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita kasi sabi mo mawawala ka ng matagal." Naramdaman niyang nanunubig ang mga mata niya.
"Babalik naman ako—"
"Anong rason bakit ka babalik pa? Anong panghahawakan ko sa'yo para maghintay ako? Ni hindi ko alam ang estado ko sa buhay mo. Para akong karayom na pilit na pumapasok sa sarili mong mundo. Oo kasama kita pero ang hirap tibagin ng bakod na ipinaikot mo sa sarili mo. I wanted to know you more. I wanted to get to know the person who makes my heart flutter. I wanted to know what kind of person does the man who makes me nervous at the same time excited."
Napahawak siya sa dibdib niya at itinuro ang puso niya.
"Gusto ka nito, alam mo ba 'yon? Hindi mo alam kung ilang beses kong pinigilan ito pero pinangungunahan ako. Hindi dapat kita magustuhan, eh. You're cold, mysterious, and you're not even charming. Pero wala, eh. I was so drawn to you!"
Malalaking hakbang ang nilakad ng binata para lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tinitigan siya sa mga mata.
Natameme siya. Biglang nawala ang tapang niya. She wanted to melt. Did she just make the first move? Ugh! Nakakahiya ka talaga, Ara!
What he did next astounded her. He claimed her lips to devour. Wala sa sariling napahawak siya sa braso nito. Nanatiling sarado ang labi niya. Ni hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga halik nito. She was never been kissed...or atleast in reality.
Humiwalay sa kaniya ang binata at pinanlalakihang mga mata na nakatitig lamang siya rito.
Umatras siya. Hindi niya alam ang gagawin. So she did what's she thinks is best.
Run.
***
Inilagay niya ang ilang gamit niya pabalik sa maleta niya. Her instinct tells her to run. At ngayon ay hiyang-hiya siya sa binata. Gustong-gusto niyang iumpog ang ulo sa pader.
Ano ba kasi ang naisipan niya at umamin siyang gusto niya ito? Pero atleast hindi siya nito binasted. Hindi man nito sinabing gusto rin siya nito...well, atleast hindi ito nagsalita. Dahil wala na siyang ihaharap kung malalaman niyang hindi siya nito gusto.
And the kiss.
Ugh.
Why on earth did he kiss her? To shup her up? Sana talaga ay lamunin na siya ng sahig at pag-gising niya ay nakabalik na siyang bahay nila.
Lumabas siyang kuwarto hila ang maleta. Nang bumaba siya papunta sa foyer at nakita niy itong naghihintay sa labas ng porch.
Agad siyang nag-iba ng tingin. Derederetso siyang lumabas at hindi ito pinansin. Tumungo siya papunta sa sasakyan nito at inilgay ang maleta sa trunk na kanina pa nakabukas. Nakalagay na rin doon ang gamit ng binata.
Nakita niyang ni-lock ng binata ang pinto ng Manor bago ito bumaba.
Siya naman ay agad na sumakay sa passenger seat sa harapan. Kinuha niya niya ang earphone at isinaksak sa tainga niya. She played a loud party song 'saka inihilig ang ulo sa may bintana. She closed her eyes and pretended sleeping.
What a great way to escape an awkward moment, Araceli.
Naramdaman niyang umuga ang sasakyan. Hanggang sa umandar ito.
Hanggang kailan siya magpapanggap na natutulog? Hindi niya alam kung gaano kahaba ang biyahe dahil noong pumunta sila rito ay madilim na at totoong nakatulog siya.
Wala pang sampung minuto nang biglang nag-warning ang phone. Pa-lowbat na ito.
"Shiz." Pabulong niya.
Ten minutes had passed and her phone made a warning sound again. Hanggang sa tuluyan na itong namatay.
She opened her eyes and straighten up from her seat. Pababa na ang daan na tinatahak nila kaya mabagal ang pagmaneho ng binata. Gusto man niyang umidlip, eh, hindi naman siya dinadalaw ng antok.
Seconds turn to minutes; minutes turn to hours. Hanggang sa nakarating silang national road. Naging mabilis ang pag drive ni Thorn. Nagsisimula na ring magdilim.
From her peripheral, nakita niyang pasulyap-sulyap sa kaniya ang binata. Halatang may gusto itong sabihin.
"Ahm... Thorn, puwede bang ihatid mo na lang ako sa terminal ng traysikel pauwi sa amin? Magtatanong kasi ang pamilya ko kapag nakita nilang may naghatid sa akin." Sabi niya.
"If that's what you." He said quietly.
Hindi niya mapigilang hindi masaktan. There goes again. Being the cold man she knew. Parang kahapon lang ay hulog na hulog na siya sa mga simpleng sinasabi nito. Pero ngayon...
It was already six-thirty when he dropped her to the terminal. Doon ay naghintay siyang mapuno ang traysikel na sinasakyan niya. Fifteen minutes lang ang biyahe patungo sa mansion ng mga Felices.
Nang makarating ay agad siyang pumasok sa malaking gate. Nakita niya ang pick-up truck ng Kuya Mason niya na naka-parada sa harap ng bahay nila. Nagtataka rin siyang may may lumabas na barangay tanod sa main door at kasunod no'n ay ang Ama niya.
"Papa..."
Parehong lumingon ang ama niya at ang kasamang tanod. Mas lalo siyang nagtaka nang biglang nagdilim ang mukha nito na makita siya.
"Saan ka galing, Ara?!" seryosong wika nito.
"P-Pa... alam mo naman na sa seminar ako—"
"Sinungaling!" mabilis na putol nito sa kaniya.
"Mauuna na po ako, Mr. Felices." Singit ng tanod na mabilis na umalis.
Biglang napuno ng kaba ang dibdib ng dalaga. Hindi kaya nalaman ng ama ang totoo?
"Pumasok ka sa loob at mag-uusap tayo!" galit pa rin nitong sabi.
Mabilis niyang hinila ang maleta papasok ng bahay. Dumeretso siya sa salas. Doon ay naghihintay sa kaniya ang Ina, ang tita Belen niya, at ang kaniyang Kuya Mason. Naramdaman niya ang pagpapawis ng kamay niya kaya mahigpit siyang napakumos sa handle ng maleta.
Lahat sila, maliban sa lola niya na wala sa salas, ay nakatingin sa kaniya nang mapanghusga. She knew, nabuking siya ng mga 'to na hindi seminar ang pinuntahan niya.
"Umamin ka nga sa amin, anak," panimula ng kaniyang Ina. "Saan ka ba talaga nagpunta?"
"Mama..." bulong niya.
"Umamin ka na lang, Ara, para matapos na ito." Sabi ng Kuya niya but she remained silent.
"You dare lie to this family, Ara? Ganoon ba ang pagpapalaki naming sa'yo?!" her father said suppressing his anger.
"Kuya, let Ara explain herself," she heard her Tita Belen said.
"You told us that you're going to a seminar, Ara!"
"Papa, I'm sorry—"
"Saan ka galing?! Sino ang kasama mo?!" nagtitimpi nitong tanong.
"Sa semi—"
Malakas na hinampas ng ama niya ang ang pader. She could see how angry he was. Alam niyang ang pinaka-ayaw ng ama niya ay ang nagsisinungaling.
"Pinaamin namin ang isa sa mga katrabaho mo and she said that you weren't sent for a seminar!" ani ng kaniyang ama. "And I'm totally disappointed with your friend Jecca dahil kinukunsinti niya ang kasinungalingan mo!"
"Papa, don't be mad at Jecca. Wala siyang alam dito."
Nakita niyang lumapit ang mama niya sa papa niya at pinipigilan ito. She's afraid, too. May sakit sa puso ang papa niya. And she won't forgive herself kapag may nangyaring masama rito.
"Ako na ang kakausap sa anak natin, Aro," her mama said to her father. Tumingin sa kaniya ang kaniyang mama at ngumiti ng tipid. "Go to your room, Ara. Magpahinga ka na muna."
Tumango lamang siya at mabilis na naglakad papunta sa hagdan. Nang makaakyat siya ay narinig niyang nag-uusap ang mga 'to kaya bahagya siyang tumigil.
"Why didn't you let me discipline our daughter?" her father said.
"I don't want you to say something that you'll regret after. Hayan mo na muna ang anak mo."
"Nagiging suwail na anak mo simula nang magtrabaho siya sa kumpanyang 'yon!"
Napabuntong-hininga siya saka dumeretso papasok sa silid niya.
She could feel her guilt slowly eating her up alive. Hindi na dapat siya nagsinungaling.
But you said it's worth it, right, Ara? Her other conscience telling her.
Sumalampak siya sa higaan niyaat mariing napapikit.
Balewala sa kaniya ang galit ngayon ng pamilya dahil mas naiisip niya ngayon ay ang binata.
He kissed her without answering her unplanned confession.
Halos masabunutan niya ang sarili nang maalala muli ang mga pangyayari.
"Why did I even confessed?" she said to herself.
***
Mahimbing na natutulog ang dalaga nang bigla siyang nagising. Na para bang may yumugyog sa kaniya. She glanced at her clock and it was just 3:29 A.M. Sa bintana niya ay nakita niyang may nagpapa-ilaw ng flashlight kaya bumangon siya para tingnan ito.
Nagtago siya sa may kurtina habang nakasilip. There, she saw a familiar car. The man who caused her heart flutter, leaning against the hood of the car while holding a flashlight.
"Thorn." Bulong niya.
Biglang may sumikdo sa puso niya. Why is he here? Akala niya ay aalis 'to? Ano ang ginagawa nito sa harap ng bahay nila sa ganitong oras?
Lumingon ang binata sa gawi niya. Their eyes locked. Alam niyang gusto siya nitong makausap kaya agad niyang kinuha ang makapal na roba sa closet niya.
She tip toed as she walked barehood to the cold marbled floor. Halos liparin niya ang grand staircase pababa sa salas. Sa likod ng kusina siya dumaan dahil walang ingay ang pinto nito kapag binubuksan.
Nang makalabas ay tumakbo siya papunta sa pangalawang gate nila kung saan maliit lamang. Sobrang ingat na hindi siya gumawa ng ingay para hindi magising ang tao sa loob.
"Thorn..." she said almost whispering his name. "What are you doing here?"
"I came to see you. I can't bear to leave without letting you know what that kisses means."
Naramdaman niyang uminit ang pisngi niya. Bakit ba kailangan ipaalala muli ng binata ang halik na iyon.
Lumapit sa kaniya ang binata at hinawakan ang kanang kamay niya.
"All my life, I was certain about the things I've chosen for me. I felt like my whole existence revolves around a loop. Then you came into the picture and you..." he trail and come closely to her. "You've change me so damn much, Araceli. And you don't know how bad it could get for me."
She didn't say anything. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung pasasaan ba ang gusting sabihin ng binata.
"I'll be gone for a while. I don't know when I'll be back so I don't want you to wait for me, Araceli."
She stilled for a moment then stared at him confusedly.
"T-Thorn..."
"There are things I wish I could tell you. And believe me, you will surely hate me for that so I'd rather keep you in the dark."
Lalong lumalakas ang kaba sa dibdib niya.
"A-are you..." she tried to laugh but failed miserably. "Para ka namang hindi na babalik niyan, eh."
"Babalik ako. Para sa'yo babalik ako. But there are things I can't control..."
"Such as?" she asked.
"Your feelings."
"My feelings? Kanina lang—I mean, kahapon lang halos aminin ko na sa'yo na gusto kita. Hindi k aba naniniwala sa akin?" mag pagtatampong sabi niya.
"I believe you but..."
"But?"
"I'm afraid I'm not worthy of your feelings. Mawawala ako ng matagal at hindi ko alam ang mga mangyayari sa'yo. Puwede kang may malaman tungkol sa akin... and you could hate me for that."
"Hindi mo pa talaga ako kilala, Thorn," seryosong wika niya. "I don't easily judge someone. Kung ano man ang nakaraan mo, I will gladly accept that."
"You're just saying that because you don't know anything."
"I have secrets too. Puwede ko rin iyon sabihin sa'yo. Then you could tell me yours then we can—"
"Araceli..."
"Thorn naman, eh."
Nakita niya itong ipinikit ng mariin ang mga mata. Then he heave a heavy sigh before locking his eyes unto her.
"I have sacrifice so much so that I could kiss you. The pain could be excruciating but it was worth it."
Naguguluhang napatingin siya sa sinabi ng binata. Sinasabi ba nitong nasaktan siya nang halikan siya nito?
"Go back inside, Araceli. Gising na ang lola mo."
"Ha?" kahit naguguluhan pa rin ay lumingon siya sa bahay nila. Naka-on na ang kuwarto ng lola niya.
"Baka makita ka pa nila rito sa labas."
"It's just my lola Soledad. Hindi naman siya lalabas ng kuwarto niya. Magdadasal lang siya at—"
"Then I have to leave."
Ginawaran siya nito ng halik sa kamay bago Tumalikod at sumakay sa sasakyan nito.
"Go inside," he said as he peaked to the open window.
Mabigat sa loob na sumunod siya sa binata. Kailan ito babalik? Next week? Next month? Next year?
Could she wait that long?
***
He could feel his body flinch everytime the seer tries to heal his burn on his back. Mas lalo itong sumasakit kapag pinapatakan nito ng kulay pulang likido.
"I told you not to use your human form when trying to be intimate with someone, Chief." He heard her say. He just hissed.
"Just finish your goddamn job, Keira!" he said pissed.
"But who's the worthy being who have caused these burns?" she asked. He knew she knew who that being is. She just wanted him to hear it from his own mouth.
"That's no longer your concern!" he roared in anger.
"Hmm..." she hummed. "Did you kiss the future carrier of your heir, Chief? Based from the burns--"
He threw everything that could reach his hand then glared at the seer perilously.
"If you want your soul intact, I suggest you shut your mouth and do your job quietly!"
The seer stoop her head before apologizing.
Kahit masakit pa ang sugat sa likod ay isinuot na niya ang kaniyang damit.
"Summon Zanilla. We're going underground." He said before dissing Keira.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top